“Huwag ka ngang magpaka martir Cheska! Hindi kana pinapahalagahan ni Nico!” kulang nalang ay alugin na ni Mia ang magka bilaang braso ni Cheska para magising ito sa pagiging manhid.
Kasalukuyan silang magka harap ngayon sa kusina ng mansyon ng bahay nina Cheska at Nico.
“Hinaan mo boses mo. Baka may maka rinig sa’yo” natatarantang sita nito sa kaibigan. Lumingon pa ito sa kanyang likudan upang tignan kung may tao ba na pwedeng maka rinig sa kanilang pinag uusapan. At tila sya nabunutan ng tinik sa lalamunan ng makitang walang tao. Muli syang bumaling ng tingin sa kaibigan na may bagsak na balikat.
Ngunit para bang wala itong narinig at nagawa pa nitong umirap sa hangin at mas lalo pang suminghal sa galit.
“Anniversary n’yo ngayon asan sya? Wala! Ni hindi nya nga magawang bisitahin anak nyo sa sementeryo” nang gigigil na sabi ni Mia.
Sa hindi malamang dahilan ay para bang may tumutusok sa kanyang puso sa sinabi ng kaibigan. Noong nakaraang taon lang ng nawala ang sana’y panganay na anak nila ni Nico. Habang na sa labor si Cheska ay nalaman nya ang balitang nasangkot ang kanyang ama sa Isang car accident dahilan nang pag panaw nito. Kasabay naman non ang pagka matay ng kanilang anak dahil hindi kinaya ng Bata ang panganganak ni Cheska at kahit kailan ay hindi nya nasilayan ang kanilang anak dahil agad syang nawalan ng malay.
Bahaw na tumawa si Cheska, “Ito naman, baka busy lang sya sa Trabaho”
Kahit ang totoo nyan ay sang ayon sya sa sinasabi ng kaibigan. Kahit kailan ay hindi nya pa nakita ang kanyang asawa na binisita ang puntod ng kanilang anak. May mga araw na kinakausap nya ito na dumalaw ngunit ang lagi lang nitong sagot ay busy sa Trabaho.
“Lintik na palusot yan! Hindi ba pwedeng ipag paliban ang trabaho sa mga importanteng pangyayari ng buhay nyo”
Hindi naka sagot si Cheska sa mga sinasabi ni Mia. Sinasampal sya ngayon ng mga katotohanan at hindi nya mapigilang alalahanin ang dating pag sasama nila ng kanyang asawa.
Kung pwede lang bumalik sa nakaraan ay ginawa nya na. Kung saan matibay at maayos ang kanilang relasyon.
“Syaka isa pa, minsan lang sa Isang taon para ma experience ninyo ang Anniversary. Ilang oras lang naman ang ilalaan nya” dagdag pa nito.
Kinagat ni Cheska ang kanyang pang ibabang labi, pinipigilang maiyak. Nang mapansin ito ng kaibigan ay agad sya nitong dinaluhan upang yakapin.
Hindi mapigilan ni Mia maawa sa kanyang kaibigan pero may parte sa kanya na naiinis dahil hindi ito nakikinig sa kanya.
“Hindi ko na alam ang gagawin ko” hikbi ni Cheska. Hinahagod naman ni Mia ang likudan ng kaibigan upang ipahiwatig na meron ang kaibigan bilang kaagapay nya sa lahat.
“Ano ba Cheska. Madami pang lalaki jaan na papahalagahan ka, Ibibigay oras sa’yo nang hindi mo hinihingi at mamahalin ka ng lubos”
“Beside, there’s a lot of guys who’s begging for your attention. Stop wasting your time felling miserable-“ hindi natuloy ni Mia ang kanyang sasabihin ng mag salita si Cheska.
“Aanhin ko sila. Kung ang tinitibok ng puso ko ay si Nico. Hindi ko sila kayang mahalin gaya ng pag mamahal ko sa kanya. Martir na kung martir pero gagawin ko ang lahat para bumalik kami sa dati”
Totoong madaming nag hahabol kay Cheska dahil sa angking kagandahan nito. Inaasam din ng iba ang atensyon nito pero kahit kailan ay hindi nya nagawang lumingon sa iba.
May parte pa rin sa kanyang puso at umaasa na babalik sa dati ang kanilang relasyon kung saan maayos at umaapaw ang kanilang pag mamahalan sa isa’t Isa.
Buong maghapong iniwasan ni Cheska na sumagi sa kanyang isipan ang pinag usapan nila kanina ni Mia. Kaya naman inabala nalang nya ang kanyang sarili na ipag luto si Nico ng mga paborito nitong potahe. Alam nyang pagod ito galing sa trabaho at hindi na nila magagawang lumabas para mag celebrate ng kanilang wedding anniversary. Kung kaya’y nag luto nalang ito.
Dati silang high school sweet hearts. Ang akala nila ay tutol ang mga magulang nila sa relasyon nila pero sinuportahan nila ito dahil matalik na mag kaibigan ang kanilang ama.
Sumilay ang malapad na ngiti nya sa labi ng makita ang lahat ng pinag hirapan nyang lutuin. Tiyak na matutuwa si Nico.
Wala pang ilang minuto ay narinig nya ang pag bukas ng bakal na gate ng mansion at ang tunog ng sasakyan ni Nico. Nakaramdam sya ng kaba kasabay ng pagkabog ng kanyang puso na para bang may nagkakarerang mga kabayo sa loob nito.
Agad syang tumungo sa kanilang sala. Napatigil sya sa pag hakbang ng makitang papasok na si Nico. Ngunit napawi agad ang kanyang magaan na ngiti sa labi ng makita nya ang itsura ng asawa. Gulong-gulo ang buhok ni Nico na para bang sinabunutan ito. Hindi din maayos ang pagkaka botones ng kanyang suit at hindi na ‘rin naka tali ng maayos ang kanyang necktie.
Lumipat ang tingin nya sa dala nitong brown envelope. Madalas ay wala itong dala tuwing umuuwi dahil gusto nitong ilayo ang Trabaho kapag naka uwi na sya sa kanilang mansion.
Muli nyang binalik ang tingin sa asawa. Sa tingin na iginawad ng kanyang asawa ay tila ba may humigit sa kanyang hininga. Sa kabila ng namumula nitong mata ay ramdam ni Cheska ang lamig sa mga titig na iyon. Napalunok sya kasabay ng pag kirot ng kanyang puso.
Pilit nyang ibinalik ang ngiti sa kanyang labi. Kailangan nyang maging maayos at magiliw dahil espesyal na araw ito para sa kanila. Gusto nyang yakapin ang asawa para mawala ang mga masasama nyang iniisip. Humakbang sya papalapit sa asawa na ngayon ay blangko ang ekspresyong naka tingin sa kanya.
“Happy Second Anniversary to us-“ naputol ang sasabihin ni Cheska ng mag salita ang lalaki.
“Let’s get divorce” bungad ni Nico sa malamig na boses. Natigilan si Cheska sa narinig at tila ba nabingi. Divorce? Seryoso ba ang asawa nito? Divorce sa mismong anniversary nila?
“Huh?” Hindi makapaniwalang pag uulit ni Cheska.
“You heard it right, Cheska” mas lalong nabasag ang puso ni Cheska ng tawagin sya nito sa pangalan nya.
“Baka pagod kalang maha-l” nauutal na ani ni Cheska. Hindi alam ang gagawin, “Gusto mo bang mag pahing-a muna? Naayos ko na higaan natin sa kwarto”
“Hindi mo ba narinig ang sinabi ko?”
“I said I’m thinking for a Divorce” pag uulit nito sa matigas at may autoridad na boses.
Tila ba nanlalambot ang tuhod ni Cheska sa narinig. Bakit ngayon pa? Hindi nya alam kung saan sya kukuha ngayon ng lakas sa pinag sasabi ng kanyang asawa at para bang naubusan sya ng mga salita.
Hindi pa nakaka bawi ng huwisyo si Cheska ng mag salita ito muli.
“Sawa na ako”
Nanikip ang puso nya sa mga naririnig ngayon. Ngunit pinilit nyang maging matatag .
“Guto-m kab-a? Nag luto ako ng mga paborito mo” lumapit sya para hawakan ang braso ng asawa na agad naman nitong iwinaksi.
“Don’t make this hard for us Cheska. Hindi na ako masaya sa relasyon natin at nakakasakal na”
Hindi napigilan ni Cheska na mangilid ang kanyang luha sa sinabi ng kanyang asawa. Nanlabo ang kanyang paningin.
“Pagod kana ba?” Hindi nya napigilan ang sariling mag tanong. Tumingin sya sa asawa na ngayon ay hindi maka tingin ng deretsyo sa kanya. Ramdam nito ang mga malalim na pag hinga ni Nico at ang pag galaw ng Adams apple nito.
“Pagod na pagod, Cheska” madiing sagot nya.
“Uso naman ang pahinga eh. Kung pagod kana mag pahinga ka. Hindi yong itatapon mo ang mga pinag samahan natin ng ilang taon dahil lang pagod kan-a” pumiyok ang boses ni Cheska kasabay ng pag buhos ng kanina pang pinipigilang mga luha.
“Think and consider my feelings Cheska! I’m feeling miserable inside of this hell relationship!” tumaas ang tono ng boses nito.
“Mahal inisip mo ba nararamdaman ko ngayon? Mahal minsan lang sa Isang taon kung magkaroon tayo ng Wedding Anniversary. Ito pa ang mga sasabihin mo sa akin” panunumbat ni Cheska sakabila ng parang pinipirasong puso nya.
“Then gawin mong regalo sa akin ang Divorce paper. Sign it”
Iminuhestra sa kanya nito ang envelope na may lamang divorce paper. May bumara sa kanyang lalamunan at hindi nya alam kung saan kukunin ang boses.
“Aanhin natin ang ilang taon na ‘yon Cheska, kung hindi naman na ako nagiging masaya”
“Mahal nasasabi mo lang yan kasi naka inom ka” namamaos at may pag asa sa boses nitong sabi. Hahawakan nya pa sana ang asawa ng umatras ito. Nanikip ang puso ng Cheska sa ginawa nito. Kung dati ay lumalapit ito para sa hawak ni Cheska ngayon ay umiiwas na ito.
“Mahal…” pag tawag nya sa naninikip na lalamunan.
“Naalala mo ba nangako tayo sa simbahan. Mahal nangako tayo na hanggang huli mag kasama tayo. Nangako tayong kahit anong mangyari hindi natin bibitawan isa’t isa”
“Because it’s a mistake to get married to you, Cheska!” matigas na wika nya kasabay ng pag tagi
s ng bagang nito.
Is It a mistake to love her?
Linggo ngayon kaya alam ni Cheska na walang Trabaho si Nico. Ramdam nya ang hapdi ng kanyang mata mula sa matinding pag iyak nito kagabi.Hindi pa rin mawala sa kanyang isip ang nangyari kagabi at hanggang panaginip ay dala-dala nya ito. Bumaling ito ng tingin sa lamesahan na malapit sa kama nilang mag asawa ng tumunog ang kanyang cellphone. Inabot nya ito nang makitang si Mia ang tumatawag sa kanya.“Hello” namamaos na bati nya.“What happened to your voice?” nag aalalang tanong nito sa kanya. Kinagat nya ang kanyang pang ibabang labi, pinipigilan na h’wag umiyak dahil alam nyang magagalit nanaman ang kanyang kaibigan sa kanyang asawa. Kulang nalang ‘rin minsan ay isumpa na nya si Nico kapag nalaman nyang may ginawa itong makakasakit kay Cheska.“Sinisipon lang ako” pag sisinungaling ni Cheska sa kabilang linya at bahaw na tumawa.“Do you want me to come over there today?” masigla ang boses nito.“H’wag na!” Agad na tutol nito na ikinagulat ni Mia.“Aalis kasi kami ngayon ni Nico… ma
Bumalikwas ng pagkaka higa si Cheska at patakbong tinahak ang banyo ng kanilang kwarto ng makaramdam sya ng pagduduwal. Sa hindi malamang dahilan ay tila ba pagod na pagod ang kanyang katawan kahit wala naman syang ginawa at wala syang ibang gustong gawin ngayong araw kundi matulog. Tinignan nya ang sarili sa salamin. Napabayaan nya na ang kanyang sarili, namumutla sya ngayon dulot ng stress. “You need to take care of yourself Cheska. Hindi ka pwedeng mag mukhang losyang sa Harap ni Nico” paalala nya sa sarili habang naka tingin sa reflection nya sa salamin. Nag hilamos sya at nag ayos. Alam nyang hindi mag tra trabaho ngayon si Nico dahil uuwi ang mga magulang nito na galing sa business trip sa Los Angeles. Matapos nyang mag ayos ay lumabas na sya sa kwarto nilang mag asawa. Pababa palang sya sa hagdanan ay rinig nya na ang isang familiar na boses kausap ang magulang ni Nico. “Does Cheska already know that truth?” natigilan sya sa pag lakad patungo sa sala ng mansion ng marinig
Ilang araw na ang lumipas simula nang gumuho ang Mundo ni Cheska. Hindi nya alam ang kanyang gagawin at hanggang ngayon ay wala pa rin syang gana.Kung pwede lang syang matulog buong mag araw para ma ibsan ang sakit na nararamdaman nya ay ginawa nya na. Ngunit malabo dahil alam nyang hanggang panaginip ay pinapatay sya ng mga salitang binitawan ni Karina.Simula ng lumipat si Karina ay napapa aga na ang uwi ni Nico. Mas maaga pa sa pag uwi nya noong pinag bubuntis ni Cheska ang anak nila. Alam nyang mali na ikumpara ang sarili nya sa iba pero hindi maiwasan na gawin ito. Ibang-iba sa pinag samahan nila.“Babe, paabot ako ng towel please” rinig ni Cheska na pasigaw na utos ni Karina kay Nico sa kabilang kwarto.Rinig nya ang pag tigil ng agos ng tubig ng shower sa kabilang kwarto. Senyales na tapos na itong maligo.Tinitignan kaya ngayon ni Nico ang katawan ni Karina na punong puno ng admirasyon sa mata? Hindi nya maiwasang mapa tanong sa sarili na tila ba alam nya rin ang sagot.Hindi
CHESKA POVNagising ako ng maka aninag ng putting ilaw. Marahan kong iminulat ang aking mga mata ng makitang na sa Ibang lugar ako. Lugar kung saan ako natatakot bumalik muli.Tinanggal ko ang mga naka dikit sa kamay ko na mga aparatos at inaalalayan ko ang sarili na bumangon mula sa pag kaka higa.Bakit ako nandito? Kailan pa ako nandito? Ano ang nangyari? May sakit ba ako? Bakit parang may kulang sa akin?. Maraming katanungan ang bumabagabag sa aking isipan.Dumapo ang tingin ko kay Nico na naka yuko sa gilid ng hospital bed at natutulog. Bakit sya andito? Hindi ba dapat ay binabantayan nya si Karina? Alam kaya nya na andito si Nico ngayon?Sa ilang araw na pag titiis ko ng sakit mula sa mga nalaman ko nasanay na ata ako at ngayon ay wala na akong ibang maramdaman. Hindi ko alam kung galit o sakit ang nararamdaman ko.Bumukas ang pinto at inuluwal non si Mia na mangiyak-ngiyak na sumigaw nang makita ako. Agad syang tumakbo at dinaluhan ako ng mahigpit na yakap.Dahil sa sigaw ni Mia
Hindi na nag aksaya ng oras si Cheska sa Hospital at kahit nanghihina ay buong lakas syang tumungo pauwi sa kanilang mansyon upang mag impake ng kanyang mga gamit. Wala na ata syang luha na mailuluha sa sakit ng kanyang nararamdaman. Ang buong mansyon ay tahimik habang tinatahak nya pababa ang hagdan. Ang mansyon ay isa sa mga naka kita ng kanyang pag dudusa at kahit kailan ay wala na syang balak bumalik dito. Wala na syang ibang naramdaman kundi ang sakit at ang hapdi sa puso na ang mansyon ang tanging naka saksi. Sa huling hakbang nya sa hagdan ay ang saktong pag pasok ni Nico na para bang may hinahanap. Magulo ang buhok nito na para bang sinabunutan ng kung sino. Natagpuan sya ng tingin ni Nico. Ang mga mata ay mapupungay at namumula. Dumapo ang tingin nya sa hawak ni Cheska na maleta. Parang pinag taksilan si Cheska ng kanyang sariling puso. Gusto nyang suntukin ang dibdib dahil paano nito nagawang maawa para kay Nico kung sya naman mismo
Nagising si Cheska ng marinig ang Isang lalaki na nag sasalita. Iminulat nya ang kanyang mata. Kahit masakit ang kanyang ulo ay pilit nyang ibinangon ang kanyang sarili. Pansin nya ang madaming aparatos sa gilid ng kama. Sa hindi maipaliwanag na dahilan ay agad syang napa hawak sa kanyang tyan. May kalakihan na ito.Tumingin sya sa isang lalaking naka talikod sa kanya. May kausap ito sa harap ng laptop. "Make sure that our production will increase more. By the way, cancel my scheduled meeting with Mr. Nico Enchavez""Ah" napadaing si Cheska sa sakit at nasapo nya ang kanyang ulo ng marinig ang sinabi ng lalaki. Napa tingin sa gawi nya si Renz at agad itong tumakbo nang makitang tila nahihirapan si Cheska. Lumapit sya sa Hospital bed upang daluhan sya. May kung ano 'rin syang pinindot na button. "Are you ok?" tanong ni Renz habang sinusuri ang buong katawan ni Cheska kung may masakit ba sa kanya. "Sino ka?" nag tata
After 5 years.Isang malakas na sampal ang dumapo sa pisngi ni Nico. "Ano nanamang ginagawa mo dito!? Hindi bat ang sabi ko ay h'wag kanang mag papakita sa akin!" nang gigigil na sigaw ni Carla. Ina ni Cheska. Kasalukuyan silang nasa sementeryo kung saan naka libing si Cheska at ang panganay na anak nila. Nakaluhod ito sa harap ng lapida ni Cheska ng maabutan sya ni Carla. Malinaw ang kanilang usapan noon na kahit kailan ay h'wag na syang magpapakita sa matanda matapos nitong malaman ang ginawa nitong pang tatarantado kay Cheska. Ilang taon na ang lumipas ngunit hindi pa rin sila nag hihilom sa sugat ng nakaraan na parang kahapon lang nangyari. "Paano mo naatim na dalhin ang sarili mo dito! Gayon'g ikaw ang dahilan kung bakit sya naka higa jan!" pag tuturo ng matanda sa lapida. Napipi ata si Nico at ni Isang salita ay walang lumabas sa kanyang bibig. Mukha syang miserable. Ang kanyang mga mata ay punong puno ng lun
Ilang araw na ang lumipas ngunit naka rehistro pa 'rin sa utak ni Cheska ang mukha ng estrangherong lalaki. "Earth to Cheska" bumalik sya sa kanyang huwisyo ng magsalita si Renz. "Huh?" walang kaalam alam nyang tanong. "Are you listening?" humalukipkip si Renz habang pinapanood syang tumango. "May urgent meeting kami sa Los Angeles at mamaya na ang flight ko. Gusto mo bang ihatid ko kayo ng Baguio-" pinutol nya si Renz. "I'm fine here. Mas better din siguro na mag stay kami dito" sagot ni Cheska. Ayos lang sila sa Condo. Oras na 'rin ata para tumira sila ng Manila, lalo na't laging nandito si Renz at gusto nila itong maka sama. "Are you sure? Gusto mo ba dito sa Condo o bili nalang tayo ng bahay dito sa manila"Agad umapila si Cheska. "H'wag na. Maganda din naman dito sa Condo" Napatingin ang dalawa kay Aden na papalabas sa kanyang kwarto naalimpungatan ito. "Are you leaving