READ AT YOUR OWN RISK!!!
ANG STORY NA ITO AY SUPER SPG!!! KUNG MASELAN KA AY HUWAG MO NANG ITULOY ANG PAGBABASA!!! (This story is TRAPPED SERIES#2)RED FLAG ANG MALE LEAD! Kung hindi mo gusto ang ganitong klase ng story ngayon palang ay tigilan mo na po ang pagbabasa. Pero may characters development naman ang ating bida. Patunay na kayang magbago ng isang tao kapag nagmahal♥️[Amelia]NGAYON lang siya nakakita ng ganito ka-gwapong nilalang sa buong buhay niya. Kahit ang pilat nito ay hindi nakabawas sa ka-gwapuhan na taglay nito. Tapos matangkad pa at matipuno ang katawan.Nilibot niya ng tingin ang katawan nito para hanapin ang sungay o buntot.Tulad nga ng inaasahan niya ay wala. Hindi talaga totoo ang bali-balita. Hindi naman kasi totoo ang mga halimaw."What the f*ck are you doing here?!"Saka lang siya natauhan ng dumagundong ng malakas ang malaking boses nito sa paligid.Nalintikan na siya!DAHIL sa takot ay yumukod siya sa harap ng lalaki na tiyak siya na amo niya. Nanlalamig ang katawan niya sa nerbiyos at kaba."P-Pasensya na po, sir." Nakayukod parin na sabi niya. Hindi man niya kita ang mukha nito ay tiyak siya na masama ang tingin nito sa kanya ngayon.Napalunok siya ng may kamay na humawak sa baba niya at iniangat ang kanyang mukha. Lalo siyang nakaramdam ng takot ng makita na nakaupo na ang malaking lalaki sa harapan niya ngayon habang nakayuko at hawak ang baba niya at nakatingin sa mukha niya ng mariin ang mga mata nito."Ikaw 'yong bago?" Tanong nito na walang bakas ng emosyon ang mata. Lumibot din ang mata nito sa kabuuhan ng kanyang mukha.Dahil sa intensidad ng tingin nito sa kanya ay pumikit siya. Pinagpapawisan na siya sa todo dahil sa pinaghalong kaba at takot."Siguro naman sinabi sa 'yo ni Neil ang patakaran sa bahay na 'to?"Malamig at malaki ang boses ng amo niya. Nakakapanindig ng balahibo.Takot at nakapikit na tumango siya. "Opo! Opo!" Taranta na sagot niya.Napangiwi siya ng marahas na binitiwan nito ang baba niya. Nagmulat siya ng mata, nakita niya na nakatayo na ngayon ang lalaki sa harap niya at nakatingala habang nakahawak sa sintido."Ang sabi ko kay Neil wag magpapasok ng bobo dito sa loob ng pamamahay ko. Ang matandang 'yon hindi man lang nakinig." Nagbaba ito ng mukha at saka tumingin sa kanya ang walang emosyon na mata. "Aralin mo uli lahat ng sinabi ng matandang 'yon sa 'yo, para magawa mo lahat ng maayos ang trabaho mo. Uulitin ko, hindi ko gusto ng bobitang tulad mo na pagala-gala sa loob ng pamamahay ko. Naiintindihan mo?"Tumango siya.Bago umalis ay inapakan pa nito ang tsokolate na hinahabol niya kanina kaya nadurog 'yon.Malungkot na dinampot niya ang tsokolate na nadurog sa sahig at bumuga siya ng hangin saka tiningnan ng nakakaawa 'yon.Mabigat ang katawan na nilinis niya ang mesa. Hanggang sa paghinga sa kama ay dala parin niya ang mga sinabi nito."Bobita daw ako. Grabe naman si Sir Damon. Hindi ba pwede na nagkamali lang?" Bumuga siya ng hangin. 'Di bale, sa sunod ay pipilitin niya na hindi na magkamali. Gagawin na niya lahat ng makakaya para magawa ng maayos ang trabaho niya para hindi narin siya masabihan ng bobita.Buti nalang talaga at mahaba ang pasensya niya. Hindi siya 'yong tipo na iiyak nalang agad at magpapadala sa mga sasabihin ng ibang tao sa kanya.Gano'n siya dahil kailangan niya maging matapang. Para sa pamilya niya. Dahil kung magpapadaig siya sa mga sasabihin ng ibang tao sa kanya ay talo siya.Kailangan niya ng pera at kailangan niyang magtagal sa lugar na 'to. Iyan ang pangako niya sa sarili niya. Hindi siya aalis hangga't hindi niya natutupad ang plano niya.Para sa pamilya niya.Saka marami pa siyang kailangan na bilhin para sa mga kapatid niya. Ngumiti siya ng maalala ang pamilya niya. Ang mga ito talaga ang nagbibigay ng lakas sa kanya kaya hindi siya pinanghihinaan ng loob. Bago natulog ay pinagdasal niya ang pamilya niya, na lagi niyang ginagawa noon pa man.ALAS-SAIS ay gising na siya. Tinapos niya ang mga kailangan gawin bago tumuntong ng alas-otso ng umaga. Nang matapos lahat ng trabaho ay niluto niya lahat ng sinabi ni Miss Neil na gusto ng amo niya na almusal. Isang oras na ang hinintay niya bago linisin ang pinagkainan ng amo niya para sigurado na wala na 'to sa hapagkainan. Mahirap na masabiban na naman siyang bobita at baka magkatotoo pa ang sinabi nito tungkol sa kanya. Pagkatapos niyang maglinis ng pinagkainan ng amo niya ay kumain narin siya dahil gutom na gutom siya.Mabilis at pulido siyang kumilos kaya wala pang tanghali ay sigurado siya na tapos na niya lahat ang trabaho niya. Paglilinis lang naman kasi sa loob ng bahay ang ginagawa niya, 'yon lang ang bilin ni Miss Neil. Hindi siya pwede maglinis ng kahit aling kwarto na nasa taas, maliban lang sa kwarto ni Sir Damon na tuwing sabado lang niya pwede na linisan. Hindi niya rin kailangan maglaba ng mga damit dahil si Miss Neil na ang bahala no'n tuwing linggo. Si Nelson naman ang naglilinis ng garahe, mga sasakyan at bahala sa mga halaman sa labas, tanging paglilinis lang at pagluluto ang gagawin niya kaya madali lang 'yon para sa kanya.Wala pang alas-dos ng hapon ay tapos na siya sa mga gawain niya. Pagod na pagod na tumingala siya habang nakahawak sa batok niya. Napaayos siya ng tayo ng makarinig ng yabag.Hapon pa magpapasok ng gulay si Nelson, at wala naman ibang tao sa loob ng mansion kaya may kutob siya kung sino 'to. Dahil sa kaba at takot ay nagmamadali siyang pumasok sa ilalim ng mesa na naro'n.Tinakpan niya ang bibig ng makakita ng dalawang pares ng paa. Kung kahapon ay nakayapak lang ang mo niya, ngayon ay nakasuot na 'to ng tsinelas.Hindi niya alam kung bakit kailangan niya pa na magtago, eh wala naman siyang ginagawang kasalanan.'Hindi mo lang gusto na makaharap siya, Amelia' Ani ng isang bahagi ng kanyang utak.Tama. Iba kasi talaga ang dating nito sa kanya. Nakaka-intimidate naman kasi ang amo niya. Hindi pa man nagsasalita ay ramdam niya na ang nakakatakot na awra nito na bumabalot rito.Nakita niya na huminto ang dalawang pares ng paa nito sa tapat ng isang refrigerator. Dahil sa umiral na naman ang kuryusidad sa katawan niya dahan-dahan niyang isinilip ang ulo para makita ang mukha nito.Napanganga siya ng makita kung paano umalon ang lalamunan nito habang umiinom sa isang lata ng softdrink. Parang katulad lang ng napapanood niya sa mga komersyal sa mga telebisyon.Nakakahalinang panoorin 'to.Hindi sinasadya na gumawi ang mga mata nito sa kanya. Nagkasamid-samid ang amo niya. "Tang-anong ginagawa mo d'yan?!" Kanda-ubo na tanong nito na hindi maipinta ang mukha habang nakatingin sa kanya.Pinilit niyang ngumiti kahit ang totoo ay kinakabahan siya.Nagalit na naman 'to sa kanya."Ang sabi ko, anong ginagawa mo d'yan?!"[Amelia] PUMIKIT siya habang kinkontrol ang sarili na huwag umiyak. Baka kasi masira ang makeup niya sa mukha. Nakakahiya naman sa makeup artist na nag-ayos sa kanya. Tumingin siya sa reflection niya sa salamin. Hindi maitatago ang kaligayan sa kanyang mukha. "Ang ganda mo, anak." Puri ng nanay niya na kapapasok lang. Nakabihis na rin ito, maging si Amon. "Opo, ate mommy, ang ganda niyo po lalo!" Puri ng anak niya. Ngumiti siya sa nga ito. "Syempre maganda si mommy dahil mana kay nanay." Aniya sabay gulo sa buhok ni Amon. "Di'ba sabi ko sa'yo mommy nalang o mama ang itawag mo sa akin." "Mommy naman, eh! Bakit mo po ginulo hair ko? Hindi na po ako pogi!" Reklamo ni Amon. Pareho silang natawa ng nanay niya. Paano ay ilang araw na nilang napapansin na palaging nakaayos ang buhok nito. Iyon pala ay may kaklase itong nagugustuhan ayon kay Alex. Nagpunta si Amon sa tapat ng salamin para ayusin ang buhok na nagulo. Kandahaba ang nguso nito kaya lalo silang natawa nang nanay
[Amelia]PINUNO muna niya ng hangin ang dibdib bago siya tuluyang pumasok. Ito ang kauna-unahang beses na nagpunta siya dito. Hindi lingid sa kaalaman ni Damon ang ginagawa niya ngayon sa lugar na ito.Naiintindihan niya kung bakit hindi sumama si Damon sa kanya. Maski ang nanay niya, mga kapatid ay hindi rin nagpupunta rito. Sa katunayan ay siya ang kauna-unahang dumalaw sa taong ito.Nag-angat siya ng tingin ng umupo ang lalaki na napakatagal na niyang hindi nakita. Matagal man silang hindi nagkita ay wala siyang nakapa sa dibdib na pananabik, bagkus ay puno siya ng galit at hinanakit.Tila nadoble ang edad ng tatay niya rito sa loob ng kulungan. Wala na ang matikas nitong pangangatawan. Sa sobrang payat nito ay duda siya kung kumakain pa ba ito."Anong nakain mo ang nagpunta ka rito? Nasaan ang nanay mong walang silbi? Masaya ba kayo na wala na ako sa buhay niyo?!" Mabagsik na tanong nito kasabay ng paghampas ng magkaposas na kamay nito sa ibabaw ng mesa na tila gusto pa siyang sak
[Damon]NOONG panahon na buhay pa ang magulang niya ay palaging sinasabi ng mga ito na darating ang araw na titibok ang puso niya at magmamahal ng sobra. Hindi siya naniwala do'n at tinatawanan lang ang mga sasabihin ng magulang niya. Hindi naman kasi siya naniniwala na may babaeng magpapaamo sa kanya. Sa dinami-dami ng babae na nakilala niya ay walang nakapagpatibok ng puso niya.Lalo na ng mamatay ang magulang niya. Sinarado na niya ang puso niya sa lahat—maliban sa kanyang mga kaibigan.Pero katulad nga ng sinabi ng magulang niya ay may babaeng dumating, hindi lang para pasigawin siya, galitin siya, inisin siya, kundi pinatibok din ni Amelia ng mabilis ang puso niya. Natuto siyang magselos na hindi naman niya naramdaman sa ibang babae. Kahit sa kaibigan pa niya ay nagseselos siya."Kuya, ayos ka lang ba?" Nag-aalalang tanong ni Alex sa kanya. "Y-Yes, ayos lang ako." Sagot niya, kahit ang totoo ay nanginginig ang buo n'yang katawan sa nerbyos. Tatlong buwan na ang nakalipas ng maka
HAWAK niya ang kamay ni Amelia at hindi niya ito binibitiwan. Natatakot siya na baka panaginip lang ang lahat, na baka panaginip lang niya ang pagkagising nito. Nang suriin ito ng doktor ay nakatulog ito dahil sa matinding pagod na nararamdaman ng katawan dahil sa matagal na pagkakahiga. Kaya ngayon ay narito siya sa tabi nito para sa oras na magising ito ay siya ang una nitong makikita. Anim na oras na silang lahat naghihintay na magmulat ng mata si Amelia pero hindi na ito muling dumilat pa. Narito ang pamilya ng dalaga, kasama ang kanilang anak. Ang nanay nito ay umiiyak sa sobrang tuwa, maging ang mga kapatid. Nanlaki ang mata niya ng maramdaman ang pagganti ng hawak ni Amelia sa kanyang kamay, kasabay ng pagmulat nito ng mata. Nakatagilid parin ito ng higa kaya naman kitang-kita niya ang mga mata nito na nakatingin sa kanya. Ang tubo na nasa bibig nito ay inalis na ng doktor kaya nakita niya ang maliit na ngiti na gumihit sa labi nito. Parang bata na napahagulhol siya ng iyak
DAMON looks devastated while leaning against the wall. Magulo ang buhok ng binata at tila wala sa sarili. Limang araw na subalit wala parin response ang katawan ni Amelia. Some of her organs were hit and damaged severely. Tagumpay ang operasyon subalit ang paggising nito ay walang kasiguraduhan.Hindi niya kayang magtagal sa loob ng kwarto kung nasaan ang babaeng mahal na mahal niya. Tila dinudurog ang puso niya sa sakit at anumang oras ay tila mababaliw siya. Paulit-ulit na sinisisi niya ang sarili. Kung dumating lang sana siya agad para iligtas ito. He ran a trembling hand through his hair and began to cry like a child. "P-Please, babe... don't leave me." His sobbing and pleading spread throughout the hallway but he doesn't care. All he have in mind was all about her.Nagsibuga ng hangin ang mga kaibigan ni Damon na nakamasid lang sa kanya. They are right. Damon lost himself again like when he lost his parents and little sister. Mabigat sa dibdib ang ganitong tagpo para sa kanila.
[Amelia]HINAWAKAN niya ang mukha ng anak. "Pikit ka, Amon." Utos niya sa anak. Nakaalis na sina Cassandra at Frederick. Ngayon ay kailangan nilang lumabas sa ilalim ng mesa kaya inuutusan niyang pumikit ang anak para hindi nito makita ang bangkay sa sahig.Nakahinga siya ng maluwag ng pumikit ang anak. Nang lumabas siya sa ilalim ng mesa ay hinawakan niya sa kamay ang anak para alalayan. Pero naapakan ni Amon ang dugo dahilan para madulas ito."A-Ate mommy!" Malakas na iyak ni Amon ng makita ang dugo na nasa kamay.Tarantang tinakpan niya ang bibig ng anak ng kanyang kamay."Narinig niyo ba? Iyak ng bata 'yon, di'ba?" Ani ng isang tauhan ni Cassandra sa kasamahan. "Oo! Hanapin natin dali!" Sagot ng isa.Kinarga niya ang humihikbi pang si Amon at saka tumakbo palayo sa yabag na papalapit sa kanila. Halos magkatumba-tumba pa siya dahil mahaba ang suot n'yang wedding gown na hindi niya naisipan na hubarin kanina. "Huhuhu, b-bakit po nila tayo hinahabol, ate mommy?" Patuloy sa pag-iyak