LOGIN“Miracle Quinn? Siya ba ang kaibigan mo, anak? Isang Quinn si Mira? Carrie, kaibigan mo siya hindi ba? Alam mo ba ang tungkol sa bagay na ‘to?” Naumid ang dila ni Carrie sa tanong ng kanyang ina. Hindi niya makuhang sumagot. Quinn? Tumayo ang ama ni Prime na ngayon ay seryoso na ang mukha ng marinig ang pamilyang binanggit ni Viena. Samantala, nagpanting ang tenga ni Prime sa sinabi nito. “Ipinagkasundo?” Tumango si Viena. “N-narinig kong… ipakakasal siya ng magulang niya para pagtakpan ang eskandalong ginawa niya.” Nahintatakutan na umiyak si Viena ng makita ang nakamamatay na tingin ni Prime. “N-nagsasabi ako ng totoo!” “Fvck! No!” Umigting ang panga niya. Hindi niya kayang isipin na ikakasal si Mira sa iba. Samantalang napangisi naman sila Vana at Viel dahil isa lang ang ibig sabihin niyon, walang bisa ang kasal ng mga ito. “Prime, isang malaking gulo ang gagawin mo sa pagitan ng pamilya natin at sa pamilya nila kung kukunin mo si Mira sa kanila. Maghunos-dili ka
Nanginginig sa takot na umatras si Viena ng lapitan siya ni Prime. Nag iigtingan ang panga nito sa galit na nakatingin sa kanya. Lahat ng naroon ay batid na galit na galit ito ngayon. Walang nangahas na lapitan ito para awatin. "I will ask you one more time. Where is my wife?" "H-Hindi ko alam---" napasinghap ang lahat ng malakas itong sampalin ni Prime. Pumutok ang labi ni Viena sa lakas ng sampal nito. Natumba ito at umiiyak na nawalan ng panimbang sa sahig hawak ang namamanhid na pisngi. "Liar! Ang sabi mo nawawala si Ate Viel. Ikaw ang huling kasama ni Mira kanina!" Umiiyak na sabat ni Carrie na bakas ang pag aalala sa mukha. Kanina pa nila hinahanap si Mira pero hanggang ngayon ay hindi pa rin nila ito natatagpuan. Apat na oras na bumalik si Viena. Umasa sila na magkasama ito at ang kaibigan ngunit bumalik ito ng mag isa. Nag aalala siya na baka may ginawa itong masama sa kaibigan niya. "P-Prime, maawa ka!" makaawa ni Vana ng maglabas ng baril si Prime. Tumingin siya sa a
Wala sa sarili na naglakad siya pabalik. Dapat masaya siya dahil makakabalik na siya sa pamilya niya. Ito naman ang gusto niya, ang makabalik sa kanila para matapos na ang pagpapanggap niya. Pero bakit hindi siya masaya? Napahawak siya sa dibdib ng biglang sumulpot si Viena sa harapan niya. “M-Mira, Carrie, buti nakita ko kayo! Si Ate Viel, nawawala siya. U-umiiyak siyang umalis ng malamang kasal na kayo ni Kuya Prime. Hindi niya matanggap na iniwan siya sa ere. Kung pwede tulungan ninyo akong hanapin siya.” Lihim niya itong inikutan ng mata. Wala siyang pakialam sa ate nitong atribida. Akmang aalis na siya ng hawakan siya ni Carrie sa braso. Umiral ang pagiging mabait nito. “Tara sabihin natin kay lolo.” “Alam na nila. Inutusan nga nila ako na hanapin kayo para tulungan ako.” Tumingin si Viena sa kanya. “Sana okay lang sa’yo, Mira.” Gusto niyang sabihin na ‘not okay’ pero mariin siyang siniko ni Carrie. Kaya peke siyang ngumiti at tumango dito. “Mabuti pa maghiwalay t
Umawang ang labi ni Miracle ng makita kung gaano kalaki ang bahay ng ama ni Prime. Halos kasing laki ito ng kanilang bahay. Sabagay, ano ang aasahan sa isang Hudson, isa ring kilalang mayamang pamilya sa bansa. Nandito sila ngayon para pormal na ipakilala sa pamilya nito. Hindi sila tunay na kasal kaya ayaw sana niyang humarap. Kaso hindi pumayag si Prime. Gusto nitong ipaalam sa buong angkan nito na kasal na ito sa kanya. Nasira ang mukha niya ng makita si Viena, katabi ang kapatid na si Viel, na hindi makabasag pinggan ang awra. Nakangiti sa kanila ang madrasta ni Prime pero halatang peke ang naka-plaster na ngiti nito sa labi. Pamilya ng mga… peste. Noong una akala niya talaga ay anak ng Senador si Viena. Iyon ang pakilala nito sa kanila at sa buong unibersidad nila. Kaya pala hindi nito mabanggit kung sino ang ama nitong Senador. May nalalaman pa itong ‘for privacy’ iyon pala ay hindi ito totoong anak ng politiko. Kapatid pala ito ng isang homewrecker. “Good evening
“Find them right now and bring them to me!” “Yes, Sir!” Tugon ng takot na mga pulis kay Noah na ngayon ay nag iigtingan ang panga. Yumakap si Aiah sa asawa upang pakalmahin ito. Ngunit lalo lamang dumilim ang mukha nito ng makitang wala na sa kanyang daliri ang singsing na binigay nito. “Damn it! I swear, pagsisisihan nila ang ginawa nila!” Kuyom ang kamao na turan ni Noah. Kinabig siya nito at niyakap. Hindi man niya sabihin alam nito na takot na takot siya sa mga taong nanloob sa kanila. Ninakaw ng mga ito ang pinakamahalagang bagay na binigay sa kanya ng asawa niya—ang singsing na para dapat sa kanilang panganay na anak. Nanginginig sa takot na lumapit ang kasambahay nila. Saksi ito ng gabing pinasok ang kanilang mansion ng mga kalalakihan ng gabing iyon. “M-Ma’am, Sir, hindi namin makita ang malaking Debut picture ni Ma’am Miracle sa kwarto niya. N-nawawala ho ito sa kwarto!” Pinuntahan agad nila ang kwarto ng anak. Tama ang kasambahay—wala ang lirtrato ni Miracle
Nakangising tinapik ito ni Orly sa balikat. Lumapit naman ang babaeng kasama nito sa kanya. “Congratulations sa inyong dalawa, Mira.” “Salamat.” “Hindi talaga ako makapaniwala na magpapatali si Prime after ng ginawa ni Matilda noon sa kanya.” “Ginawa?” Mahina itong bumulong. “Hindi mo alam? Sinubukan ng babaeng iyon na akitin ang daddy ni Prime. Iyon ang rason kaya naghiwalay silang dalawa. Pero may usap-usapan na ginawa iyon ni Matilda kasi alam niya na wala siyang aasahan kay Prime. Sa tagal nilang magkasintahan ay hindi siya inalok ng kasal ni Prime. Kaya nga laking gulat ko ng tawagan ako ni Orly at gawing witness sa kasal niyo.” Napaawang ang labi niya sa sinabi nito. Kaya pala pinagbabawal na pag usapan si Matilda sa rancho dahil nakakahiya ang ginawa nito. Ang kapal ng mukha nito na bumalik pagkatapos akitin ang ama ni Prime. Wala ba itong delikadesa? Paano nito nagawang akitin ang ama ng sariling nobyo? Dahil sa pera? Napatango-tango siya. Tama dahil iyon s



![Just One Night [Tagalog]](https://acfs1.goodnovel.com/dist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)



