Share

Chapter 1

Author: SECRET_PYUNG
last update Last Updated: 2022-09-19 17:45:14

Walang gana akong bumangon sa kama at pumasok sa banyo. Papasok na ako sa school pero parang ayoko, ano naman ang gagawin ko dun? Mag papaka loner? Bumuntong hininga na lamang ako.

Bagong araw nanaman para pagtawanan ako ng mga klaklase ko at gawin ang mga gusto nilang gawin saakin, pati mga ibang studyante sa school ganun din. Mula pa ng grade school ako palagi na akong binubully. Hindi ko alam kung bakit, nanahimik lang naman ako. Siguro dahil wala akong lakas ng loob para harapin sila.

Nag suot nako ng uniform at inayos ang buhok ko. Bumaba na ako at nakita ko si mama na nagluluto, tulala ito. Ganun siya lagi, palagi nalang siyang tulala. Ang papa ko namatay na noong 10 years old pa lamang ako, namatay siya dahil sa heart attack. Mula noon naging mailap na si mama sa mga tao, naghirap din kami nang mawala si papa. Lahat ng ari-arian namin benenta na namin. Luma na din ang bahay na tinitirahan namin ni mama, binili namin ito noong namatay si papa dahil ang dati naming bahay ay kinuha na ng banko. Pero okay lang sakin, kapag naka tapos nako sa pag-aaral ko magagawan ko na si mama ng bahay.

"Ma?" Pagpukaw ko sa kanya.

Lumingon ito saakin at bahagyang ngumiti.

"Andito kana pala anak, upo kana kakain na tayo. Malapit ng maluto ito," inilagay na nito sa plato ang dalawang piniritong itlog at ilang pirasong hotdog.

Nagsimula na kaming kumain.

"Ang payo ko sayo Aurora," seryoso ang pag kakasabi nito. Alam ko na ang ibig niyang sabihin.

Tumango-tango ako.

"Opo ma, hindi po ako titingin sa salamin." Malumanay na saad ko.

Hindi ko lubos maiisip kung bakit ayaw akong patinginin ni mama sa salamin, mula pa ng bata ako palagi na niyang sinasabi na wag na wag akong titingin sa salamin, sa bawat sulok ng bahay walang salamin na makikita o mahahanap.

"That's my girl." Hinaplos nito ang buhok ko at ngumiti, ngiting malungkot. Akala niya hindi ko nakikita sa mga mata niya ang lungkot na nararamdaman, pero kahit ako ramdam na ramdam ko yung lungkot lalo na kapag kakain kami katulad nito, dalawa nalang kami sa hapag kainan hindi na gaya dati na masigla kaming kumakain kasama ni papa.

Pag tapos kumain ay agad akong nag paalam at sumakay nako sa medyo lumang naming kotse, kay papa pa ito at nagagamit pa namin hanggang ngayon, medyo malayo ang school na pinapasukan ko kaya kailangan ko pang mag maneho ng ilang minuto para maka rating doon ng maaga.

Pag tapak ko palang sa bukana ng gate ay parang gusto ko na ring umuwi, naka tingin ang mga studyante saakin na akala mo'y hindi ako nababagay sa lugar na to.

"Ayan nanaman siya."

"Buti nakakaya niya pang pumasok,"

"Nakakaawa siya. Hahahahah"

"Here comes the freak."

"Andito nanaman ang pulubi."

Mga naririnig ko sa mga studyante na nadadaanan ko. Yumuko nalamang ako at dumiretso sa classroom. Halos ganito araw-araw, wala naman akong ginagawang masama sa kanila. Pag pasok ko sa classroom, mga titig nanaman ang bumungad saakin at mga salita na araw-araw kong naririnig.

Umupo nalang ako sa upuan ko at pinilig ang ulo sa desk. Bakit sila ganito saakin? Hindi ba sila nagsasawang ganitohin ako palagi? Kasi ako sawang-sawa nakong umiyak at mag makaawa na wag nilang gawin saakin to.

Di kalaunan ay dumating na rin ang professor namin at nagsimula na ang klase, hindi ko nalang pinansin ang mga classmate ko at nag focus sa tinuturo ng prof.

Natapos na ang pang umagang klase, tatlo lang naman ang subject tuwing umaga kaya pumunta nako sa cafeteria para kumain, wala akong ka close dahil kapag meron man, madadamay din sila sa mga pinanggagagawa ng mga studyante saakin. Hindi ko magawang magreklamo o mag sumbong dahil scholar lang ako.

Bumili nalang ako ng kanin, isang mangkok ng ulam at tubig. Inilagay ko na ito sa tray, naghanap nako ng mauupuan ko at may nakita akong upuan doon banda sa pinaka gilid, yumuko ako at mahinang nag lakad papunta roon, bigla nalamang may pumatid saakin dahilan para masobsob ako sa sahig.

Napa pikit ako dahil sa sakit ng tuhod ko at katawan dahil sa impact.

"HAHAHAAHAHAHHAHAAH"

Tawa ng mga studyante na nandito sa cafeteria. Bumangon ako at pinag pagan ang damit ko. Napadako ang mata ko sa tray na nasa sahig, lahat ng laman nun nag kalat na sa sahig. Napa kagat ako sa ibabang labi para pigilan ang luha ko na gustong kumawala.

"Awww, kawawa ka naman Aurora."

Napatingin ako sa babaeng nagsalita, nakita ko ang paa niyang ibinalik sa ibaba ng mesa, siya ang pumatid saakin? Bakit niya ginawa yun? Ano bang kasalanan ko sa kanya? Sa pag kakaalam ko, siya ang leader ng cheerleaders squad dito sa school.

"HAHAHAHAHA, ohhh... sorry sakin, paharang harang ka kasi sa daan." Asar na sabi nito sabay tawa, tumawa din ang mga kasama niya sa table.

Lumuhod ako sa sahig at pinulot ang mangkok na naka taob at pinggan, pinulot ko din ang mga kanin at ulam na nagkalat. Ilang beses nabang nangyari to? Diko na halos maalala dahil mula pa ng grade school at high school ako may gumaganito na saakin.

Tumayo na ako at nag lakad papunta sa counter ibinalik ko ang tray at mga pinggan, nakita ko ang awa sa mata ng tindira nang sumulyap ako sa kanya, ngumiti ako at  mabilis na umalis sa lugar na iyon, naririnig ko parin ang mga tawa nila ng maka labas ako sa cafeteria.

Nag madali akong naglakad, doon nalang siguro ako sa rooftop magpapahangin, narinig ko pa ang tiyan ko na kumukulo dahil sa gutom. Diko nalang pinansin at patuloy parin sa pag lalakad.

Naka salubong ko ang iba kong mga classmates at isa na doon si Vibian, classmate ko siya since high school at minsan binubully din niya ako noon, ngumisi lang ito at tinitingnan lang ako ng masama. Pati ang mga kasama niya nandidiri ang mga mata nilang naka tingin din saakin.

Nagpatuloy lang ako sa pag lalakad at naka rating na rin sa rooftop. Agad akong umupo sa pinaka sulok at huminga ng malalim. Dito ako nagtatago kapag binubully ako, walang pumupunta dito dahil takot ang ibang studyante, nababalitang may multo raw pero di ako naniniwala sa mga ganun.

Mas natatakot ako sa buhay na tao kaysa sa patay na. Katulad nila! Walang ginawa kundi saktan at paglaruan ako, hindi ko kayang ipagtanggol ang sarili ko sa kanila, hindi ko kayang manakit ng tao.

"Hiding yourself from them?" napapitlag ako ng may baritonong boses na nagsalita sa likuran ko,

umangat ang tingin ko patungo sa muhka niya. Nagulat pako dahil bakit siya nandito?

"Anong g-ginagawa mo dito A-alvin?" Agad na tanong ko, classmate ko din siya pero palagi siyang tahimik sa room at nakikipag usap lang kapag importante ang pag uusapan, crush ko siya since High School pero ano naman ang pag asa ko sa kanya? Isa siyang heartrob dito sa school, samantalang ako loner at freak ang tingin nila saakin.

"Nagpapahangin lang, diko naman alam na dito ka rin pala pumupunta."

Tumango-tango ako sa sinabi niya. Madalas siguro siya dito. Akala ko ako lang ang may lakas ng loob pumunta dito.

"Nakita ko yung nangyari sa cafeteria," dugtong pa nito.

Yumuko na lamang ako, nakita niya pala yung nangyari. Hindi nako nagulat, mabilis din naman kumalat ang balita dito sa school kahit fake news.

"Hayaan mo nalang sila, wala lang silang magawa sa mga buhay nila kaya nila ginagawa yun sayo."

Hindi nalang ako umimik, so ano pala ang tingin nila saakin? Kaya ba buhay ko araw-araw ang sinisira nila?

May inabot siyang isang supot ng biscuit saakin, napatingin naman ako doon at tumingin sa kanya na nagtataka.

Teka anong ginagawa niya? Binibigay niya ba sa akin to? Pero bakit?

"Take it." Seryosong saad niya.

Nanginginig ang kamay ko ng kunin ko ito mula sa kamay niya, dumampi pa ang kamay ko sa daliri niya, para akong nakuryente.

"S-salamat." Nauutal na sabi ko, ito ang unang beses na may nag bigay saakin ng ganto. Concern ba siya saakin? Pero bakit naman?

Tanging tango nalang ang sagot nito at tumalikod na, naka tingin lang ako sa likod nitong naglalakad palayo, narinig ko ang mga yapak nito pababa sa hagdan at di kalaunan ay wala na rin.

Bumalik ang tingin ko sa biscuit na binigay niya saakin. Biglang kumulo nanaman ang tiyan ko, bumuntong hininga nalang ako at binuksan ang supot at kinain at bisquit. Siguro naaawa lang siya saakin kaya niya ginagawa to.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • THE INNOCENT AND DEADLY AURORA    EPILOGUE

    Ali POVIt's been 10 years mula nang mangyari ang araw na yun. Halos hindi ko na nga matandaan. Pinipilit kong kalimutan pero mahirap.Nag kikita parin kami ni Vibian kapag hindi kami busy sa kanya-kanya naming buhay at pamilya. Nag ka tuluyan sila ni Edward ang classmate din niya noong college at ako naman ang katrabaho kong si Luis. May dalawa akong anak at kapag sineswerte ka kanga naman naging kambal pa. Dalawang babae ang anak ko, si Ara at Mia. 6 years old na sila at masaya silang nag lalaro kasama ng asawa ko. Ngayon lang ulit sila nag bonding.Pumunta muna ako ng kusina at nag timpla ng gatas para sa kambal.Hindi nanamin nakita si Alvin matapos ang araw na iyon. Nabalitaan nalang namin na pumunta na ito ng ibang bansa. Hindi ko maipag kakaila na na trauma ako sa nangyari saamin. Halos ilang buwan din akong tulala at palaging takot pag katapos ng nangyari.Ngayon lang namin ulit dadalawin si Aurora. Ang huling balita ko sa kanya nag kasakit ito at patuloy paring pinapagaling n

  • THE INNOCENT AND DEADLY AURORA    Chapter 19

    Mahina kong binuksan ang mga mata ko. Nahihirapan akong gumalaw. Naka higa pala ako dito sa baba ng hagdan. Teka anong ginagawa ko rito?Ang natatandaan ko nasa sala kami kanina nung inumpisahan namin, pero bakit ngayon andito nako? Sumanib nga talaga saakin ang masamang kaluluwa nayun nung pumasok ako sa salamin. Napakurap-kurap ako ng mata, may nakita akong dugo. Sinundan ko iyon ng tingin at nakita si Mama na wala ng buhay. Nanlaki ang mata ko at napa takip ng bibig. Si mama..."M-ma?" agad akong lumapit at nanginginig na nikayap siya. Hindi ako makahinga ng maayos sa nakikita ko."Ma!? No! Wag mukong iiwan... naka balik nako..... please.." Umiyak nako ng umiyak. Bakit si mama pa? Sana ako nalang ang namatay! Hindi ko kaya. Niyakap ko siya ng mahigpit. "Ma.... wag mukong iiwan... paano nako pag wala ka? Ma! Ma! Please ma gumising ka! Wag mukong iwan! Ma! Ma.... please... gising... wag... m-mukong iiwan.... please." Niyuyugyog ko ito. Baka panaghinip lang ito. Napaka samang panag

  • THE INNOCENT AND DEADLY AURORA    Chapter 18

    Napalingon ako sa tumawag saakin. Wala naman akong nakita, saan galing ang boses na yun? Napalingon-lingon pako ng ilang ulit pero wala talaga. Baka guni-guni ko lang?Napadako ang tingin ko sa isang salamin na pinapalibutan ng kandila. Ang salamin na hinahanap ko. Agad ko itong nilapitan at kinuha. Kagaya ng salamin nato ang nakita namin sa basement kanina. May kung ano akong nakikita sa loob ng salamin. Mga kaluluwa? Napakaraming kaluluwa. Napa laki ang mata ko ng makita sa loob ng salamin si Aling Mari. Bakit siya nandito sa loob? H-hindi kaya patay narin siya? Oh my god! Hindi ito maaari.Hindi ko na napigilan ang umiyak, patay na siya. Isa nalang siyang kaluluwa. Ohh diyos ko bakit ito nangyayari? Pinatay niya ba siya?Napa kuyom ako ng kamao. Demonyo siya! Pinatay niya sila!Hindi nako nag dalawang isip na ihampas sa sahig ang salamin. Ilang ulit ko iyong ginawa. Pag tingin ko sa salamin hindi parin ito nawawasak. Paanong? Bakit hindi ito nawasak? Inulit ko ulit pero hindi ta

  • THE INNOCENT AND DEADLY AURORA    Chapter 17

    Pagmulat ko ng mga mata, kadiliman ang tumambad saakin. Napa tayo ako sa kinauupoan ko at nilibot ang paningin ko sa buong lugar. Nandito na nga siguro ako sa mundo ng mga kaluluwa. Huminga ako ng malalim. Mukang nasa sala ako ng bahay namin pero wala dito sila mama at mga kaibigan ko katulad kanina. Agad akong naglakad-lakad. Kailangan kong hanapin ang salamin na sinasabi ni Aling Mari, nagpunta ako sa kusina. M-may isang batang babae na naka talikod.Napa atras akong muli, hindi naman sinabi ni Aling Mari na marami pakong makikitang kaluluwa bukod sa kapatid ko. Siguro namatay sila dito sa bahay? Tapos hindi sila matahimik kaya naiiwan ang mga kaluluwa nila dito. Huminga muna ako ng malalim bago sinilip ulit ang batang naka talikod. Sa tingin ko nasa sampung taong gulang palang ito. Mahaba din ang buhok niya at naka suot ng puting dress na hanggang paanan. Napalaki ang mata ko ng naka lutang pala ito. Mas lalo akong nakaramdam nang takot. Umiling-iling ako at winala ang nararamda

  • THE INNOCENT AND DEADLY AURORA    Chapter 16

    Aliya POVNaka hawak lang ako sa balikat ni Vibian habang naka tingin lang kila Aling Mari at Aurora. Naka upo si Aurora sa isang upuan at naka gapos habang si Aling Mari naman ay naka upo paharap kay Aurora.Hindi ko masyadong marinig ang mga pinag uusapan nila. Nang pumikit na si Aurora nagsimulang bumulong ng mabilis si Aling Mari. Hindi ko alam kung anong klaseng pananalita ang sinasabi niya.Kinuha niya ang medyo malaking salamin at kinuha ang damit na naka balot dito. Kinakabahan ako para sa kaibigan ko. Baka hindi na siya maka balik,Iniharap ni Aling Mari sa kanya ang salamin. Nakapikit parin si Aurora."Buksan mo na ang mga mata mo Aurora..."Rinig kong sabi ni Aling Mari. Biglang naka ramdam ako ng panlalamig kaya mas sumiksik ako kay Vibian. Pag tingin ko kay Aurora naka tingin lang ito nang diretso sa salamin. Halos hindi siya kumukurap.Pati si Vibian at Tita Amelia nagulat din. Sigurado akong nandun na siya sa kabilang mundo. Parang na istatwa talaga si Aurora, hindi si

  • THE INNOCENT AND DEADLY AURORA    Chapter 15

    Byernes ng hapon at nandito kami sa labas ng bahay ni Aling Mari, ang albularyong pinuntahan namin noong isang araw. Sa kanya ako humingi ng tulong. Sinabi ko lahat sa kanya.Nasabi din saamin ni Ali na espiresista din si Aling Mari, kaya nakakaramdam siya ng mga kululuwa sa paligid.Hinihintay nalamang namin ito sa labas ng bahay niya, maya maya ay lumabas nadin siya at may dala na itong bag. Madami ba dapat ang dalhin niya? Hindi ko nalang pinansin at pumasok na sa kotse ni Vibian. Pinapauwi ko na nga silang dalawa ni Ali pero ayaw nila, ang tigas ng ulo nang dalawang to. Naghihintay naman si mama sa bahay. Hindi kalaunan ay nakarating na kami sa bahay. Pag baba namin sa kotse agad napa tulala si Aling Maria. Parang may sinasabi ito,"Itim na aura... malakas at nakamamatay. Maraming ligaw na kaluluwa." dinig kong sabi niya.Agad kaming pumasok sa bahay. Nagulat si mama ng makita niya si Aling Mari."Ikaw......" turo ni mama kay Aling Mari. "Ikaw ang nagsabi saakin noon, hindi ako

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status