"Let's eat first. Saka ko na ipapabasa sa'yo ang contract natin."Walang imik na kumuha na nga siya ng makakain niya. Hindi niya alam na nakakagutom palang masyado ang umiyak nang halos buong maghapon.Hindi na niya pinansin ang lalaking nakaupo sa harap niya. Sunod-sunod ang naging pagsubo niya."Alam mo bang ang pagkain mo nang ganyan ang nakaagaw ng pansin sa akin no'ng unang gabi kitang nakita?"Natigil sa ere ang pagsubo niya at napatingin dito. Nakita niyang wala pang lamang pagkain ang plato nito. Ang tanging hawak nito ay ang basong may lamang wine.Ganito ba talaga ang mga mayayaman? Uunahin ang wine kesa pagkain?Nginuya niya muna ang nasa loob ng bibig bago nagsalita. Saka lang din nag-sink in sa utak niya ang sinabi nito. Biglang pumormal ang mukha niya at ibinaba ang mga kubyertos at pinahiran ang bibig ng table napkin."Oh, please... Don't let me stop you. Natutuwa lang akong panoorin kang kumakain. Most of the women I dated ay parang walang ganang kumain lagi."Ni hind
Kanina pa niya napansin si Yvette sa isang tabi nang magsisimula pa lang silang kumain ni Yazmin. Kakaiba na ang kutob niya dahil hindi naman kailangan ang manager sa tabi kapag may special dinner sa hotel niya. Trabaho naman kasi iyon ng mga waiters at hindi nito kailangang tumambay doon habang kumakain sila.Ibinaling na lang niya muli ang atensiyon sa babaeng nasa harap na sunod-sunod ang ginawang pagsubo na parang wala siya sa harap nito.Napangiti siya habang sinisimsim ang wine sa basong hawak. Kakaiba talaga ito sa mga babaeng nakakasama niya. Mahirap tantiyahan ang mood nito kapag magkasama sila. Minsan para itong babaeng hindi makabasag ng pinggan tapos bigla na lang nagiging tigre sa isang iglap. Para pa nga itong laging inis sa kanya.Kabaliktaran no'ng gabing...Ipinilig niya ang ulo. Pilit man niyang inaalis sa utak iyon ay tukso namang laging bumabalik iyon sa isip niya.Napatitig siya sa namumugtong mga mata nito. Iniiyakan pa rin ba nito ang lalaking nakita niyang kau
Pinahintay niya muna si Yazmin sa waiting area ng hotel. Pumasok siya sa isang maliit na opisina niya na tinatambayan niya kapag dinadalaw niya ang pag-aari niyang hotel.Pormal ang mukhang hinintay niya ang pagpasok ni Yvette.Taas-noong pumasok si Yvette na parang wala namang pinagsisihan sa ginawa nito kanina. Nanatiling nakatayo ito sa harap ng mesa niya."That was so unprofessional, Miss Santos," walang kangiti-ngiti niyang sabi.Huminga ito nang malalim saka sinalubong ang mga mata niya."You left me hanging, Sean, then all of a sudden makikita ko na lang na may ibang babae ka na namang pinagkakaabalahan."Nagulat siya sa isinagot ng babae. Kung umasta kasi ito ay parang may relasyon sila at nahuli siyang nagloko.Tumikhim pa muna siya to clear his throat."Miss Santos-""Let's drop the formalities. Tayong dalawa lang naman ang nandito," putol nito sa kanya saka hindi na hinintay pang paupuin niya ito.Ito na ang kusang lumapit sa mesa at umupo sa upuang nasa harap no'n."Sean,
Sinabihan siya ng isang staff na sa opisina na lang daw ni Sean maghintay. Sinamahan pa siya nito sa harap ng pinto saka nagpaalam.Kakatok sana siya nang biglang umawang konti ang pinto. Papasok na siya nang matigilan dahil parang may nag-uusap sa loob.Tumalikod agad siya para umalis muna nang marinig si Sean."Yvette, stop. Hindi ako ang tipo ng lalaki na naghihintay ng babaeng magpapabago sa akin. I'm not a one woman-man. Hindi ako ang lalaking gugustuhin ng kahit sinong babae na maging asawa..."Napakurap-kurap siya sa narinig. Napailing-iling din kapagkuwan habang maingat na isinarang muli ang pinto.Napaisip tuloy siya nang wala sa oras. Sino ba ang mas malala sa dalawa? Ang lalaking ito na simula pa lang ay sinasabi agad sa babaeng pinapatulan nito na walang aasahan sa kanya? Kaya na sa babae na kung papatol pa rin at huwag nang mangarap na patungo sa isang malalim na relasyon iyon? O si Dino na pinaasa siyang mahal na mahal nito at wala nang hahanapin pa pero pumatol naman pa
Nagpa-panic na hinanap niya ang puting damit na susuotin sana sa kasal niya bukas. Kahit naman kasi isang kasunduang kasal lang iyon ay magsusuot pa rin siya ng puting damit. Nakikita kasi niya sa palabas na kahit sa huwes ikinakasal ay nakaputing damit pa rin ang bride.Hinalungkat niya ang mga damit sa loob ng maleta. Piling-pili lang kasi ang binitbit niyang damit dahil hindi iyon magkakasyang lahat sa maleta niya.Siyempre pa inuna niyang kunin ang mga damit na pwedeng magamit sa trabaho or kapag nag-aapply siya. Nailagay na niya ang lahat sa ibabaw ng kama pero wala siyang makitang damit na pwede niyang maisuot bukas. Mas awkward tingnan kung para siyang applicant sa "kasal" nila ng lalaki.Naalala niya ang damit na namantshan ng wine ay pwede sana niyang suotin bukas kaso pina-laundry niya na pala iyon at tatlong araw pa bago makuha dahil sa matinding mantsa.Nahahapong napaupo siya sa kama habang tinitingnan ang oras. Alas onse na ng gabi at alas-nuebe ng umaga ang kasal nila b
May nakita siyang isang babaeng mas matanda lang yata sa kanyang ina ng ilang taon at isang lalaki na parang kasing-edad din nito nang makarating sila sa munisipyo.Nagulat pa siya nang bigla siyang yakapin ng babae at halikan sa pisngi."Naku! Kaya naman pala magpapakasal agad itong alaga ko nang ora-orada. Gusto yatang talian ka na bago ka pa maagaw ng iba."Narinig niya ang tawa ni Sean na nasa tabi niya."Si Nana talaga. By the way, this is Nana Klaudia, she's like a mother to me. This is also Mang Rogelio, our family driver," pakilala ni Sean sa dalawa. Saka lang bumitaw sa pagkakayakap sa kanya ang babae.Dumako ang mga mata ng babae sa hawak niyang bulaklak."Nagustuhan mo ba ang ginawa kong bouquet? Bagay na bagay sa'yo, iha. Ang ganda-ganda mo pala kaya't hindi na mapakali 'tong alaga ko," nakangiting sabi nito."Salamat po. Napakaganda po ng pagkakagawa ninyo." Nahihiyang ngumiti siya sa babae at sa lalaking nasa tabi nito. "Nana, Mang Rogelio, this is Yazmin." Iyon lang an
"Sumabay ka na lang kina Nana Klaudia at Mang Rogelio. May lunch meeting kasi ako kaya't dideretso na ako sa office."Tumango lang siya na hindi na tumingin pa sa lalaki na ngayon ay asawa na niya."You won't feel bad, right?" Awtomatikong bumaling ang tingin niya rito dahil sa tanong na iyon. Nakita niyang nakangiti ito kaya't parang nasa mood lang itong tuksuhin siyang muli."Kahit pa date iyang pupuntahan mo, wala akong pakialam kaya't huwag mo akong tatanungin ever kung sasama loob ko kada may lakad ka," walang emosyong sagot niya saka hinanap ng mga mata sina Nana Klaudia para makaalis na sila roon."My my wifey, lunch meeting with the clients ang pupuntahan ko, okay? Bakit sinisiksik mo agad iyang idea ng date ko sa iba? Don't tell me you want to break the rules now."Kunot-noong napilitang tumingin uli siya rito."No jealousy," agad na dugtong nito.Tumaas ang kilay niya."You're so conceited, Mr. Montarde. Patulan mo na ang lahat ng babae for all I care! Saka pwede ba huwag m
Pagod na pagod ang pakiramdam niya dahil sa kabilaang meetings niya nang araw na iyon. Pagkatapos nga ng kasal nila ay dumiretso na siya sa unang meeting niya. Alas tres na ng hapon natapos ang panghuli niyang meeting.Suot-suot pa rin niya ang damit na isinuot niya sa kasal nila kanina nang dumiretso siya ng opisina. Kadalasan ay naglalagi pa siya sa opisina hanggang gabi kapag natapos siya sa client meeting niya. Gusto niya kasing ma-review ang lahat ng nai-take note ng secretary niya hangga't fresh pa sa utak niya.Ngunit hindi na siya bumalik pa ng opisina pagkatapos ng last meeting niya. Alam niya kasing nasa bahay na niya si Yazmin. Tumawag siya kanina saglit kay Nana Klaudia para mangumusta lalo pa't unang araw ng "asawa" niya sa bahay niya. Actually, pangalawa na kung ikokonsidera niya ang gabing dinala niya ito roon at nangyari nga ang mainit na tagpong iyon sa kanila.Pagkababa ng kotse nang makauwi na ng bahay ay agad na tiningnan niya ang oras. Alas kwatro pa lang ng hap