Samantala nasa Cagayan Airport na si Calista nang mag-vibrate ang kanyang cellphone. "Hello, Sir?"
Narinig niya ang mainit at tila natutuwang boses ni Mike. “Calista, Sanders Entertainment reached out to me. The S Group decided to appoint Xander as the new general manager."
Bahagyang huminto si Calista bago itinuloy ang paghila sa kanyang maleta. "Really?"
Nagulat naman agad si Mike dahil sa pagiging kalmado niya. “What’s this?" biro nito. "Aren't you going to defend me? I was your recommendation, yet someone else took the position. Aren't you angry?"
Ngumiti naman ng bahagya si Calista. "Mike, did you call me just to complain?"
"I'm not that boring." Seryoso na ang boses nito. "I called to tell you to remind Tristan that Xander is not a good person."
Bumagal ang paglakad ni Calista. "May mga chismis noon," patuloy ni Mike, "That he harassed several female artists at his previous company. One of them was a newcomer who had no backing, and after he got his way, she was silenced." Naging madilim ang tono ng kanyang boses. "She fell into depression and jumped from a building."
Tahimik na yumuko si Calista. Alam na niya ang tungkol kay Xander. Sa katunayan, sinabi na niya ito kay Tristan noon. Pero pinili pa rin nito si Xander. Nakaramdam siya ng pait sa kanyang puso. "I understand," mahinang sagot niya.
Agad na napansin ni Mike ang pagbabago sa kanyang mood. "What's wrong?" maingat niyang tanong. "Did something happen between you and Tristan?"
Tumahimik si Calista nang dalawang segundo bago sumagot nang kalmado, "Hiwalay na kami."
Kaagad na tahimik ang kabilang linya. Pagkatapos ay biglang tumawa nang mahina si Mike. "Good."
Nagulat at napakurap si Calista. "You were never a good match for Tristan anyway."
Hindi alam ni Calista ang isasagot, sakto namang may narinig na anunsyo sa airport. "Passengers bound for Cebu, please proceed to the boarding gate."
Narinig din ito ni Mike. "Are you at the airport?"
"Yes. Babalik ako sa cebu." Mahinahon na sagot ni Calista.
"Alright," malambing nitong sabi. "I won't keep you. Let's talk once you're free."
"Okay." Pagkatapos ng tawag, tumayo nang tahimik si Calista sa loob ng mataong airport, habang nakatingin sa mga eroplano sa labas. Natawa siya nang mahina sa sarili, dahil tama si Mike. Talagang hindi karapat-dapat si Tristan para sa kanya. Sayang lang at inabot siya ng dalawang taon bago ito naintindihan.
Nag-vibrate ulit ang kanyang cellphone. Mensahe naman ito mula sa kanyang ina.
[Mama]: “Calista, this is the last time I’ll ask. Are you really sure about this marriage alliance? I don't want to force you…”
Tinitigan ni Calista ang screen. Pagkatapos ay nag-type siya ng kalmado.
[Calista]: " I’ve already made up my mind.”
[Mama]: “This is Mr. Mercadejas' contact information. Try adding him first and see if you can talk to him.”
Kinopya ni Calista ang numero sa chatbox. Agad na lumitaw ang account nito. Kulay itim lang ang profile picture. Isang letra lang ang pangalan—【R】. Kahit ang Moments page ay walang laman. Walang post, walang litrato, wala talaga lahat. Inisip ni Calista kung ginagamit ba talaga ang account na ito. Gayunpaman, nag-send pa rin siya ng friend request. Pagkatapos ay itinago na niya ang kanyang cellphone. Nabalitaan na niya noon na hindi mahilig makihalubilo si Mr. Mercadejas at hindi basta-basta nagbibigay ng personal na numero. Karamihan ng tao sa Cebu ay hindi man lang makuha ang numero ng assistant nito, lalo na ang personal nitong chatbox. Hindi niya inaasahan na tatanggapin nito ang request niya. Nang tumunog muli ang boarding announcement, kinuha na ni Calista ang kanyang maleta at naglalakad patungo sa gate.
Sa loob ng eroplano, nakasandal nang tahimik si Calista sa kanyang upuan. Habang tumatagal, unti-unting lumalayo ang lungsod ng Cagayan de Oro sa kanyang paningin. Dito niya binuo ang kanyang mga pangarap tungkol sa pag-ibig. Akala niya ito na ang magiging tahanan niya habambuhay. Ngayong naaalala niya, tila nakakatawa na lang ang lahat. Napayuko siya at pinilit na huwag nang isipin iyon. Inilabas niya ang kanyang cellphone para i-airplane mode. Sa sandaling iyon, may lumitaw na notification.
(You are now friends with R. You can now chat!)
Kaagad na natigilan si Calista. Tinitigan niya ang oras kung kailan ito tinanggap. Agad-agad? Napahinto ang kanyang daliri sa ere. Ilang beses niyang tiningnan ang profile para masigurong hindi siya nagkakamali. Account nga ito ni Rowan Mercadejas.
Anong nangyayari? Assistant ba niya ang na-add ko? O nagkataon lang na online siya? Matapos mag-isip ng ilang segundo, sumuko na siya. Hindi naman siya binalewala nito. Itinago na niya ang cellphone at in-airplane mode ito. Alas-tres ng hapon sa Cebu Airport. Paglabas na paglabas ni Calista, tumunog agad ang kanyang cellphone. Isang hindi kilalang numero sa Cebu ang tumatawag. "Hello?"
"Miss Zamora." Isang magalang na boses ng lalaki ang narinig niya. "This is Nash, Mr. Mercadejas' driver. Pinadala ako ng boss ko para kunin ka, naghihintay na po ang kotse sa gate three.”
Huminto sa paglalakad si Calista. Nagpadala si Rowan ng susundo sa kanya? Paano nito nalaman na darating siya sa Cebu ngayong araw? "Alright. I'm on my way." Pagkatapos ng tawag, dinala niya ang maleta sa Exit Three.
Isang itim na Maybach ang nakaparada sa gilid ng daan. Sa ganda at kintab nito, bakas ang kapangyarihan ng may-ari. Paglapit niya, agad na bumaba ang driver. Mukhang nasa bente anyos ito at maayos ang suot na dark gray na suit. "Miss Zamora."
Kaagad naman na kinuha ng driver ang kanyang maleta at pinagbuksan siya ng pinto sa likod. Pagkabukas ng pinto, naamoy niya ang bango ng cedarwood na may halong tabako.
Bahagyang natigilan si Calista. Medyo madilim sa loob. Isang lalaki ang nakaupo doon nang relaks, habang nakapatong ang isang binti sa isa pa. Naka-black silk shirt ito na may ilang bukás na butones sa itaas, kaya kita ang bahagi ng leeg nito. Ang kanyang mahahabang binti ay tila sumasakop sa buong upuan sa likod.
Nang marinig ang paggalaw, dahan-dahan itong tumingala. Nang magtagpo ang kanilang mga mata, tila huminto ang paghinga ni Calista. Napakaganda ng mga mata nito. Matalim ang tingin at kulay itim na parang tinta. Malamig, mailap at mapanganib ang dating. Kahit hindi pa niya ito nakikita ng personal, nakilala niya agad ito—ang pangalawang amo ng pamilya Mercadejas.
Si Rowan.
"Zynelle?" Mababa at medyo paos ang boses nito na tila nanunukso.
Kinabahan si Calista, agad niyang inayos ang sarili at tumango. "Yes... that's me."
Pinagmasdan siyang mabuti ni Rowan mula ulo hanggang paa. Nailang naman si Calista sa titig nito. Bago pa siya makaiwas ng tingin, bigla itong nagsalita uli.
"Do you have your ID card with you?"
Kaagad na natigilan si Calista. Tumango siya. "Yes." Pagsagot niya non, bigla siyang kinabahan. Bakit ID card agad ang hinahanap nito sa unang pagkikita nila? Ito ba ay para... sinisigurado ba ni Rowan ang pagkatao niya?