Iyak siya ng iyak habang naglalakad sila. Napakasama ng loob niya sa mga sinabi sa kanya. Mabuti nalang at umalis sila. Kahit papano ay gumaan ang dibdib niya sa ginawa nito.
Lumuwag ang hawak ni Nick sa braso niya. “Go to your room and rest. Stop crying because it’s irritating.” Sinubukan niyang kumalma pero lalo lang siyang naiyak. Halos hindi siya makahinga sa sobrang sama ng loob niya. Bukod sa pang iinsulto sa pamilya niya, ininsulto din siya bilang asawa. Kaya sinong hindi maluluha. Alam naman niya na hindi siya gusto ng mga ito. Pero dahilan ba ‘yon para gawin ito sa kanya? Akala niya ay aalis na ito dahil naiirita ito pero nagulat siya ng buksan nito ang pintuan. Walang salita na pumasok siya. Hindi parin ito umalis, bagkus ay sumunod ito sa kanya. Kung hindi siguro siya emosyonal dahil sa mga nangyari ay baka gumagawa na siya ng hakbangPAGKATAPOS ng kasal nila, natagpuan si Noah na nakahandusay sa ibaba ng hagdan. Naalala niya ng araw na iyon, nagkaroon ng interrupt sa power ng hotel kung saan ginanap ng reception. Nagkataon na naglalakad siya noon para sana bumaba. Pero pagbukas ng ilaw ay nakita niya si Noah na duguan at wala ng buhay sa ibaba. Naging prime suspect siya pero pinalaya din agad. Naalala niya noong araw na ‘yon, iyak siya ng iyak dahil sa takot na baka makulong siya. Dahil sa kapangyarihan ng pamilya nila Nick ay napawalang sala siya. Marami kasi ang naniniwala na hindi niya iyon magagawa. Kaya akala niya ay isa si Nick sa mga naniwala sa kanya. Pero inassume lang pala niya… siya pala talaga ang sinisisi nito. Ang daming nawala sa kanya noong araw na dakpin siya. Inatake ang daddy niya at namatay. Hindi naman matanggap ng daddy ni Nick na namatay si Noah kaya inatake din ito. Pagkalipas lang ng dalawang linggo ay na-bankrupt sila at ang mommy nama
Kinabukasan ay nabalitaan niya na umalis si Nick. Sigurado na magbibilang na naman ng mga araw bago ito umuwi. Pagkatapos maghain ni Manang Selya ay inalo siya nito. “Kumain ka ng marami, Catherina. Wag kang mag alala, marami pa namang pagkakataon para magawa ang plano mo. Nandito kami ni Lydia para tulungan ka.” “Wag na ho, manang Selya. Iisip nalang po ako ng ibang paraan para magawa ko ‘yon. Ayoko pong madamay kayo kapag pumalpak ang plano ko.” Kung hindi dumating ang kamag anak ni Nick, sigurado na naparusan ang mga ito. Kanina pa tahimik si nana Lydia, halatang nagtataka ito. “Pero hindi ba kayo nagtataka? Ang sabi mo Catherina ay napainom mo sa asawa mo ang wine na may gamot. Wala bang naging epekto?” Oo nga pala, naisip din niya iyon. “Ako po din nagtataka. Pero mabuti na rin ho siguro iyon. Kasi kung tumalab ‘yon ng nandito ang pamilya niya, magtataka sila. Baka mabu
Iyak siya ng iyak habang naglalakad sila. Napakasama ng loob niya sa mga sinabi sa kanya. Mabuti nalang at umalis sila. Kahit papano ay gumaan ang dibdib niya sa ginawa nito. Lumuwag ang hawak ni Nick sa braso niya. “Go to your room and rest. Stop crying because it’s irritating.” Sinubukan niyang kumalma pero lalo lang siyang naiyak. Halos hindi siya makahinga sa sobrang sama ng loob niya. Bukod sa pang iinsulto sa pamilya niya, ininsulto din siya bilang asawa. Kaya sinong hindi maluluha. Alam naman niya na hindi siya gusto ng mga ito. Pero dahilan ba ‘yon para gawin ito sa kanya? Akala niya ay aalis na ito dahil naiirita ito pero nagulat siya ng buksan nito ang pintuan. Walang salita na pumasok siya. Hindi parin ito umalis, bagkus ay sumunod ito sa kanya. Kung hindi siguro siya emosyonal dahil sa mga nangyari ay baka gumagawa na siya ng hakbang
Lumapit si mommy Kalea sa kanya at bumes0, ngunit bukod dito ay wala ng ibang bumati sa kanya. Para magpakita ng paggalang ay siya na ang lumapit sa mga ito at bumati, ngunit ismid lang ang natanggap niya sa mga ito, lalo na sa dalawang pinsan ng asawa niyang sina Katy at Daisy, samantalang ang lolo nito ay malamig lang na tingin ang binigay sa sa kanya. Ramdam niya ang pagkadisgusto ng mga ito sa kanya kagaya ng asawa niya. Buti nalang nandito si mommy Kalea, kahit paano ay gumagaan ang pakiramdam niya sa kabila ng kaba at panliliit niya. Simula kasi ng ma-bankrupt ang pamilya nila at bumagsak ay lumamig ang trato ng mga ito sa kanya. Buti nalang nangyari iyon pagkatapos nilang ikasal ni Nick. Kasi kung hindi ay baka hindi na natuloy ang kasal nila. Kinabahan siya bigla. Paano kung umepekto ang gamot kay Nick sa mga sandaling ito? “Iha, paan
KINAKABAHANG UMUPO siya sa tapat ni Nickolas. Mali ang gagawin niya pero kailangan. Paano sila magkakaanak kung wala namang nangyayari sa kanila. Kaya kailangan niyang gumawa ng paraan. Namatanda siya ng mapatingin rito. Grabe talaga ang angking kagwapuhan ni Nick, walang kupas. Ang sarap titigan. Tumikhim ito kaya nag iwas siya ng tingin. “Darating daw sila lolo. Bakit hindi mo ako tinawagan? Where’s mom?” Tanong nito. Halatang nagtataka ito dahil hindi ito tinawagan ni mommy o kahit isa man sa pamilya nito. Kaya sumagot agad siya at nagdahilan dito. “B-baka nakalimot lang sila mommy. A-alam mo naman na marami siyang ginagawa latelet. P-Parating na sila. Uhm, buti pa ay uminom ka muna. Tikman mo. Diba paborito mo ‘to?“ pag iiba niya ng usapan. Kinuha niya ang wine na paborito nito at nilapitan ito, pagkatapos
“Catherina,” ginanap nito ang kamay niya. “Hindi ako pwedeng mangialam sa desisyon ni Nick pagdating sa bagay na ‘yan. Ang totoo, hindi ako naghahangad ng apo sa ngayon. Mga bata pa naman kayo, at isa, kung gagawin at sasabihin ko sa anak ko iyan, baka lalong lumayo ang loob niya sayo. We both know him, iha. Hindi siya madaling imanipula o utusan… hindi ko magagawa ang bagay na iyan kagaya ng kanyang ama. Kung nabubuhay sana ang daddy niya baka may magawa tayo sa bagay na ‘yan.” Nanlulumo siyang yumuko. Tama ito, hindi si Nick ang tipo ng tao na madaling imanipula. At saka paano nga kung lumayo lalo ang loob nito sa kanya? Ngayon pa nga lang ay nahihirapan na siya. Paano pa kapag mas lalo itong nadagdagan sa kanya. ‘Baka hindi ko na matibag ang pader na ihaharang niya sa pagitan naming dalawa’