Share

Chapter 6 Trip

15 YEARS LATER__MARCUS:

PANAY ANG PAG-CHEER sa akin ng mga classmate ko habang naghahanda na kaming mga atleta sa pag-dive dito sa malawak na pool ng university namin. Kailangan kong matalo ang huling records ko at ako muli ang magre-represent ng school namin sa international swimming competition na gaganapin sa England.

Naghanda na kaming mag-dive nang pumito na ang coach namin at mabilis tumalon ng pool pagka-tunog ng pito nito. Napapailing na lamang ako dahil 'di hamak namang mas mabilis at maliksi ako sa lahat ng kalaban ko. Kaya nga kampante ang mga classmates at mga professor kong ako ulit ang magri-represent ng school namin. Ang Del Prado's University.

Hinihingal akong umahon na agad inabutan ako ni Denzel Castañeda ng towel dahil hindi na magkandamayaw ang mga kababaihan sa pagtili at pagsigaw ng pangalan ko lalo na't...naka-trunks lang ako.

"Iba talaga pag gwapo eh, hmm?" natatawang tudyo nito na inakbayan ako.

Napiling na lamang akong kumaway sa mga itong lalong napapairit sa akin. Sunod-sunod ang pagbati ng mga ito dahil ako pa rin naman ang nanguna at automatic na tatanghaling magre-represent ng school sa England.

Excited na tuloy akong makapagliwaliw. Ang Mommy Moi naman kasi. Sa aming anim sa akin siya pinakamahigpit. Sa edad ko na bente ay kontrolado niya pa rin ako. Kaya hindi na ako makapaghintay mailipat ng England para doon mag-ensayo.

Fvck! Dalawang buwan din 'yon! Dalawang buwan akong malaya kay Mommy! Sobrang saya! Magagawa ko na ang mga gusto ko!

"Isama mo naman ako, dude!" napabalik ang ulirat ko sa untag nito na tinapik ako sa balikat.

Saka ko lang napansing nasa locker's room na pala kami at nagbibihis na ako.

"Hindi naman ako magbabakasyon don," natatawang saad ko.

Nakakatuwa lang na may pahinga naman ako sa weekend kaya malaya akong maglibot-libot doon kapag wala akong ensayo.

"Sige na, isama mo na ako. Akong bahala sa expenses ko. Basta ipaalam mo ako kay Mommy na magkasama tayong ipapadala sa England," ungot pa nito sa nakikiusap na tono.

Napataas kilay ako ditong nagpamewang.

"Sira ka ba? Kung hindi ako tustahin ni Mommy kapag nalaman nilang pinuslit kita," napakamot ito sa batok na napapanguso.

Kita ang disappointment sa mukha nitong parang maiiyak na. Katulad ko ay mahigpit din ang Mommy ni Denzel sa kanya.

Paano? Syempre magkumare sila ni Mommy Moi kaya magkasundo sa paghihigpit sa aming mga bunso nila. Keso may mga gatas pa raw kami sa mga labi kaya babies pa lang nila kami tsk. Pwedeng-pwede na nga kaming gumawa ng baby eh.

"Sige na nga," nagliwanag ang mukha nito na namimilog ang mga mata.

"Malungkot din magbakasyon kung walang kaibigang kasama," napatalon itong napasuntok sa ere sa sinaad ko.

"YES!! Salamat, dude! Akala ko iiwanan mo na talaga ako eh!" masiglang bulalas nito.

Napapailing na lamang akong inakbayan itong naluha pa sa sobrang saya niyang makapagliwaliw din.

NAPAPANGISI AKO sa loob-loob ko habang pasimpleng nakikinig sa pakikipag-uusap ng coach ko kay Mommy at Daddy para ipaalam ako sa dalawang buwan kong pagtungo sa England at doon mag-ensayo, kasama ang iba pang athletes din tulad ko na lalaban international.

"Anong meron?"

"Shhh?"

Wgad kong tinakpan ang bibig ni Kuya Angelo na nakiusyoso rin sa mga nag-uusap sa sala habang kami'y nakakubli dito sa pinto. Hinila ko na ito sa kusina nang makitang tapos na sila Mommy at Daddy makipag-usap kay coach. Dinig ko pang ayaw ni Mommy pero si Daddy ay pumayag kaya wala ng nagawa si Mommy!

"Ang saya natin ah, kunsabagay, ngayon ka pa nga lang naman makakapag-travel abroad na hindi kasama si Mommy para padedehin ka," natatawang tudyo nitong ikinamilog ng mga mata ko.

Natatawa naman itong dumistansya sa akin na pinaniningkitan ito. Halos magkasingtangkad na kami ni Kuya Angelo. Mas malaki nga lang ang pangangatawan nito kumpara sa akin. Syempre nag-gy-gym 'to, eh ako? Wala. Bantay sarado kay Mommy. Hanggang eskwela at bahay lang ako.

"Tss. Hindi na nga ako makapaghintay umalis, Kuya," nakangising saad ko. Napailing lang naman ito.

"Hwag kang masyadong magsaya, Marcus. Alam mo naman si Mommy. Kapag ginusto? Gagawa ng paraan," pagpapaalala nito.

Napanguso akong naupo na sa silya. Tama naman siya. Ang kulit kasi ni Mommy. Hanggang ngayon nga hatid sundo niya pa rin ako sa school para lang ma-monitor ang kilos ko. At syempre bawal pa daw akong mag-girlfriend, fvck!

NGSB tuloy ang tao. Ni wala pa akong nahahalikan o nayayakap na ibang babae. Kahit makipag-date ay hindi ko pa naranasan dahil kay Mommy.

"Pero...." napalingon ako dito.

"Papunta rin ako sa England next week para bisitahin ang coffeeshop kong bagong bukas doon. Baka magkita pa tayo don bunso," kindat nito.

"Talaga, Kuya? Magtatagal ka ba doon? Ilibre mo ako ah. Ipasyal mo din ako doon!" bulalas ko!

Tumango-tango itong ikinalapad lalo ng ngiti ko pero agad napalis nang papasok na sila Mommy at Daddy ng dining. Nakabusangot pa rin si Mommy na inaalo ni Daddy. Mukhang ayaw pa rin akong payagang bumyahe mag-isa. haist.

Padabog itong naupo sa upuan nito. Tahimik naman kami ni Kuya dahil kahit naman ito ay napapasunod pa rin kay Mommy. Lahat kami to be exact. Napahinga si Daddy ng malalim kaya napatuwid na ako ng upo.

"Marcus, kaya mo naman, 'di ba?" ani Daddy na mabilis kong ikinatango-tango.

"Opo, Dad! Saka kasama ko naman doon si Denzel eh, hindi po ako mag-iisa. Marami din po akong makakasama sa dorm na kapwa ko atleta mula sa iba't-ibang bansa kaya wala po kayong dapat ipag-alala" masiglang saad ko.

Napatango-tango at ngiti si Daddy maliban kay Mommy na pinaniningkitan ako at nakabusangot sa akin.

"Hehe....Mommy dalawang buwan lang 'yon, babalik din naman ako. Pangako po, magbi-behave ako doon at pagbubutihin ang ensayo ko. Hindi ba kayo masayang i-represent ko ang bansa natin? Pangako po gagalingan ko," pangungumbinsi ko na pinalambing ang tono at matamis na ngumiti dito.

"Moi, pagbigyan mo na ang bunso mo. Hindi mo ba nakikita kung gaano siya kasaya? Saka pangarap niya 'yan. Ang makilala sa bansa sa husay at talento niya sa larangan ng paglangoy," ani Daddy na hinawakan sa kamay si Mommy.

Pasimple naman ako nitong sinenyasan na lapitan ko si Mommy kaya tumayo na ako at niyakap ito mula sa likod habang nakaupo ito at pinaghahalikan sa kanyang ulo.

"Mommy, hwag ka nang magtampo. I'll make you two, proud po. Sisiguraduhin ko na mag-uuwi ako ng medalya," paglalambing ko.

"Hindi ka makikipagharutan don?" nagdududang tanong nito na ikinangisi ko.

"Hindi po. Hindi ko naman ugali 'yon, Mommy" pigil-pigil ang ngiti namin nila Daddy at Kuya habang nilalambing ko si Mommy.

"Baka naman pagbalik mo may dala kang amerikanang hilaw na nabundat mo?" pasaring nito.

Napahagikhik ako maging sila Daddy at Kuya kaya nakatikim ako ng kurot ni Mommy na pinong-pino. Tipong parang natapyasan ang balat mo sa pino at diin niyang kumurot.

"Aaww, Mommy naman magkakapasa ako," reklamong d***g ko na mas niyakap ito at pinaghahalikan sa ulo.

"Marcus, huh? Ayoko pa ng apo," pagpapaalala pa nito.

Napangisi ako. Ang sarap niyang regaluhan ng apo haha!

Kung hindi ako ipadala nito sa kabilang planeta kapag nakabuntis nga ako ng kay aga-aga. Fvck!

"Opo, Mommy. Baby niyo pa lang ako, wala pa akong plano sa mga ganyang bagay."

Nasamid naman sila Daddy at Kuya na pinaningkitan ko na sunod-sunod napapaubo. Napapakamot pa sila sa batok na pigil-pigil ang sariling mapangiti.

"Fine. Tatawagan din naman kita araw-araw to check you," sumusukong sang-ayon nitong ikinahiyaw naming tatlo nila Daddy at Kuya!

"Yown! Thank you, Mommy! Ang bait talaga ng Mommy ko, ang ganda-ganda pa!" masiglang bulalas kong ikinatawa na rin nito na pinupog pa ako ng halik sa mukha!

Kahit labi ko walang kawala fvck! Baby'ng-baby ang dating ko talaga sa kanya!

"I love you, my gorgeous Mommy!"

"I love you more, my handsome baby Marcus," lambing din nitong ikinaubo na naman nila Kuya at Daddy.

"May tibi ba kayo, huh? Kanina pa kayo ubo nang ubo!" pagmamalditang baling nito kay Kuya at Daddy na napatikhim at nag-iwas ng tingin kay Mommy.

Napakalapad ng ngiti kong bumalik ng upuan ko para makapaghapunan kami. Hindi na ako makapaghintay para bukas. Shit! Makakalaya din kay Mommy!

Ang saya!

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status