Share

FRUSTRATIONS

PATAMAD NA BUMANGON si Riko mula sa kanyang kama. Aburidong kinapa niya ang kanyang cellphone na kanina pa nag-iingay dahil sa alarm. Biyernes na naman at tiyak na marami uling tao  sa Velvet Lounge. Alas sais na at kailangan na niyang kumilos. Kailangang nasa club na siya bago pumatak ang  alas otso ng gabi.

Bumaba na ng higaan si Riko at naglakad palabas ng kanyang silid. Pagkarating sa ibaba ay kaagad niyang hinanap ang anak na si Loreen. Nakita niya ito sa kusina at tumutulong kay Manang Linda sa pagtanggal ng mga dahon ng kangkong.

“Hi, my love,” bati ni Riko sa anak habang nakaunat ang magkabilang kamay. “where’s my hug?” untag niya kay Loreen.

Kaagad namang binitawan ni Loreen ang hawak nitong kangkong at patakbong lumapit sa ina.

“Careful…”  turan ni Riko sa anak ngunit kaagad ding natigilan. 

‘Careful…’

Napangiwi si Riko nang marinig niya sa kanyang isipan ang tinig ni Alvaro. At mas lalo pa siyang napangiwi nang tila  tuksong pumasok sa kanyang isipan ang nangyari pagkatapos ng salitang iyon.

Wala sa loob na napahawak sa kanyang mga labi si Riko. Halos mag-iisang buwan na nang halikan siya ni Alvaro ngunit sariwa pa rin iyon sa alaala niya. Ang mainit na mga labi ng lalaki na sumasakop sa mga labi niya. Ang nakakalasing na hininga ni Alvaro na langhap na langhap niya. Ang dila ng lalaki na tila mananaliksik na ginalugad ang loob ng bibig niya. Ang mahigpit na mga yakap na tumunaw sa depensa niya. And lastly, ang mga haplos ni Alvaro sa likod niya na nagbigay ng libong boltahe sa kanyang katawan.

Napapikit si Riko ngunit nang marinig ang mahinang boses ni Loreen ay kaagad siyang napadilat.

“I love you, Mommy.” 

Tumikhim muna si Riko bago ginawaran ng magaang halik ang ulo noo ng anak. Niyakap niya rin ito at hinaplos-haplos ang likod.

“Be good, ha,” aniya kay Loreen pagkaraan ng ilang sandali. “may work ang Mommy ngayon and as usual, si Manang Linda ang kasama mo rito. Matulog ka nang maaga, ha.” bilin niya sa anak na nakangiti namang tumango.

“Yes, Mommy.” ani ni Loreen kay Riko. “Will you go home late again?” inosenteng tanong ng bata sa ina.

Isang tipid na ngiti ang ibinigay ni Riko sa anak. “Yes, baby. You’ll be okay with Manang, right?” 

Isang masiglang ngiti ang ibinigay ni Loreen kay Riko. “Of course, Mommy. You take care, ha.” ani pa ng anak sa ina.

Tuluyan nang lumuwag ang pagkakangiti ni Riko. Muli niyang niyakap ang anak at paulit-ulit itong hinalikan sa ulo. 

“I love you, sweetheart.” ani ni Riko sa anim na taong gulang na anak. 

“I love you too, Mom.”  

ALAS-SIYETE y media at paalis na si Riko parungo sa Velvet Lounge. Simpleng loose black shirt at maong na shorts lang ang suot niya at ankle boots na kulay itim din. Inayos niya ang suot na kulay asul na bonnet saka niya binuksan ang pinto ng kanyang kotse. 

Pasakay na sana siya nang biglang tumunog ang cellphone niyang nasa loob ng dala niyang belt bag. Tumigil sa akmang pagpasok sa loob ng sasakyan ni Riko at binuksan ang dala niyang bag. Mula roon ay kinuha niya ang kanyang cellphone.

Dragon calling…

Iyon ang nakalagay sa screen ng hawak na cellphone ni Riko. Oo, dragon ang nilagay niyang pangalan ni Alvaro sa contacts niya.

Kumunot ang noo ni Riko kasunod ng panghahaba ng kanyang mga labi. Ano klaseng hangin kaya ang nasinghot ng lalaki at bigla itong nagparamdam sa kanya? Baka nakakain ng hindi masarap kaya naalala siya. O baka bored, kailangan ng kausap.

Umismid si Riko habang umiikot ang mga mata na ibinalik sa loob ng kanyang belt bag ang hawak na cellphone. Tuluyan na siyang pumasok sa loob ng kanyang sasakyan. Binuhay niya ang makina niyon pagkatapos ilagay sa katabing upuan ang belt bag.

Habang nagmamaneho ay maya’t-mayang umiismid si Riko at umiirap. Muli kasing pumasok sa kanyang isipan ang naging sagot ni Alvaro  sa kanya nang sabihin niya ritong mahal niya ito.

Thank you? Tama ba ‘yon?

Eh, ano naman ang ini-expect mong isasagot niya sa iyo? I love you too?! Hoy, Riko, alam mo namang malabo ‘yon. Saka ‘di ba alam mo namang may gusto na iyong iba? 

Napangiwi si Riko. Kung minsan talaga ay hindi na nakakatuwa ang pagiging atribida ng other self niya. Masyadong mahadera. Masakit magsalita.

Oo na! Alam namanb niya. Saka hindi naman siya umaasa na magkakaroon ng katugon ang nararamdaman niya. Saka sino ba siya? Isa lang naman siyang dalagang ina na pilit pa ring binubuo ang sarili kahit hindi alam kung paano. Ano ba ang mapapala ni Alvaro sa kanya na isang binata? 

Gumuhit ang kirot sa puso ni Riko. Hindi naman niya inaasahang mahuhulog siya kay Alvaro nang ganoon kadali. Kailan lang ba niya nakilala ang lalaki? At saka wala pa siyang balak na puumasok sa bagong relasyon. Ayaw niya. Natatakot siyang magtiwala ulit. Ayaw niyang makipagsapalaran. Baka mas matindi pa kay Ian ang makuha niyang lalaki , ‘wag na. Ibuburo na lang niya ang sarili.

Ikinurap-kurap niya ang kanyang mga mata nang maramdaman niya ang luhang pilit na umaalpas mula roon.

“No, you can’t, Rik. No more next time.” aniya sa kanyang sarili habang patuloy na nagmamaneho. 

Hindi niya dapat hinayaang makapasok si Alvaro  sa sistema niya. Umiwas na dapat siya sa una pa lang. Nilayuan na dapat niya ito nang maramadaman niyang napapalapit na ang loob niya sa lalaki. It’s her fault. She  let him in. Hinayaan niyang tibagin ng lalaki ang pader na pilit niyang hinaharang para maprotektahan ang sarili.

Bumuga ng hangin si Rik. Hindi pa naman huli ang lahat. Kaya pa niyang alisin sa kanyang sistema si Alvaro. 

‘Sigurado ka?’

Natigilan si Riko. Kaya nga ba niya? 

Parang siraulong muling napabuga ng hangin si Riko. 

Ano ba itong pinasok mo, Rik? Kumawala ka sa relasyong walang kabuluhan pero ito ka ngayon, nahulog sa lalaking iba naman ang gusto. Masokista ka ba?

Napakagat-labi si Riko. Muli niyang ikinurap ang kanyang mga mata. Pilit na pinipigilan ang mga luhang gustong bumagsak. 

“You can get through this, Rik. I know, you can…” aniya sa kanyang sarili.

Ngunit tila ayaw pumabor sa kanya ng langit dahil nang gabing iyon ay biglang lumitaw sa kanyang harapan si Alvaro. 

And she had to admit, hindi niya kayang layuan ang lalaki. 

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status