Share

CHAPTER 4

Penulis: Darkshin0415
last update Tanggal publikasi: 2026-05-08 19:07:21

THE MAFIA QUEEN, PAHIRAM NG MUKHA 

CHAPTER 4

ALICE

"Bakit kasama mo pa rin ang batang 'yan?" tanong niya sa tauhan niyang si Mark. 

"Ayaw niyang magpa-iwan sa pulis station boss, takot na takot siya, 'wag din po kayong mag-alala, dahil natawagan ko na ang kanyang ina." Inis akong na-patingin kay Mark, dahil sa kanyang sinabi. 

Sabi ko na nga ba, magbibigay lang ng sakit ng ulo ang bata.

"Saan mo ba kikitain ang nanay ng batang 'yan? Alam mo bang marami pa akong kailangang gawin Mark, baka gusto mong kayo ng batang 'yan ang isunod ko sa Antonio na 'yon!" Sigaw ko rito, habang napakunot ang noo ko na tumingin sa kanya, nang takpan niya ang tainga ng bata. 

"Bunganga mo naman boss, gusto mo bang malaman ng bata na masama 'yang ugali mo?" lalo pang napa-kunot ang noo ko, dahil sa sinabi niya sa akin. 

"Hindi ako nakikipag-biruan sa 'yo," madiin na wika ko, habang malawak siyang ngumiti. Pasalamat talaga ang Mark na 'to, na kaibigan ang tingin ko sa kanya, at hindi basta tauhan lang, dahil kung hindi, baka kanina ko pa pinasabog ang utak niya.

Nang makarating kami sa lugar, kung saan namin tatag-puin ang ina ng bata, ay hindi ko mapigilan na nakaramdam nang inis, lalo na at matagal ang ina ng bata, panay rin ang pagtingin ko sa orasan na nasa bisig ko, dahil alam kong ngayon ang alis ni Leo, papunta sa ibang bansa para sa meeting niya, sa negosyo namin. 

"Cody!" Kunot-noo akong napalingon, at nakita ang isang babae na lumapit sa amin, kita ko sa mukha niya ang galit habang tumingin ito sa bata. 

"Ang tigas talaga ng ulo mo! 'Diba sinabi ko sa 'yo na 'wag kang lumayo sa yaya mo ha?!" Galit na sigaw nito, habang akma sana nitong papaluin ang bata. Pero mabilis ko siyang pinigilan at hinawakan ang kamay.

"Imbis na matutuwa ka, dahil nakita mo ang anak mo, pagagalitan mo pa siya.." Iling na wika ko sa kanya, habang tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. Hindi ko rin mapigilan na nakaramdam nang pagka-insulto, dahil sa paraan ng pagtingin niya, kaya hinanda ko na ang kamay ko, para bunutin sana ang baril ko. Pero agad akong pinigilan ni Mark. 

"Umalis na tayo boss, at hayaan nalang natin siya." Wika niya sa akin, habang inalalayan ako papasok sa kotse. 

"Bakit mo ba ako pinipigilan?" galit na tanong ko kay Mark, matapos kaming nakaupo sa loob ng kotse. 

"Nakita mo naman na maliit pa ang anak niya, gusto mo bang mawalan agad 'yon ng ina?"

"Wala akong pakialam, lalo na at masama ang ugali ng ina niya." Irap na wika ko habang nailing siya sa akin. Kinuha ko naman ang phone ko at tinawagan muli si Leo. 

"Mabuti at sumagot kana," galit na wika ko, matapos nitong sagutin ang tawag ko. 

"Alam mo naman na busy ako sa mga negosyo natin, kaya hindi ko nasagot ang tawag mo, bakit hindi ka nalang kay Aria, tumawag?" 

"Bakit sa kanya ako tatawag, ikaw nga ang gusto kong maka-usap!" Sigaw ko sa kanya. 

"Pwede ba Alice, 'wag mo akong sigawan, alam mo naman kung gaano ako ka busy sa mga negosyo mo." 

"Wala akong pakialam, ngayon sabihin mo sa akin ang totoo."

"Totoo? Anong totoo?" 

"Sinabi sa akin ni Antonio, na ginawa niyang pambayad sa 'yo ang anak niya!"

"Oo, nakalimutan ko pa lang sabihin sa 'yo 'yon, nasa bahay natin siya, at isa na ngayon sa mga katulong," agad akong natigilan, dahil sa narinig ko mula sa kanya. 

"Ibig mong sabihin, hindi mo siya ginalaw?" 

"P*tang ina naman Alice! Bakit ko naman 'yon gagawin? Nakalimutan mo bang malapit na tayong ikasal, at alam mo naman kung gaano kita ka mahal, kaya wala akong pakialam sa ibang mga babae, dahil ikaw lang ang mahalaga, para sa akin," hindi ko mapigilan na mapangiti, dahil sa narinig ko mula sa kanya. 

Hindi na ako nagsalita pa, at mabilis ko nang pinutol ang tawag, hindi ko rin kasi alam kung ano ang isasagot ko sa kanya, lalo na at wala talaga akong ka lambing-lambing. 

"Saan na tayo pupunta?" tanong sa akin ni Mark. 

"Tawagan mo ang mga tauhan ko, dahil gusto kong makipag-meeting sa kanila." Sagot ko, habang mabilis niyang kinuha ang kanyang phone. 

Habang binabaybay namin ang daan, papunta sa underworld, ay na-patingin ako sa bintana. Muli ko na namang naalala ang lalaki na nakaniig ko sa bar, kaya agad na napa-kuyom ang kamao ko, dahil hindi ko man lang naalala ang mukha ng hay*p na 'yon. 

Nang makarating ako sa opisina namin, kung saan namin ginagawa ang lahat ng illegal transaction, ay agad na nag-sitayuan ang mga tauhan ko. Pati na rin ang mga leader nila. Habang nakaupo ako, ay nakikinig lang ako sa kanilang pinag-usapan. Mabilis din na napa-kunot ang noo ko, dahil sa sinabi sa akin ng isa sa kanilang mga leader. 

"Anong sinabi mo?" tanong ko, habang nakita ko ang takot sa mukha niya na tumingin sa akin. 

"Suggest ko lang po boss, baka sakaling gusto mo rin, na gawing kanang kamay si boss Aria,dahil isa rin siyang magaling." Sagot niya sa akin, habang malakas kong hinampas ang lamesa, at kinuha ang baril ko. Wala rin silang narinig na salita mula sa akin, dahil tuluyan nang bumulagta ang lalaki sa sahig, habang naliligo ito sa sarili nitong dugo. 

"May suggestion paba kayo?" Ngiting tanong ko. Habang muling umupo. 

"Mukhang wala na.." Wika kong muli, habang suminyas sa tauhan ko na itapon na ang bangkay. 

"Ito ang tandaan niyo, kahit kaibigan ko pa si Aria, hindi ko siya gagawing kanang kamay ko, dahil ako lang, ako lang dapat ang nag-iisang reyna rito." Wika ko sa kanila at mabilis na tumayo. 

"Bantayan mo ang lahat ng galaw nila, at sa oras na malaman mong mag may traydor sa akin, alam mo na ang gagawin mo." Utos ko kay Mark, habang naglalakad kami palabas.

Nang makasakay ako sa kotse ko, ay mabilis akong napalingon at nakitang pinagbabaril ang mga tauhan ko. 

“Anong nangyari?” Tanong ko kay Mark, habang mabilis siyang pumasok sa loob ng kotse. 

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • THE MAFIA QUEEN, Pahiram Ng Mukha (SPG)   CHAPTER 137 WAKAS

    THE MAFIA QUEEN, PAHIRAM NG MUKHA CHAPTER 137ALICE"D*mn it! Bakit mo ginawa 'yon Daniel! Bakit mo hinaluan ang dugo namin sa dugo mo?!" Galit na wika ng ama ni Colt, habang tumayo ako at pinunasan ko ang mga luha ko. "Kung alam ko lang na anak mo ang lalaking 'yan, hindi ko ginawa 'yon! Dahil 'yong batang 'yon ang taga-pagmana ko!" "Ang apo ko ang dapat na mag-mana sa akin!" "Tama na! Hindi niyo ba nakikitang pareho niyo siyang apo!" Galit na wika ni Camila, kaya napatingin ako sa kanya. "Pero wala na siya.. Wala na si Colt.." Iyak na wika ng ina ni Colt, habang napatingin ako kay Colt. "Papasukin niyo na sila." Utos ni Colt sa mga tauhan namin, habang sabay silang nagulat at napasinghap nang makita nila si Cody. "Apo! Buhay ka!" Malakas na sigaw ni Daddy, pati na rin ng mga magulang ni Colt. "P-paano? Paano na buhay ang apo ko?" Taka na tanong ni Daddy, habang na-patingin siya sa akin. "Itinago ko siya Dad, at alam mo bang sobrang saya ko ngayon, dahil sa nalaman ko, dahil

  • THE MAFIA QUEEN, Pahiram Ng Mukha (SPG)   CHAPTER 136

    THE MAFIA QUEEN, PAHIRAM NG MUKHA CHAPTER 136ALICE"Boss nandito na po ang mommy mo." Napatingin ako sa tauhan ni Colt, at nakita ko ang kanyang ina na walang malay. "Akin na siya." Wika niya rito, habang binigay nito sa kanya ang mommy niya. "Saan mo siya dadalhin?" Tanong ko kay Colt, habang binuhat niya ito. "Dalhin ko siya sa silid kung nasaan ang mga magulang mo, pati na rin si daddy." Sagot niya sa akin, habang mabilis akong sumunod sa kanya. Nang makarating kami sa silid, ay mabilis kong binuksan ang pinto, habang nilagay niya ang kanyang ina sa sofa. Sinigurado rin namin ni Colt, na hindi sila makawala sa tali na nilagay namin sa kanilang mga kamay, dahil alam namin kung gaano sila kagaling. Matapos niya itong itabi sa kanyang ama, ay na-patingin ako sa kanya, at kita ko ang awa sa mukha niya, alam kong ayaw niya sana itong gawin, pero kailangan namin silang ilagay sa ganitong sitwasyon, lalo na at sawa na kami sa pakikipaglaban. Mabilis na nagtago si Colt, nang makita

  • THE MAFIA QUEEN, Pahiram Ng Mukha (SPG)   CHAPTER 135

    THE MAFIA QUEEN, PAHIRAM NG MUKHA CHAPTER 135ALICE"Alice, handa na ako." Napatingin ako kay Colt, habang may hawak siyang tali. Mabilis akong lumapit sa kanya, at tinali ko ang kanyang mga braso. Giniya niya akong sa likod dumaan, para hindi kami kaagad makita ni Daddy. Panay rin ang pagtingin ko sa paligid, dahil hinahanap ko si Camila. "Hanapin niyong mabuti ang kinaroroonan ni Alice! At gusto ko ring iharap niyo sa akin ang Kendrick na 'yon!" Narinig kong wika ni Daddy, kaya napatingin ako kay Colt. Nang suminyas siya sa akin, ay mabilis kong tinawag si Daddy. "Hindi mo na ako kailangan pang hanapin Dad!" Wika ko, habang napalingon siya sa amin. "Sino 'yang kasama mo?" tanong niya sa akin. "Dala ko ang taong gusto mong mahuli ko." Sagot ko sa kanya, habang napatingin siya kay Colt. "Ibig mo bang sabihin na siya ang anak ni Kendrick? Siya ang tinatawag nilang X?" Tanong niya sa akin, habang mabilis akong tumango sa kanya. Mabilis siyang lumapit sa amin, at akmang tatanggalin

  • THE MAFIA QUEEN, Pahiram Ng Mukha (SPG)   CHAPTER 134

    THE MAFIA QUEEN, PAHIRAM NG MUKHA CHAPTER 134ALICEKinuha ko ang mga baril ko, at nilagyan ko ito ng bala. Tinali ko ang buhok ko, at inayos ko ito. 'Alam kong marami kayo, at mahihirapan akong ubusin kayo, pero handa pa rin akong patayin kayo.' Mabilis kong kinasa ang baril ko, at agad na akong lumabas. Habang palabas ako ay mabilis akong napatingin sa paligid at nakitang walang mga tao. Masasabi kong isa nga sa ligtas na lugar itong pinagdalhan sa akin ni Colt. Nang makita ko ang isang hagdan, ay agad akong lumapit dito, at napatingin sa taas. Matapos kong tingnan ang taas, ay napansin kong tahimik, kaya agad na akong pumunta rito. Matapos akong makarating sa taas, ay narinig ko ang malakas na putukan, kaya agad akong nagkubli. Wala rin akong balak na sumali sa kanila, dahil ang kailangan ko lang gawin ngayon, ay ang hanapin ang ama ni Colt. Kailangan ko siyang gawing bihag, para hindi na sila magkasakitan pa ni Daddy. Muli akong nagkubli nang makita ko ang mga armadong lalaki

  • THE MAFIA QUEEN, Pahiram Ng Mukha (SPG)   CHAPTER 133

    THE MAFIA QUEEN, PAHIRAM NG MUKHA CHAPTER 133ALICENakiramdam ako sa paligid, habang ang mga kamay ko ay nakatali. Nandito ako ngayon sa hideout nila. Gusto kong matapos na ang mahat, kaya kinausap ko si Colt na dalhin ako rito, para maunahan namin ang kanyang ama. "Nasa'n na siya?" narinig ko ang boses ng ama ni Colt, habang nakikinig lang ako sa kanila. "Nandito siya dad.." "Magaling.. Sinasabi ko na nga bang magaling ka anak, at ngayon ay kaya na nating patunayan sa kanila, na tayo dapat ang maghahari sa lahat ng organisasyon!" tuwang wika nito, habang lihim akong nailing. "Alam kung alam na ni Daniel ang tungkol sa pagkahuli mo ng anak niya, kaya 'wag mo muna siyang patayin, hintayin na muna natin ang pagsugod niya rito," napa-kunot ang noo ko, dahil sa narinig ko mula sa kanya. 'Ibig sabihin, alam niyang buhay pa rin si Dadd? Pero bakit niya sinabi sa akin na wala na 'to?' habang nakikinig ako sa kanilang mga usapan, ay hindi ko mapigilan na nakaramdam nang galit, dahil n

  • THE MAFIA QUEEN, Pahiram Ng Mukha (SPG)   CHAPTER 132

    THE MAFIA QUEEN, PAHIRAM NG MUKHA CHAPTER 132ALICENang makarinig kami ng putok, ay mabilis akong nagkubli sa pader, habang hinila ko si Colt. "D*mn! Gusto ko silang patayin ngayon Alice!" Galit na wika niya, habang kukunin na sana niya ang kanyang baril, kaya agad ko siyang pinigilan. "'Wag mong sirain ang plano natin Colt, kailangan nating patunayan sa kanila na mas magaling at mas matalino tayo." Wika ko, habang mabilis na gumanti ng putok. Malakas na nagsisigawan ang mga tao, habang hinila ko si Colt. Nang makarating kami sa kabila, ay binitawan ko ang kamay niya. "Fvck! Bakit ba nila sinisira ang date natin mommy?" seryosong wika niya sa akin, habang hindi ko mapigilan na matawa sa kanya. "Anong nakakatawa?" "Ikaw." Sagot ko, habang hinila ko siya, at binaril ang lalaking nasa likod niya. "Sumuko kana Alice!" Napatingala ako at napatingin sa itaas nitong mall. "Humanda ka, may mga bomb silang nilagay rito.""Kailangan nating maka-alis agad dito Alice." "Hindi, kailang

  • THE MAFIA QUEEN, Pahiram Ng Mukha (SPG)   CHAPTER 5

    THE MAFIA QUEEN, PAHIRAM NG MUKHA CHAPTER 5ALICE“Mukhang nagkaka-isa sila boss, at gusto ka nilang mawala.” Sagot sa akin ni Mark, kaya mabilis kong na-ikuyom ang kamao ko. “Gano’n ba, pwes ipakita ko sa kanila kung sino ang kina-kalaban nila.” Wika ko, habang mabilis na binunot ang mga baril k

  • THE MAFIA QUEEN, Pahiram Ng Mukha (SPG)   CHAPTER 3

    THE MAFIA QUEEN, PAHIRAM NG MUKHA CHAPTER 3 ALICE "Mukhang ayaw po yata ni boss Aria, na sumama ako sa inyo boss." Napatingin ako kay Mark, habang nakaupo siya sa front seat. "Bakit mo nasabi 'yon?" tanong ko, habang hindi ko mapigilan na magtaka, dahil alam kong hindi mali lang siya. "Napa

  • THE MAFIA QUEEN, Pahiram Ng Mukha (SPG)   CHAPTER 2 SLIGHT SPG

    THE MAFIA QUEEN, PAHIRAM NG MUKHACHAPTER 2 SLIGHT SPG ALICE Gusto ko sana siyang pa-alisin na sa ibabaw ko, dahil mas lalo pang sumakit ang p*ke ko, dahil siguro ito sa laki ng t*ti niya na ipinasok sa loob ng p*ke ko. Muli ko na namang i-naninag ang mukha niya, peo kahit anong gawin ko, ay ma

  • THE MAFIA QUEEN, Pahiram Ng Mukha (SPG)   CHAPTER 1 SPG

    THE MAFIA QUEEN, PAHIRAM NG MUKHACHAPTER 1 WARNING MATURED CONTEXT!!!SPG ALICE POV “Boss, ‘wag marami na kayong nainom.” Napa-kunot ang noo ko, dahil sa narinig ko mula sa tauhan ko, kaya tumayo ako at sinipa siya ng malakas. “Anong pakialam mo kung marami akong nainom?” Galit na tanong ko ri

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status