Share

WHAT IF WE TRY?

“US?”

“Yes, us…” sagot ni Alvaro kay Riko.

Umangat ang kilay ni Riko.

“Us–as in, you and me?” paniniguro niya habang tila napapantastikuhang nakatitig sa lalaki.

Wala sa loob na napahilamos sa kanyang mukha si Alvaro. Hindi niya alam kung pinaglalaruan ba siya si Riko o seryoso ito sa sinabi nito na mahal siya nito.

“Oo. You and me,” ulit niya sa sinabi ni Riko na itinuro pa ang babae at ang sarili. “Us…” may himig ng inis sa tinig na aniya sa babaeng tila manghang-mangha na nakatitig sa kanya.

What is she even thinking? Ah, minsan talaga ay hindi niya mahulaan kung ano ang laman ng isip ni Riko.

“There’s no us, Alvaro.” malamig ang boses na sabi ni Riko.

Napatanga si Alvaro dahil sa kanyang narinig. What did she just say? She’s joking, right?

“What do you mean?”

Umikot ang mga mata ni Riko. “I gotta go, Roh. Inaantok na ako.” walang bakas ng kahit na anong emosyon sa tinig na aniya sa lalaki.

Ngunit salungat sa ipinapakita niya kay Alvaro ay kanina pa gustong yakapin ni Riko ang
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status