Share

ABOUT US

KANINA PA pasulyap-sulyap si Riko sa bahaging kinaroroonan ni Alvaro. Maya’t-maya rin siyang napapatingin sa ilang bote  ng beer na nasa ibabaw ng bilog na mesang nasa harapan nito. Ang alam niya'y hindi naman mahilig uminom ang lalaki.

Ano ang ginagawa ng lalaki sa Velvet Lounge? Nagtataka siya lalo na’t hindi nito kasama si Reign. Ito ang ikalawang beses na pumunta si Alvaro sa Velvet Lounge na mag-isa. Ang una ay noong makita niya ito ng madaling-araw sa parking lot.

'Baka gusto kang makita.' tukso ng isang parte ng isip niya.

Wala sa loob na napa-irap si Riko. Siya ang sadya? Malabo yata ‘yon. Para nga’ng hindi siya nag-e-exist sa paningin ng lalaki. Kanina pa ito roon pero ni hindi man lang siya nito tinapunan ng tingin. 

Isang ismid ang pinakawalan ni Riko kasabay ng pagkalukot ng kanyang ilong.

'Hmp, eh, ano naman kung ayaw siya nitong pansinin? Eh, di wag!'

Muling itinuon ni Riko ang kanyang atensiyon sa kaharap na turntable. Dinampot din niya ang basong nasa tabi at inisang tungga ang lamang alak.

Ipokrita siya kung sasabihin niyang wala nga talaga siyang pakialam kahit hindi siya pansinin ni Alvaro. Pero s’yempre, hindi rin naman niya ‘yon aaminin sa lalaki. Ano siya, sini-suwerte? Nilunok na nga niya ang kahihiyan at pride niya noong nag-confess siya rito kaya no…no way!

Eksaktong ala una nang hubarin ni Riko ang suot niyang headphones. Kagaya ng nakagawian ay dumiretso siya sa staff room. Tiningnan ang cellphone kung mayroong mensahe mula kay Manang Linda at nang makita niyang wala ay nakahinga nang maluwag si Riko.

Umupo si Riko sa monoblock chair. Isinandal niya ang likod saka ihinilig ang ulo sa sandalan. Hinubad niya ang suot na bonnet at itinakip iyon sa kanyang mukha. Iidlip muna siya. Sa totoo lang ay wala pa siyang maayos na tulog simula nang huling pag-uusap nila ni Alvaro.

Dala marahil ng pinaghalong antok at epekto ng alak na kanyang nainom ay mabilis na nakatulog si Riko. Nagising lamang siya nang maramdaman niya ang mahinang yugyug sa kanyang balikat. 

“Rik, wake up…” 

Boses iyon ni Kenji.

Dahan-dahan iminulat ni Riko ang kanyang mga mata. Kinusot-kusot pa niya iyon bago halos patamad na umunat. Sinulyapan niya ang suot na relo. Ala una y media na. Kailangan na niya bumalik sa booth niya. 

Tinapik-tapik ni Riko ng kanyang mga palad ang magkabilang pisngi bago dahan-dahang inunat ang mga braso.

“You good?” nag-aalalang tanong ni Kenji kay Riko. 

Isang tipid na ngiti ang ibinigay ni Riko kay Kenji bago tumango. 

“Oo naman…” aniya.

Tumayo na si Riko at naglakad na palabas ng staff room pagkatapos tapikin nang mahina sa balikat si Kenji. 

Pagkarating sa Dj's booth ay kaagad na may nag-abot kay Riko ng isang boteng beer. Mabilis niya iyong kinuha at tinungga.

“Thanks!” aniya sa lalaking nagbigay sa kanya ng beer bago itinuon ang buong atensiyon sa kaharap na turntable.

Mabilis na lumipas ang mga oras hanggang sa sumapit ang alas singko ng madaling-araw. Marami pa ring tao sa loob ng Velvet Lounge ngunit kahit paano ay nabawasan na. May iilang sumasayaw pa rin ngunit karamihan ay nag-iinuman na lang. Ang iba naman ay naglalaro ng billard sa kabilang dulo ng club. Mayroon ding ilang grupo na nagkakatuwaan habang naglalaro ng beer pong.

Lumabas ng Velvet Lounge si Riko at sa back door na siya dumaan. Kaagad siyang sumakay sa kotse niya nagmaneho pauwi. 

Malayo-layo na rin ang narating ni Riko nang biglang may humarang na sasakyan sa harapan niya. Dahil hindi niya iyon inaasahan ay bigla niyang inapakan ang preno. 

“What the?!” gigil na usal ni Riko habang pilit na bumabawi sa pagkabigla. Namuo ang galit sa dibdib niya nang makilala ang sasakyang nasa kanyang harapan.

Mabuti na lang at may suot siyang seatbelt dahil kung wala’y baka nanghiram siya ng mukha sa manubela. Mabuti na lang rin at walang ganoong dumaang sasakyan sa bahaging iyon. 

Mabilis na bumaba ng sasakyan si Riko. Bumukas din ang pinto sa driver’s side at mula roon ay bumababa si Alvaro. Bakas sa anyo ng lalaki ang matinding pag-aalala.

“Are you trying to kill me?!” nagpupuyos sa galit na sigaw ni Riko sa lalaki. “Ano bang drama mo, ha?!” dugtong na tanong niya rito.

Sa halip na sagutin si Riko ay kaagad na hinawakan ni Alvaro ang magkabilang braso ng babae. Sinipat niya ang mukha ng una pati ang mga braso nito.

“Are you hurt?” nag-aalalang tanong ni Alvaro kay Riko na napatanga na lamang sa tanong ng lalaki. “Rik, don’t scare me. Saan ang masakit? I’m so sorry. I didn’t mean to scare you or wha–” 

Napatigil sa pagsasalita si Alvaro nang dumapo sa mukha niya ang palad ni Riko.

“Gago ka ba? Tinatanong mo ako kung oaky lang ako? Ano ba sa tingin mo, ha?! May galit ka ba sa akin?!” gigil na gigil  na tungyaw ni Riko sa lalaking sapo pa rin ang nasaktang pisngi.

“I just want to talk to you–”

“Talk?” sikmat ni Riko sa kaharap. “Talk ba ‘yong muntik na akong manghiram ng mukha sa manubela? Tangina, Alvaro, sira ulo ka ba?!” nag-iinit ang buong mukha dahil sa matinding galit na singhal pa niya rito.

Ang lakas din ng tama ng lalaking ito. Ni hindi nga siya nito tinapunan ng tingin kanina sa Velvet Lounge. Umalis pa ito na hindi man lang siya binati na para bang hindi siya nito kilala tapos sasabihin nitong gusto siya nitong makausap. Ginagago ba siya nito? 

Dahil sa isiping iyon ay mas lalong nanggigil ni Riko kay Alvaro. Tinalikuran niya ito at nagma-martsang naglakad pabalik sa kanyang sasakyan. Baka hindi niya ito matantiya at maging kriminal pa siya bigla. Ang lakas ng trip. Buwiset!

“Hey, where are you going?” tarantang tanong ni Alvaro nang makitang tinalikuran na siya ni Riko. Wala sa loob na napasunod siya sa babaeng nagdadabog na binuksan ang sasakyan nito.

“Uuwi na bago pa tuluyang mandilim ang paningin ko at tuluyan pa akong maging kriminal!” pasigaw na sagot ni Riko sa lalaki. 

Nagmumukha na silang tanga ni Alvaro sa gilid ng kalsada. Pinagtitinginan na rin sila ng mga dumadaan. Nagsisimula nang sumikat ang araw mula sa silangan kaya marami nang makikitang nagja-jogging.

“Patawarin mo na, Miss.” hindi napigilang turan pa ng isang lalaking nakasakay sa mountain bike. 

“Riko, wait up,” ani naman ni Alvaro na nakatayo, isang metro marahil ang layo mula kay Riko. “let's talk, please.” 

Isang matalim na tingin ang ibinato ni Riko kay Alvaro. 

“Wala tayong dapat na pag-usapan.” 

“Meron.” 

Umangat ang kilay ni Riko. Nanatili siyang nakatayo sa gilid ng nakabukas niyang sasakyan. Tuwid ang mga mata na tiningnan niya si Alvaro.

“Wala.” 

Sumeryoso ang anyo ni Alvaro. 

“Yes, there is.” pagpipilit niya sa babaeng tila walang balak na kausapin siya nang matino. 

Nalukot ang ilong ni Riko. “And what is it?” walang ganang tanong niya sa lalaki.

“About us.” 

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status