Dulot ng pagtitinginan ng bawat isa, namayani ang katahimikan. Ngunit ang ngitngit sa loob niya ay nangibabaw na naman. Palihim na napakuyom ang kamao niya sa kaniyang damit at mariing huminga nang malalim nang maramdaman na humahakbang palapit si Ace.
"I'll break up with Avery for you, if you want to be my girlfriend, just say yes," anito na talagang nagpainit sa tenga niya.Napapikit siya. Mahinahon ang pagkasabi nito, pero ramdam na ramdam niya ang yabang. Tumayo na ito sa harapan niya at nakapamulsa na naman. Naiinis siya rito pero mas naiinis siya sa sarili niyang nagugustuhan niya ang porma at amoy nito. Naka-tuxedo na grey at dahil sa kaputian nito, talagang napakalinis nito tingnan, napaka-gwapo pero nakakainis.Tumikhim lang si Celestia, na tila sasaway sana pero agad siyang nagsalita matapos ang ilang beses na buntong-hinininga, "Stop playing with my sister's feelings if you don't love her, Ace."Tumaas ang sulok ng labi nito and say, "So that's your reason for me to break up with her and make you my girlfriend? You don't want me to play with her feelings and sacrifice your feelings for her kasi ang tingin mo pinaglalaruan ko lang siya at ganoon talaga ako?"She scoffed, naramdaman niyang tumayo si Natalie. "Sacrifice my feelings? With you?" Pinasadahan niya ito ng tingin taas-baba. Dahil sa ginawa niya tumaas din ang kilay nito na parang nagsasabi na imposibleng walang siyang feelings para rito dahil maliban sa gwapo ito, mayaman pa at nagpatuloy siya, "Hindi kita gusto, Ace. Hindi ikaw ang lalaking tipo ko. Gwapo ka?"Tinaas niya ang kamay niya mula sa balikat nito pababa na tumutukoy sa aura nito at dumugtong, "Yes! Mayaman ka? Yes! Tagapagmana pa nga, imagine that Sansmith Innovation." She smirked. "Sa'yo iyon eh, pati ang RoboGenix, HealthLab, lahat sa'yo, basta belong sa Sansmith."Gumuhit sa mukha nito ang pagiging proud. She added, "Sa pagkakaalam ko, nagte-train ka na nga bilang kasunod na CEO ng kompanya niyo. If you are the father of my firstborn, my child will be lucky."Tumango-tango ito at tinuro ang mukha niya sabay sabing, "Exactly! And your child's luck is yours too. Your child's father? Gwapo..."Tumaas ang kilay niya. Nagpatuloy ito, "Mabango..." Sarkastiko siyang tumango. "Mayaman, CEO, lahat ng gusto mo makukuha mo sa akin, saan ka pa?"Narinig niyang natawa si Natalie. Nakatalikod siya rito at nai-imagine niya kung paano ito umirap sa eri.Agad siyang sumagot ng, "Pero hindi kita gusto." Sarkastiko siyang ngumisi, at nag-cross pa ng mga braso.Tumikom ang bibig nito. Naramdaman niya ang reaction ni Natalie na tila napapa-wow. Alam niyang barado niya si Ace pero hindi nakikita sa mukha nito ang reaction na apektado. Kung totoong may gusto ang lalaking ito sa kaniya, masasaktan ito sa sinabi niya pero mas wala itong pakialam sa lahat ng walang pakialam.She added, "Ayaw ko sa'yo, at iba ang gusto ko. Hindi Ace ang pangalan niya, at hindi siya kasing yabang mo."But that's a lie. Wala pa siyang nakilalang lalaki na posible niyang magustuhan. Sa buong buhay niya mas pinili niyang mag-aral kaysa bigyan ng pansin ang romantic life.Mas gusto niyang magtapos, at makapagtrabaho and mission accomplished, she's a nurse now at kaya siya bumalik dahil hired siya sa SLV rin.Pumikit ito, tila umepekto ang sinabi niya pero hindi dahil nasaktan ito kundi dahil natamaan ang pride nito. Insulto ang sinabi niya para sa isang tagapagmana na katulad ni Ace na tumatanggap lang ng papuri at hindi rejection.Bago pa ito magsalita, humakbang siya upang lumabas ng kusina pero naramdaman niya ang paghawak nito sa braso niya at sinabing, "You can't love another man especially mutts."Naramdaman niyang umabante si Natalie pero nang mapansin nitong walang pakialam si Ace, umatras ulit ito, sinusubukan na magtiwala sa sitwasyon.Tumingin naman siya sa braso niya at tumingin sa mukha nito. "Why not? I have the right to choose who I want."Bumilis ang pintig ng puso niya nang maramdaman niyang humigpit ang paghawak nito sa braso niya. Lalaki ito kaya malakas ang pwersa nito at nakakaramdam siya ng sakit. Tiniis muna niya iyon at pinakinggan ang sinabi nito, "You are not allowed to choose anyone but me."Napanganga siya at natawa sa sobrang pagkadismaya at hindi kapani-paniwalang salita nito. Totoo nga ang sinabi ni Celestia, this person is obsessed with her at tila naging possessive na rin. Never niyang narinig rito ang ganoong linya noon. Maaring pinagtitripan siya palagi nito pero sa ngayon harap-harapang sinasabi nito na bawal siya mapunta sa iba.Hindi siya nakapagsalita agad dahil sa gulat. Napapaigik na lang dahil sa humigpit lalo ang pagkahawak nito sa braso niya. Sa mga mata nito nakikita niya ang galit at doon nagsimula ang takot niya. Sasaktan ba siya nito sa harapan ni Natalie?Pati si Celestia, naramdaman din niyang lumapit kasabay noon ng pagreklamo na niya, "Ikaw?" Umiling siya. "Kahit kailan hindi kita pipiliin." Hinawakan niya ang kamay nito upang alisin pero para itong naging bato sa braso niyang nanigas na lang kung kailan humigpit na. "Bitiwan mo nga ako!"Sumingit ang kamay ni Natalie sa pagitan nila. Hinawakan nito ang wrist ni Ace at mahinahong sinabi, "You're hurting her, Ace.""So what?" Ace hisses.Sumingit rin ang boses ni Celestia. "Ace..." Tumikhim ito at hinarap ang lalaki. "Pagod iyan si Gwy, kasi kagagaling lang niya sa biyahe. Kakarating lang niya at kailangan niyang magpahinga muna."Ngunit tila walang balak makinig ang lalaki. Nagbigay na si Natalie ng warning sa paraan nang pagsambit ng pangalan nito, "Ace! Leave...her...alone."Napasinghap na lang siya habang nakatingin sa mga mata nito. Napansin na niya ang pawis sa noo nito, patunay na galit nga ito. Nagalit sa sinabi niya at tila aware si Natalie sa ugali nito kapag galit kaya hindi nito mabara-bara ang pinsan.Takot siya sa maaring gawin ng lalaki, dahil baka masigawan nito si Natalie or si Celestia. Magdudulot iyon ng sama ng loob para sa dalawa. Ngunit ang inaasahan niya ay malayo sa bigla nitong ginawa.Hinila siya bigla at nakikita na lang niya ang kaniyang sariling nanlalaki ang mga mata habang ang mga labi nito ay diin na diin sa labi niya. Ang possessive na kamay nito ay nasa likod niya—yapos na yapos siya ng mga braso nito."Hoy!" Boses iyon ni Celestia at hinampas nito ang balikat ni Ace, ngunit binaliwala iyon ng lalaki. Hindi naka-imik si Natalie at siya naman nanigas nang tila limang sigundo ang tagal bago naisipang magpumiglas.Tumaas ang hindi maipaliwanag na pakiramdam sa katawan niya. Sobrang lakas ng kabog ng dibdib niya at tila lahat ng pwersa niya ay na-stuck sa loob niya at nagtanging nagawa lamang niya ay ang maglukot ng mga daliri sa paa sa loob ng sapatos niya at kinuyumos ang suot nitong tuxedo.Ang labi ni Ace, gumalaw ng isang beses pero mapangahas. Tama lang na bigyan siya ng smack, na nagpapahiwatig na bawal siya sa iba at dapat para lang siya rito.Binitawan siya nito at tinulak papunta kay Natalie. Dinuro pa nito ang mukha niya habang sinasabi, "Ingatan mong makilala ko ang lalaking iyan. His life will be screwed."She gasped, hindi na nakapagsalita pa at pinanood na lang itong humahakbang paatras na umiismid habang sinasabi, "Happy first kiss, Gwyneth. That was amazing." Lumabas ito sa kusina.Inayos siya ni Natalie ang tayo at napahawak si Celestia sa dibdib sabay sabing, "Oh...oh my god."Habang siya naman wala sa sariling napahawak sa labi niya. Tila naroon pa rin ang labi ng lalaki, ramdam na ramdam pa niya.Ang daming pabaon na natanggap si Avery mula kay Gwy at sa mga kaibigan nito na naging kaibigan niya narin. Dalawang paper bag mula kay Gwy, isang paper bag naman mula kay Ace, nagbigay rin si Celestia at Natalie, ganon din si Noah. Tig-iisang paper bag mula sa mga ito. "Kita na lang tayo sa Singgapore, sakaling may transaksyon ako doon," ani Noah at sumenyas pa ng finger chat. "Me too, puntahan kita sa hospital niyo," ani naman ni Natalie kung may project ako roon. Napangiti naman siya at sinabi niyang, "Guys, uuwi rin ako dito, don't worry." "Dapat lang, lalo na sa kasal ko, subukan mo lang kalimutan," ani naman ni Ace. Sinamaan niya ito ng tingin, "Nakalimutan mo yatang kapatid ko ang aasawahin mo? Shempre hindi ako mawawala doon." Humarap siya kay Gwy, ngumiti lang ito pero may lungkot sa mga mata. "Mamimiss kita," mahinang sabi nito. Nagpatunog siya ng dila. "Tatawag ako lagi, shempre..." Piniga-piga niya ang pisngi ni Austin, "Lagi kong mamimiss itong baby na to eh."
Three weeks later. "Happy birthday, Austin!" Sumigabong ang palakpakan, puno ng decoration ng pambata ang buong paligid. Maraming mga bisita ang ilan pa ay galing ibang bansa ang ilan naman staff ng innovation at Abertoy. Gabi isinagawa ang kaarawan ni Austin, pang-isang taong gulang nito. Marami ring mga maliliit na bata, at nakita naman niya ang anak niyang nag-eenjoy makipaglaro sa mga ito. Suot nito ang costume ni Dave sa Dave and Ava, at talagang napaka-cute nitong tingnan. Takbo pa ito nang takbo, at dahil last day na ng tatlo, Avery, Simon and Shaira dito sa Pilipinas, ang tatlong ito ang naging yaya ni Austin. Sunod nang sunod ang mga ito kahit saan man tumakbo ang bata. Siya naman, inasikaso ang mga bisita na dumating. Si Ace naman ang mga business partners and friends naman ang inatupag ng mga ito. Sobrang dami rin ng natanggap na regalo ng anak niya. Kahit saan siya tumingin, puro mukha ni Austin ang nakikita niya. Marami kasing photoshoot itong hinarap bago mang
Tila bumalik sa nakaraan si Ace, nakikita niya ang kaniyang sarili mula noong bata pa. Bawat birthday niya, noong mga panahong nag-aaral siya, elementary, highschool, college. Sumagi rin ang hindi kaaya-ayang pangyayari, that's Avery noong gínáhásá ito. Hanggang sa may nakilala siyang babae, ang pangalan nito ay Gwyneth, lahat ng nakaraang iyon, naalala niya, umalis ito, nasaktan siya. Naalala rin niya noong mga panahong inatake siya ng OCD. Kung paano niya ito tinago hangang sa nalaman ni Gwy. Naaksidente siya, nawalan ng ala-ala, after two years nagpakita si Gwyneth sa kaniya at may anak nila, ang pangalan nito ay Austin at kung kailan okay na sila kahit wala siyang naalala may masamang nangyari. Saktong pagbangga ng truck sa sasakyan nila nagmulat siya ng mga mata. Puting kisame ang nakita niya, at narinig niya ang umi-echo na boses, "Ace?" Malabo pa ang paningin niya kaya pigura lang ng babae ang nakita niya. Nagtanong siya, "Who are you?" Kinikilala niya ang pigura ng babae,
Pagkatapos matamaan ni Avery si Tatiana sa balikat, naging alerto siya dahil tumakbo ito kahit nasasaktan. Nangibabaw ang iyak ng anak nito, rinig niya ang daíng ni Diether, at lumapit naman ang mga katulong sa mga ito. Siya naman, may hawak siyang projector, paborito niyang projector iyon, palaka lover kasi siya. Binuksan niya ito, pinatama niya sa sahig ang ilaw na dadaanan ni Tatiana. "Saan ka pupunta ha?" aniya, lumakas ang tili ng babae nang makita ang reflection ng mga palakang gumagapang sa sahig. Napaupo ito at umatras pa. "Akala mo ba nakalimutan ko na ang kahinaan mo, Samantha?""Alisin mo iyan!" tili nito, at nagpasya na lang na magtakip ng mga mata. Kung saan-saan ito nagpapaputok ng baril at panay naman ang yuko nila. Puno ng sigawan ang loob ng mansion, at para tumigil ito, pinatamaan niya ito ng bala sa braso. Nabitawan nito ang baril at dahil nagtatakip ito ng mata lumapit rito ang tauhan niya at kinuha ang baril.Tumayo siya, nakabukas pa rin ang projector at nakatu
Sobrang higpit ang hawak ni Avery sa manibela ng sasakyan niya. Halos paliparin niya rito pabalik sa mansion nila. Sumasagi sa isipan niya ang lahat ng nangyari, ang araw na gínáhásá siya, kahit anong advice psychiatrist sa kaniya na kalimutan na ang pangyayaring iyon hindi iyon mangyayari.Naalala niya ang mga araw na kulang na kulang si Tatiana bilang ina sa kaniya. Naghihirap siya kahit sa harapan nito, pero pinili nitong maging bingi sa mga daing niya. Ngayon, na nakuha na niya ang pagmamahal sa kapatid niya, may minahal na rin siya at iyon ang pamangkin niya, mga ito pa talaga ang sinaktan ng nanay niya. Masama ang titig niya sa kalsada, pero may mga lumalabas na mga luha sa kaniyang mga mata. Hinayaan niyang tumulo lamang ang mga iyon. Magkahalo ang takot at galit na nararamdaman niya. Naiiyak siya sa tuwing naalala niya ang kalagayan ni Gwyneth, lalo na't naranasan ni Austin ang ganoong pangyayari sa sobrang bata ng edad. Anak pala siya ni Samantha Hulterar. Mahirap tanggapin
Bumaba sila mula sa Fourth floor, sa sobrang sabik na makita ang laman ng USB naglalakad siyang bumubulong, "I need laptop, I need laptop."Halos hindi na niya alintana ang mga taong nakakasalubong at nadaanan niya. Sumasabay lang sa lakad niya si Deither na nababalisa. Nagulat na lang siya may babaeng tumayo sa harap niya. "Dad..." Pagtingin niya rito, si Avery at nakatingin ito sa ama. Napatitig siya sa dalaga at habang tinititigan niya ito, saka lang niya nare-realize ang hawig nito kay Samantha. "W-Wha..." halos hindi niya masambit ang salitang what, hindi niya alam ang dapat i-react. "Anong ginagawa mo dito, Ave? Hindi ba't sumama ka sa kanila?" pagalit na tanong ni Diether na pinipilit lang din kumalma. Nag-pipisil ito nagkamao na nakaharap sa ama. Naiiyak na naman habang sinasabi, "I just thought, what if kausapin natin si Mom? Tanungin natin siya sino ba talaga ang kaaway niya—""Ave..." Deither groaned. "Dad, hindi natin pwedeng baliwalain ito! Hindi pwedeng walang may m