LOGINNakangising tinapik ito ni Orly sa balikat. Lumapit naman ang babaeng kasama nito sa kanya. “Congratulations sa inyong dalawa, Mira.” “Salamat.” “Hindi talaga ako makapaniwala na magpapatali si Prime after ng ginawa ni Matilda noon sa kanya.” “Ginawa?” Mahina itong bumulong. “Hindi mo alam? Sinubukan ng babaeng iyon na akitin ang daddy ni Prime. Iyon ang rason kaya naghiwalay silang dalawa. Pero may usap-usapan na ginawa iyon ni Matilda kasi alam niya na wala siyang aasahan kay Prime. Sa tagal nilang magkasintahan ay hindi siya inalok ng kasal ni Prime. Kaya nga laking gulat ko ng tawagan ako ni Orly at gawing witness sa kasal niyo.” Napaawang ang labi niya sa sinabi nito. Kaya pala pinagbabawal na pag usapan si Matilda sa rancho dahil nakakahiya ang ginawa nito. Ang kapal ng mukha nito na bumalik pagkatapos akitin ang ama ni Prime. Wala ba itong delikadesa? Paano nito nagawang akitin ang ama ng sariling nobyo? Dahil sa pera? Napatango-tango siya. Tama dahil iyon s
Bumuntonghininga siya habang nakatingin sa salamin. Nakakasawa ng maglagay ng pekeng balat sa mukha at pekeng nunal. Bwisit ang sakit pang tanggalin. Malay ba niya na super glue ang bibilhin ni Aling Juanita. Naubusan kasi siya ng pandikit. Halos mapuknat ang balat niya sa kapit nito sa kanyang balat. Nang makarinig ng katok ay nagmamadali siyang lumabas ng bathroom. Kumunot ang noo ni Prime ng mapansin ang mapulang bahagi ng kanyang mukha. Nakailang lagay siya ng glue remover pero hindi tumatalab. “Hey, your face is red. Masakit ba?” Tinabig niya ang kamay nito at nagmamadaling tumalikod. May natira pa kasing glue sa gilid ng pekeng balat niya. Baka mahalata nito. “M-may gagawin lang ako. Sige mauna ka ng lumabas.” Pinigilan siya nito sa braso. “Wear this. Kailangan ito sa pupuntahan nating dalawa.” Isang may kalakihan na kahon ang inabot nito sa kanya. Kinuha niya iyon at nagmamadaling pumasok sa bathroom. Nataranta siya ng makita na dumadami ang rashes niya sa balat.
Parang sirang plaka na paulit-ulit naglalaro sa isip niya ang sinabi ni Prime. Isang buwan na ang nakakalipas. At habang naghahanda ito ng kasal nila ay wala itong tigil sa pag-angkin sa kanya. Nang malaman nito sa Doctor na tumingin sa kanya na healthy siya at madaling magdalantao ay natuwa ang loko. Hindi na daw ito makapaghintay na maging ama at maging asawa. Naging magalang na rin ang lahat sa kanya simula ng mabalitang ikakasal na sila. Maging si Aling Juanita ay amo na ang trato sa kanya. Natuwa pa ang lahat ng malaman na siya ang mapapangasawa ng amo nila dahil may pagbabago daw ito. Hindi tuloy niya maiwasan na titigan ito habang abala sa ginagawa. Nandito sila ngayon sa studyroom nito. Abala ito sa pagtapos ng trabaho gamit ang laptop nito. Kagaya ng palagi nitong suot ay nakasando lang ito at loose pants. Nagpakalbo ito ng buhok kahapon lang. Ayaw niya sa kalbo sa totoo lang, nakaka-turn off. Pero kahit kalbo malakas pa rin ang dating nito—bagay na bagay ito sa matapan
Masakit ang katawan ng magising siya kinabukasan. Hindi siya makaupo o makatayo sa sobrang sakit ng pagitan ng hita niya. Tumulo ang luha niya. Ito ba ang kabayaran sa pananakit niya ng dadamin noon? Ang makulong sa isang kagaya ni Prime? Sinubukan niyang umupo. Pero sa tuwing gagalaw siya ay namimilipit siya sa sakit ng katawan. Bumukas ang pinto at pumasok si Prime na may dalang tray ng pagkain at pinakain siya. “T-Thanks.” Nag iwas siya ng tingin. Pero nakita na nito ang luha niya. Lumapit ito sa kanya at pinahid ang luha niya sa mukha. “I’ll be gentle next time.” Gusto niya itong ikutan ng mata. Hindi siya naniniwala. Saka hindi lang naman ito tungkol sa pagkabasag ng pagkababáè niya. Tungkol ito sa pag-trapped nito sa kanya. Pinaramdam nito sa kanya na wala siyang kawala o pagpipilian na parang ito ang magdedesisyon para sa kanilang dalawa. It’s unfair! Pinakain siya nito. Kumalam ang tiyan niya kaya hindi na siya nagpabebe. Habang kumakain napansin niya ang mat
Nanlaki ang mata niya nang maramdmaan ang pagpunit nito sa suot niyang blouse at palda. Tumalbog siya sa kama ng ihagis siya dito ni Prime. Pinanlamigan siya sa takot ng makita kung gaano kadilim ang mukha nito—para itong demonyo na handa siyang sakmalin anumang oras ng sandaling ‘yon. “Sa palagay mo papayag ako na mawala ka sa piling ko?” Ngumisi ito. “No, Mira. Sa akin ka lang!” Eto na ba ang sinasabi ni Carrie na babala? Na natatakot ang binata kaysa sa inaasahan niya? Mabigat ang paghinga na dumagan ang malaking katawan nito sa kanya. Ang laki ng katawan nito. Sa laki niyon ay nagmistula siyang maliit sa ilalim nito. Niyakap niya ang sarili ng tumingin ito sa katawan niya. Pinasada nito ang basang dila sa labi. Bakas ang labis na pagkasabik sa gwapo nitong mukha. “H-hindi pa ako handa…” “Ako ang bahala sayo.” Tumingin ito sa labi niya. “B-baka mabuntis ako.” “Pananagutan kita.” Habang humihimas ang isang kamay nito sa hita niya. “M-mapipogilan ba kita?” Tuma
Palinga-linga na tumakbo si Miracle palabas ng property ng mga Hudson. Kailangan niyang makatakas bago pa makabalik si Prime. Malayo na ang natatakbo niya. Pagod na pagod na siya pero kailangan niyang magpatuloy. Kung madadatnan siya ni Prime ay baka tuluyang makuha nito ang katawan niya—hindi lang iyon, baka makasal pa siya ng wala sa oras. “Pagod na pagod na ako… ayoko na…” nakahawak sa tuhod at hinihingal na reklamo niya. Napalundag siya sa gulat ng makarinig ng malakas na busina. Namutla siya. Akala niya si Prime ang bababa ng sasakyan. Laking gulat niya ng makita na lolo ito ni Carrie. ‘Ano ang ginagawa dito ng daddy ni Prime?’ Napangiwi siya sa naisip. ‘Ano ba’ng klaseng tanong ‘yan, Miracle? Ama siya ni Prime kaya pwede siyang bumisita anumang oras sa rancho!’ Napatayo siya ng tuwid ng lumapit sa kanya ang matanda. “K-kayo pala, lolo… I mean—“ teka ano bang dapat itawag dito. Lolo naman kasi talaga ang tawag niya dito dahil lolo ito ng kaibigan niya. Pero ngayon







