Share

10

DIEGO

NAGULAT talaga siya nang malaman na asawa ni Asher si Bunny. Paano nangyari 'yon? Isa lang ang pumasok sa konklusyon niya. Marahil, may kasunduan ang dalawa kumbaga marriage for convenience kung tawagin. Napailing siya. Napapasubo na siya masyado.

Hindi niya akalain na sa dinami-dami ng babae sa mundo, si Bunny Smith pa ang naging kaibigan at asawa ng kambal niya. Mas mahihirapan siya sa gagawin niya pagpapanggap. Napatitig siya kay Bunny na kalmadong kumakain.

Alam niyang nagdududa na ito kaya naman kailangan na niya mag-ingat at galingan ang pag-akto bilang Asher. Napatingin siya kay Kiko na sarap na sarap sa kinakain. Kung mayroon man siya isang taong pinagkakatiwalaan ay si Kiko na 'yon. Kailangan niya rin pagsabihan ito na mag-ingat sa bibitawan na salita at baka mabuko sila nang maaga ni Bunny.

Pagkabalik nila sa condo unit, nagpaalam muna si Kiko na uuwi at makikibalita tungkol sa kung ano na balita sa kaso ng kambal niya. Napasulyap siya kay Bunny na matiim na nakatingin
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status