Share

Chapter 5 Kapalit

JESSIE:

NAPABALIKWAS AKO na magising at nasa magarang silid!?

Napakusot-kusot ako ng mga mata dahil baka nananaginip lang ako. Napakurot ako sa hita ko at impit na napadaing na maramdamang nasaktan ako. Hindi ako nagha-halucinate. Lalong-lalong hindi ako....

nananaginip!?

"Nasaan ako?" piping usal ko.

Napalinga-linga ako sa kabuoan ng silid pero hindi talaga ito pamilyar sa akin. Imposible namang nasa mansion ako nila Marcus? Lahat ng silid doon ay napuntahan ko na kaya napaka-imposible na kina Marcus ito.

Napalingon ako sa may pinto nang bumukas 'yon at niluwal ang isang pamilyar na babae. Isang supistikadang babae na puno ng alahas na suot. Mula sa relo, bracelet, necklace, earings. Doble-doble pa nga ang suot nitong alahas. Maging lahat ng daliri nito sa kamay ay may mga suot na singsing na kumikinang.

"How are you, anak? Nagugutom na ba ang prinsesa ko, hmm?" malambing tanong nito na naupo sa tabi ko.

Napatitig lang ako dito na walang kaemo-emosyon ang mga mata.

"What am I doing here? Bakit ako nasabpoder mo?" inis kong sagot.

Napahalukipkip akong sumandal ng headboard ng kama. Napahinga pa ito ng malalim na matamang nakatitig sa akin.

"Hija, wala na ang Tatay Darwin mo, kaya magmula ngayon? Hindi na ikaw si Jessie Abigail Gonzalez, kundi si Jessica Harris. Do you understand?" napatameme ako na paulit-ulit nire-replay sa isip ang sinaad nito.

"Do you understand?" untag nito sa pagkakatulala ko.

Napailing-iling akong tumulo ang luha.

"Hindi! Hindi pa patay ang Tatay ko! Sinungaling ka!" bulyaw ko na tinulak-tulak ito pero nanatili lang itong nakaupo sa gilid ng kama.

"Enough, Jessica! Hwag mo akong ginagalit, bata ka!" bulyaw na nito ng makailang beses kong nakalmot sa kanyang braso at leeg.

Napahikbi akong sinasamaan ito ng tingin na nakatayo na at nakapamewang sa harap ko.

"I'm not Jessica! I'm Jessie! You're getting worst! Patay na si Jessica! Ako si Jessie!" sigaw ko na pinagbabato ito ng unan.

Maya pa'y napahalakhak itong napailing at bigla akong kinabig sa batok na inilapit sa mukha nito.

"Well, from now on. Patay na si Jessie kasama ang ama nitong isang hamak na family driver lang! Ang lalabas sa publiko? Si Jessica Harris na anak ng isang tanyag na negosyante mula sa England. Hwag ka ng magmatigas, Jessie, patay na....ang Tatay Darwin mo," madiing asik nito na nagngingitngit ang mga ngipin.

Umiling-iling akong malakas itong itinulak. Akmang lalabas na ako ng silid nang buksan nito ang malaking flat screen tv na nakasabit sa dingding.

"Breaking news, isang black BMW na pag-aari ng isang tanyag na negosyante ng bansa mula sa angkan ng pamilya Montereal, nagkayupi-yupi sa pagsalpok nito sa isang truck. Napag-alamang ang sakay nito ang mag-amang nakilalang si Darwin Gonzalez at anak nitong anim na taong gulang na si Jessie Abigail Gonzalez ay dineklarang dead on arrival sa pinagdalhang hospital!"

Nanigas akong nangatog ang mga tuhod sa narinig sa balita. Kita pa doon ang kotse na minamaneho ni Tatay na nagkanda-yupi-yupi nga at ang pagtutulungan ng mga tao para mailabas ang dalawang katawan sa loob nito.

Napasapo ako sa ulo. Nanghihinang napalupasay sa sahig sa kaalamang....

wala na nga si Tatay!!

"See? I told you, wala na ang hampaslupang ama mo, Jessie. Hwag ka ng magmatigas dahil wala ka ng mapupuntahan!" singhal nito.

Sinamaan ko ito ng tingin na nagpahid ng luha at buong lakas itinayo ang nangangatog kong mga tuhod!

"Meron! At mas gugustuhin kong maging palaboy sa kalye, kaysa makasama ka!" sigaw ko na akmang pipihitin ang doorknob pero hindi ko mabuksan!

Napahalakhak lang naman ito.

"Hindi ka makakalabas ng silid na 'to, Jessie. Hanggang hindi mo tinatanggap ang bago mong katauhan."

Napapihit ako dito na nanlilisik ang mga mata! Gusto kong makita si Tatay. Gusto kong ipaalam kay Marcus na buhay ako. Buhay pa ako. Nakakatiyak naman akong aampunin ako nila Tita Moira kapag malaman lang nilang buhay pa ako.

"Napakasama mo!" tumawa lang ito na napailing.

"Yan pa ba ang isusumbat mo sa akin, hija? Bibigyan kita ng marangyang buhay at ito pa ang isusumbat mo sa akin?" natahimik ako pero nanatiling matalim ang mga mata ko dito.

"S-Sino 'yong bata na kasama ni Tatay?" nauutal kong tanong nang maalala ang isang katawan na nakita doon sa sasakyan at iniisip na ako.

"Hmm...sabihin na nating, isang impostor," balewalang saad nito.

Napapakibot ang nguso habang napapapilantik ng mga daliring tinititigan ang mga singsing niya doon.

"Ano?" tumaas ang kilay nitong nagpamewang na ikinalunok ko.

"Sabi ko, impostor. The truth is, akala ng Tatay mo ikaw 'yong batang nakasakay na sa kotse. Ang hindi niya alam? Ibang bata lang 'yon na napulot namin sa gilid ng kalsada. Isang palaboy na walang makain, matirhan, walang magulang. Nakita mo na kung anong nangyari sa kanya? Ganon mo ba gustong mabuhay, Jessie?" kinikilabutan ako sa sinaad nito.

Nakataas pa rin ang kilay nito na nakamata sa akin.

"Hwag ka ng magmatigas. Hindi kita hihigpitan pero isang maling galaw mo lang? Tapos ang kalayaan mong ipagkakaloob ko sayo. Pag-isipan mong maigi, Jessie. Pangalan mo lang naman ang babaguhin natin. Malaya kang mamuhay katulad ng iba, ang kaibahan lang ngayon? Isa kang.....heredera," napalunok akong napipilan sa mga sinaad nito.

Humalik pa ito sa pisngi ko na matamis na ngumiti sa akin bago lumabas ng pinto. Lutang akong napabalik ng kama at inuusisa ang mga nangyari. Pero muling nanikip ang dibdib ko na maalalang wala na si Tatay Darwin.

Napayakap ako sa unan na napahagulhol. Iniisip na rin ng lahat na wala na ako. Paano ako makakatakas dito? Ni hindi ko alam kung nasaan ako? Hindi ko naman kabisado ang number ni Marcus para makahingi ng tulong dito.

Natatakot din ako na tumakas dahil baka sapitin ko rin ang sinapit ng batang ipinalit sa akin na basta na lang nadampot nila Nanay sa kalsada.

Napakasama niyang ina. Iniwanan niya kami ni Tatay ng walang-wala at sumama kung kani-kaninong lalake para umunlad ang buhay. At ngayong malaki na ako at may maayos at masayang pamumuhay sa piling ni Tatay ay manggugulo siya? Kukunin na lang ako basta?

ILANG ARAW DIN akong nakakulong sa kwarto. Kaya wala na akong pamimilian kundi tanggapin ang offer ni Nanay. Kapag nakuha ko na ang tiwala nila, saka ako hihingi ng tulong sa pamilya Montereal. Wala na rin naman akong magagawa, patay na si Tatay Darwin.

"Nasaan ang nanay ko?" taaskilay kong tanong sa maid na laging nagdadala ng pagkain ko.

Para na nga akong biik dito na kain, tulog ang ginagawa. Kahit panliligo ay paliliguan ako ng maid na siyang umaasikaso sa akin lagi. Binabantayan din ako nito kapag may dalang pagkain dahil sinisigurado niyang kumakain ako.

Napangiti itong naupo sa gilid ng kama habang kumakain ako ng prutas na dala nitong snack ko.

"Pumapayag ka na ba, señorita? Ang sabi kasi ni señora, hindi ka niya pupuntahan dito hangga't hindi ka pumapayag sa kasunduan niyo." Maalumanay nitong saad.

Napahinga ako ng malalim na napatitig sa tinuhog kong apple. Gusto ko na ring makalabas sa silid na 'to.

"Oo," walang ganang sagot kong ikinatili nito na bigla akong niyakap.

"Bitaw nga," pagsusungit ko.

Napangiwi naman itong bumitaw na nagniningning ang mga mata. Bakas doon na masayang-masaya ito sa pagpayag ko.

"Tatawagin ko na si señora, señorita." Pamamaalam nito na hindi ko na sinagot at nagpatuloy na lamang sa pagkain ko.

Saglit lang at bumukas muli ang pinto. Hindi ko siya nilingon. Bakit pa? Alam ko namang si nanay ang pumasok sa pamilyar niyang prehens'ya at pabango na agad kong nakabisa.

"Is it true, hija? Pumapayag ka na?" bakas sa tono nito ang saya.

Tumango lang ako na hindi ito tinitignan dahil nakamata naman ito sa akin na naupo sa gilid ng kama. Napahaplos ito sa ulo kong hinayaan ko lang at sa pagkain ang attention.

"A'right, from now on? Hindi na ikaw si Jessie kundi si Jessica. Hindi mo rin pwedeng ipaalam sa iba ang totoong katauhan mo higit sa lahat? Kalimutan mo na ang mga taong nakasalamuha mo dati. Malinaw ba, Jessica?" napaismid na lamang ako.

"Opo."

"Lakasan mo."

"Opo."

Mas nilakasan ko pa ang boses. Napangiti itong tumango-tango habang haplos pa rin ako sa ulo.

"Very good, hija. Hwag kang gagawa ng ikakasira ng usapan natin, Jessica. Kung ayaw mong....parusahan kita," napalunok akong matapang sinalubong ang mga mata nito.

"Fine. I'm Jessica Harris from now on, pero kapalit nito....ang kalayaan ko," ngumiti lang itong tumango.

Kita sa mga mata nitong napakasaya nito sa pagpayag kong mabubuhay ako sa katauhan ng namayapang kakambal ko. Si Ate Jessica. Ang sanggol na tinangay nito pero napabayaan dahil kung kani-kanino nito ipinapaalaga noon para makapagliwaliw kasama ang mga lalake nito.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status