Share

Chapter 1

Author: Anne Author
last update Last Updated: 2026-01-08 13:49:35

Damon’s POV

Hindi ako natatakot sa katahimikan.

Mas kinakatakutan ko ang ingay ang sigawan, ang pagmamadali, ang tunog ng takot sa boses ng mga taong alam nilang tapos na sila.

Pero ang katahimikan ng ospital nang gabing iyon… iba.

Parang hayop na nakakubli sa dilim, tahimik, pero handang umataki anumang oras.

Nakaupo ako sa wheelchair habang tinutulak ako ng isa sa mga tauhan ko. Ramdam ko ang bawat galaw ng gulong sa sahig banayad, pero sapat para ipaalala sa akin na may bala pa rin sa katawan ko. Mainit. Mabigat. Pakiramdam ko may isang piraso ng bakal nakausli sa tagiliran ko.

Hindi ako umimik.

Hindi dahil hindi masakit.

Kundi dahil sanay na ako.

Sanay na ang katawan ko mabaunan ng bala

Pagbukas ng pinto ng emergency wing, ramdam ko agad ang pagbabago ng hangin. May kakaibang tensyon. Yung klase ng tensyon na hindi nakikita, pero nararamdaman ng balat mo.

Sumunod-sunod ang yabag ng mga tauhan ko. Namayani ang katahimikan ng ospital

May ilan nagsikubli at may ilan nagsitakbuhan at umiwas.

Agad naman pumuwesto ang mga tauhan ko. Automatic. Walang utos. Sanay na sila sa akin. Sanay sa ganitong klase ng gabi.

Tumigil kami sa harap ng nurse station.

At doon ko siya nakita.

Ang babaeng nakatayo sa ilalim ng malamlam na ilaw.

Hindi siya sumigaw at hindi rin umatras at mas lalong hindi ko siya kinakitaan ng takot sa mukha niya.

Karamihan sa mga doktor, sa unang segundo pa lang, kita mo na ang takot sa mata. Yung mabilis na paghinga. Yung bahagyang panginginig ng kamay kahit pilit nilang itinatago.

Pero siya nakatingin lang diretso sa akin.

Na parang sinusukat din ako.

Hinithit ko ang sigarilyo ko, dahan-dahan. Hindi dahil kailangan ko kundi dahil gusto kong makita kung kikilos ba siya. Kung magrereklamo O kung sisigaw.

Pero wala.

Nang itutok ng isa sa mga tauhan ko ang baril na hawak niyo sa babae hindi ko siya kinakitaan ng pagkataranta kagaya ng ibang doctor.

Interesante. sabi ko sa sarili ko

“Dalhin mo kami sa pribadong silid,” utos ko sa mga tauhan ko, mababa pero sapat para gumalaw ang lahat. Sumunod sila nang walang pagmamadali.

Ang mga taong nagmamadali ay mga taong natatakot mamatay.

Hindi pa iyon ang oras ko.

Sa loob ng pribadong silid, ramdam ko ang bigat ng presensiya. Hindi dahil sa mga baril kundi dahil sa katahimikan ng babaeng doktor habang nagsusuot ng gloves.

“Hindi ka puwedeng manigarilyo dito. Ani niya

Napatingin ako sa kanya.

May tono siya ng utos, pero hindi bastos. Hindi rin nanginginig. Isang simpleng katotohanan lang, na parang hindi siya natatakot kahit napapalibutan pa siya ng mga armado kong tauhan.

Dahan-dahan kong pinatay ang sigarilyo sa metal tray.

Hindi dahil sumunod ako sa pinag-uutos niya.

Kundi dahil gusto kong makita hanggang saan siya tatayo.

“May tama ka ng bala,” sabi niya, diretso. “Pero bago ko alisin ‘yan, kailangan mong magpalipat sa kama.”

Hindi na kailangan. “Dito na,” sabi ko. “Tapusin mo na agad .”

Ngunit tumanggi siya sa pamamagitan nang mahinahon niyang boses

Mr. who ever you are gusto ko lang ipaalam sayo na

hindi kita tatanggalan ng bala habang nasa wheelchair ka.

Napangisi ako sa kapangahasan niya.

Ilang sa mga tauhan ko ang kumilos agad, humigpit ang hawak nila sa kani-kanilang hawak na baril isang senyas ko lang, at puwede na siyang bumagsak anumang oras.

Pero hindi ko ginawa.

Tinitigan ko siya.

Matagal.

Sinusukat ko ang lalim ng lakas ng loob niya.

At sa unang pagkakataon sa mahabang panahon, may nakita akong hindi takot kundi prinsipyo.

“Ilipat n’yo ako.” utos ko sa mga tauhan ko kagaya kanina wala silang pagmamadaling binuhat ako at pinahiga sa isang ospital bed.

Ramdam ko ang sakit nang buhatin nila ako. Tumagos ang kirot hanggang balikat. pero hindi ako nagpahalata.

Iyon ang pinaka-ayaw kong posisyon ang humiga sa sa ospital bed pero wala akong pwede pagpilian

Habang nasa kama ako ramdam ko ang maingat niyang galaw.

“Kailangan mo ng anesthesia. Ani niya

Napangiti ako ng bahagya.

“Hindi ko kailangan ‘yan. Sagot ko

Tumaas ang kilay niya

“Baka mawalan ka ng malay habang—”

“Hindi ako mawawalan. putol ko sa sinasabi niya

"Okay, sabi mo eh, sagot niya sabay baba ng syringe sa lamesang malapit sa kanya.

Sa bawat galaw ng kamay niya, ramdam ko ang kirot. Hindi yung biglaan kundi yung mabagal, tila sinasadya niyang iparamdam sa akin ang ginagawa niya pakiramdam ko parang sinusunog ang laman ko mula sa loob.

Pero hindi ako nag reklamo

Hindi dahil wala akong nararamdaman.

Kundi dahil ayokong ibigay sa kanya ang kasiyahang makita akong bumigay.

Pero may isang sandali isang iglap na napapikit ako.

At doon ko siya tinanong.

“Anong pangalan mo?”

"Hindi na mahalaga yon.

“Sa akin, mahalaga.” Sabi ko.

"Sandaling tumigil ang kamay niya. “Dr. Samantha Lopez.”

Inulit ko iyon sa isip ko.

Dr. Samantha Lopez

Ilang sandali pa ang lumipas tuluyang na niyang natanggal ang bala sa katawan ko. Pero kahit ganoon pa man pakiramdam ko nakadikit ang kamay niya

Tinitigan ko siya habang habang tinatahi niya ang sugat ko

“Hindi ka kagaya ng iba.” Sabi ko

Hindi siya sumagot o nag react sa sinabi ko.

At doon ko napagtanto

Hindi lang bala ang natanggal sa akin nang gabing iyon.

Dahil pakiramdam ko may isang parte sa katawan ko ang gumising dahil sa presensya ng babae.

Isang babaeng kayang tumingin sa mata ng halimaw na kagaya ko nang hindi natatakot. At hindi ko iyon basta-basta palalampasin.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • THE MAFIA KING OBSESSION    Chapter 7

    Damon’s POV Tahimik ang bahay nang makauwi kami. Iyon ang unang napansin ko pagpasok ko hindi ang lawak ng espasyo, hindi ang malamig na hanging nagmumula sa air-conditioni kung bahay kundi ang katahimikang parang may kulang. Isang katahimikan na hindi ko naman napapansin dati ang katahimikan nagpapabigat ng loob. Isinara ng isa sa mga tauhan ko ang pinto sa likuran ko pagkapasuk ko sa loob. Maingat. Walang ingay. Alam nila na sa ganitong oras, hindi ako dapat kausapin, hindi dapat tanungin. Hinubad ko ang jacket ko at basta ko na lamang ipinatong iyon sa sofa bago dumiretso sa mini bar. Nagsalin ako ng alak sa baso pinanood kung paano bumagsak ang likido niyon, kung paano ito umikot na parang may sariling buhay. Hindi ko intensyon na sundan ang babae kanina. Paulit-ulit kong sinasabi iyon sa sarili ko, na para bang kapag inulit ko nang ilang beses, magiging totoo. Hindi iyon parte ng plano. Marami akong kaaway. Maraming gustong pumatay sa akin. At ang sinumang mapapala

  • THE MAFIA KING OBSESSION    Chapter 6

    Samantha’s POV Pagmulat ko kinabukasan, ang unang pumasok sa isip ko ay hindi ang oras, hindi ang trabaho, kundi ang pakiramdam na parang may naiwan akong bukas na pinto sa loob ng ulo ko isang pintong ayokong balikan, pero kusa pa ring bumubukas. Inis akong bumangon. Hindi dahil pagod ako, kundi dahil alam kong may parte ng gabi kagabi na hindi ko dapat pinatagal sa isip ko. Siya. Ang lalaking may sugat pero mas delikado ang mga mata kaysa sa bala sa katawan niya. Habang naghahanda ako para pumasok, sinadya kong gawing normal ang lahat. Kape. Tahimik na umaga. Walang emosyon. Walang pag-alala. Ganito ako nabuhay sa kontrol. Sa malinaw na hangganan. At hindi ko hahayaang sirain iyon ng isang insidenteng hindi ko hiniling. Sa ospital, balik ako sa dati. Parehong pasilyo, parehong ilaw, parehong amoy ng antiseptic. May mga pasyenteng dumating, may mga sugat na tinahi, may mga buhay na iniligtas. Walang bakas ng gabing nagdaan maliban sa mga matang palihim na tumitingin sa

  • THE MAFIA KING OBSESSION    Chapter 5

    Damon’s POV Hindi ko dapat ginawa iyon. Iyon ang unang malinaw na pumasok sa isip ko habang nakaupo ako sa likod ng itim na SUV, bahagyang nakasandal sa leather seat, tahimik, nag-iisa sa sarili kong mga iniisip Mabagal ang takbo ng sasakyan. Sadyang ganoon walang nagmamadali, walang gustong makasira ng katahimikan. Pero kahit alam kong hindi ko dapat, ginawa ko pa rin. Hindi ako sanay sa pagsisisi. Sanay akong gumawa ng desisyon at panindigan ang resulta, kahit pa magulo o madugo ang kahihinatnan. Pero sa gabing iyon, kakaiba. Hindi ito tungkol sa kapangyarihan o kontrol. Hindi rin ito basta pagnanasa. Ito’y tungkol sa isang babaeng umalis nang hindi man lang lumingon sa kanya. Tahimik ang loob ng sasakyan. Walang tanong ang mga tauhan ko. Kilala nila ako kapag ganito ang ayos ng katawan ko, kapag ganito katahimik ang presensya ko, mas mabuting manahimik Nakatitig ako sa bintana. Sa bukana ng ospital Lingid sa kaalaman ng babae, mula pa lang sa sandaling tumalik

  • THE MAFIA KING OBSESSION    Chapter 4

    Samantha’s POV Hindi ako tumingin pabalik. Hindi ko kailangang gawin iyon. Alam kong nakatingin siya. Ramdam ko pa rin ang presensya niya kahit nakalabas na ako ng silid parang aninong nakadikit sa likod ko, mabigat, mapangahas, at hindi sanay sa pagtanggi. Habang naglalakad ako sa pasilyo, pilit kong pinanatiling tuwid ang likod ko, steady ang hakbang, kahit ang dibdib ko ay hindi pa rin bumabagal ang tibok. Galit. Iyon ang nangingibabaw. Hindi hiya. Hindi takot. Galit dahil may isang lalaking inakalang may karapatan siyang lampasan ang hangganan ko dahil lang sa sanay siyang makuha ang gusto niya. Pagdating ko sa dulo ng pasilyo, saka ko lang hinayaan ang sarili kong huminga nang malalim. Isang beses. Dalawa. Tatlo. Nanlalamig ang mga daliri ko, pero hindi ako nanginginig. Hindi ko hinayaan. Hindi ko pwedeng hayaan. Hindi sa ospital. Hindi sa sarili ko. Nararamdaman ko pa rin ang init ng palad niya sa batok ko. Ang biglang paghila. Ang labi niyang dumampi sa akin isa

  • THE MAFIA KING OBSESSION    Chapter 3

    Damon’s POV Tahimik ang silid, pero ramdam ko ang bigat ng presensya niya. Nakatayo siya sa harap ko, bahagyang nakatagilid habang inaayos ang mga gamit niya, naka-focus sa ginagawa.Kahit sampung armadong lalaki ang nasa loob ng silid, kahit may ilan pang nakapwesto sa labas, ni anino ng takot ay wala sa kilos niya. Hindi nanginginig ang kamay. Hindi rin nagmamadali. Para siyang nasa sarili niyang mundo isang mundong hindi ako kasama, kahit ako ang dahilan kung bakit siya naroon. Paminsan-minsan, tumitingin siya sa akin. Hindi direkta. Hindi rin matagal. Pero sapat para maramdaman ko ang bigat ng titig niya. Tahimik. Propesyonal. Pero may intensity. Parang sinusukat niya ako hindi bilang pasyente, hindi bilang lalaking may tama ng bala, kundi bilang isang taong may kontrol sa silid… at kung hanggang saan ang kaya kong dalhin ang presensyang iyon. Ang kirot sa tagiliran ko, ang kirot na kanina pa sumusundot sa bawat paghinga ko, unti-unting nawala sa isip ko. Pati ang bigat ng

  • THE MAFIA KING OBSESSION    Chapter 2

    Samantha’s POV Tahimik ang ospital, ngunit ang katahimikan ay hindi nagbibigay ng ginhawa. Parang may presensya na pumipigil sa bawat paghinga mo, na nagbabadya ng kaguluhan bago pa man ito dumating. Naka-duty ako sa gabing iyon. Sanay ako sa dugo, sa sugat, sa huling hininga ng pasyente. Sanay akong manatiling kalmado sa gitna ng kaguluhan, sa sigawan, sa pag-iyak, sa mga desisyong kailangang gawin sa loob ng ilang segundo. Ngunit ang gabing iyon… iba. Bumukas ang pinto ng emergency wing at agad kong naramdaman ang pagbabago ng hangin. Sunod ang mga yabag ng mga lalaki dalawampu, puro nakaitim, organisado, tahimik. Hindi nila kailangan magsalita pero ramdam ko agad ang presensya nila. May ilan agad na pumuwesto sa labas, bawat galaw ay parang mekanikal, bawat mata nila ay nagbabantay. Ang ilan naman ay pumasok sa loob, nakatingin sa akin habang ang isa sa kanila ay may hawak na baril, nakatutok sa akin sa loob ng ilang segundo. Nanigas ang katawan ko. Ngunit hindi ako uma

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status