Share

Kabanata 13

Halos hindi humihinga si Danielle habang inilalabas niya ang kanyang daddy sa bahay nila. Abot-abot ang kanyang dasal na sana ay hindi muna bumalik ang mag-ama. Kahit alam niya na hindi naman babalik agad ang mag-ama ay hindi pa rin niya maiwasang kabahan. Paano kung may nakalimutan si Lucy at biglang bumalik? At paano din kung biglang maisipan ng kanyang Tito Leo ang umuwi habang inilalalabas niya ang kanyang ama?

Paglabas niya sa may gate ay agad lumapit sa kanila ang naghihintay na kotse ni Iris. Natawagan na niya ito kanina at sinabihan na sunduin sila dahil ngayon niya isasagawa ang binabalak niyang pagtatakas sa kanyang ama sa mismong bahay nila.

"Bilis, Danielle! Baka may makakita sa atin," kinakabahang wika ni Iris na bumaba sa kotse para tulungan siyang maisakay ang kanyang ama sa loob ng kotse. 

"Let's go, Iris," yaya niya sa kaibigan nang maipasok na nila ang kany

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status