Share

11

DIEGO

NAKADUNGAW siya sa burol na nasa harap ng tahanan nila. Nasa isang poste lang siya nakatayo at nagmamasid sa mga nagsusugal sa paligid. Ganito pala ang magiging itsura ng burol niya kung sakali siya ang namatay.

Parang pinagkakakitaan pa ng Nanay niya ang burol ng kapatid niya. Nakaramdam siya nang matinding awa para sa kakambal.

"Patawad, Asher. Pangako, bibigyan kita nang maayos na burol. Ibabalik kita kung saan ka nababagay talaga." Usal niya sa sarili.

Ilan sandali pa ay lumapit na rin si Kiko sa kaniya. Mabuti na lang walang nakapansin sa kaniya.

"Isang linggo pa ang burol ng kapatid mo, Diego. Sa public cemetery ilalagak ang kapatid mo iyon lang ang kinaya." Paunang sabi ni Kiko.

Tumango siya.

"Ayos lang. Ililipat na lang natin si Asher sa susunod."

Ang balak niya ay kunin uli ang katawan ng kakambal at ipa-cremate ito saka dalhin sa condo. Mas mapapanatag siya pag ganoon. Sumang-ayon naman si Kiko.

"Ano pala plano mo oras na mabuko ka ni Bunny?" kapagkuwa'y tanong ni Kik
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status