Pagkauwi niya sa kanilang mansyon, mabilis siyang pumasok, pero hindi nakaligtas sa paningin ng kanyang ina ang bahagyang basa at gusot niyang damit.
"What happened to your clothes, hijo?" bulalas ng kanyang ina, kita sa mukha nito ang pagtataka.
Sumimangot siya. Naiinis pa rin siya kapag naaalala ang nangyari kanina.
"Mom, may nakasalubong lang akong tatanga-tanga sa mall," iritadong sagot niya habang inaabot ang kahon ng strawberry cake na ipinabili nito.
Napailing ang kanyang ina ngunit tinanggap pa rin ang cake na dala niya. Sanay na ito sa ugali niya—mainitin ang ulo, mabilis mairita, lalo na kapag napapagod o nawawalan ng kontrol sa isang sitwasyon.
"Thank you, hijo. Oh, sige na, pumunta ka na sa kwarto mo at magpalit ng damit. Baka sipunin ka pa niyan."
"Okay, Mom. Magpapalit muna ako." Lumapit siya at humalik sa pisngi ng kanyang ina bago siya tuluyang umakyat patungo sa kanyang kwarto.
Pagkapasok, agad niyang hinubad ang suot na polo at itinapon iyon sa laundry basket. Hindi niya maialis ang pakiramdam ng lagkit sa kanyang katawan kaya't dumiretso siya sa banyo.
Habang tumatama sa kanyang katawan ang malamig na tubig mula sa shower, muling pumasok sa isip niya ang babaeng iyon.
"Tsk!" Napamura siya habang sinasabon ang kanyang braso. Bakit ko pa iniisip 'yon?!
Mabilis niyang tinapos ang paliligo at nagbihis ng maluwag na gray shirt at pajama. Pagkahiga sa kama, ramdam niya ang pagod ng maghapon. Akala niya, makakatulog siya nang mahimbing.
Pero habang nakapikit siya, bumabalik sa isipan niya ang eksena kanina—ang mukha ng babae, ang inosenteng reaksyon nito, at kung paano ito namula matapos niyang sigawan.
Bigla siyang dumilat at bumuntong-hininga nang malalim.
"Ano bang problema ko?!" iritadong bulong niya sa sarili.
Nakasimangot siyang pumikit muli, pinipilit alisin sa isip ang inis at kung anong gumugulo sa kanya. Ilang minuto pa lang ang nakakalipas nang bigla siyang naalimpungatan.
TOK. TOK. TOK.
May kumakatok sa kanyang pinto.
Dahan-dahan siyang dumilat at napatingin sa wall clock. Sino namang istorbo 'to sa ganitong oras?
Mabigat ang katawan niyang bumangon at naglakad papunta sa pinto. Huminga siya nang malalim bago marahas na binuksan ito.
Pagkabukas niya ng pinto, bumungad sa kanya ang isa sa kanilang mga kasambahay—si Manang Rosa, ang matagal nang naninilbihan sa kanilang pamilya.
"Sir Luke, tinatawag na po kayo sa hapag. Handa na ang hapunan."
Napabuntong-hininga siya, halatang naiinis dahil naistorbo ang kanyang pahinga.
"Sige, bababa na ako." Malamig niyang tugon bago mabilis na isinara ang pinto.
Muling napailing si Manang Rosa habang papalayo. Sanay na siya sa ugali ni Luke—mainitin ang ulo pero hindi naman talaga masamang tao. Mula pagkabata, nakita niya kung paano ito hinubog ng kanyang mahigpit na ama. Palaging nasa ilalim ng pressure, kaya siguro lumaki itong masungit at madaling mairita.
Samantala, si Luke naman ay napatingin sa kanyang repleksyon sa salamin. Kita sa kanyang mukha ang pagod at bahagyang inip. Hindi na niya talaga balak pang bumangon, pero alam niyang hindi siya titigilan ng ina kapag hindi siya sumama sa hapunan.
Pinilit niyang itaboy ang inis at bumaba sa dining hall.
Pagdating niya roon, naroon na ang kanyang ina, nakaupo sa dulo ng mahaba nilang kainan.
Pag-upo ni Luke sa hapag-kainan, hindi niya maiwasang mapabuntong-hininga. Pagod na siya, wala siyang ganang makipag-usap, at higit sa lahat—naiinis pa rin siya sa nangyari kanina.
Habang tahimik siyang kumukuha ng pagkain, napansin ng kanyang ina ang matigas na ekspresyon sa kanyang mukha. Hindi ito bago. Mula pa noong bata siya, ganito na siya—laging seryoso, laging may inis sa mukha, at laging parang may iniisip.
"You look tired, hijo," mahinahong sabi ng kanyang ina. "Maaga ka na lang matulog pagkatapos kumain."
Hindi siya sumagot at nagpatuloy lang sa pagkain.
Pero hindi pa tapos ang kanyang ina. "Ano bang nangyari at nagmukha kang basang sisiw pag-uwi mo?"
Napapikit siya ng mariin at huminga nang malalim bago sumagot. "Wala 'yon, Mom. May nabangga lang akong tanga sa mall at natapon sa akin ang milk tea niya."
Bahagyang napataas ang kilay ng kanyang ina. "Tanga? O baka naman ikaw ang hindi umiwas?" may bahid ng panunuksong tanong nito.
Napakunot ang noo ni Luke. "Seriously, Mom?" iritable niyang sagot. "Ako pa talaga ang sisisihin mo?"
Natawa ang kanyang ina sa reaksyon niya. "Hay naku, hijo, mainit na naman ang ulo mo. Hindi ka ba nagsasawa sa pagiging masungit?"
"Hindi ito tungkol sa pagiging masungit, Mom. Nakakainis lang talaga 'yung babae. Walang pakialam sa paligid, kung hindi lang ako umiwas baka mas malala pa ang nangyari."
Nakikiramdam ang kanyang ina habang inuubos ang kanyang pagkain. "Babae? Hmm…" Napangiti ito nang bahagya. "Mukhang hindi lang basta inis ang nararamdaman mo, hijo."
Halos mabilaukan si Luke sa narinig. "Mom, for goodness’ sake, hindi ito katulad ng mga iniisip mo!"
Humagikgik ang kanyang ina at tumingin sa kanya nang may makahulugang ngiti. "Sinasabi mo lang 'yan ngayon. Pero ang anak kong masungit, ngayon lang inis na inis sa isang babae? Interesting."
Tumayo si Luke, nagpatay-malisya, at kinuha ang baso ng tubig para uminom. "Tsk! Wala akong panahon sa mga walang kwentang bagay."
"Walang kwenta, pero hindi mo maalis sa isip mo?" banat ng kanyang ina.
Napahinto siya. Napakuyom ang kanyang kamao, naiinis na hindi niya alam kung kanino—sa kanyang ina na tila binabasa ang iniisip niya, o sa kanyang sarili na hindi niya maintindihan kung bakit hindi mawala sa isip niya ang babaeng iyon.
"Tsk." Muli siyang napairap. "Good night, Mom. Aakyat na ako."
"Good night, hijo. Sweet dreams. O baka mapanaginipan mo pa ang babaeng iyon?"
Hindi na siya lumingon. Naglakad siya nang mabilis paakyat ng hagdan at malakas na isinara ang pinto ng kanyang kwarto.
Pero kahit anong pilit niyang tabunan ang inis, isa lang ang sigurado—ang babaeng iyon, kasama ang kanyang kaguluhan at kapalpakan, ay nakabalandra pa rin sa kanyang isipan
A cozy café where Mitch, Luke, their mothers, and Freya are discussing the wedding plans over coffee. Luke, as usual, is impatient, while Mitch tries to keep her cool.Si Mitch, ay nakikipag tulungan sa pagpa-plano. Si Luke naman, obvious na hindi interested at naka-cross arms habang nakasandal sa upuan.“We have exactly one month to prepare. We need to finalize the venue first—“ ngunit pinutol ni Luke ang sasabihin niya.“Kailangan ba talagang pag-usapan lahat ‘to ngayon? Bakit hindi na lang tayo kumuha ng wedding planner?´sabi niya habang nakakunot ang noo.Sumingit sa usapan si Donya Isabella habang nakataas ang mga kilay. “Luke, ang kasal hindi basta-basta lang. Kailangan ‘to ng maayos na plano.”“Yeah, yeah. But do we have to sit here for hours just to pick flowers and tablecloths?” pahayag niya habang minamasahe ang kanyang noo.“Luke, this is our wedding. Could you at least try to be involved?” na pabuntong-hininga na lang si Mitch.“Hinay-hinay lang Mitch. He might flip the ta
Masaya at makulay ang engagement party, puno ng tawanan at halakhakan mula sa mga bisitang nagdiriwang kasama ang dalawang pamilyang Alcantara at San Agustin. Ang buong venue ay nababalot ng engrandeng dekorasyon—mga luntiang halaman, puting bulaklak na nakalinya sa bawat mesa, at mga gintong ilaw na nagbibigay ng romantikong ambiance. Sa gitna ng selebrasyon, ang mga magulang ng bride at groom-to-be ay abala sa pakikipag-usap sa kanilang mga bisita, puno ng sigla at kasiyahan sa kanilang mga mata.Samantala, ang magkasintahan—na hindi tunay na nagmamahalan—ay tahimik na nakaupo sa isang mesa, kapwa nagpapanggap na masaya sa harap ng maraming mata. Magalang silang nagpapalitan ng mga salita, pero may namumuong tensyon sa pagitan nila na hindi halata sa iba.“Smile,”
MATAPOS ang matinding pagbili ng engagement outfits, nagpasya sina Mitch at Luke na dumaan muna sa isang restaurant bago umuwi. Hindi ito romantic dinner—at least, hindi sa pananaw ni Mitch—kundi isang practical na desisyon para lang hindi sila parehong magutom matapos ang nakakapagod na araw.Pagkaupo nila sa isang pribadong booth, napatingin si Mitch sa menu at nagtanong, "Ano kayang masarap dito?""Steak," sagot ni Luke nang hindi man lang nag-aalinlangan.Napataas ang kilay ni Mitch. "Wow, hindi ka man lang nag-isip?""Kasi alam kong steak ang best seller nila," sagot nito, saka ibinalik ang atensyon sa menu."Eh paano kung gusto ko ng pasta?" tanong niya, sinusubukan siyang asarin.Hindi siya nilingon ni Luke, pero sumagot ito nang walang pag-aalinlangan, "Then, order pasta."Napasimangot si Mitch. Bakit parang hindi naaapektuhan si Luke ngayon?"Ikaw? A
HABANG nasa loob ng fitting room, napatingin si Mitch sa repleksyon niya sa salamin. Hawak niya ang red gown na napili niya—eleganteng pulang tela na dumadaloy nang perpekto, may high slit na tamang-tama lang para ipakita ang kanyang confidence."Perfect," bulong niya sa sarili, saka mabilis na isinuot ang gown.Pagkatapos niyang ayusin ang sarili, huminga siya nang malalim at lumabas ng fitting room.Sa kabilang side naman, nakatayo si Luke sa harap ng mirror, suot ang dark gray na suit na napili niya para sa engagement party. Matikas itong nakadisenyo, bumagay sa broad shoulders niya at mas nagpalalim sa kanyang intimidating presence. Kahit seryoso ang mukha niya, halatang kontento siya sa itsura niya.Nang marinig niya ang pagbukas ng pinto mula sa fitting room ni Mitch, automatic siyang napatingin.At doon siya natulala.Dahan-dahang lumakad si Mitch palabas, ang bawat hakbang ay parang sa isang runway model. Ang red gown
Habang nasa loob ng sasakyan, tahimik si Mitch. Hindi niya gusto ang idea na sumama kay Luke, pero wala rin siyang choice. Nang bumaba sila sa isang high-end na boutique, napataas ang kilay niya, agad na napansin niya ang mamahaling interior—mula sa chandeliers hanggang sa eleganteng display ng designer gowns at suits."Anong ginagawa natin dito?" tanong niya, nakahalukipkip."Mamimili nga tayo ng isusuot mo para sa engagement party," walang emosyon na sagot ni Luke.“Pwede namang sa ibang store na lang tayo bumili," reklamo ni Mitch habang sinusundan si Luke."Gusto mo ba ng pangit na damit?" sagot ni Luke nang hindi siya nililingon."Excuse me?" inis na sagot ni Mitch. "Wala ‘yon sa store, nasa pumipili!""Exactly. Kaya ako na ang pipili," ani Luke."Ang kapal mo rin, ano?" bulong ni Mitch, pero siniguradong maririnig ito ni Luke.Lumapit sa kanila ang is
Sa malawak nilang garden—ang magkaibigan Mitch at Freya, nagkayayaan magpalipas ng oras doon.Hindi niya maiwasan ang nangyari kahapon, hindi mapakali si Mitch. Wala siyang narinig tungkol kay Luke. "So, ganun na lang? Parang walang nangyari?" inis niyang sabi habang iniikot ang straw sa kanyang juice."Nagi-expect ka ba na tatawag siya?" pang-aasar ni Freya habang nagbabasa ng magazine."H-hindi! Hindi naman siya big deal," mabilis na sagot ni Mitch, pero obvious na hindi siya kumbinsido sa sarili niyang sagot.Ngunit parang pinaglaruan siya ng tadhana.May lumapit na kasambahay sa kanila at magalang nitong sinabi “Senyorita, may bisita po kayo.”Nagtaka siya, wala naman siya maalala na may bisita siya darating.“Sino?”Bago pa makapag salita ang kasambahay nagsalita na ang bisita niya.“Ako” walang kalatoy-latoy na sabi nito.Mula sa entrance n