Kinabukasan, nagmamadali akong pumasok sa hotel. Dalawang cup ng kape ang hawak ko — isa para sa sarili ko at isa para kay Lara, ang best friend kong receptionist sa lobby. Pagdating ko sa security desk, ngumiti siya nang malapad.“Uy, late ka ah. Hangover?” biro niya.“Hindi,” sagot ko, iniabot ang kape. “Just… bad dreams.”Pag-ikot ko para dumiretso sa staff entrance, narinig ko ang mahina niyang sigaw. “Isla, teka! Naiwan mo 'to, oh.”Paglingon ko ay hawak niya na ang puting sobre.Kumunot ang noo ko. “Where’d you get that?”“Nahulog galing sa bag mo.” Binaligtad niya at hinugot ang picture. Nang makita ang larawan ng natutulog kong sarili, nanlaki ang mata niya. “Oh my god, Isla! Sino'ng kumuha nito?”Mabilis ko itong kinuha sa kamay niya at isinuksok pabalik sa sobre. “It’s nothing.”“Nothing? Girl, that’s straight-up creepy!”“I said, it’s fine,” madiin kong sagot. Ayaw kong lumaki ang issue. At mas lalong ayaw kong magkaroon ng dahilan si Sebastian para sabihing, I told you so.
Last Updated : 2025-08-13 Read more