LOGINSamantha’s POV
Tahimik ang ospital, ngunit ang katahimikan ay hindi nagbibigay ng ginhawa. Parang may presensya na pumipigil sa bawat paghinga mo, na nagbabadya ng kaguluhan bago pa man ito dumating. Naka-duty ako sa gabing iyon. Sanay ako sa dugo, sa sugat, sa huling hininga ng pasyente. Sanay akong manatiling kalmado sa gitna ng kaguluhan, sa sigawan, sa pag-iyak, sa mga desisyong kailangang gawin sa loob ng ilang segundo. Ngunit ang gabing iyon… iba. Bumukas ang pinto ng emergency wing at agad kong naramdaman ang pagbabago ng hangin. Sunod ang mga yabag ng mga lalaki dalawampu, puro nakaitim, organisado, tahimik. Hindi nila kailangan magsalita pero ramdam ko agad ang presensya nila. May ilan agad na pumuwesto sa labas, bawat galaw ay parang mekanikal, bawat mata nila ay nagbabantay. Ang ilan naman ay pumasok sa loob, nakatingin sa akin habang ang isa sa kanila ay may hawak na baril, nakatutok sa akin sa loob ng ilang segundo. Nanigas ang katawan ko. Ngunit hindi ako umatras. Hindi ko basta-basta hahayaan na takutin nila ako. At doon ko siya nakita. Nakaupo sa wheelchair, nakasandal, may hawak na sigarilyo. Ang manipis na usok ay dahan-dahang umangat sa hangin, humahalo sa antiseptic nang amoy ng ospital, nagpapahiwatig na ang presensya niya ay wala sa lugar pero labis na nakababahala. May dugong umaagos sa tagiliran niya, ngunit ang mukha niya… kalmado kahit mukhang mapanganib, parang wala siyang pakialam sa sakit o sa bala sa katawan niya. “Doctor,” malamig ang sabi ng isa sa kanyang tauhan. “Ikaw ang on duty.” Tumuwid ako, huminga nang malalim, at sinubukang ilagay ang aking sariling lakas sa halip na takot. “Oo,” sagot ko, habang sinusuot ang gloves ko. May click, may baril na nakatutok sa akin. Balikat, dibdib damang-dama ko ang malamig na bakal sa balat ko. “Huwag kang sisigaw,” bulong ng lalaking nasa likod ko. “At huwag kang tatawag ng iba.” Nanigas ang katawan ko, ngunit hindi ako umatras. Hinawakan ko ang metal tray, pinaghandaan ko ang susunod na mangyayari. Tinignan ko ang lalaki. Hinithit niya muli ang sigarilyo niya saka dahan-dahang ibinuga ang usok. Habang direkta ang titig niya sa akin na parang sinusukat niya kung matitinag ba ako. Makalipas ang ilang sandali narinig ko ang boses niyang nakakatakot. Dalhin niyo kami sa pribadong silid utos niya sa mga tauhan niya. Agad naman nagsitalima ang mga ito. Sa silid ilang tauhan niya ang naiwan upang magbantay sa amo nila. “Hindi ka puwedeng manigarilyo dito,” sabi ko, matatag. Tumitig siya sa akin at bahagyang ngumiti. Dahan-dahan niyang idiniin ang sigarilyo sa tray, pero nanatili ang amoy ng usok sa paligid isang marka ng presensya niya. “May tama ka ng bala,” sabi ko, diretso. “Pero bago ko alisin ‘yan, kailangan kang ilipat sa kama.” Tumango siya. “Dito na,” sagot niya. “Hindi,” matatag kong tugon. “Hindi kita tatanggalan ng bala habang nasa wheelchair ka. Kita ko sa gilid ng mga mata ko ang mabilis na paghawak nang baril. Tila naghihintay ng senyas mula sa lalaking kaharap ko. Sandaling katahimikan. ang namagitan sa silid. Bago siya nagsalita. “Ilipat n’yo ako,” utos niya sa mga tauhan niya. Tinulungan siya ng dalawang tauhan niya. Ramdam ko ang kirot sa bawat lihis ng kanyang katawan habang inililipat siya sa kama, ngunit nanatili siyang kalmado. Nang mahiga siya, inayos ko siya propesyonal. “Kailangan mo ng anesthesia,” sabi ko, habang pinaghahandaan ang sugat. “Masakit ito.” “Hindi ko kailangan,” putol niya sa sinasabi ko. Hindi ko naiwasan mapataas ang kilay ko. “Kung mawalan ka ng malay—” “Hindi ako mawawalan,” sagot niya, malamig at tiyak. Sa loob ko, may halo ng galit at respeto. Hindi ko kilala ang ganitong klase ng pasyente isang lalaking may presensya ng halimaw, ngunit may disiplina sa sarili. Habang nililinis ko ang sugat niya, napansin ko ang mahigpit niyang kapit sa gilid ng kama. Puting-puti ang mga buko ng daliri niya, ngunit hindi siya dumaing. Sa unang hiwa ng scalpel, bahagyang kumunot ang noo niya. Sa ikalawa, napapikit. Ngunit walang daing. “Anong pangalan mo?” tanong niya, basag ang tinig pero kontrolado. “Hindi mahalaga,” sagot ko, habang ipinapagoapatuloy ko ang trabaho ko. “Sa akin, mahalaga,” sabi niya. Sandaling tumigil ako, huminga nang malalim. “Dr. Samantha Lopez.” Tumitig siya sa akin, parang sinusuri ang magiging reaksyon ko “Hindi ka natatakot,” tanong niya. “Takot ako,” sagot ko, “pero hindi ako sumusuko sa pananakot.” Sa gabing iyon may bagay na pumukaw sa akin na hindi ko inaasahan. Isang pangangailangang na alam kong hindi ko iyon malalampasan.Damon’s POV Tahimik ang bahay nang makauwi kami. Iyon ang unang napansin ko pagpasok ko hindi ang lawak ng espasyo, hindi ang malamig na hanging nagmumula sa air-conditioni kung bahay kundi ang katahimikang parang may kulang. Isang katahimikan na hindi ko naman napapansin dati ang katahimikan nagpapabigat ng loob. Isinara ng isa sa mga tauhan ko ang pinto sa likuran ko pagkapasuk ko sa loob. Maingat. Walang ingay. Alam nila na sa ganitong oras, hindi ako dapat kausapin, hindi dapat tanungin. Hinubad ko ang jacket ko at basta ko na lamang ipinatong iyon sa sofa bago dumiretso sa mini bar. Nagsalin ako ng alak sa baso pinanood kung paano bumagsak ang likido niyon, kung paano ito umikot na parang may sariling buhay. Hindi ko intensyon na sundan ang babae kanina. Paulit-ulit kong sinasabi iyon sa sarili ko, na para bang kapag inulit ko nang ilang beses, magiging totoo. Hindi iyon parte ng plano. Marami akong kaaway. Maraming gustong pumatay sa akin. At ang sinumang mapapala
Samantha’s POV Pagmulat ko kinabukasan, ang unang pumasok sa isip ko ay hindi ang oras, hindi ang trabaho, kundi ang pakiramdam na parang may naiwan akong bukas na pinto sa loob ng ulo ko isang pintong ayokong balikan, pero kusa pa ring bumubukas. Inis akong bumangon. Hindi dahil pagod ako, kundi dahil alam kong may parte ng gabi kagabi na hindi ko dapat pinatagal sa isip ko. Siya. Ang lalaking may sugat pero mas delikado ang mga mata kaysa sa bala sa katawan niya. Habang naghahanda ako para pumasok, sinadya kong gawing normal ang lahat. Kape. Tahimik na umaga. Walang emosyon. Walang pag-alala. Ganito ako nabuhay sa kontrol. Sa malinaw na hangganan. At hindi ko hahayaang sirain iyon ng isang insidenteng hindi ko hiniling. Sa ospital, balik ako sa dati. Parehong pasilyo, parehong ilaw, parehong amoy ng antiseptic. May mga pasyenteng dumating, may mga sugat na tinahi, may mga buhay na iniligtas. Walang bakas ng gabing nagdaan maliban sa mga matang palihim na tumitingin sa
Damon’s POV Hindi ko dapat ginawa iyon. Iyon ang unang malinaw na pumasok sa isip ko habang nakaupo ako sa likod ng itim na SUV, bahagyang nakasandal sa leather seat, tahimik, nag-iisa sa sarili kong mga iniisip Mabagal ang takbo ng sasakyan. Sadyang ganoon walang nagmamadali, walang gustong makasira ng katahimikan. Pero kahit alam kong hindi ko dapat, ginawa ko pa rin. Hindi ako sanay sa pagsisisi. Sanay akong gumawa ng desisyon at panindigan ang resulta, kahit pa magulo o madugo ang kahihinatnan. Pero sa gabing iyon, kakaiba. Hindi ito tungkol sa kapangyarihan o kontrol. Hindi rin ito basta pagnanasa. Ito’y tungkol sa isang babaeng umalis nang hindi man lang lumingon sa kanya. Tahimik ang loob ng sasakyan. Walang tanong ang mga tauhan ko. Kilala nila ako kapag ganito ang ayos ng katawan ko, kapag ganito katahimik ang presensya ko, mas mabuting manahimik Nakatitig ako sa bintana. Sa bukana ng ospital Lingid sa kaalaman ng babae, mula pa lang sa sandaling tumalik
Samantha’s POV Hindi ako tumingin pabalik. Hindi ko kailangang gawin iyon. Alam kong nakatingin siya. Ramdam ko pa rin ang presensya niya kahit nakalabas na ako ng silid parang aninong nakadikit sa likod ko, mabigat, mapangahas, at hindi sanay sa pagtanggi. Habang naglalakad ako sa pasilyo, pilit kong pinanatiling tuwid ang likod ko, steady ang hakbang, kahit ang dibdib ko ay hindi pa rin bumabagal ang tibok. Galit. Iyon ang nangingibabaw. Hindi hiya. Hindi takot. Galit dahil may isang lalaking inakalang may karapatan siyang lampasan ang hangganan ko dahil lang sa sanay siyang makuha ang gusto niya. Pagdating ko sa dulo ng pasilyo, saka ko lang hinayaan ang sarili kong huminga nang malalim. Isang beses. Dalawa. Tatlo. Nanlalamig ang mga daliri ko, pero hindi ako nanginginig. Hindi ko hinayaan. Hindi ko pwedeng hayaan. Hindi sa ospital. Hindi sa sarili ko. Nararamdaman ko pa rin ang init ng palad niya sa batok ko. Ang biglang paghila. Ang labi niyang dumampi sa akin isa
Damon’s POV Tahimik ang silid, pero ramdam ko ang bigat ng presensya niya. Nakatayo siya sa harap ko, bahagyang nakatagilid habang inaayos ang mga gamit niya, naka-focus sa ginagawa.Kahit sampung armadong lalaki ang nasa loob ng silid, kahit may ilan pang nakapwesto sa labas, ni anino ng takot ay wala sa kilos niya. Hindi nanginginig ang kamay. Hindi rin nagmamadali. Para siyang nasa sarili niyang mundo isang mundong hindi ako kasama, kahit ako ang dahilan kung bakit siya naroon. Paminsan-minsan, tumitingin siya sa akin. Hindi direkta. Hindi rin matagal. Pero sapat para maramdaman ko ang bigat ng titig niya. Tahimik. Propesyonal. Pero may intensity. Parang sinusukat niya ako hindi bilang pasyente, hindi bilang lalaking may tama ng bala, kundi bilang isang taong may kontrol sa silid… at kung hanggang saan ang kaya kong dalhin ang presensyang iyon. Ang kirot sa tagiliran ko, ang kirot na kanina pa sumusundot sa bawat paghinga ko, unti-unting nawala sa isip ko. Pati ang bigat ng
Samantha’s POV Tahimik ang ospital, ngunit ang katahimikan ay hindi nagbibigay ng ginhawa. Parang may presensya na pumipigil sa bawat paghinga mo, na nagbabadya ng kaguluhan bago pa man ito dumating. Naka-duty ako sa gabing iyon. Sanay ako sa dugo, sa sugat, sa huling hininga ng pasyente. Sanay akong manatiling kalmado sa gitna ng kaguluhan, sa sigawan, sa pag-iyak, sa mga desisyong kailangang gawin sa loob ng ilang segundo. Ngunit ang gabing iyon… iba. Bumukas ang pinto ng emergency wing at agad kong naramdaman ang pagbabago ng hangin. Sunod ang mga yabag ng mga lalaki dalawampu, puro nakaitim, organisado, tahimik. Hindi nila kailangan magsalita pero ramdam ko agad ang presensya nila. May ilan agad na pumuwesto sa labas, bawat galaw ay parang mekanikal, bawat mata nila ay nagbabantay. Ang ilan naman ay pumasok sa loob, nakatingin sa akin habang ang isa sa kanila ay may hawak na baril, nakatutok sa akin sa loob ng ilang segundo. Nanigas ang katawan ko. Ngunit hindi ako uma







