Share

Chapter 2

Pumasok na ako sa bahay at naabutan si mama na nagdadasal sa sala, naka pikit ang mga mata nito at parang may binubulong.

Umakyat nako sa kwarto ko at hinayaan na lamang si mama mag dasal. Nag bihis nako at bumaba para tulungan si mama sa kusina mag luto ng hapunan.

Pag dating ko sa sala ay wala na si mama, nagtaka naman ako. Teka nasaan si mama? Kani-kanina lang andito siya saan kaya siya nagpunta? Naglakad ako papunta sa kusina at wala din siya doon, nilibot ko na ang buong bahay pero wala talaga si mama.

Napa upo ako sa sira-sirang couch, siguro lumabas siya baka may bibilhin. Biglang may narinig akong kalabog sa sahig. Nagulat pako dahil malakas ang pagkakakalabog nun. Ano ba yun daga? Mukang galing sa basement, napalunok ako at lumapit sa pinto ng basement, gawa sa metal ang pintong iyon, bakas dito ang pag ka luma dahil sa kalawang at mga dumi na naka balot dito.

Mahina kong pinihit ang door knob, hindi ko pa nabubuksan ng maayos ng may naramdaman akong tao sa likod ko.

"Anak?"

Halos mapatalon ako sa kinatatayuan ko ng magsalita ito. Si mama pala, teka saan siya galing? Naka hawak parin ako sa dibdib ko dahil hindi parin nahuhupa ang kaba at takot ko.

"Anong ginagawa mo jan anak?" Nilingon ko ito.

"Ah, w-wala po ma. Hinahanap po kasi kita t-tapos may narinig akong kalabog sa basement" agad na sabi ko.

"Baka daga lang iyon, galing ako sa likod bahay." diretso nitong saad. Tumango naman ako. Pumunta na kami sa kusina at tinulungan ko siyang mag luto ng hapunan.

Pagtapos naming kumain, ako na ang nag hugas ng pinggan at pinahinga ko na si mama. Alam kong pagod siya dahil nag tratrabaho siya sa isang factory, taga gawa ng mga papel.

Mabilis kong tinapos ang pag huhugas ng pinggan, hindi naman ganun karami ang hinugasan ko dalawa lang naman kami ni mama kumain. Naglakad nako papunta sa hagdan ng madaanan ko ang pinto ng basement, napa tingin ako dito dahil parang may kumakalabog nanaman doon. Napalunok ako, daga ba talaga ang gumagawa ng mga kalabog na yun?

Umiling nalang ako at winala ang iniisip. Pumasok nako sa kwarto ko at natulog.

Kinaumagahan napaaga ako ng dating sa school, ganun parin pag dating ko, mga titig, mga masasakit na salita at kung ano ano pa tungkol saakin.

Mag PPE kami ngayon kasama ng ibang section kaya nag bihis na kami ng PE uniform.

Naka tayo lang ako sa may gilid malayo sa kanila, biglang nagsalita ang prof na mag jojogging, agad namang nag jogging ang mga classmate ko at ibang section at naiwan akong naka tayo, hindi ko alam kung sasama ba ako sa kanila.

"Ms. Vazquez hindi kaba mag paparticipate?" tanong ng Prof saakin dahil hindi ako sumunod sa mga classmate ko.

"Mag p-paparticipate po." mahinang sabi ko at hinabol ang mga classmate ko, mahina lang silang tumatakbo at enienjoy ang pag jojogging. Sama-sama silang nag jojogging at nagtatawanan, samantalang ako andito lang sa likod naka buntot at tahimik.

Nangangalahati palang kami ng pag jojogging ng may tumulak saakin, dahilan para masobsob ako sa lupa. Halos mahilo ako dahil na untog pa ang ulo ko sa maliliit na bato.

May isang studyante na tumulong saakin upang makatayo. Isa itong nerd, bakas sa muka nito ang pag aalala.

"A-ayos kalang ba?" Tinulungan niya akong maka tayo at pinagpagan ang suot kong puro lupa na.

"Ayos lang," mahina kong sabi, pero sa totoo lang hindi ako maayos.

Rinig ko nanaman ang mga tawanan ng mga classmate ko at ibang section. Biglang kumirot ang noo ko, dahil siguro sa pag kaka untog ko kaya medyo humahapdi at kumikirot.

"Oh my gosh! Dumudugo ang noo mo." Natatarantang saad ng babaeng nerd saakin.

"Napa lakas ata ang pag kaka subsob niya."

Sabi ng isang babae, siya yung nasa cafeteria kahapon, taga ibang section lang pala siya. Tumawa nanaman sila, halos mabingi ako dahil parang lumalakas sa tenga ko ang mga halakhak nila. Parang napupunit ang tenga ko. Napa pikit ako at tiniis ang nakakabingi nilang mga tawa.

"Dadalhin kita sa clinic, halika."

Biglang naglaho ang mga nakakabinging tawa sa tenga ko at bumalik na sa dati. Tumango nalang ako at inaalalayan niya ako patungo sa clinic.

Nilinisan at nilagyan ng school nurse ng band aid and noo ko. Umalis na ito at dalawa nalang kami ng babaeng nerd ang naiwan, ngumiti ito ng pilit.

"Salamat," yumuko ako at nilaro ang mga daliri ko, nahihiya ako sa kanya.

"Wala yun, okay naba ang pakiramdam mo?" Tumango ako bilang sagot.

"Buti naman. By the way I'm Aliya but you can call me Ali." Sabay ngiti nito. May brace ito at maliliit na tigyawat sa muka, ang glasses nito ay makapal ang grado.

Nakipag shake hands ako sa kaniya. Muka naman siyang mabait.

"Ako si Aurora."

"Alam ko, pasinsya kana sa mga classmate ko ha."

Nailang ako sa sinabi niya,

"Okay lang yun, sanay naman na ako." sabi ko nalang.

"Kahapon pinatid ka ni Gina ngayon naman tinulak ka niya."

Napakunot ako ng noo, si Gina pala ang pumatid saakin at tumulak kanina?

"Bakit niya ginagawa yun saakin?" biglang tanong ko.

Bumuntong hininga ito. "Hindi ko din alam Aurora,"

Nag paalam na ako kay Aliya at naglakad papuntang classroom, sasabihin ko nalang sa prof na pumunta ako sa clinic para di ako mapagalitan na late sa class niya.

Naglalakad nako at malapit na ako sa classroom ng may biglang nagtakip ng bibig ko, hinawakan din ako sa magkabilang braso. Nag pupumiglas ako pero diko sila kaya, tatlo silang naka hawak saakin, hindi rin ako maka sigaw dahil may tumatakip sa bibig ko. Natatakot ako!

Dinala nila ako sa madilim na parte ng building ng school. Para itong abandonado, agad nila akong ipinasok at binitawan sa loob ng abandunadong Cr.

"Sino kayo!" agad na sigaw ko ng bitawan nila ako.

Nagsitawanan naman sila, ang mga tawang yun, pamilyar sila saakin. Tatlo silang babae, teka sila yung nasa canteen kahapon at tumulak saakin kanina. Si Gina at ang dalawang kasama nito.

"Dito ka dapat nababagay," Pag sabi nun ay agad silang lumabas ng pinto.

Tumayo ako at hinabol sila pero huli na ako nang isara nila ang pinto mula sa labas.

"Palabasin niyoko dito! Ano ba!! Ano bang ginawa ko sa inyo!! Palabasin niyoko!!" Sigaw ko pero hindi sila nakikinig, kinakatok ko ng malakas ang pinto at binubuksan ang door knob pero ayaw mabuksan.

Rinig ko pa ang mga tawa nila mula sa labas ng pinto. Agad akong natakot at kinabahan. No! Hindi nila ako pwedeng ikulong dito.

"Wag niyokong iwan dito!! Palabasin niyoko!!! Ano ba!!! Palabasin niyoko!!" Sigaw ko ulit pero narinig ko lang ulit ang mga tawa nila at mga yapak paaalis.

"Wag niyokong iiwan dito!! Please!!! Palabasin niyoko!!" Hindi ko na napigilan ang umiyak habang patuloy paring kinakalabog ang pinto.

Nawalan nako ng boses sa pag sisigaw at umupo sa sulok nitong abandonadong Cr. Mga ilang oras na rin siguro akong sigaw ng sigaw dito. Natatakot ako dahil sa madilim at nakakabinging katahimikan. Humihikbi parin ako at pinapahiran ang mga luha ko na kanina pa umaagos.

Ano bang ginawa ko sa kanila? Bakit nila ginagawa sakin to? Tanong ng isip ko na kahit ako ay hindi ko masagot-sagot.

Niyakap ko ang sarili at yumuko, nilalamig din ako. Siguro mag hahapon na, nagugutom na din ako. Hindi pako nakaka pag tanghalian, kahapon hindi din ako naka pag tanghalian, sana hindi ako magkasakit at magka ulcer.

"Aurora......"

Napa taas ako ng tingin at lumingon-lingon sa paligid.

"Aurora...."

Narinig ko nanaman ang tinig na tumatawag saakin, parang nandito lang siya sa paligid, teka may kasama ba ako dito sa loob?

Tumayo ako at hinanap ang nagmamaya ari ng tinig, parang napaka lambing nito at inaakit akong lapitan siya.

Binuksan ko ang isang pinto ng isang cubicle pero walang tao, sinunod ko ang isa pa pero wala din.

"Aurora....." Napapitlag ako ng narinig ko nanaman.

Nanggagaling ito sa likuran ko. Pumikit ako at mahinang hinarap ang likuran ko. Nakaramdam ako ng takot at kaba.

Pag tingin ko, bumungad saakin ang malaking salamin.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status