LOGINSOBRANG sama ng loob niya ng hindi na magreply ang mommy ni Nick sa kanya. Pero alam niya na maiintindihan din siya nito kung magpapaliwanag siya.
“Sigurado ka ba na ito lang ang dadalhin mo?” Tanong ni manang Selya. Nagluto lang kasi siya ng pagkain na dadalhin kay mommy. “Narinig ko sila Jerry kahapon. Madalas daw na magshopping sila ma’am Kalea kasama sila ma’am Juvee ng mga laruang pambata. Mukhang mas matutuwa sila kung bibilhan mo ng laruan ang apo nila.” Suhestiyon nito. “Hindi ko alam na nagkaanak na pala si Katy. Marami na talagang pinagbago simula ng mawala si Noah. Hindi na sila bumisita.”“Kaya nga po. Nagulat din ako kasi may anak na pala siya. Pero diba si Daisy ang may asawa?”“Wag ka na magtaka… alam mo naman si Katy, lalakero at mahilig pumatol sa kahit kanino—““Manang!” Suway niya dito. Baka kasi may makarinig dito. Pero totoo iyon. Sakit nga ito ng ulo ng magulang nito dahil sa kaliwa’t kanan na pagpatol nito sa mga iba-ibangUmawang ang labi ni Miracle ng makita kung gaano kalaki ang bahay ng ama ni Prime. Halos kasing laki ito ng kanilang bahay. Sabagay, ano ang aasahan sa isang Hudson, isa ring kilalang mayamang pamilya sa bansa. Nandito sila ngayon para pormal na ipakilala sa pamilya nito. Hindi sila tunay na kasal kaya ayaw sana niyang humarap. Kaso hindi pumayag si Prime. Gusto nitong ipaalam sa buong angkan nito na kasal na ito sa kanya. Nasira ang mukha niya ng makita si Viena, katabi ang kapatid na si Viel, na hindi makabasag pinggan ang awra. Nakangiti sa kanila ang madrasta ni Prime pero halatang peke ang naka-plaster na ngiti nito sa labi. Pamilya ng mga… peste. Noong una akala niya talaga ay anak ng Senador si Viena. Iyon ang pakilala nito sa kanila at sa buong unibersidad nila. Kaya pala hindi nito mabanggit kung sino ang ama nitong Senador. May nalalaman pa itong ‘for privacy’ iyon pala ay hindi ito totoong anak ng politiko. Kapatid pala ito ng isang homewrecker. “Good evening
“Find them right now and bring them to me!” “Yes, Sir!” Tugon ng takot na mga pulis kay Noah na ngayon ay nag iigtingan ang panga. Yumakap si Aiah sa asawa upang pakalmahin ito. Ngunit lalo lamang dumilim ang mukha nito ng makitang wala na sa kanyang daliri ang singsing na binigay nito. “Damn it! I swear, pagsisisihan nila ang ginawa nila!” Kuyom ang kamao na turan ni Noah. Kinabig siya nito at niyakap. Hindi man niya sabihin alam nito na takot na takot siya sa mga taong nanloob sa kanila. Ninakaw ng mga ito ang pinakamahalagang bagay na binigay sa kanya ng asawa niya—ang singsing na para dapat sa kanilang panganay na anak. Nanginginig sa takot na lumapit ang kasambahay nila. Saksi ito ng gabing pinasok ang kanilang mansion ng mga kalalakihan ng gabing iyon. “M-Ma’am, Sir, hindi namin makita ang malaking Debut picture ni Ma’am Miracle sa kwarto niya. N-nawawala ho ito sa kwarto!” Pinuntahan agad nila ang kwarto ng anak. Tama ang kasambahay—wala ang lirtrato ni Miracle
Nakangising tinapik ito ni Orly sa balikat. Lumapit naman ang babaeng kasama nito sa kanya. “Congratulations sa inyong dalawa, Mira.” “Salamat.” “Hindi talaga ako makapaniwala na magpapatali si Prime after ng ginawa ni Matilda noon sa kanya.” “Ginawa?” Mahina itong bumulong. “Hindi mo alam? Sinubukan ng babaeng iyon na akitin ang daddy ni Prime. Iyon ang rason kaya naghiwalay silang dalawa. Pero may usap-usapan na ginawa iyon ni Matilda kasi alam niya na wala siyang aasahan kay Prime. Sa tagal nilang magkasintahan ay hindi siya inalok ng kasal ni Prime. Kaya nga laking gulat ko ng tawagan ako ni Orly at gawing witness sa kasal niyo.” Napaawang ang labi niya sa sinabi nito. Kaya pala pinagbabawal na pag usapan si Matilda sa rancho dahil nakakahiya ang ginawa nito. Ang kapal ng mukha nito na bumalik pagkatapos akitin ang ama ni Prime. Wala ba itong delikadesa? Paano nito nagawang akitin ang ama ng sariling nobyo? Dahil sa pera? Napatango-tango siya. Tama dahil iyon s
Bumuntonghininga siya habang nakatingin sa salamin. Nakakasawa ng maglagay ng pekeng balat sa mukha at pekeng nunal. Bwisit ang sakit pang tanggalin. Malay ba niya na super glue ang bibilhin ni Aling Juanita. Naubusan kasi siya ng pandikit. Halos mapuknat ang balat niya sa kapit nito sa kanyang balat. Nang makarinig ng katok ay nagmamadali siyang lumabas ng bathroom. Kumunot ang noo ni Prime ng mapansin ang mapulang bahagi ng kanyang mukha. Nakailang lagay siya ng glue remover pero hindi tumatalab. “Hey, your face is red. Masakit ba?” Tinabig niya ang kamay nito at nagmamadaling tumalikod. May natira pa kasing glue sa gilid ng pekeng balat niya. Baka mahalata nito. “M-may gagawin lang ako. Sige mauna ka ng lumabas.” Pinigilan siya nito sa braso. “Wear this. Kailangan ito sa pupuntahan nating dalawa.” Isang may kalakihan na kahon ang inabot nito sa kanya. Kinuha niya iyon at nagmamadaling pumasok sa bathroom. Nataranta siya ng makita na dumadami ang rashes niya sa balat.
Parang sirang plaka na paulit-ulit naglalaro sa isip niya ang sinabi ni Prime. Isang buwan na ang nakakalipas. At habang naghahanda ito ng kasal nila ay wala itong tigil sa pag-angkin sa kanya. Nang malaman nito sa Doctor na tumingin sa kanya na healthy siya at madaling magdalantao ay natuwa ang loko. Hindi na daw ito makapaghintay na maging ama at maging asawa. Naging magalang na rin ang lahat sa kanya simula ng mabalitang ikakasal na sila. Maging si Aling Juanita ay amo na ang trato sa kanya. Natuwa pa ang lahat ng malaman na siya ang mapapangasawa ng amo nila dahil may pagbabago daw ito. Hindi tuloy niya maiwasan na titigan ito habang abala sa ginagawa. Nandito sila ngayon sa studyroom nito. Abala ito sa pagtapos ng trabaho gamit ang laptop nito. Kagaya ng palagi nitong suot ay nakasando lang ito at loose pants. Nagpakalbo ito ng buhok kahapon lang. Ayaw niya sa kalbo sa totoo lang, nakaka-turn off. Pero kahit kalbo malakas pa rin ang dating nito—bagay na bagay ito sa matapan
Masakit ang katawan ng magising siya kinabukasan. Hindi siya makaupo o makatayo sa sobrang sakit ng pagitan ng hita niya. Tumulo ang luha niya. Ito ba ang kabayaran sa pananakit niya ng dadamin noon? Ang makulong sa isang kagaya ni Prime? Sinubukan niyang umupo. Pero sa tuwing gagalaw siya ay namimilipit siya sa sakit ng katawan. Bumukas ang pinto at pumasok si Prime na may dalang tray ng pagkain at pinakain siya. “T-Thanks.” Nag iwas siya ng tingin. Pero nakita na nito ang luha niya. Lumapit ito sa kanya at pinahid ang luha niya sa mukha. “I’ll be gentle next time.” Gusto niya itong ikutan ng mata. Hindi siya naniniwala. Saka hindi lang naman ito tungkol sa pagkabasag ng pagkababáè niya. Tungkol ito sa pag-trapped nito sa kanya. Pinaramdam nito sa kanya na wala siyang kawala o pagpipilian na parang ito ang magdedesisyon para sa kanilang dalawa. It’s unfair! Pinakain siya nito. Kumalam ang tiyan niya kaya hindi na siya nagpabebe. Habang kumakain napansin niya ang mat







