Napag desisyonan ni Cheska na ipag paliban nya muna ang kanyang trabaho. Gusto nyang mag pahinga at parang sobra na ang pagod ng kanyang utak sa mga impormasyong nalalaman nya. Hindi pa nakaka tulong na sumasakit ang kanyang anit gawa ng pagkaka sabunot sa kanya ni Hanna kahapon. Nakaramdam sya ng kudlit na sakit sa kanyang utak ng maalala ang pangalan na sinabi ni Hanna, "Karina". Alam nyang narinig nya na ang pangalan na yan noon. Kung saan man ay hindi nya na maalala. Napa balikwas sya sa pag kakahiga nang makitang wala na si Aden sa kanyang tabi. Ang aga naman atang bumangon nang kanyang anak. Tumayo sya mula sa pagkaka higa at inayos ang kanyang kama. Wala na syang balak na mag hilamos bago lumabas dahil sila sila lang naman ang meron ngayon sa kanilang Condo. Pagbukas nya nang pintuan ay halos isara nya muli ang pinto nang kanyang kwarto nang makita si Renz. Nanlalaki ang mga mata ni Cheska sa gulat. Muli nyang binuksan ang pintuan sa pag babakasaling panaginip lang ang kany
"Ok kalang ba?" Tanong sa kanya ni Renz. Naka tingin lang sya sa kawalan at hindi nya alam kung saan sya huhugot ng mga salitang sasabihin. Kasalukuyan silang nasa loob ng sasakyan. Kanina lang nangyari ang insidenteng nakita nya si Nico pero bakit hanggang ngayon ay mabilis pa rin ang tibok ng kanyang puso. "Anong ginawa mo sa akin Nico?" Gusto nyang itanong. Mag tatanghali na dapat ay nag sasaya sila ngayon ngunit naudlot ito dahil lang sa nakita nya ngayong araw. Nag rason nalang sya na masakit ang kanyang tyan dahil sa kinain nya sa restaurant kanina. "Ivy, are you listening?" Tawag sa kanya ni Renz. Wala syang ganang tumingin sa lalaki, na abala sa pagmamaneho. "You're not listening, don't you?"Hindi nya sinagot si Renz bagkus iba ang kanyang sinabi. "Drop me off in the overpass" utos nya nalang. Umarko ang kilay nang lalaki sa kanyang sinabi. Alam nya na mag tatanong ito kaya sinagot nya na agad. "Kukunin ko lang mga gamit ko office, after non ay uuwi na ako". "I can come
Basang basa na umuwi si Cheska sa kanilang Condo. Gulat na napa tingin sa kanya si Mercy nang makita ang kanyang kalagayan. "Ipasok mo si Aden sa kwarto" utos nya na tarantadang agad sinunod ni Mercy. Unang hinanap nang kanyang paningin si Renz. Alam nyang nag luluto ito ngayon dahil kadalasan nya itong ginagawa sa tuwing nasa Pilipinas sya. Nang hihinang tumungo sya sa kinaroroonan ni Renz, sa kusina. "Oh, nanjan kana pala. I cook your favorite-" Natigil sya sa sasabihin sa kanya nang makita ang basang katawan nya. "Sino ako?" Agad na tanong ni Cheska. "What do you mean?" Nag aalalang sabi ni Renz. Tinanggal nya ang kanyang apron at inilapag ito sa Isang gilid. Nag lakad ito palapit sa kanya na syang ikina atras nya. "Sino ako Renz!" Tumaas ang tono ng kanyang boses na ikina gulat si Renz. Nag tangka itong lapitan syang muli nang lalaki pero umatras ang hakbang nya. "Hanggang kailan mo ako itatago?!" Muli nyang sigaw na umalingawngaw ngaw sa buong condo. Ang gulat na mata n
“Huwag ka ngang magpaka martir Cheska! Hindi kana pinapahalagahan ni Nico!” kulang nalang ay alugin na ni Mia ang magka bilaang braso ni Cheska para magising ito sa pagiging manhid.Kasalukuyan silang magka harap ngayon sa kusina ng mansyon ng bahay nina Cheska at Nico.“Hinaan mo boses mo. Baka may maka rinig sa’yo” natatarantang sita nito sa kaibigan. Lumingon pa ito sa kanyang likudan upang tignan kung may tao ba na pwedeng maka rinig sa kanilang pinag uusapan. At tila sya nabunutan ng tinik sa lalamunan ng makitang walang tao. Muli syang bumaling ng tingin sa kaibigan na may bagsak na balikat.Ngunit para bang wala itong narinig at nagawa pa nitong umirap sa hangin at mas lalo pang suminghal sa galit.“Anniversary n’yo ngayon asan sya? Wala! Ni hindi nya nga magawang bisitahin anak nyo sa sementeryo” nang gigigil na sabi ni Mia.Sa hindi malamang dahilan ay para bang may tumutusok sa kanyang puso sa sinabi ng kaibigan. Noong nakaraang taon lang ng nawala ang sana’y panganay na ana
Linggo ngayon kaya alam ni Cheska na walang Trabaho si Nico. Ramdam nya ang hapdi ng kanyang mata mula sa matinding pag iyak nito kagabi.Hindi pa rin mawala sa kanyang isip ang nangyari kagabi at hanggang panaginip ay dala-dala nya ito. Bumaling ito ng tingin sa lamesahan na malapit sa kama nilang mag asawa ng tumunog ang kanyang cellphone. Inabot nya ito nang makitang si Mia ang tumatawag sa kanya.“Hello” namamaos na bati nya.“What happened to your voice?” nag aalalang tanong nito sa kanya. Kinagat nya ang kanyang pang ibabang labi, pinipigilan na h’wag umiyak dahil alam nyang magagalit nanaman ang kanyang kaibigan sa kanyang asawa. Kulang nalang ‘rin minsan ay isumpa na nya si Nico kapag nalaman nyang may ginawa itong makakasakit kay Cheska.“Sinisipon lang ako” pag sisinungaling ni Cheska sa kabilang linya at bahaw na tumawa.“Do you want me to come over there today?” masigla ang boses nito.“H’wag na!” Agad na tutol nito na ikinagulat ni Mia.“Aalis kasi kami ngayon ni Nico… ma
Bumalikwas ng pagkaka higa si Cheska at patakbong tinahak ang banyo ng kanilang kwarto ng makaramdam sya ng pagduduwal. Sa hindi malamang dahilan ay tila ba pagod na pagod ang kanyang katawan kahit wala naman syang ginawa at wala syang ibang gustong gawin ngayong araw kundi matulog. Tinignan nya ang sarili sa salamin. Napabayaan nya na ang kanyang sarili, namumutla sya ngayon dulot ng stress. “You need to take care of yourself Cheska. Hindi ka pwedeng mag mukhang losyang sa Harap ni Nico” paalala nya sa sarili habang naka tingin sa reflection nya sa salamin. Nag hilamos sya at nag ayos. Alam nyang hindi mag tra trabaho ngayon si Nico dahil uuwi ang mga magulang nito na galing sa business trip sa Los Angeles. Matapos nyang mag ayos ay lumabas na sya sa kwarto nilang mag asawa. Pababa palang sya sa hagdanan ay rinig nya na ang isang familiar na boses kausap ang magulang ni Nico. “Does Cheska already know that truth?” natigilan sya sa pag lakad patungo sa sala ng mansion ng marinig
Ilang araw na ang lumipas simula nang gumuho ang Mundo ni Cheska. Hindi nya alam ang kanyang gagawin at hanggang ngayon ay wala pa rin syang gana.Kung pwede lang syang matulog buong mag araw para ma ibsan ang sakit na nararamdaman nya ay ginawa nya na. Ngunit malabo dahil alam nyang hanggang panaginip ay pinapatay sya ng mga salitang binitawan ni Karina.Simula ng lumipat si Karina ay napapa aga na ang uwi ni Nico. Mas maaga pa sa pag uwi nya noong pinag bubuntis ni Cheska ang anak nila. Alam nyang mali na ikumpara ang sarili nya sa iba pero hindi maiwasan na gawin ito. Ibang-iba sa pinag samahan nila.“Babe, paabot ako ng towel please” rinig ni Cheska na pasigaw na utos ni Karina kay Nico sa kabilang kwarto.Rinig nya ang pag tigil ng agos ng tubig ng shower sa kabilang kwarto. Senyales na tapos na itong maligo.Tinitignan kaya ngayon ni Nico ang katawan ni Karina na punong puno ng admirasyon sa mata? Hindi nya maiwasang mapa tanong sa sarili na tila ba alam nya rin ang sagot.Hindi
CHESKA POVNagising ako ng maka aninag ng putting ilaw. Marahan kong iminulat ang aking mga mata ng makitang na sa Ibang lugar ako. Lugar kung saan ako natatakot bumalik muli.Tinanggal ko ang mga naka dikit sa kamay ko na mga aparatos at inaalalayan ko ang sarili na bumangon mula sa pag kaka higa.Bakit ako nandito? Kailan pa ako nandito? Ano ang nangyari? May sakit ba ako? Bakit parang may kulang sa akin?. Maraming katanungan ang bumabagabag sa aking isipan.Dumapo ang tingin ko kay Nico na naka yuko sa gilid ng hospital bed at natutulog. Bakit sya andito? Hindi ba dapat ay binabantayan nya si Karina? Alam kaya nya na andito si Nico ngayon?Sa ilang araw na pag titiis ko ng sakit mula sa mga nalaman ko nasanay na ata ako at ngayon ay wala na akong ibang maramdaman. Hindi ko alam kung galit o sakit ang nararamdaman ko.Bumukas ang pinto at inuluwal non si Mia na mangiyak-ngiyak na sumigaw nang makita ako. Agad syang tumakbo at dinaluhan ako ng mahigpit na yakap.Dahil sa sigaw ni Mia