SUNOD-SUNOD ang naging pagbuga ni Alvaro ng malalalim na buntong-hininga habang hinihintay niyang sagutin ni Riko ang tawag niya. Naka-ilang tawag na siya at ni isa ay walang sinagot ang babae. Alam naman niyang hindi sumasagot ng tawag si Riko kapag hindi nito kilala ang numero. Nagbabaka-sakali lamang siya.“Come on, Rik…” bulong ni Alvaro habang walang tigil ang pagparoon at parito niya sa loob ng kanyang silid. “Pick up the damn phone.” dugtong niya.Pang-apat na dial na niya iyon ngunit tila wala pa ring balak si Riko na sagutin ang tawag niya. “Please, baby…” muling usal niya. Nang sa wakas ay may sumagot sa tawag niya, isang malakas na buntong-hininga ang pinakawalan ni Alvaro. It was a sign of relief .Finally!Ngunit nang marinig ni Alvaro ang pamilyar na boses ni Riko ay tila naman bigla siyang nawalan ng dila. Hindi kaagad siya nakakibo at kung hindi pa niya narinig ang iritableng tinig ng babae na gusto na siyang pagbabaan ng tawag ay hindi pa sana siya matatauhan.“Rik
KAGAYA NG PANGAKO ni Alvaro ay hindi siya tumigil sa pagsuyo kay Riko. Kagaya na lang ngayon, naroon na naman siya sa labas ng bahay ng babae. Kanina pa siya nakatayo sa tapat ng pinto at naka-ilang doorbell na rin siya ngunit tila walang balak ang babae na pagbuksan siya. At wala sa plano ni Alvaro na sumuko. Muling pinindot ni Alvaro ang doorbell sa ika-sampong beses o higit pa nga yatang pagkakataon. At kagaya ng kanyang inaasahan ay wala pa ring Riko na nagbukas ng pinto. Isa pa uling magkakasunod na pagpindot sa doorbell ang ginawa ni Alvaro at sa pagkakataong ito ay hindi na siya nabigo dahil sa wakas ay bumukas ang pinto. At isang tila nag-aalburutong bulkang anyo ang bumungad sa kanya.“What do you want??!” pagalit na tanong ni Riko sa lalaking halos isang linggo na rin siyang hindi tinitigilan. Hindi niya alam kung umuuwi pa ba ito sa Manila o nag-check in na lamang sa hotel.Araw–araw kasing naroon sa labas ng bahay niya si Alvaro at nangunglit. Isang ngiti ang sumilay s
WALANG IDEYA si Riko kung paano sila nakarating ni Alvaro sa silid niya. Namalayan na lamang niyang naroon na silang dalawa sa ibabaw ng kanyang kama at parehong walang saplot sa katawan. Ramdam na ramdam niya ang mainit na balat ng lalaki na kumikiskis sa hubad niyang katawan. Kung paanong nangyari iyon ay hindi na alam ni Riko. At wala na rin siyang balak na alamin dahil abala na rin ang mga kamay niya sa pagdama sa katawan ni Alvaro.“Hmmm…” mahinang ungol ni Riko nang maramdaman niya ang mga labi ni Alvaro na gumagapang sa kanyang leeg. Napakagat-labi si Riko nang dumako ang mainit na mga labi ni Alvaro sa gilid ng kanyang leeg, patungo sa likod ng tainga niya at nilaro ng pilyong dila nito ang dulo niyon. Bumaon ang mahahaba niyang kuko sa likod ng lalaki nang ang mapagpalang kamay naman nito ang naramdaman niyang dumadama sa mayabang niyang dibdib. Nilaro at pinisil-pisil ni Alvaro ang munting korona sa tuktok niyon na naging dahilan para wala sa loob na napaliyad si Riko.“Ba
SERYOSO ANG anyo na pinagmasdan ni Riko ang hawak na regalo na nakabalot ng kulay silver na gift wrapper. Noong nakaraang buwan pa niya napaghandaan ang bagay na gusto niyang ibigay kay Ian. It's their anniversary—6th year anniversary to be exact. Bago tuluyang bumaba sa kanyang second hand na kotse ay sandali munang sinulyapan ni Riko ang sarili sa maliit na salaming nakapatong sa ibabaw ng dashboard. Isang simpleng ngiti ang pilit na sumilay mula sa magkabilang sulok ng kanyang mga labi. Manipis na lipstick at blush-on lang ang ipinahid niya sa kanyang mga labi at mukha. Hinayaan din niyang nakabagsak ang alon-along buhok na bumagay naman sa simple niyang ayos. Nang makontento sa kanyang itsura ay tuluyan na niyang binuksan ang pinto ng kotse sa kanyang tabi at bumaba. Sukbit sa kaliwang balikat ang maliit na shoulder bag ay tuluyan nang humakbang si Riko patungo sa nakasaradong gate ng townhouse na inuupuhan nila ni Ian. Wala ang sasakyan ng lalaki sa garahe kaya tiyak niyang na
Eksaktong ala-una nang ibaba ni Riko ang suot niyang headphones. Mabilis namang umikot si Kenji papasok sa Dj’s booth para pansamantala siyang palitan.“Thanks!” malakas ang boses na ani ni Riko kay Kenji na tumango lang at itinuon na ang atensiyon sa turntable.Inayos naman ni Riko ang hoodie ng suot niyang pullover bago pasimpleng humalo sa mga taong patuloy na nakikisabay sa maharot na tugtog. Bahagya siyang yumuko at nagpatuloy sa paglalakad hanggang sa makarating sa staff room. Nang makapasok sa staff room ay kaagad na tinungo ni Riko ang locker niya. Binuksan niya iyon gamit ang hawak niyang susi. Mabilis niyang kinuha mula sa dala niyang maliit na backpack ang cellphone niya.Kaagad niyang tiningnan kung may message siya mula kay Manang Linda. At nang makita niyang wala ay nakahinga nang maluwag si Riko. Bilin niya sa matanda na tawagan o kaya ay i-message kaagad siya nito kapag may nangyari. Kahit kasi halos isang taon na silang hiwalay ni Ian ay hindi pa rin siya panatag lal
TULALANG nakatitig lamang sa kawalan si Riko. Nakahawak din ang pareho niyang kamay sa kanyang magkabilang pisngi.“No, no, no…” parang sira-ulo aniya sa sarili na sinabayan pa ng matitigas na iling. “This can’t be!” naiinis niyang dugtong.Like how? P’wede ba ‘yon? Kailan lang niya nakilala si Alvaro at sa loob ng tatlong buwan na pagkakakilala nila ay limang beses pa silang nagkikita ng lalaki, kasama na doon ang dalawang beses nitong pagpunta sa Velvet Lounge kasama si Reign.Pagkatapos ng limang beses na pagkikita ay hindi na iyon nasundan dahil naging abala na ang lalaki. Hindi naman siya nagtatanong kung ano ang pinagkakaabalahan nito. Wala siyang karapatan. Magkaibigan lang sila ng lalaki. ‘Kaibigan lang? Talaga ba, Rik?’ Napangiwi si Riko dahil sa tanong na iyon ng kanyang isipan. Kaibigan pa rin ba ang tingin niya kay Alvaro o unti-unti na siyang nahuhulog dito? Pero paano nga nangyari ‘yon gayong sa cellphone lang naman sila nag-uusap ng lalaki.“Argh!” napipikong ungol ni
KANINA PA KUNOT ANG NOO at salubong ang mga kilay ni Alvaro habang nilalaro sa kanyang mga daliri ang hawak niyang ballpen. Tila tukso kasing pumapasok sa kanyang isipan si Riko. Hindi rin mawala sa kanyang alaala ang naging huling pag-uusap nila ng babae. Ang galit nitong anyo. Ang tila nahihirapang kislap ng mga mata. Ang nanginginig na tinig na punong-puno ng frustration at takot. ‘Mahal kita, Alvaro…’Tila iyon sirang plaka na paulit-ulit na umi-echo sa isipan ni Alvaro. Kumuyom ang mga kamay niya habang patuloy niyang naririnig sa isipan ang boses ni Riko. And the sound of defeat in her voice, no…that’s not her. Bago iyon sa kanya. Ilang araw na ba silang hindi nag-uusap simula nang gabing iyon? Isa, dalawa, tatlo hanggang sa maging isang linggo? No, not just a week. Mahigit isang linggo na silang hindi nag-uusap ni Riko. At oo, inaamin niyang namimiss na niya ang babae. Ang pagiging pikon nito kapag kinukulit niya. Ang kadaldalan. Ang boses nitong hindi alam ni Alvaro nguni
PATAMAD NA BUMANGON si Riko mula sa kanyang kama. Aburidong kinapa niya ang kanyang cellphone na kanina pa nag-iingay dahil sa alarm. Biyernes na naman at tiyak na marami uling tao sa Velvet Lounge. Alas sais na at kailangan na niyang kumilos. Kailangang nasa club na siya bago pumatak ang alas otso ng gabi.Bumaba na ng higaan si Riko at naglakad palabas ng kanyang silid. Pagkarating sa ibaba ay kaagad niyang hinanap ang anak na si Loreen. Nakita niya ito sa kusina at tumutulong kay Manang Linda sa pagtanggal ng mga dahon ng kangkong.“Hi, my love,” bati ni Riko sa anak habang nakaunat ang magkabilang kamay. “where’s my hug?” untag niya kay Loreen.Kaagad namang binitawan ni Loreen ang hawak nitong kangkong at patakbong lumapit sa ina.“Careful…” turan ni Riko sa anak ngunit kaagad ding natigilan. ‘Careful…’Napangiwi si Riko nang marinig niya sa kanyang isipan ang tinig ni Alvaro. At mas lalo pa siyang napangiwi nang tila tuksong pumasok sa kanyang isipan ang nangyari pagkatapos