Home / Romance / THE TYCOON'S REBEL / Sparks in the Dark (Part 2)

Share

Sparks in the Dark (Part 2)

Author: RosenPen
last update Last Updated: 2025-08-19 22:02:39

Nanatili akong nakatulala habang umiikot sa isip ko ang mga sinabi niya. Marriage. Ang bigat ng salitang iyon. Parang bomba na biglang sumabog sa katahimikan ng penthouse.

Hindi ko alam kung matatawa ba ako o ano. Dahil sa totoo lang, hindi biro ang salitang kasal.

“Sebastian…” halos pabulong kong sambit, “…are you out of your mind?”

Mataman niya lang akong tiningnan, diretso sa mga mata at bakas ang kaseryosohan. “This is the only way, Isla. If they see a woman by my side — legally bound to me — they’ll think twice before making a move.”

Napailing ako. “So, kasal ang solusyon mo? What am I to you, some kind of… shield? A convenient prop?”

“You’re more than that.” Diretso niyang sagot. Kalmado ngunit madiin ang bawat pagbitiw niya ng mga salita. Kita ko rin sa mga mata niya ang determinasyon na parang hindi ko na kayang suwayin pa ang mga sinabi niya.

Naramdaman ko ang unti-unting paghigpit ng dibdib ko. Parang wala akong hangin. Paano kung totoo ang mga sinasabi niya? Paano kung kasa
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • THE TYCOON'S REBEL   Sparks in the Dark (Part 2)

    Nanatili akong nakatulala habang umiikot sa isip ko ang mga sinabi niya. Marriage. Ang bigat ng salitang iyon. Parang bomba na biglang sumabog sa katahimikan ng penthouse.Hindi ko alam kung matatawa ba ako o ano. Dahil sa totoo lang, hindi biro ang salitang kasal.“Sebastian…” halos pabulong kong sambit, “…are you out of your mind?”Mataman niya lang akong tiningnan, diretso sa mga mata at bakas ang kaseryosohan. “This is the only way, Isla. If they see a woman by my side — legally bound to me — they’ll think twice before making a move.”Napailing ako. “So, kasal ang solusyon mo? What am I to you, some kind of… shield? A convenient prop?”“You’re more than that.” Diretso niyang sagot. Kalmado ngunit madiin ang bawat pagbitiw niya ng mga salita. Kita ko rin sa mga mata niya ang determinasyon na parang hindi ko na kayang suwayin pa ang mga sinabi niya.Naramdaman ko ang unti-unting paghigpit ng dibdib ko. Parang wala akong hangin. Paano kung totoo ang mga sinasabi niya? Paano kung kasa

  • THE TYCOON'S REBEL   Sparks in the Dark

    Hindi ko na namalayan kung gaano kabilis akong nadala ni Sebastian palabas ng apartment ko. Halos hatakin niya ako papunta sa kotse niya nang hindi man lang nag-aksaya ng oras para magpaliwanag. Para siyang may hinahabol — o may iniiwasan. Mabilibniya akong naisakay at saka kinabitan ng seatbelt bago umikot papunta sa driver's seat. Kita ko ang pag-igting ng panga niya habang pinaaandar ang kotse na para bang hindi niya na talaga nagugustuhan ang mga nangyayari.Tahimik lang kami sa biyahe. Ang tanging naririnig ko lang ay ang malakas na pintig ng dibdib ko at ang malinis na ugong ng makina ng mamahalin niyang sasakyan. Nakatingin lang ako sa labas, pinagmamasdan ang mga ilaw ng siyudad na parang kumikislap habang nadaraanan namin.Maya-maya pa ay siya na mismo ang bumasag sa nakakabinging katahimikan. “You shouldn’t have stayed there alone. Not after what happened.”Napalingon ako. Kita ko ang matalim na panga niya, ang seryosong anyo ng kaniyang mga mata. Para siyang sundalong sanay

  • THE TYCOON'S REBEL   The Trap Between Lies

    Hindi ko na maalala kung gaano katagal na ba akong nakatulala sa hawak kong flash drive. Para akong nahulog sa isang maze na walang exit — bawat daan may tanong, bawat sulok may banta.Dalawa na. Dalawang ebidensya. Dalawang kuwento. Pero alin ang totoo?Napasapo ako sa noo at mariing napapikit. Kung anuman ang nasa loob ng flash drive na ‘to, sigurado akong hindi magugustuhan ni Sebastian na hawak ko 'to. Pero paano kung ito lang ang paraan para malaman ko kung sino talaga siya? Kung anong klase ng tao ba talaga siya?Napalundag na lamang ako nang biglang tumunog ang cellphone ko. Dali-dali ko naman itong nilapitan at saka tiningnan ang caller ID. Ngunit nagtaka ako nang makitang hindi ito naka-register sa contacts ko. Nagdadalawang-isip pa nga ako kung sasagutin ko ba 'yon o hindi. Hindi ko naman kasi talaga ugaling sumagot lalo na't hindi ko kilala ang caller. Nakatitig lang ako sa screen ng cellphone ko hanggang sa mamatay ang tawag. Ngunit ilang sandali pa lang ay muli na naman i

  • THE TYCOON'S REBEL   The Public Lie

    Kinabukasan, halos mabingi ako sa ingay ng cellphone ko. Notifications. Messengers. Emails.Pero ang pinaka-masakit sa mata? Ang headline:#HaleAffair Takes Over Social Media: The Billionaire and the Mystery WomanMay mga blurred drone shots, may mga kuha na parang mula sa balcony ng penthouse, at lahat pare-pareho ang caption: “Hale’s new love interest?”Hindi ko alam kung maiinis ba ako o matatawa. Sa totoo lang, hindi ko nga siya gusto — tapos ngayon, buong mundo akala kami na?Bago ko pa maiproseso ang lahat ng mga 'yon ay isang staff ang pumasok sa workroom. “Miss Navarro, the CEO wants you in the boardroom. Now.”Napalunok ako. Ito na ba ‘yon? 'Yong meeting na matatanggal ako?Pagbukas ko ng pinto ng boardroom, puro matatandang lalaki at babae ang nakaupo. Nakaupo sa head chair si Sebastian, parang walang nangyari, nakasuot ng perfect dark suit na para bang galing sa isang magazine cover.“Mr. Hale,” wika ng isa sa shareholders, “care to explain why your name and this… employee’

  • THE TYCOON'S REBEL   Through The Lens

    Tahimik ang gabi sa penthouse. Nasa guest room ako, nakahiga, pero hindi mapakali. Kahit anong pihit ko ay nararamdaman ko pa rin ang bigat ng nangyari kanina. Hindi ako sanay na may taong nakabantay sa bawat kilos ko — lalo na kung ‘yong taong iyon ay si Sebastian Hale.Pumikit na lang ako at pilit na inaalis sa isip ang matatalim niyang tingin… at ‘yong pagkaka-rescue niya sa akin kanina.Ngunit ilang minuto pa lang ang nakalilipas ay may narinig naman akong kakaibang tunog. Hindi ito normal na hum ng aircon o city traffic. Ito’y parang whirrr — mabilis, paikot-ikot.Dala ng kuryosidad ay bumangon ako at saka lumapit sa bintana. Sa dilim ay may maliit na ilaw akong nakita. Kumikislap. Nang mag-focus ang mata ko ay doon ko lang napagtanto na isa pala 'yong drone. Nakatutok… sa mismong bintana ko.Hindi na ako nag-isip at kaagad nang tumakbo palabas, diretso sa living area kung saan naroon si Sebastian, nakaupo at nakatutok sa kaniyang laptop.“Sebastian!” hingal kong sabi. “May drone

  • THE TYCOON'S REBEL   Shadows On The Street

    Kinabukasan, nagmamadali akong pumasok sa hotel. Dalawang cup ng kape ang hawak ko — isa para sa sarili ko at isa para kay Lara, ang best friend kong receptionist sa lobby. Pagdating ko sa security desk, ngumiti siya nang malapad.“Uy, late ka ah. Hangover?” biro niya.“Hindi,” sagot ko, iniabot ang kape. “Just… bad dreams.”Pag-ikot ko para dumiretso sa staff entrance, narinig ko ang mahina niyang sigaw. “Isla, teka! Naiwan mo 'to, oh.”Paglingon ko ay hawak niya na ang puting sobre.Kumunot ang noo ko. “Where’d you get that?”“Nahulog galing sa bag mo.” Binaligtad niya at hinugot ang picture. Nang makita ang larawan ng natutulog kong sarili, nanlaki ang mata niya. “Oh my god, Isla! Sino'ng kumuha nito?”Mabilis ko itong kinuha sa kamay niya at isinuksok pabalik sa sobre. “It’s nothing.”“Nothing? Girl, that’s straight-up creepy!”“I said, it’s fine,” madiin kong sagot. Ayaw kong lumaki ang issue. At mas lalong ayaw kong magkaroon ng dahilan si Sebastian para sabihing, I told you so.

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status