Share

Chapter 3

Nagtatakang lumapit ako dito, ngayon lang ako nakakita ng salamin, alam kong salamin ito dahil nababasa ko ito sa mga libro at sinasabi sa libro na malalaman mong salamin ito dahil sa reflection, hindi pako naka kita ng salamin mula noong bata pa ako, tiningnan ko ang aking muka sa salamin. Ganito pala ang itsura ko, hinawakan ko ang muka ko, napakaganda nang nakikita ko.

Halos maiyak ako, napadako ang mata ko sa noo ko na may band aid at sa damit kong madumi, namumugto rin ang aking mga mata dahil sa kakaiyak

Tinitigan kong mabuti ang reflection ko sa salamin.

"Lumapit ka Aurora..." ayan nanaman ang tinig.

Parang ang reflection ko sa salamin ang tumatawag saakin. Naka tingin lang ito saakin, lumapit ako ng husto dito.

"Lapit pa Aurora...."

Napalunok ako at ilang dangkal nalang ang layo ko sa salamin. Parang may iba akong nakikita sa salamin. Bakit iba ang pagtitig saakin ng reflection ko? Naguguluhan ako.

"Wag kang matakot Aurora... tutulungan kita."

Nagulat ako ng magsalita ang reflection ko sa salamin. Teka hindi naman ako nag salita pero bakit ang reflection ko, parang may sariling itong buhay? Nakaramdam nanaman ako ng takot. Umatras ako mula sa salamin,

'Hindi. Hindi ito totoo.' Anang isip ko.

Umiling uling ako para mawala ang nakikita ko, sinampal ko pa ang sarili ko na baka nanaginip ako pero hindi, totoo itong nakikita ko.

"Wag kang matakot Aurora......" muli nanaman itong nagsalita, umiling-iling ako.

"Hindi. Hindi ka totoo! Nanaginip lang ako." Agad na sabi ko at pumikit.

Ilang beses akong pumikit at dumilat pero andun parin siya sa salamin. Bakit ganyan siya kung maka tingin saakin? Parang may poot ito sa mga mata.

"Halika Aurora... Lumapit ka."

malambing nitong tinig.

Huminga ako ng malalim at sinunod ang inuutos niya. Mahina akong humakbang papalapit dito, naka tingin lang ito saakin. Napalunok akong muli, natatakot ako.

Naka lapit naako, bigla itong gumalaw at inilapat ang mga palad, parang may crystal na pumupigil sa kamay nito na lumabas sa salamin.

Natatakot ako, kinakabahan na hindi ko alam. Nanginginig ang kamay ko habang inilalapit sa mga kamay nitong naka tapat, parang sinasabi nitong hawakan ko ang salamin.

Lumapat ang mainit kung palad sa malamig na salamin. Naka hinga ako ng maluwag ng maglapat ang mga palad ko dito, parang napaka sarap nito sa pakiramdam.

Biglang naka ramdam ako ng pag ka hilo, hinawakan ko ang ulo ko gamit ang kaliwang kamay, hindi ko maigalaw ang kanang kamay ko at alisin sa salamin. Dumidilim ang paningin ko, nakita ko pang ngumisi ang reflection ko sa salamin bago ako nawalan ng malay.

"Takbo!!"

Sigaw ko sa babaeng pa ika-ikang tumakbo. Ngumisi pako ng makita ang mga dugo nitong umaagos mula sa putol na kamay nito.

Hawak-hawak nito ang kaliwang kamay na putol na, umaagos ang dugo mula rito at rinig ko ang pagpatak nito sa sahig. Naririnig ko rin itong umiiyak at humihingi ng tulong.

"HAHAHAHA!!" Walang tigil kong tawa. Natutuwa ako sa nakikita ko.

"Tulong!! Tulungan niyoko!!" nahihirapang sigaw niya. Napa hinto na ito sa paika-ikang pag takbo at nadapa ito sa sahig.

Sinayad ko ang ulo ng palakol sa sahig habang hawak-hawak ko ito. Nag kaka roon iyon ng tunog na gustong-gusto kong marinig, pati ang paghingi ng tulong at pag d***g sa sakit ng babaeng ito ay napaka sarap pakinggan sa tenga. Para itong musika na gustong-gusto kong pakinggan ng paulit-ulit.

"Pagod kana bang tumakbo Gina?" Nakangisi kong tanong habang mahinang naglalakad patungo sa kinaroroonan niya.

Gumapang ito sa sahig at pinipilit paring maka takas, naiiwan naman ang dugo nito na siyang nagpapadulas sa tuyong sahig.

"Ma-a-a-awa ka s-akin." nahihirapang salita nito na mas ika ngisi ko.

Nasa paanan ko na ito at hindi na nito kayang gumapang. Agad kong hinatak ang buhok nito para tingalain ako. Sumusuka nadin ito ng dugo pero wala akong pakialam at hindi ako nakakaramdam ng awa para sa kanya. Para sakin kulang pa ito.

Halos ipinaligo na nito ang sariling dugo. Hinigpitan ko ang pag hawak sa buhok niya, napadaing naman ito sa ginawa ko.

"Awa? Meron kaba nun Gina?" natatawang sabi ko. Balibag kong binitawan ang buhok niya kaya na subsob ang ulo nito sa sahig.

"Pinatay ko na ang mga kasama mo.... unfair naman siguro kung sila lang hindi ba?" Ngumisi ako ng nakaka loko.

Matapos ko silang pinalakol at pinutol-putol ay hindi pako nakuntento. Gusto ko munang pahirapan ang isang to siyaka ko siya isusunod sa mga kasama niya.

Agad kong hinawakan ang palakol at itinutok sa leeg nito, siyaka ko pinalakol  ng ilang beses ang leeg nito. Hindi pako nakuntento at pati tiyan at dibdib nito ay pinalakol ko din.

"HAHAHAHAHAHAHA" walang katapusang tawa ko habang patuloy parin sa ginagawa ko.

Napa balikwas ako ng bangon dahil sa panaghinip ko, binabangungot ako. Napatingin naman ako sa kabuoan ng kwarto, andito ako sa kwarto ko. Pero paanong nangyari yun? Kinapa kapa ko ang sarili ko, naka suot nako ng pambahay. Panaghinip lang ba lahat ng yun? Pero bakit parang totoo?

Tumingin ako sa wall clock ng kwarto ko at ala sais na ng umaga. Agad akong pumasok sa banyo at naligo. Nagbihis nadin ako ng uniform at bumaba na.

Naabutan ko si mama na nagluluto.

Naramdaman nito ang presensya ko at agad na lumingon sa gawi ko.

"Ohh anak, upo kana at kakain na tayo." anyaya nito saakin.

Tumango naman ako at umupo.

"Bakit hindi ka man lang bumaba kagabi para mag hapunan anak? Kinatok kita sa kwarto mo at sabi mo busog kapa. May problema ba anak?"

Napakunot noo ako sa sinabi ni mama.

"Po?" takang tanong ko.

"Siguro ay pagod kalang kagabi, oh siya damihan mo ng kain ha."

Nilagyan ako nito ng kanin sa plato at ulam. Tumango-tango nalamang ako kahit hindi ko alam ang pinagsasabi ni mama.

Paanong naka uwi ako? Ang huling natatandaan ko nasa abandonadong Cr ako tapos ang reflection ko sa salamin. Pagkatapos nun, wala na akong matandaan.

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status