Share

CHAPTER 2

Linggo ngayon kaya alam ni Cheska na walang Trabaho si Nico. Ramdam nya ang hapdi ng kanyang mata mula sa matinding pag iyak nito kagabi.

Hindi pa rin mawala sa kanyang isip ang nangyari kagabi at hanggang panaginip ay dala-dala nya ito. Bumaling ito ng tingin sa lamesahan na malapit sa kama nilang mag asawa ng tumunog ang kanyang cellphone. Inabot nya ito nang makitang si Mia ang tumatawag sa kanya.

“Hello” namamaos na bati nya.

“What happened to your voice?” nag aalalang tanong nito sa kanya. Kinagat nya ang kanyang pang ibabang labi, pinipigilan na h’wag umiyak dahil alam nyang magagalit nanaman ang kanyang kaibigan sa kanyang asawa. Kulang nalang ‘rin minsan ay isumpa na nya si Nico kapag nalaman nyang may ginawa itong makakasakit kay Cheska.

“Sinisipon lang ako” pag sisinungaling ni Cheska sa kabilang linya at bahaw na tumawa.

“Do you want me to come over there today?” masigla ang boses nito.

“H’wag na!” Agad na tutol nito na ikinagulat ni Mia.

“Aalis kasi kami ngayon ni Nico… may date kami” pag babawi nya.

Wala silang date ngayon ni Nico at sa kung tutuusin ay nag makaawa pa ito kagabi habang umiiyak na bigyan pa sya ng pagkakataon upang bumalik ang pag mamahal sa kanya ng asawa. Baka nasasabi nya lang ang lahat ng ‘yon kagabi dahil muling kailangan ng kilig sa kanilang relasyon. At may mga naiisip na si Cheska na pwedeng gawin upang bumalik ang mga nararamdaman nito sa kanya.

“Wow! Himala atang inaya ka ng magaling mong asawa?” Hindi makapaniwalang tanong ni Mia pero bakas ang tuwa sa boses ng kaibigan.

Sana nga… sana nga si Nico ang nag aya kay Cheska.

“Oo nga eh, pat-I ako nagulat” halos magkanda buhol-buhol ang mga salitang kumawala sa kanyang bibig.

“Sige, I’ll visit you nalang If I have a time. Enjoy your date today”

Napa hinga si Cheska ng maluwag ng makitang pinatay na ng kaibigan ang tawag.

Natulog si Nico sa kabilang kwarto na hindi na pinansin pa ni Cheska. Siguro ay kailangan din ng oras ng kanyang asawa upang makapag isip-isip.

Pumayag naman si Nico sa hiling nya kagabi kung maari ba silang lumabas ngayon. Alam naman ni Cheska na napipilitan sya pero hiniling nya ito kahit regalo man lang para sa kanilang Anniversary. Habang ang gustong regalo naman ng asawa nya ay pirmahan nya sa Divorce paper.

Gustuhin nya pa mang iiyak ang sakit. Ayaw naman nyang ipakita sa asawa na hanggang ngayon ay naapektuhan pa rin sya. Lalo na’t may pupuntahan pa sila ngayon. Agad syang bumangon para maligo at mag palit.

Matapos nyang mag ayos ng sarili ay tumungo na agad sya sa labas. Nakatayo si Nico habang naka hilig sa kanyang sasakyan.

Naka polo sya at naka black pants na para bang college student. Ang kanyang mga mata ay naka pikit ng mariin habang mabigat na humihinga. Nagsisisi na ba sya sa mga sinabi nya kagabi? Maayos na ba ang nararamdaman nya?

Umiwas ng tingin si Cheska ng biglang imulat ng lalaki ang kanyang mata dahilan kung bakit nagkasalubong ang kanilang tingin. Ipinag buksan sya ni Nico ng pintuan ng sasakyan kaya naman nag sisimula nanamang bumilis ang tibok ng kanyang puso.

Nakakabinging katahimikan ang bumalot sa kanilang dalawa sa loob ng sasakyan. Unang naisip ni Cheska na puntahan ang parke kung saan sila mahilig tumambay noon.

“Are we going to the park?” tanong ni Nico. Mahigpit ang mga kamay nitong nakakapit sa manebela ng sasakyan dahilan kung bakit nagsisilabasan ang mga ugat nito. Napalunok si Cheska ng mahuli ng kanyang asawa na doon sya naka tingin.

Tumikhim sya, isinasantabi ang sakit sa kanyang puso.

“Oo, tapos sunod naman ay sa simbahan” sagot nya. Umayos ka Cheska! Kulang nalang ay sabunutan nya ang sarili para lang makalimutan ang mga nangyari kagabi. Act normal. Hindi pwedeng iiyak ka nanaman.

Hindi nya na pupunasan ang luha mo gaya ng dati Cheska. Ibang Nico na ang kasama mo ngayon, kaya wala kang karapatan para umiyak.

Ilang minuto lang ay nakarating na silang dalawa sa destinasyon nila. Pilit na ngumiti si Cheska kahit ang totoo ay hindi nya na alam kung saan sya kukuha ng lakas. Bakit pa kasi dito ang naisip mo Cheska!

Tumingin sa kanya si Nico, ang mga mata nito ay walang bakas ng kahit anong emosyon. Hindi tulad ng dati na kung pupunta sila sa parke ay abot tenga ang ngisi nito.

Nanahimik nalang si Cheska.

“If you change your mind we can go back” tiim bagang at malamig na sabi nito na agad namang tinanggihan ni Cheska.

“Hindi na. Nandito na tayo eh” rumehistro ang banayad ngunit pilit na ngiti nito.

Binuksan nya ang pinto ng sasakyan. Agad sumalubong sa kanya ang malamig na hangin na yumayakap sa kanya.

Nagsimula na syang maglakad ng maramdaman nyang nakasunod na sa kanya ang asawa.

Ramdam nya ang bigat sa bawat hakbang na kanilang ginagawa na para bang ano mang oras ay mawawalan ng lakas ang kanyang tuhod.

“Naalala mo ba…” basag nya sa katahimikan. Ito palang ang lumabas na salita sa kanyang bibig pero tila ba may tumusok nanaman sa kanyang puso.

Hindi alam kung itutuloy pa ang sasabihin ganong nararamdaman nyang parang may nakabara sa kanyang lalamunan.

“…nong mga araw na nanliligaw ka pa. Ito ang nagiging tambayan natin… dito din kita sinagot” tumalikod sya upang harapin si Nico. Madilim at mariin ang mga matang sumalubong sa kanyang tingin.

Ayaw nya bang balikan ang kanilang ala-ala? O sawa na si Nico sa pinagsamahan nila?

“Ilang buwan mo akong niligawan. Isa itong parke na ‘to sa naka saksi ng pagmamahalan natin” unti-unti nang bumabalik ang sigla sa boses ni Cheska habang inaalala ang lahat.

Tinanguan lang sya ni Nico. Bagsak ang balikat na tinalikuran nya ito. Alam naman nyang hindi sya kakausapin nito pero mas magandang tinanguan sya nito. Ibig sabihin lang ay nakikinig ito sa kanya kahit papano.

Habang nag lalakad lakad ay nakaka layo na sila sa kanilang kotse at sa parke. Ngayon lang naalala ni Cheska na nakalimutan nyang bumili ng kandila at bulaklak dahil sa pag mamadali nya.

Pupunta sila ngayon sa sementeryo, kung saan naka libing ang sana’y panganay nilang anak.

Habang papalapit nang papalapit sa puntod ng anak ay muli syang nag salita.

“Mahal sa tingin mo na sa mabuting kalagayan anak natin?...” banayad na tanong nya.

Hindi nag salita si Nico at tanging ang mabibigat lang nila na pag hinga ang naririnig. Walang gana at mapaklang tumawa si Cheska.

May kumawalang luha sa kanyang mata na agad nyang pinahid. Ayaw nyang makita syang umiiyak ni Nico.

Kung buhay ba ang kanilang anak ay hindi ito makikipag hiwalay sa kanya? Buo ba ang magiging pamilya nila?

Dahan dahang umupo si Cheska nang mapunta sila sa puntod ng kanilang anak. Hinaplos nya pangalan nitong nakalagay sa lapida.

“Hi, Chelsea anak. Nandito si mommy” naninikip ang kanyang lalamunan. Binalingan nya ng tingin si Nico. May dumaan na sakit sa mata nito habang naka tingin sa kanya. Hindi nya na ito pinansin at baka akala nya lang ‘yon. Bumalik ang tingin sa lapida ng kanilang anak.

“Nandito din si Daddy. Pasensya na kung ngayon kalang namin dadalawin. Busy kasi kami ng Daddy” mapait na boses nyang ani. Kahit alam nya sa sarili nyang kapag may oras sya ay Binibisita nya ang anak. Si Nico lang talaga na kahit kailan ay hindi nya nagawang binisitahin ang kanilang anak.

“Siguro kung nandito ka ngayon masaya tayong tatlo.” Ang sarili nyang laway ay sinasakal sya dahilan para magka buhol buhol ang mga salitang lumalabas sa kanyang bibig.

Kung buhay ba ang kanilang anak ay masaya nga ba talaga sila? Mag aaya kaya ng Divorce si Nico kung buhay lang ang anak nila? Hindi nya alam, dahil hindi naman hawak ni Cheska ang nararamdaman ni Nico.

Kahit ilang buwan na ang lumipas ang sugat sa puso ni Cheska ay para bang kahapon lang sa sakit.

Nagsimula nanamang mangilid ang kanyang luha kasabay ng pag kulimlim ng langit na para bang nakiki dalamhati sa kanyang nararamdaman.

“Uulan na ata ngayon. Tumayo kana jan para mapuntahan natin ang huling gusto mong puntahan”

Mahinang tumawa si Cheska ng pagak. Bakit parang wala lang sa asawa nya ang lahat? Nagbago na nga ba talaga ito? May nag nakaw na ba ng bawat sandali?

Walang ganang tumayo si Cheska at nag paalam sa puntod ng kanilang anak bago sundan ang asawa na naunang mag lakad papalayo.

“Sana kagaya nya ako. Sana ganon din kadali para sa akin na itapon lahat ng amin” bulong nito sa sarili habang pinag mamasdan ang likod ng kanyang asawa.

“Saan tayo next na pupunta?” tanong ng lalaki nang makarating na sila sa kanilang sasakyan. Nagsimula na syang paandarin ang kotse.

“Simbahan” maikling sagot nya at iniwas ang tingin. Sa hindi maipaliwanag na dahilan ay bigla syang nakaramdam ng inis sa asawa.

Tumingin sya sa labas ng bintana ng sasakyan.

Hindi kalayuan ang simbahan sa parke at sementeryo kung kaya naman wala pang sampung minuto ay nakarating na sila.

Nang maayos ng naiparada ang kotse ay bumaba na silang dalawa at sabay na pumasok sa simbahan.

“Alam mo ba kung bakit itong simbahan na ‘to ang gusto kong huling puntahan natin?”

“Because this is the place where our lips first collide”

Hindi nya inaasahang sasagot ang kanyang asawa. Hindi nya pinansin ang sinabi nito at hindi rin nya nilingon. Bagkus ay nag lakad lang ito hanggang sa mapadpad sila sa altar ng simbahan.

“At dito mo rin ako unang pinangakuan”

“Mahal pwede bang bumalik tayo sa umpisa?”

“Pwede bang tuparin mo pangako mong kahit anong mangyari babalik at babalik pa rin tayo sa isa’t isa?”

Sunod-sunod na tanong ni Cheska. Humarap sya sa asawa at kinuha nya ang palad ng lalaki at idinikit ito sa kanyang dibdib.

“Hindi ko kasi alam kung makakahanap pa ako ng mamahalin ko kung Ikaw lang ang gusto nito” idiniin ni Cheska ang pagkahawak sa kamay ng lalaki. Unti unting tumulo ang kanyang mga luha.

Pumungay ang mga mata ni Nico.

“Kahit sa huling pagkakataon lang asawa ko, mahalin mo ulit ako…”

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status