Share

Chapter 12

Magaan ang pakiramdam ni Danielle nang araw na iyon. Kahit paano ay nagagawa nang maigalaw ng kanyang daddy ang mga kamay at paa nito. Gumaganda na rin ang katawan nito dahil hindi niya ito pinapabayaan sa pagkain. Madalas ay minamasahe niya ang mga braso at paa ng kanyang ama para sa paghahanda sa muli nitong paglakad. Naniniwala siya na balang-araw ay muli itong makakapaglakad. 

Ang magandang pagbabago sa kalusugan ng kanyang daddy ay inilihim niya kay Lucy. Natitiyak niya na hindi nito gugustuhing malaman na unti-unting nagre-response sa iniinom na mga gamot ang kanyang ama. Noong una ay nagtataka siya kung bakit sa dinami-rami ng mga gamot na pinapainom sa kanyang daddy ay tila hindi naman ito gumaling kahit na konti. Kaya palihim niyang dinala ang mga gamot na iniinom nito sa kaibigan niyang doktor. Wala naman si Lucy kaya kay Linda na lamang siya nagpaalam na aalis saglit siya. Nagkunwari siya na bibili lamang ng mga personal niyang gami

Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status