[Amelia]HALOS hindi niya inaalis ang mga mata sa orasan. Bente minuto nalang at alas dyis na ng gabi. Ngayon araw ang paglilinis niya ng kwarto ni Sir Damon. Kailangan niyang magsimula agad na maglinis pagsapit ng alas dyis at matapos sa loob ng isang oras.Halos maduling siya sa pagtingin sa orasan. Nagmamadali siyang tumakbo para maglinis sa kwarto ng amo niya ng tumuntong ang alas dyis.Hindi siya pwede na magpabagal-bagal dahil oras ang kanyang kalaban. Hindi niya alam kung bakit pati sa paglilinis ay kailangan na may oras, pero dahil 'yon ang bilin ni Miss Neil ay susundin nalang niya.Dahil hindi naka-lock ang pinto ay agad siyang nakapasok sa kwarto na nasa pinakadulo. Ito kasi ang sabi ng mayordoma, nasa pinakadulo ang kwarto ng amo nilang binata.Napakalaki ng kwarto ng amo niya, halos apatin nito ang laki ng bahay nila. Malinis, mabago at katulad ng amo niya ay madilim dito. Palagi din kasi madilim ang mukha nito. Pinaglihi 'ata sa sama ng loob.Hindi na siya nagsayang ng or
[Amelia]"NAKIKINIG ka ba, Amelia?" Seryoso ang mukha na tanong ni Miss Neil."Talong po?" Wala na sariling sambit niya. Natuptop niya ang sariling bibig. "Anong talong? Ang sabi ko nalinis mo ba ng maayos ang kwarto ni Sir Damon?" Halata ang pagtataka sa boses na tanong ng mayordoma sa kanya.Tumango siya at nag iwas ng tingin. Sigurado siya na namula ang pisngi niya. Naalala na naman niya kasi ang talong na hindi dapat makita. Wala tuloy siya sa sarili simula ng magising siya kaya pati sa pagsagot sa mga tanong ni Miss Neil ay puro talong ang sagot niya."Opo Miss Neil, naglinis po ako ng talong—ibig ko po sabihin naglinis ako ng maayos kagabi." Tumikhim siya saka pilit na ngumiti dito."Mabuti naman kung gano'n." Halata na nasiyahan ito sa sinabi niya. "Ayos ka lang ba, Amelia? Bakit parang wala ka sa sarili? Masama ba ang pakiramdam mo?" Tanong nito sa kanya na agad na kinailing niya.'Dala lang po 'to dahil sa pagkakita ko ng talong' Gusto niyang sabihin pero tinikom nalang niya
[Amelia]SINUNDAN niya ng tingin ito. Nang mawala na 'to sa paningin niya ay nakahinga siya ng maluwag. Akala niya ay magagalit na naman 'to sa kanya.Habang nilalabhan niya ang mga panloob ng amo niyang binata ay hindi maiwasan na mamula siya.Sa sunod ay hindi na siya magpi-prisinta na labhan ang mga 'to, dahil pagnakikita niya ang malaking brief ng amo niya ay bumabalik sa isip niya ang malaki at maugat na bagay na hindi dapat niya maisip.Mahina niyang kinutusan ang sarili. "Tigil na sa kakaisip ng talong, Amelia." Pakiramdam niya tuloy ay napakarumi na ng utak niya.Namula ang pisngi niya.Bakit sa dinami-dami naman kasi ng pwedeng makita ay bakit 'yon pa?!UMUWI na si Miss Neil. Tapos narin siya maglaba kanina pa at nakapagluto narin siya at nakapaghanda ng pagkain para sa amo niya.Dahil sa pagod na pagod siya ay kumain na agad siya pagkahatid niya ng pagkain ng amo niya. Pagkalipas ng isang oras ay nagpunta na siya ng dining room. Habang naglalakad ay natapilok siya at hindi s
[Amelia]"MALUNGKOT ka yata, Amelia. May problema ba?" Tanong ni Nelson matapos ilapag sa mesa ang mga gulay na dala nito.Umiling siya at nanatiling tahimik."Teka, bakit namamaga 'yang mata mo. Umiyak ka ba?" Umupo ang binata sa harap niyang upuan at tumingin sa mga mata niya na namamaga.Iyak kasi siya ng iyak dahil sa nangyari sa kanya kagabi. Pinilit niya na alisin sa isip ang nangyari, sinabi na gigising at kakalimutan ang nangyari pero hindi nakisama ang mata niya. Patuloy siyang umiyak hanggang sa nakatulugan nalang niya ang pag-iyak.Napa-aray siya ng hilahin ni Nelson ang mga kamay niya. "Bakit may mga sugat ka?" Nag-aalalang tumingin sa kanya ang binata. "W-wag mo sabihin na sinaktan ka ni Sir Damon?" Napalunok na tanong pa nito.Agad na umiling siya. "Ano ka ba, hindi niya ako sinaktan." Nag-iwas siya ng tingin at nagyuko ng ulo. "N-nakabasag kasi ako ng figurine kagabi, tapos nadulas ako do'n sa mga bubog. Ang tanga ko, di'ba?" Tumawa siya ng peke para hindi na 'to mag-is
[Amelia]HINDI pa ba sapat ang ginawa nitong pagtulak sa kanya dahilan para masugatan siya? Tumingin siya sa dalawang kamay na halos mapuno ng sugat dahil sa mga bubog."Ito ang dapat sa'yong masungit ka."Matapos niyang magluto ay agad na naghain siya. Hindi na siya umalis sa harap ng amo niya hangga't hindi nito natitikman ang bago niyang niluto.Dahil maputi ang amo niya ay kitang-kita kung paano namula ang mukha nito ng matikman ang bagong luto niya. Kinagat niya ang loob ng labi para hindi matawa dahil sa reaksyon nito."What the hell! Ano 'to, Amelia?!" Galit na tumingin ito sa kanya."Tinola po." Sagot niya."Oo, alam kong tinola 'to! Pero puta, bakit sobrang anghang?!" Halos umusok ang ilong na tanong nito sa kanya. Namumula parin ang buong mukha nito habang nakatingin sa kanya.Yumuko siya at pigil ang pagtawa niya."Nilagyan ko po ng chili powder, Sir. Di'ba wala kang panlasa? Naisip ko na babalik ang panlasa mo dahil sa anghang, di'ba effective?" Nang mag-angat siya ng tingi
[Amelia]SOBRANG saya niya ngayon dahil nakabale na siya ng pera kay Miss Neil. Hindi lang 'yon, pinayagan pa siya na umuwi nito para siya na ang maghatid ng pera sa nanay niya. Habang nagbibihis ay tuwang-tuwa siya. Pinadalhan din siya ni Miss Neil ng iba't ibang klase ng softdrinks, Juices at tsokolate, para sa pamilya niya. Pati ang mga karne sa ref ay pinadala din nito sa kanya dahil mamimili daw ito ng mga bago.Nagulat siya dahil paglabas niya ng gate ay naka-abang si Nelson sa kanya."Sa'n ka punta, Nelson?" Tanong niya. Kahit hirap na hirap siya sa pagbubuhat ng mga dala niya dahil sa marami 'yon ay hindi siya nagreklamo. Masaya pa nga siya dahil libre lang na binigay sa kanya lahat ng 'yon."Hinihintay kita." Sagot nito.Kumunot ang noo niya. "Bakit? Wag mo sabihin na uutang ka? Naku ha, Nelson. Di ako nagpapautang. Pang-budget 'to sa bahay namin saka pambayad ng utang namin sa tindahan. Sa sunod ka na umutang sa akin pagwala na ako babayaran sa tindahan.""Grabe ka naman. Uut
[Amelia]PAGKATAPOS gawin ang mga trabaho niya ay nagluto na siya para sa gabihan ng amo niya at bago pumatak ang alas otso ng gabi ay nakapaghain na siya para rito.Kumunot ang noo niya ng makarinig ng malakas na pagkabasag ng kung ano. Agad na lumabas siya ng kusina.Nakita niya ang amo niya na nakaupo habang may hawak ng baso na may laman na alak."There you are. Come here, Amelia." Iminuwestra nito ang kamay para palapitin siya.May nagawa na naman ba siyang mali? Lumunok siya at lumapit sa amo niya. Hindi man niya gusto na lumapit ay sumunod nalang siya. Alam niya kasi na magagalit na naman ito sa kanya paghindi siya sumunod."I thought you'll never come back. But there you are now, standing here in front of me." Halata na lasing na lasing ito.Hindi siya sumagot. Nanatili siya na nakatayo lang sa harap nito. Hindi siya sigurado pero parang dumaan ang takot at lungkot sa mata nito, saglit lang 'yon at agad din nawala."I knew it. Hindi ka talaga aalis kasi malaki ang sahod... kai
[Amelia]ANTOK na antok siya dahil hindi siya nakatulog kagabi dahil sa kakaisip sa nangyari. Pakiramdam niya kasi ay nararamdaman parin niya ang matigas na bagay na 'yon sa pang upo niya.Kasalanan 'tong lahat ng amo niya.Humikab siya habang nagluluto. Nagdodoble ang paningin niya dahil sa sobrang antok. Parang wala siyang lakas na gumalaw at kumilos. Ang sarap mahiga sa malambot na kama at matulog maghapon.Mahina niyang sinampal ang pisngi. "Bawal tamarin, Amelia." Aniya sa sarili. Matapos magluto ay naghain na siya. Nagtimpla din siya ng kape para sa amo niya.Naalala kaya ng amo niya ang ginawa kagabi? Umiling siya, tiyak na wala itong naaalala dahil sa sobrang kalasingan. Sumuka pa nga ito.Gusto niya sana palitan ng damit ito kagabi pero naisip niya na malilintikan siya rito pagka napansin nito na iba na ang damit na suot kaya hindi nalang niya ginawa. Maganda na 'yong sigurado.Hindi siya kumain dahil wala rin siyang gana na kumain. Pagka antok lang ang nararamdaman niya ngayo