Share

THE INTRUDER'S DUTY
THE INTRUDER'S DUTY
Author: AlucaSed

PROLOGUE

SA TUWING sasapit ang dilim, nagbabadya ang panganib sa paligid. Hindi mo sila makita at hindi mo alam kung kailan sila aatake.

Mula sa malayo sila ay nakamasid, ninanamnamn ang iyong halimuyak at kapag hindi nakapagpigil sa tawag ng kanilang kumakalam na sikmura ikaw ay kanilang lalapain hanggang ikaw ay mawalan ng buhay.

Humans are just like a livestock for them were they can eat whenever they want and they feel hungry.

Sinong mag-aakala na sa modernong panahon na ngayon ay mayroon pa palang katulad nila, namumuhay at tahimik na naghahasik ng lagim, nagbibigay ng takot at pangamba sa kanilang mga naging biktima.

Mababalahibong katawan, matatalas na kuko at matutulis na ngipin na kapag bumaon sa iyong balat ay tiyak na ikaw ay papalahaw hanggang sa unti-unti lang mawalan ng boses at hininga.

“Hindi ko akalaing sa edad kong ito ay mayroon pang katulad nila, umaaligid at naghihintay ng tiyempo. Hindi ko rin lubos maisip na sila ay namumuhay sa modernong panahon,”

“Hindi ako makakapayag na hindi makuha ang aking gusto. Hindi ako makakapayaga na hanggang ganito na lang ako habang ang mga tao ay napapaligiran ng mga mapanganib.”

“Mas hamak na matalas at mabilis ang aking sandata kaysa sa kanilang mga pangil.”

Napatingala ang lahat nang biglang magbago ang kulay ng paligid. Ang maliwanag na kaulapan kanina ay napalitan ng makulimlim na paligid. Biglang sumama ang ihip ng hangin. Nagliparan ang mga natatarantang ibon upang maghanap ng ligtas na madadapuan kasabay ng pagpilantik ng mga sanga.

Habang tumatagal, lumalakas nang lumalakas ang ihip ng hangin na siyang nagpasayaw sa mga nakatindig at mayayabong na sanga ng puno.

Sa isang iglap, sumulpot ang isang babae sa kaniyang harapan.

“Binabalaan kita, h’wag mo nang ituloy ang nararamdaman mo. Hindi makabubuti kapag hindi mo ito pinigilan,” banta ng babaeng sumulpot sa kaniyang harapan.

Agad namang tinalikuran siya ng babae at unti-unti humakbang palayo sa kaniya

Napalunok siya ng kaniyang laway at napayuko na lamang.

“Ano’ng gagawin n’yo kung hindi ako makakapayag sa sinasabi n’yo? Ano’ng mangyayari kung tinalikuran ko ang tunay na pinanggalingan ko?” tanong niya sa babae.

Napahinto ang babae sa paglalakad dahil sa kaniyang sinabi. Hindi makapaniwalang hinarap siya ng babae. Nanlilisik ang mga tingin nito sa kaniya at kapansin-pansin ang pamumula ng gilid nito dahil sag alit.

“Hinding-hindi ako magdadalawang isip na patayin ka. Kalilimutan ko ang lahat ng tungkol sa ‘yo at ibabaon ka sa limot. Tandaan mo, hindi lahat ng desisyon ay dinadaan sa nararamdaman, sa pag-ibig o pagmamahal,” wika pa nito.

Mariin niyang tinitigan ang babae hanggang sa muli siya nitong talikuran. Nangunot ang kaniyang noo nang mapansin na hindi man lang ito humakbang.

“Isipin mo ang ‘yong unang ipanaglalaban hinding-hindi ka maliligaw ng landas na tinatahak.”

Sa isang kurap ng kaniyang mga mata, nawala ang babae na para bang isang bula na naglaho sa malakas na na ihip ng hangin.

“Isipin mo ang ‘yong unang ipanaglalaban hinding-hindi ka maliligaw ng landas na tinatahak.”

Napabalikwas siya sa kaniyang kinahihigaan habang hinahabol ang kaniyang paghinga. Inilibot niya ang kaniyang paningin sa paligid hanggang sa napadako ang kaniyang atensyon sa lalaking nakahiga sa isang mahabang upuan, nakabaluktot ito at mahimbing ang pagkakatulog.

Dahan-dahan siyang tumayo sa kaniyang higaan at siniguradong hindi makagagawa ng kahit na anong ingay. Kinuha niya ang kumot at dahan-dahang lumapit sa natutulog na lalaki. Inilapat niya ang kumot sa katawan ng lalaki at inayos ito.

Pinagmasdan niya ang lalaki habang natutulog. Muli niya naalala ang kaniyang panaginip at ang huling linyang binitawan ng babae bago siya magising.

“Isipin mo ang ‘yong unang ipanaglalaban hinding-hindi ka maliligaw ng landas na tinatahak.”

Tumulo ang luha mula sa kaniyang mga mata.

“Patawad,” aniya.

Tumayo siya at lumabas ng kaniyang bahay. Naglakad siya papunta sa likuran ng bahay at hinukay ang kaniyang sandata. Nang makuha, aagad niya ito itinabi sa silong ng bahay at muling bumalik sa kaniyang silid.

Tulog na tulog pa rin ang lalaki nang maabutan niya ito. Kinuha niya na lamang ang isang tampipi sa ilalim ng kaniyang kama at saka muling naglakad palabas ng silid. Nang nasa pintuan na siya, huminto siya saglit at muling nilingon ang lalaking mahimbing ang pagkakatulog.

Malungkot na ngumiti ito nang masaksihan niya kung paano hampasin ng lalaki ang kaniyang mukha upang patayin ang lamok na dumapo sa pisngi nito. Umikot ang lalaki sa kabilang direksyon ng kaniyang hinihigaan at ngayon ay nakatalikod na ito sa kaniya.

Kinuha niya ang pagkakataon na iyon upang makaalis sa kaniyang pamamahay.

Hustisya para sa mga taong namayapa at naapi nang walang kalaban-laban, samahan na nanatiling buo dahil sa mga alaala at mga pinagsamahan, pag-ibig at katotohanan na kayang baguhin ang isang pananaw o kamatayan na sa tingin natin ay siyang katapusan ng lahat.

Comments (2)
goodnovel comment avatar
Rona Doctorr
ang ganda! bet na bet koooooooo
goodnovel comment avatar
Klaryzze Nodado Valsorable
thriller romance po ba ito...
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status