LOGINTahimik ang ospital sa oras na iyon ng gabi isang katahimikang hindi nagbibigay ng pahinga kundi nagbabadya ng paparating na kaguluhan.
Ang mga ilaw sa emergency wing ay malamlam, nagbibigay ng maputlang liwanag sa makintab na sahig. Ang amoy ng antiseptic ay humahalo sa hangin Naka-duty si Dr. Samantha Lopez. Sanay siya sa dugo. Sa sugat. Sa mga pasyenteng dumarating na halos wala nang pag-asa. Sanay siyang manatiling kalmado kahit sa gitna ng sigawan, ng iyakan, ng mga desisyong kailangang gawin sa loob ng ilang segundo. Ngunit hindi siya handa sa biglaang pagbabago ng hangin nang bumukas ang pinto ng emergency wing. Hindi iyon karaniwang pagbukas. Sunod-sunod ang yabag ng mabibigat na sapatos. Isa, dalawa, tatlo hanggang sa mapuno ang pasilyo ng mga lalaking puro naka-itim. Hindi lima. Hindi sampu. kundi dalawampu silang pumasok, organisado, tahimik, tila isang hukbong sanay kumilos nang walang tanong. May ilan agad na pumuwesto sa labas sa magkabilang dulo ng pasilyo, sa tapat ng pinto, sa gilid ng nurse station. Naka-krus ang mga braso o kaya’y hawak ang baril na parang normal na bahagi ng kanilang katawan. Ang iba naman ay pumasok sa loob. Sa gitna nila isang wheelchair. At sa ibabaw nito, nakaupo ang lalaking agad nagpabigat sa buong ospital. Bahagyang nakasandal si Damon Mondragon. Ang isang kamay ay nakapatong sa armrest, ang isa’y may hawak na sigarilyo na dahan-dahang hinihithit. Umaangat ang manipis na usok, humahalo sa sterile na amoy ng ospital isang tahimik na paglabag sa lahat ng patakaran. May dugo sa kanyang tagiliran, tumatagos sa itim na polo. Ngunit ang mukha niya ay kalmado mapanganib na kalmadong parang wala siyang pakialam na may bala sa katawan niya. Tumigil ang wheelchair sa harap ni Samantha. “Doctor,” malamig na sabi ng isa sa mga tauhan. “Ikaw ang on duty.” Hindi iyon tanong. Awtomatikong tumuwid ang likod ni Samantha. “Yes ako nga- Isang click ang umalingawngaw. Sa isang iglap, may baril na nakatutok sa kanya. Una sa balikat. Sunod sa dibdib. Hanggang sa maramdaman niya ang malamig na bakal na dumampi sa kanyang sentido. “Huwag kang sisigaw,” bulong ng lalaking nasa likod niya. “At huwag kang tatawag ng iba.” Nanigas ang katawan niya bigla. Pero hindi siya umatras Sa halip, tumingin siya sa lalaking nasa wheelchair. Hinigop ni Damon ang sigarilyo, saka ibinuga ang usok, habang ang mga mata’y diretso sa kanya. Hindi galit. Hindi rin nagmamadali. Parang sinusukat siya kung matitinag ba siya, o kung uurong. “Dalhin mo kami sa pribadong silid,” mababa ngunit matatag na utos niya sa kanyang mga tauhan. Agad naman kumilos ang mga ito. Isang pribadong operating room ang inihanda. Isinara ang pinto. Nilock. May mga naiwan sa labas nakapwesto sa bawat labasan, mga matang mapagbantay, mga baril na handang bumunot. Sa loob, kasama si Samantha qt halos sampung armadong lalaki. At si Damon Mondragon. “Hindi ka puwedeng manigarilyo dito,” malamig na sabi ni Samantha habang nagsusuot ng gloves. Tumitig si Damon sa kanya, saka bahagyang ngumiti. Dahan-dahan niyang idiniin ang sigarilyo sa metal tray, ngunit nanatili ang amoy ng usok parang marka ng presensiya niya. “May tama ka ng bala,” diretsong sabi niya. “Pero bago ko alisin ‘yan, kailangan kang ilipat sa kama.” “Dito na,” tugon ni Damon. “Tapusin mo na.” “Hindi,” matatag niyang sagot. “Hindi kita tatanggalan ng bala habang nasa wheelchair ka. Kung gusto mong mabuhay, magpalipat ka sa hospital bed.” Isang sandaling katahimikan. Nagkatinginan ang mga tauhan. May ilan na humigpit ang hawak sa baril. Tumitig si Damon kay Samantha matagal, mabigat. Parang sinusubok ang hangganan niya. Pagkatapos, bahagyang tumango. “Ilipat n’yo ako.” Tinulungan siya ng dalawang tauhan. Kita ang paninigas ng kanyang katawan habang inililipat isang mabilis na kirot ang dumaan sa kanyang mukha, ngunit agad niya itong kinontrol. Walang reklamo. Walang ungol. Nang mahiga siya sa kama, inayos ni Samantha ang posisyon niya propesyonal, mabilis, walang pag-aalinlangan. “Kailangan mo ng anesthesia,” sabi niya. “Masakit ito.” “Hindi ko kailangan yan,” putol ni Damon. “Delikado—” “Mas delikado para sa mga taong hindi sumusunod,” malamig niyang tugon. Huminga nang malalim si Samantha. “Kung mawalan ka ng malay, hindi kita pananagutan.” “Hindi ako mawawalan.” Habang nililinis niya ang sugat at inilalapit ang ilaw, napansin niya ang mahigpit na kapit ng mga daliri ni Damon sa gilid ng kama puting-puti ang mga buko. Ngunit nanatili siyang tahimik. Sa unang hiwa, bahagyang kumunot ang noo nito. Sa ikalawa, napapikit. Ngunit walang daing. “Anong pangalan mo?” bigla nitong tanong, basag ang tinig ngunit kontrolado. “Hindi mahalaga.” “Sa akin, mahalaga.” Sandaling tumigil ang kamay niya. “Dr. Samantha Lopez.” Parang ngumiti ang mga mata ni Damon. “Hindi ka natqtakot.” “Takot ako,” sagot niya habang hinuhugot ang bala. “Pero hindi ako sumusuko sa pananakot.” Nang tuluyang lumabas ang bala at bumagsak sa metal tray, umagos ang dugo. Bahagyang napahinga nang malalim si Damon iyon lang ang tanging senyales ng sakit na ipinakita niya. Tumitig siya kay Samantha. Hindi siya umiwas. Hindi rin siya ngumiti. “Hindi ka kagaya ng iba,” sabi niya, mababa ang tinig. Sa gabing iyon, isang bala ang natanggal sa katawan ni Damon Mondragon. Ngunit may iba pang tinamaan. Isang babaeng hindi umatras. Hindi natakot. Hindi yumuko. At doon nagsimula ang isang bagay na hindi na niya kayang pigilan. Ang obsession.Damon’s POV Tahimik ang bahay nang makauwi kami. Iyon ang unang napansin ko pagpasok ko hindi ang lawak ng espasyo, hindi ang malamig na hanging nagmumula sa air-conditioni kung bahay kundi ang katahimikang parang may kulang. Isang katahimikan na hindi ko naman napapansin dati ang katahimikan nagpapabigat ng loob. Isinara ng isa sa mga tauhan ko ang pinto sa likuran ko pagkapasuk ko sa loob. Maingat. Walang ingay. Alam nila na sa ganitong oras, hindi ako dapat kausapin, hindi dapat tanungin. Hinubad ko ang jacket ko at basta ko na lamang ipinatong iyon sa sofa bago dumiretso sa mini bar. Nagsalin ako ng alak sa baso pinanood kung paano bumagsak ang likido niyon, kung paano ito umikot na parang may sariling buhay. Hindi ko intensyon na sundan ang babae kanina. Paulit-ulit kong sinasabi iyon sa sarili ko, na para bang kapag inulit ko nang ilang beses, magiging totoo. Hindi iyon parte ng plano. Marami akong kaaway. Maraming gustong pumatay sa akin. At ang sinumang mapapala
Samantha’s POV Pagmulat ko kinabukasan, ang unang pumasok sa isip ko ay hindi ang oras, hindi ang trabaho, kundi ang pakiramdam na parang may naiwan akong bukas na pinto sa loob ng ulo ko isang pintong ayokong balikan, pero kusa pa ring bumubukas. Inis akong bumangon. Hindi dahil pagod ako, kundi dahil alam kong may parte ng gabi kagabi na hindi ko dapat pinatagal sa isip ko. Siya. Ang lalaking may sugat pero mas delikado ang mga mata kaysa sa bala sa katawan niya. Habang naghahanda ako para pumasok, sinadya kong gawing normal ang lahat. Kape. Tahimik na umaga. Walang emosyon. Walang pag-alala. Ganito ako nabuhay sa kontrol. Sa malinaw na hangganan. At hindi ko hahayaang sirain iyon ng isang insidenteng hindi ko hiniling. Sa ospital, balik ako sa dati. Parehong pasilyo, parehong ilaw, parehong amoy ng antiseptic. May mga pasyenteng dumating, may mga sugat na tinahi, may mga buhay na iniligtas. Walang bakas ng gabing nagdaan maliban sa mga matang palihim na tumitingin sa
Damon’s POV Hindi ko dapat ginawa iyon. Iyon ang unang malinaw na pumasok sa isip ko habang nakaupo ako sa likod ng itim na SUV, bahagyang nakasandal sa leather seat, tahimik, nag-iisa sa sarili kong mga iniisip Mabagal ang takbo ng sasakyan. Sadyang ganoon walang nagmamadali, walang gustong makasira ng katahimikan. Pero kahit alam kong hindi ko dapat, ginawa ko pa rin. Hindi ako sanay sa pagsisisi. Sanay akong gumawa ng desisyon at panindigan ang resulta, kahit pa magulo o madugo ang kahihinatnan. Pero sa gabing iyon, kakaiba. Hindi ito tungkol sa kapangyarihan o kontrol. Hindi rin ito basta pagnanasa. Ito’y tungkol sa isang babaeng umalis nang hindi man lang lumingon sa kanya. Tahimik ang loob ng sasakyan. Walang tanong ang mga tauhan ko. Kilala nila ako kapag ganito ang ayos ng katawan ko, kapag ganito katahimik ang presensya ko, mas mabuting manahimik Nakatitig ako sa bintana. Sa bukana ng ospital Lingid sa kaalaman ng babae, mula pa lang sa sandaling tumalik
Samantha’s POV Hindi ako tumingin pabalik. Hindi ko kailangang gawin iyon. Alam kong nakatingin siya. Ramdam ko pa rin ang presensya niya kahit nakalabas na ako ng silid parang aninong nakadikit sa likod ko, mabigat, mapangahas, at hindi sanay sa pagtanggi. Habang naglalakad ako sa pasilyo, pilit kong pinanatiling tuwid ang likod ko, steady ang hakbang, kahit ang dibdib ko ay hindi pa rin bumabagal ang tibok. Galit. Iyon ang nangingibabaw. Hindi hiya. Hindi takot. Galit dahil may isang lalaking inakalang may karapatan siyang lampasan ang hangganan ko dahil lang sa sanay siyang makuha ang gusto niya. Pagdating ko sa dulo ng pasilyo, saka ko lang hinayaan ang sarili kong huminga nang malalim. Isang beses. Dalawa. Tatlo. Nanlalamig ang mga daliri ko, pero hindi ako nanginginig. Hindi ko hinayaan. Hindi ko pwedeng hayaan. Hindi sa ospital. Hindi sa sarili ko. Nararamdaman ko pa rin ang init ng palad niya sa batok ko. Ang biglang paghila. Ang labi niyang dumampi sa akin isa
Damon’s POV Tahimik ang silid, pero ramdam ko ang bigat ng presensya niya. Nakatayo siya sa harap ko, bahagyang nakatagilid habang inaayos ang mga gamit niya, naka-focus sa ginagawa.Kahit sampung armadong lalaki ang nasa loob ng silid, kahit may ilan pang nakapwesto sa labas, ni anino ng takot ay wala sa kilos niya. Hindi nanginginig ang kamay. Hindi rin nagmamadali. Para siyang nasa sarili niyang mundo isang mundong hindi ako kasama, kahit ako ang dahilan kung bakit siya naroon. Paminsan-minsan, tumitingin siya sa akin. Hindi direkta. Hindi rin matagal. Pero sapat para maramdaman ko ang bigat ng titig niya. Tahimik. Propesyonal. Pero may intensity. Parang sinusukat niya ako hindi bilang pasyente, hindi bilang lalaking may tama ng bala, kundi bilang isang taong may kontrol sa silid… at kung hanggang saan ang kaya kong dalhin ang presensyang iyon. Ang kirot sa tagiliran ko, ang kirot na kanina pa sumusundot sa bawat paghinga ko, unti-unting nawala sa isip ko. Pati ang bigat ng
Samantha’s POV Tahimik ang ospital, ngunit ang katahimikan ay hindi nagbibigay ng ginhawa. Parang may presensya na pumipigil sa bawat paghinga mo, na nagbabadya ng kaguluhan bago pa man ito dumating. Naka-duty ako sa gabing iyon. Sanay ako sa dugo, sa sugat, sa huling hininga ng pasyente. Sanay akong manatiling kalmado sa gitna ng kaguluhan, sa sigawan, sa pag-iyak, sa mga desisyong kailangang gawin sa loob ng ilang segundo. Ngunit ang gabing iyon… iba. Bumukas ang pinto ng emergency wing at agad kong naramdaman ang pagbabago ng hangin. Sunod ang mga yabag ng mga lalaki dalawampu, puro nakaitim, organisado, tahimik. Hindi nila kailangan magsalita pero ramdam ko agad ang presensya nila. May ilan agad na pumuwesto sa labas, bawat galaw ay parang mekanikal, bawat mata nila ay nagbabantay. Ang ilan naman ay pumasok sa loob, nakatingin sa akin habang ang isa sa kanila ay may hawak na baril, nakatutok sa akin sa loob ng ilang segundo. Nanigas ang katawan ko. Ngunit hindi ako uma







