Share

CHAPTER 4

Alas siete na ng gabi nang maisipan kong lumabas muna para humanap ng pwede kong kainan.

Sinabi naman sa 'kin ng matandang si Beng na bukas ay pwede na akong lumipat sa maayos na kwarto kaya pagtatyagaan ko muna ang maruming kwarto na kasalukuyang ginagamit ko.

Nang lalabas na sana ako sa pinto, kaagad akong napatigil nang bigla akong tawagin ni Beng.

Humarap ako sa kanya. Nakatayo siya sa paanan ng hagdan.

"Bakit?" I asked.

"Hindi ka maaaring gumala-gala sa labas ng ganitong oras. Delikado sa daan. Nakakalat na ngayon sa paligid ang mga sundalong nanghuhuli ng mga kagaya mo. Hindi kaaya-aya ang mga ginagawa nila sa mga lobong nahuhuli nila. Hindi sila  marunong trumato sa makataong pamamaraan kapag lobo ang kanilang kaharap."

Umarko ang isang kilay ko. "Bawal rin bang lumabas ng ganitong oras ang Lady Cassa niyo at ang anak niya?" tanong ko.

Umiling ang matanda. "Malaya sila dahil parte sila ng pamilya na nagpapatakbo sa lungsod namin."

"It sounds so unfair," I murmured.

"Pero kung gusto mo talagang lumabas, kailangan mong mag-ingat. Umiwas ka sa mga lugar kung saan maraming sundalong nagbabantay. At kung maaari, magbalat-kayo ka. Magsuot ka ng damit na magtatakip sa mukha at buo mong katawan para hindi ka nila mapansin o mamukhaan," aning matanda.

"Wala akong ibang damit bukod sa suot ko ngayon," tugon ko.

"Sige, maghintay ka muna rito, may kukunin lang ako," anya bago umakyat sa taas.

Sumandal naman ako sa gilid ng pinto at hinintay siya.

Hindi masyadong maliwanag ang loob ng bahay. Tanging isang ilaw lang ng bombilya ang nagbibigay liwanag sa malawak na  sala.

At tanging ang ilaw lang mula sa bilog na buwan ang nagsisilbing ilaw sa labas.

May mga normal na mamamayan at mga nakauniporme ng sundalo ang napapadaan sa tapat ng bahay.

Makalipas lang ang ilang minnuto ay bumaba na ulit si Beng na may dala-dalang mga damit.

Lumapit siya sa akin at inabot ang dala niyang damit. "Isuot mo 'tong balabal at takpan mo naman ng panyo ang kalahati ng iyong mukha. Mag-iingat, 'wag ka masyadong magtatagal."

Tinanggap ko naman iyon. "Salamat, mauuna na 'ko sa 'yo," sabi ko saka lumabas na.

Habang naglalakad ay isinusuot ko ang balabal na lagpas sa tuhod ang taas at ang panyo. Parehong itim ang mga kulay nila.

Dire-diretso ang lakad ko habang lumilinga-linga ako sa paligid ko.

Makalipas ang ilang minuto, bumagal ang mga paghakbang ko. Nararamdaman ko kasi na parang may sumusunod sa 'kin.

Naririnig ko ang presensya na sa likod ko. I  tried smelling him. Isa siyang tao.

Pero ang hindi ko maintindihan, bakit lumalakas ang tibok ng puso ko at parang nahihipnotismo ako ng amoy niya? 

Patuloy lang ako sa paglalakad. Hanggang sa mahagilap ko ang isang maliit na tindahan kung saan may nakadisplay ng mga ulam. Apat na tao lang ang kumakain roon.

Kaagad akong pumasok roon at umupo sa isa sa mga mesa. Kaagad ring lumapit sa 'kin ang isang dalaga.

"Ano po ang gusto niyo?"

"What do you got?" I also asked.

"Lahat po ng putahi namin ay manok. May lechong manok, adobong manok, sinigang na manok at fried chicken," masayang sagot niya.

"Just rice and fried chicken," I ordered.

"Noted po, ma'am."

Pagkatapos umalis ng dalaga ay tahimik na akong naghintay.

Habang tahimik akong naghihintay, biglang may pigura ng malaking katawan ng tao ang tumayo sa gilid ko.

Something inside me was awakened because of his smell and presence. Parang bigla akong naestatwa sa kinauupuan ko.

The color of my eyes switch. My wolf wants to take over of me pero hindi ko siya hinayaan dahilan para magwala siya sa loob ko.

"Can you please calm down?!" I exclaimed inside my head. "What the f*ck is wrong with you?!"

"Mate!" she shouted back.

Sh*t! He's our mate?! But, he's a human! How can this be possible?!

I managed to shut her up and calm her down. Inalis ko muna siya sa sistema ko para walang mangyaring masama ngayon sa aming dalawa dito.

Ibinalik ko rin sa dating kulay ang mga mata ko.

"I heard you hurted my sister," he suddenly said. His voice were deep and baritone. It almost sounds like a music to my ears.

Since my wolf is not in my system anymore, my heart is now beating regularly.

Dahan-dahan kong inangat ang ulo ko para tingnan siya.

Bumungad sa 'kin ang isang lalake na matangkad at may itsura. Bumagay sa kanya ang singkit niyang mga mata, ang makakapal niyang kilay, pointy niyang ilong, at ang mapula niyang labi.

He looks familiar.

Kaagad na pumasok sa isip ko kung saan ko siya unang nakita. Siya 'yung lalake sa litrato na tinitingnan ko kanina sa loob ng opisina ni Cassa.

Una pa lang, may kakaiba na akong pakiramdam sa kanya.

Naglalaban ang mga titig namin. Pareho kaming walang emosyong nakatitig sa isa't-isa.

So, kapatid niya rin pala ang mayabang na bata kanina.

"Physically? No. Emotionally? Maybe, yes. Your sister is so full of herself pero duwag naman pala. What I did is technically just a self defense. She threatened me first," walang emosyong wika ko.

"Why don't you pick someone you're on size?" he teasingly whispered and smirked.

Naglandas ang mga mata ko mula ulo hanggang paa. Hanggang sa tumigil ang tingin ko sa kwentas na suot niya.

Bahagyang nanlaki ang mga mata ko dahil sa nakita.

Parang biglang nangati ang mga kamay ko na hablutin iyon mula sa leeg niya. Pero hindi ko ginawa dahil ayaw ko ng gulo.

Kailangan kong maging mabait sa kanya.

I let out a deep breath and I made my eyes look happy. "Mister, nandito lang ako para kumain. Ayoko ng gulo. Kung nasaktan ko man ang kapatid mo, I'm sorry then. Hindi ko sinasadya, pasensya na." The expression in her eyes suddenly soften. I felt a short relief. 

"Wanna eat dinner with me?" I asked in a soft tone.

Hindi ko alam kung saan nanggaling ang lakas ng loob ko para tanungin ko 'yon sa kanya. Basta kusa na lang 'yong lumabas sa bibig ko.

He was just standing still there while looking at me directly to the eyes. Parang may gustong ipahiwatig ang mga titig niya pero hindi ko matantiya kung ano.

I slightly raised my brow.

Parang bigla siyang natauhan dahil sa ginawa ko. Kumurap-kurap siya.

Pagkatapos ay bigla na lang siyang mabilis na naglakad palabas at palayo. Sinundan ko lang naman siya ng tingin.

Nang tuluyan na siyang naglaho sa paningin ko, napatingin ako sa mga tao sa paligid ko.

Lahat sila nakayuko at parang naestatwa sa kinauupuan at kinatatayuan nila. At nang mawala na nga ang lalake kanina, unti-unti na silang bumabalik sa kanilang ginagawa.

He's too powerful, I guess. Nagawa niyang patigilin sa mga ginagawa ang mga tao dito dahil lang sa presensya niya.

Their family is really being praised and respected by the people in this place.

Pero bakit ganoon na lang ang reaksyon niya kanina? Bakit bigla na lang siyang nagwalk out nang walang sinasabi?

Gano'n lang 'yon? Pagkatapos niya 'kong komprontahin ay aalis agad after kong magsorry?

Ayaw niya ba akong makasamang kumain? That's kind of offending.

Inalis ko na lang siya sa isip ko at naghintay na dumating ang pagkain ko.

Nang dumating ang inorder kong pagkain, itinuon ko na lang roon ang atensyon ko.

Mabilis lang akong natapos na kumain at pagkatapos ay nagbayad at umalis na.

Habang naglalakad, napatingala ako sa maliwanag na kalangitan. Mabilog ang buwan ngayon. 

Kapag ganito ang gabi, madalas na gustong magligalig ng mga lobo namin sa gubat. They also become dominant and controlling. Once they already take over your body, you can't have it back until the next day.

Marami rin kasing mga wild animals ang nakakalat lalo na kapag gabi. My wolf haven't eaten for two weeks now.

Siguradong gutom na siya.

"I am indeed super hungry. Baka bigla na lang akong maglaho nito dahil sa gutom," she complained inside my head.

"Just promise me you won't do anything stupid agaim. Kagaya ng ginawa mo kanina. Ano na lang kaya ang nangyari sa 'tin kung hinayaan kita kanina?!" 

I heard her tsked. "I promise," she murmured.

I could hear sarcasm in her words. But, I still chose to let her take over my body because I trust her.

When we started switching positions, she immediately turned aggresive like she always do.

She fastly ran into the woods. She then opened all her senses to catch a possible prey. Patuloy lang siya sa pagtakbo hanggang sa tuluyan na kaming nakalayo sa siyudad.

She turned into her wolf form and then ran up to the top of the tallest tree. Her color is white that's why madali siyang makikita ng ibang mga hayop kaya kailangan niyang magtungo sa pinakamataas na posisyon para hindi siya mapansin.

Pagkatapos ay tahimik niyang pinakiramdaman at pinapanood ang paligid.

Imbes na hayop ang makita niya para sana gawing pagkain, isang dosena ng mga kagaya niyang lobo ang kanyang nakita.

But, the thing is, they are rogues. Pareho nga silang mga lobo, magkaiba naman ang mga prinsipyo nila.

Ang mga rogues, pumapatay sila ng kahit na sino sa masama at brutal na pamamaraan. Samantalang kami, pumapatay lang kami para proteksiyonan ang teritoryo at mga sarili namin.

The rogues are just near us. Nasa ibaba lang sila ng puno na kinaroroonan namin. Alam ko na naaamoy nila ang lobo ko kaya sinundan nila ang amoy niya.

 This is an unexpected situation. Wala sa kondisyon ang lobo ko para makipaglaban ngayon sa bilang nila.

"I think the best option for now is to run," I said.

"Right. Ayokong makipaglaban ngayon. Wala pa akong nakakain na kahit ano kaya wala akong lakas," pagsang-ayon niya.

She moved as quite as a mouse. Paisa-isa siyang tumatalon sa mga malalapit na puno.

At nang  bahagya na kaming nakalayo, kaagad na narinig ng lobo ko ang malalakas na pagtakbo ng mga rogues patungo sa amin.

"Sh*t!" we both exclaimed.

Pagkatapos ay binilisan na niya ang pagtakbo palayo sa kanila. Tumalon siya sa lupa dahilan para mas bumilis ang pagtakbo niya.

Nang makapasok na ulit  kami sa siyudad, patuloy pa rin siya sa pagtakbo. Hanggang sa hindi ko na maamoy ang mga rogues.

Siguro natakot na silang pumasok dito dahil alam na nila ang  pwedeng mangyari sa kanila.

Huminto siya sa pagtakbo sa maliit na eskinita. Humahangos siyang lumilingon-lingon sa paligid.

Pagkatapos ay parang bigla siyang naestwa sa kinatatayuan niya.

She smelled something that made her emotions and feelings change. 

"Mate,"  I whispered.

Hindi ko na nagawang pigilan siya dahil kaagad na mabilis siyang tumakbo para  sundan ang nagmamay-ari ng amoy na 'yon.

Masyado rin siyang malakas kaya hindi ko na magawang pagpalitin ang posisyon namin.

Huminto siya sa likod ng isang malaki at pamilyar na bahay.

Kaagad kong narealize kung sino ang may-ari ng amoy na 'yon. Sigurado akong dito siya nakatira.

Tumingala siya sa itaas ng isang nakabukas na pinto sa may balkonahe. Lalong lumakas ang amoy at nanggaling iyon sa itaas.

She turned herself into a human form. Naramdaman ko ang lamig ng hangin na tumama sa hubad naming katawan.

Isang segundo lang ay nakatayo na kaagad siya sa balkonahe.

Madilim sa loob ng kwarto. Tanging ang liwanag mula sa maliit na siwang ng pinto ang makikita.

Biglang lumabas roon ang taong hinahanap niya.

At kahit na madilim ang paligid, nagawa niya pa ring makita ang kasuotan niya.

Nakatapis lang ng siya ng tuwalya mula sa beywang hanggang sa mga binti.

Hindi niya siya nakikita kaya diretso lang ang lakad niya.

Nabasa ko ang iniisip niya kaya pinilit kong pagpalitin ang pwesto namin pero parang hindi siya tinatablan kahit ano ang gawin ko.

Dahan-dahan siyang humakbang papasok sa kwarto.

Lumikha ng mahihinang ingay ang mga hakbang niya kaya napatigil sa ginagawa ang lalake.

"Sino 'yan?" malakas ang tono niyang usal.

She silently walks forward towards him.

"It's me... your mate," she huskily uttered.

"What?!" hindi makapaniwalang usal niya. He stood firm. "'Wag mo ng ituloy kung ano man ang binabalak mo. Hindi mo alam kung ano ang pinapasok mo," maotoridad na dagdag niya.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status