Share

THE INNOCENT AND DEADLY AURORA
THE INNOCENT AND DEADLY AURORA
Author: SECRET_PYUNG

PROLOGUE

"Doc, ano po ang sakit ng anak namin?" nag aalalang tanong ng ginang.

Nag-aalala ito sa kanyang tatlong taong gulang na anak. Kasama niya ang kanyang asawa at nasa tabi niya lamang ito at tahimik na nakikinig.

"Wala naman pong problema sa kanya Mr and Mrs.Vazquez, pero meron po akong diagnosis sa kanya. Ito ang tinatawag na Mirror Image Agnosia " agad na sabi ng doctor.

"Mirror Image Agnosia? Ano po iyon doc? Malala po ba ang sakit n-na iyon?" Nanginginig na boses ng ginang, hindi na nito napigilang humikbi.

"Ito po ay Gnosis, isang modality-specific na kakayahang ma-access ang semantic na kaalaman ng isang bagay o stimulus sa pagkakaroon ng normal na perception. Ang pagkabigo nito ay agnosia o disorder ng pagkilala. Maaari itong maging lubos na pumipili sa loob ng isang mode, ang mga larawan sa sarili ay naiiba sa iba dahil walang nakakita ng sariling larawan maliban sa pagmuni-muni. Ang hindi pagkilala sa larawang ito ay maaaring mamarkahan bilang mirror image agnosia o Prosopagnosia para sa reflected self-image, samantala ang mirror agnosia naman ay isang kilalang-kilalang sitwasyon kung saan ang tao habang tumitingin sa mga nasasalamin na larawan ng iba pang mga bagay sa salamin at naiisip niya na ang mga bagay na nakikita ay nasa loob ng salamin at hindi sa labas."

"Sinasabi mo ba na may nakikita ang anak ko sa salamin? Ganun ba?" Hindi maka paniwalang saad ng asawa ng ginang. Pinipilit nitong maging matatag para sa kaniyang asawa at anak.

Hindi na nila alam ang kanilang gagawin sa mga nangyayari sa kanilang anak. Napadako ang kanilang tingin sa anak na tahimik na nag lalaro mag isa kama.

"Doc ano po ba ang pwede naming gawin para maiwasan ang sakit ng anak ko?" Pinahiran ng ginang ang mga luha at diretsiyang tinanong ang doctor.

" Hindi ko po masasabi na sakit po talaga ito pero, ilayo niyo po muna siya sa mga bagay na nag rereflect sa kanya lalong-lalo na ang salamin. Yun lang po muna ang dapat ninyong gawin. Sige ho, mauuna napo ako."

Nag-paalam na ang doctor at inihatid naman ito ng asawa ng ginang palabas sa kanilang bahay. Napaiwan naman ang ginang at tumabi sa batang babae na nag lalaro ng manika. Tiningnan niya ng mabuti ang kaniyang anak, hindi niya mapigilang humikbi, inayos nito buhok ng kaniyang anak at hinalikan ito sa noo.

Hindi niya lubusang maisip kung bakit ito nangyayari sa kaniyang anak. Ayaw na niyang mawalan ulit ng isang anak.

"Kung nabubuhay lang ang kakambal mo anak, masaya sana kayong naglalaro." Napaiyak na ito ng tuluyan at niyakap ng mahigpit ang kaniyang anak na si Aurora.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status