LOGINLumaki si Rosanna Ysabelle Cortez na masayahin, matalino, at pinalaking may pagmamahal ng kanyang pamilya. Sanay siya sa marangyang buhay, ngunit nananatiling mapagkumbaba at handang ipaglaban ang mga taong mahal niya. Isa lang ang hindi niya kailanman nagawang patawarin—si Leandro Oliver Montemayor, ang lalaking minsang humamak sa kanya at nag-iwan ng sugat na hindi niya nalimutan. Para kay Leandro, spoiled at walang kwenta lang si Rosanna. Ngunit nang subukan niyang lapitan ito bilang bahagi ng isang laro, hindi niya inaasahang siya mismo ang unti-unting mahuhulog. Sa mundong puno ng kapangyarihan, panganib, at madidilim na lihim, ang simpleng galit ay nauwi sa mapanganib na pag-ibig. Ngunit sa mafia, ang pagmamahal ay may kapalit. At kapag tinawag ka ng isang Mafia Lord na "Mine," wala nang paraan para makatakas pero para kay Rosan ay meron paraan iyon ay wala siyang pakialam.
View MoreMay mga salitang kahit ilang taon na ang lumipas, nananatili pa ring sariwa sa isip. Mga salitang minsang binitawan nang walang pag-iisip, ngunit iniwan sa akin ang sakit na hindi madaling burahin. Hanggang ngayon, naaalala ko pa rin ang tono ng kanyang boses, ang mga matang walang pakialam, at ang mga salitang tumama sa aking pagkatao. Maaaring para sa kanya, isa lamang iyong simpleng sandali na matagal nang nakalimutan. Pero para sa akin, iyon ang araw na natutunan kong hindi lahat ng sugat ay nakikita. At kahit ngumiti ako ngayon, may bahagi sa aking puso na hindi pa rin nakakalimot.
May mga salitang mabilis lamang binibitawan, pero mabagal na namamatay sa isip ng taong nakarinig nito. Isang salita lang ay sapat nang baguhin ang paraan ng pagtingin mo sa sarili. Isang pangungusap ang maaaring maging dahilan para pagdudahan mo ang iyong ganda, halaga, at kakayahan. Para sa iba, simpleng biro lamang iyon. Pero para sa akin, naging sugat iyon na matagal kong itinago. Hindi ko nakalimutan ang araw na pinahiya niya ako sa harap ng maraming tao. Ang kanyang mga salita ay parang kutsilyong paulit-ulit na humihiwa sa aking pride. At kahit lumipas ang mga taon, sariwa pa rin ang sakit. Mga salitang kahit paulit-ulit mong sabihing wala nang epekto, nananatili pa ring nakaukit sa puso. Akala ko noon, lilipas din ang sakit kapag lumipas ang mga taon. Pero hindi pala ganoon kadali. Sa bawat pagkakataong nakikita ko si Leandro, bumabalik ang alaala ng araw na pinahiya niya ako sa harap ng maraming tao. Bata. Pipi. Pangit. Tatlong salitang hanggang ngayon ay parang mga sugat na ayaw maghilom. Maaari kong ngumiti at magpanggap na nakalimutan ko na, pero ang puso ko ang laging sumasalungat. Dahil may mga salitang hindi kailanman basta nawawala—lalo na kapag galing sa taong minsan mong hinangaan. "Bata." "Pipi." "Pangit." Tatlong salita. Tatlong salitang nagmula sa lalaking pinakakinasusuklaman ko. Naasar ako na parang lahat nang tao katulad niya. baliw! asar ako parang gusto sapakin na parang baliin nang buto. At ang lalaking iyon ay si Leandro Oliver Montemayor. Napataray ako nang marinig ko ang mga salitang iyon mula sa kanya. Parang isang lumang sugat na pilit kong tinatakpan ang muling binuksan. Akala ko, matagal ko nang nakalimutan ang sakit, pero isang salita lamang mula kay Leandro at bumalik lahat—ang kahihiyan, galit, at pangakong hinding-hindi ko siya patatawarin. Mahigpit kong hinawakan ang gilid ng damit ko upang pigilan ang sarili kong sumagot nang padalos-dalos. Hindi niya alam kung gaano kalalim ang iniwan ng mga salita niya sa akin. Kaya kahit nanginginig ang puso ko, tinaasan ko siya ng tingin. Hindi ako ang batang minamaliit niya noon. Nagbago na ako. --- "Rosie! Bilisan mo na! Late na tayo!" Napairap ako habang isinasara ang pintuan ng walk-in closet ko. "I'm coming!" Mabilis kong inayos ang mahabang itim kong buhok bago sinilip ang sarili sa salamin. Isang simpleng black satin dress, silver heels, at kaunting alahas lang ang suot ko. Hindi ko kailangang magpabongga para mapansin. Sabi nga ni Mommy, ang tunay na elegante ay hindi ipinipilit. Pagkababa ko ng hagdan ay sinalubong ako ng mga ngiti nina Mommy at Daddy. "You look beautiful, sweetheart," nakangiting sabi ni Mommy. Ngumiti ako at hinalikan siya sa pisngi. "Thank you, Mom." Lumapit naman si Daddy. "Don't go home too late." "Promise." Hindi sila istrikto. Marunong silang magtiwala. Siguro iyon ang dahilan kung bakit hindi ko kailanman ginustong sirain ang tiwalang ibinigay nila sa akin. Nagpaalam ako bago sumakay sa sasakyan. --- Isang oras ang lumipas bago ako makarating sa isang eksklusibong rooftop lounge sa Makati. Naroon na ang mga kaibigan ko. "Rosie!" Sabay-sabay nila akong niyakap. "Naku! Akala namin hindi ka na pupunta." "Tingnan n'yo naman kasi ang traffic," natatawa kong sagot. Umorder kami ng pagkain habang nagtatawanan. Puro kwentuhan. Asaran. Mga plano sa susunod na bakasyon. Sandaling nakalimutan ko ang pagod ng buong linggo. Ito ang klase ng gabi na gusto ko. Simple. Masaya. Tahimik. Hanggang sa... "Rosanna." Napalingon kaming lahat nang marinig ang mahihinang hiyawan ng ilang babae. Hindi ako interesado. Pero nang sundan ko ang direksiyon ng tingin nila... Napahinto ako. Nandoon siya. Matangkad. Naka-itim na suit. Walang emosyon ang mukha. At kahit hindi siya ngumiti, halos lahat ng babaeng naroon ay tila natutunaw habang nakatingin sa kanya. Kasama niya ang apat na lalaking halos kasingkilala rin niya. Crisanto. Valeriano. Lucian. Adriano. Ang limang lalaking halos buwan-buwan laman ng business magazines at social events. Kung titingnan sila ng ibang tao, para silang perpektong grupo ng mga tagapagmana ng pinakamayayamang pamilya sa bansa. Pero para sa akin? Wala. Wala talaga. Hindi ako kinikilig. Hindi ako humahanga. At lalong wala akong balak tumingin pa sa kanila. Lalo na kay Leandro. "Grabe..." bulong ng kaibigan kong si Bianca. "Ang gwapo talaga nila." "Si Leandro talaga." "Nakakatunaw." Napailing ako. "Kayo na lang." Tinukso nila ako. "Huwag kang magsinungaling, Rosie." "Tingnan mo naman." Uminom lang ako ng juice. "Wala akong pakialam." Tumawa sila. "Ikaw lang yata ang babaeng hindi naaapektuhan kay Leandro." Hindi ko na sinagot. Kung alam lang nila. Kung alam lang nilang minsan na akong pinahiya ng lalaking iyon. At hindi ko iyon kailanman nakalimutan. --- Ilang taon ang nakalipas... Isang family gathering. Masaya ang lahat. Mga negosyante. Mga kilalang pamilya. Mga anak nilang nag-uusap. Labing-anim na taong gulang pa lang ako noon. Habang siya... College student na. Hindi ko na maalala kung paano nagsimula ang pagtatalo. Pero malinaw pa rin sa isip ko ang bawat salitang sinabi niya. "Bata." Napatahimik ako. "Pipi." Napatingin ang lahat sa amin. At ang pinakamasakit... "Pangit." Tumawa ang ilang naroon. Hindi ko alam kung nahihiya ako... o nasasaktan. Ang alam ko lang... Gusto kong mawala sa lugar na iyon. Mula noon... Sinumpa ko ang sarili ko. Hindi ko siya kailanman patatawarin. --- Bumalik ako sa kasalukuyan nang marinig ang malakas na tawanan mula sa kabilang mesa. Napatingin ako roon. Mukhang may pinag-uusapan silang nakakatawa. Napansin kong napalingon si Leandro sa direksiyon namin. Nagtagpo ang mga mata namin. Isang segundo. Dalawa. Tatlo. Wala akong ekspresyong ipinakita. Ako ang unang umiwas ng tingin. Hindi dahil natakot ako. Kundi dahil ayokong sayangin ang oras ko sa isang taong wala namang halaga sa buhay ko. "Rosie?" "Hmm?" "Tinitingnan ka niya." Umirap ako. "Bahala siya." Tumawa ulit ang mga kaibigan ko. Pero hindi nila alam... Sa bawat pagkikita namin... Mas lalo ko lang naaalala ang araw na sinira niya ang pride ko. At kung iniisip niyang nakalimutan ko na iyon... Nagkakamali siya. Dahil minsan... Ang isang salita ay sapat para magsimula ng digmaan. At hindi pa niya alam... Na isa ako sa mga taong hindi marunong makalimot.POV: Leandro Oliver MontemayorHindi ako sanay na binabalewala. Tumingin ako sa paligid, ngunit hindi ko nakita si Severino kasama ng grupo. Kumunot ang noo ko. May kakaibang katahimikan sa pagitan namin, na para bang may bagay silang pinag-uusapan na ayaw nilang ipaalam sa akin. Hindi ako sanay sa ganoon. Sa mundo ko, ako ang unang nakakaalam ng lahat—at hindi ako papayag na manatiling clueless.Sa mundo ng negosyo, kapag may gusto akong makuha, pinagpaplanuhan ko iyon hanggang sa maging akin.Sa mundo ni Leandro, walang puwang ang pagkatalo. Kapag may gusto siya, ginagawa niya ang lahat upang makuha iyon. Ngunit si Rosanna ay ibang klase ng hamon—hindi natatakot, hindi nagpapadala, at lalong hindi madaling mapasunod. Habang tinatanggap niya ang laro, hindi niya alam na ang babaeng nais lamang niyang mapaibig ay unti-unting magiging pinakamapanganib na kahinaan ng kanyang puso.Sa mundo ng mafia, hindi sapat ang tapang para manalo. Kailangan mong maging mas matalino kaysa sa kalaban
POV: Rosanna Ysabelle Cortez Dalawang araw na ang lumipas mula nang magkita kami ni Leandro sa rooftop lounge, pero parang hindi pa rin nawawala sa isip ko ang malamig niyang tingin. Akala ko tapos na roon ang lahat, ngunit may kakaibang kutob akong hindi iyon ang huli naming pagkikita. At kung sakaling muli siyang lumapit, handa akong harapin siya—hindi bilang batang minsang nasaktan, kundi bilang Rosanna na hindi na madaling matalo. At sa loob ng dalawang araw na iyon, tahimik ang lahat. Walang Leandro, walang pagtatalo, walang nakakainis na presensiyang gumugulo sa isip ko. Akala ko tapos na ang lahat. Hindi ko alam na ang katahimikang iyon ay panandalian lamang. Dahil sa likod ng payapang mga araw, may isang lalaking unti-unting naghahanda ng unang paggalaw—at ako ang magiging dahilan. Tahimik ang buhay ko. Walang nakakainis na problema, walang hindi inaasahang pangyayari, at higit sa lahat, walang Leandro na gumugulo sa isip ko. Ngunit alam kong hindi magtatagal ang katahim
POV: Leandro Oliver Montemayor Hindi ako sanay na may taong tumitingin sa akin na parang isa akong salot. Karamihan ay umiiwas, gumagalang, o pilit na naghahanap ng paraan para mapalapit sa akin. Pero si Rosanna? Para bang bawat paghinga ko ay isa nang kasalanan. Hindi ko maintindihan kung saan nagmumula ang ganoon katinding galit niya. Karamihan sa mga nakakasalamuha ko ay magalang. Ang iba ay natatakot. “Napansin ko lang, parang weird. Hindi kasama si Severino,” saad ko habang napapailing. Natawa kaming lahat. Simula nang makilala niya ang babaeng taga-probinsya, bigla siyang nanahimik. Dati, siya ang pinakamaingay sa grupo. Ngayon, parang nawawala ang mundo niya kapag naroon ang babae. Halatang patay na patay. Hindi ko maiwasang mapangiti. Mukhang ako naman ang susunod na magiging biktima. Ang iba naman ay pilit na gustong mapalapit. Sanay na akong sinusundan ng mga tingin, hinahangaan, at nilalapitan ng mga taong may sariling pakay. Pero si Rosanna? Kabaligtaran siya ng
Hindi ko alam kung malas lang ba talaga ako o sadyang mahilig akong subukan ng tadhana. Sa dami ng taong maaari kong makasalubong ngayong gabi, bakit siya pa? Si Leandro Oliver Montemayor—ang lalaking matagal ko nang iniiwasan at pilit kinakalimutan. Isang tingin lang sa malamig niyang mga mata, bumalik agad ang mga salitang minsang sumugat sa pride ko. Akala ko sapat na ang pag-iwas para tuluyang mawala siya sa buhay ko. Ngunit tila may ibang plano ang tadhana. Sa bawat hakbang ko, lalo akong inilalapit sa kanya. At sa pagkakataong iyon, alam kong hindi na naman magiging payapa ang buhay ko. Pagkatapos ng halos dalawang oras na tawanan at kuwentuhan kasama ang mga kaibigan ko, nagpaalam muna ako para pumunta sa powder room. Tahimik ang hallway ng rooftop lounge. Tanging mahinang tugtog ng jazz music at ilaw ng lungsod ang kasama ko habang naglalakad. Pagbalik ko, hindi ko inaasahang may makakasalubong ako. Bam! "Aray!" Nabitiwan ko ang cellphone ko nang mabangga ako sa ma












Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.