Home / Romance / THE TYCOON'S REBEL / The Lion's Den

Share

The Lion's Den

Author: RosenPen
last update Last Updated: 2025-08-13 17:10:37

Halos lahat ng mga mata ay nakatutok sa akin pagpasok ko sa kumpanya. Hindi ko alam pero parang nakaramdam kaagad ako ng init gayong air-conditioned naman ang buong building. Binilisan ko na lang ang paglalakad ko dahil hindi ko na kinakaya ang bigat ng mga titig ng ibang nga empleyado sa akin dahil nga sa kumakalat na balita tungkol sa amin ni Sebastian.

Maging sa department namin ay pinagbubulungan ako ng mga tao. Pinilit ko na lang ang sarili kong huwag silang pansinin at atupagin na lang ang trabaho ko. Ngunit hindi ko pa man nabubuksan ang computer ko ay bigla namang may tumawag sa akin at sinabing pinapupunta ako sa top floor.

Kung hindi ako nagkakamali ay 'yon ang floor kung nasaan ang opisina ng big boss na si Sebastian, at hindi ko alam kung ano'ng rason ng pagpapapunta niya sa akin doon. Usually, kapag may tawag mula sa executive office, ibig sabihin may mali ka — at kung si Sebastian Hale ang tatawag, ibig sabihin, career funeral.

“Good luck,” bulong ng receptionist habang sumasakay ako ng elevator. Hindi ko alam kung sincere o sarkastiko, pero either way, hindi nakatulong.

Pagbukas ng elevator doors, parang ibang mundo ang pumasok sa paningin ko — marble floors, glass walls, at amoy na hindi mabibili sa department store. Isang babae na mukhang modelo ang tumayo mula sa desk at ngumiti nang tipid.

“Miss Navarro? Mr. Hale is expecting you,” sabi niya, sabay turo sa malaking double doors.

Huminga ako nang malalim.

'Kaya mo ‘to, Isla.'

Pagpasok ko ay kaagad ko naman siyang namataan — nakatayo sa harap ng floor-to-ceiling window habang nakatalikod sa gawi ko na para bang isang eksena sa pelikula. Nang marinig niya ang pag-click ng pinto ay saka lang siya humarap sa gawi ko.

“Miss Navarro,” bati niya, malamig ang boses. “Sit.”

“Kung okay lang, mas gusto kong nakatayo,” sagot ko. "And mind you, hindi ako isang aso na puwede mong utusan nang ganiyan."

Tumaas ang isa niyang kilay. “Suit yourself, then.” Umupo siya sa swivel chair niya at pinagmasdan ako. “Do you know why you’re here?”

“No. Pero kung tungkol ‘to sa nangyari kagabi—”

“It’s not just about last night.” Pinutol niya ako, at tumagilid sa upuan. “We have a problem. Someone has been leaking internal information to Vincent Marlowe.”

Napakunot ang noo ko. “And what does that have to do with me?”

“Because,” yumuko siya at may kinuha mula sa desk drawer, “the leak seems to be coming from your department.” Inilapag niya ang folder sa mesa. “And your name came up.”

Napasinghap ako. “Excuse me? Are you accusing me?”

“Not accusing,” aniya, walang emosyon sa mukha. “Just… considering possibilities.”

Naningkit ang mga mata ko. “Well, consider this: I have zero reason to help your corporate rival. Wala nga akong alam sa mga high-level deals niyo. Event coordinator ako, hindi corporate spy.”

Umikot ang swivel chair niya nang bahagya, para bang sinusuri kung nagsasabi ako ng totoo. “Then maybe you’d like to prove your loyalty.”

“Prove?”

“I’ll pay you handsomely if you work for me. Undercover. Get close to Marlowe’s people. Feed them the information I want them to hear. In short, play double agent.”

Napatawa ako, pero hindi sa tuwang paraan. “So you drag me in here to accuse me… then offer me money para gawin ang trabaho mo? Wow. Classy.”

“Business,” sagot niya. “Not personal.”

“Well, personally, I’m offended.”

Bumuntong-hininga siya, parang nainis na. “You’re good at reading people, Miss Navarro. You proved that last night and I need that skill.”

“And I need to not be insulted by my boss,” sagot ko, sabay cross ng arms. “Kung gusto mong mag-hire ng spy, maghanap ka ng willing. I’m not for sale.”

Tumahimik siya sandali, nakatitig sa akin. “You’ll regret saying no.”

“Maybe. Pero at least I can still sleep at night.”

Tinabig ko ang upuan sa harap ng mesa niya at lumakad palabas, maririnig ang mahina niyang pagtawa. “You’re trouble, Navarro.”

“Better than being a sellout,” sagot ko bago isinara ang pinto.

Paglabas ko ng opisina, naglakad ako nang mabilis papunta sa elevator, pero napansin kong may isang lalaking nakatayo sa gilid ng lobby. Naka-baseball cap at leather jacket siya, at hindi siya mukhang empleyado.

“Miss Navarro?” tanong niya, mababa ang boses.

Nagdalawang-isip akong sumagot. “Sino ka?”

Ngumiti siya nang kaunti at iniabot ang isang puting sobre. “For you.”

Tumingin ako sa paligid, naghahanap kung may nakakakita nito, pero walang nakatingin. “Ano ‘to?”

“Basta… basahin mo,” sagot niya, bago naglakad palayo na parang walang nangyari.

Binuksan ko ang sobre sa loob ng elevator at nang tingnan ko ang laman ay nakita ko ang isang picture.

Ako habang natutulog sa sofa sa maliit kong apartment.

Parang biglang nanlamig ang mga kamay ko nang mga oras na 'yon at aaminin kong noon lang ako nakaramdam ng labis na takot para sa kaligtasan at buhay ko.

Hindi 'yon kuha ng isang kaibigan. Hindi ito kuha ng phone ko. Pero ang anggulo… galing sa loob ng apartment ko, pero hindi ko maalala kung paano dahil mag-isa lang naman ako sa apartment ko palagi.

Mas dumoble pa ang kaba ko nang makita ang nakasulat sa gilid ng picture na, “We’re watching.”

Nabitiwan ko ang sobre at nahulog 'yon sa sahig ng elevator. Wala akong magawa kundi takot na titigan ang sobreng 'yon na hindi ko alam kung kanino ba talaga galing. Pero malinaw sa akin na bina-blackmail ako ng taong nagpadala no'n.

Sa isip ko, naririnig ko pa ang sinabi ni Sebastian kanina.

"You’ll regret saying no."

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • THE TYCOON'S REBEL   Lines We Can't Cross

    Parang biglang natigil ang oras. Nakatayo kami sa gitna ng dilim, habang kumakalat ang malamig na boses mula sa loob mismo ng silid. Sobrang lakas ng pintig ng puso ko na para bang kulog na umaalingawngaw sa loob ng tenga ko.Sebastian’s grip on my wrist tightened, steady and unyielding. Parang siya lang ang nagsisilbing anchor ko habang nilalamon kami ng takot.“Show yourself,” malamig na sabi niya, ang baril niya nakataas, handang pumutok.Mula sa dilim ay narinig ko ang mga yabag ng taong nagsasalita. Ilang sandali lang ay nasa tapat na siya ng bintana, dahilan para makita namin siya nang bahagya sa pamamagitan ng ilaw na nanggagaling sa buwan. Maayos ang kaniyang tindig, naka-suit na perpektong nakayakap sa kaniyang katawan habang ang buhok naman niya ay tila ba nilagyan ng sangkatutak na pomada.“Sebastian Hale,” aniya, naglalakad na parang nasa sarili niyang opisina lang. “The untouchable king of his empire. And yet…” tumigil ang tingin niya sa akin, “…you brought someone fragil

  • THE TYCOON'S REBEL   Sparks in the Dark (Part 3)

    Nagulat ako sa biglaang pagsabog ng ingay mula sa labas. Para akong binuhusan ng malamig na tubig habang nakadikit ako sa sahig, hawak ang gilid ng sofa na para bang doon lang nakadepende ang buhay ko. Nanginginig ang katawan ko at ang mga mata ko ay mariin lang na nakapikit. At nang magdilat ako ay awtomatikong dumapo kay Sebastian ang tingin ko. Para siyang ibang tao nang mga oras na 'yon. Hindi na lang siya ang lalaking nakasuot ng mamahaling suit at laging seryoso... Kundi isang sundalo. Isang protektor. Isang pader sa pagitan ko at ng mga bala sa labas. “Stay low,” madiin niyang bilin habang nakayuko siya, hawak ang baril at nakatingin sa labas ng kurtina. “They’re testing us.” Nanginginig pa rin ang boses ko nang sagutin ko siya. “Testing? You call that testing? Sebastian, they’re shooting at us!” His jaw tightened, but his eyes never left the window. “If they wanted you dead, Isla, you wouldn’t be breathing right now. They want to scare us. To send us a message.” Napakagat

  • THE TYCOON'S REBEL   Sparks in the Dark (Part 2)

    Nanatili akong nakatulala habang umiikot sa isip ko ang mga sinabi niya. Marriage. Ang bigat ng salitang iyon. Parang bomba na biglang sumabog sa katahimikan ng penthouse.Hindi ko alam kung matatawa ba ako o ano. Dahil sa totoo lang, hindi biro ang salitang kasal.“Sebastian…” halos pabulong kong sambit, “…are you out of your mind?”Mataman niya lang akong tiningnan, diretso sa mga mata at bakas ang kaseryosohan. “This is the only way, Isla. If they see a woman by my side — legally bound to me — they’ll think twice before making a move.”Napailing ako. “So, kasal ang solusyon mo? What am I to you, some kind of… shield? A convenient prop?”“You’re more than that.” Diretso niyang sagot. Kalmado ngunit madiin ang bawat pagbitiw niya ng mga salita. Kita ko rin sa mga mata niya ang determinasyon na parang hindi ko na kayang suwayin pa ang mga sinabi niya.Naramdaman ko ang unti-unting paghigpit ng dibdib ko. Parang wala akong hangin. Paano kung totoo ang mga sinasabi niya? Paano kung kasa

  • THE TYCOON'S REBEL   Sparks in the Dark

    Hindi ko na namalayan kung gaano kabilis akong nadala ni Sebastian palabas ng apartment ko. Halos hatakin niya ako papunta sa kotse niya nang hindi man lang nag-aksaya ng oras para magpaliwanag. Para siyang may hinahabol — o may iniiwasan. Mabilibniya akong naisakay at saka kinabitan ng seatbelt bago umikot papunta sa driver's seat. Kita ko ang pag-igting ng panga niya habang pinaaandar ang kotse na para bang hindi niya na talaga nagugustuhan ang mga nangyayari.Tahimik lang kami sa biyahe. Ang tanging naririnig ko lang ay ang malakas na pintig ng dibdib ko at ang malinis na ugong ng makina ng mamahalin niyang sasakyan. Nakatingin lang ako sa labas, pinagmamasdan ang mga ilaw ng siyudad na parang kumikislap habang nadaraanan namin.Maya-maya pa ay siya na mismo ang bumasag sa nakakabinging katahimikan. “You shouldn’t have stayed there alone. Not after what happened.”Napalingon ako. Kita ko ang matalim na panga niya, ang seryosong anyo ng kaniyang mga mata. Para siyang sundalong sanay

  • THE TYCOON'S REBEL   The Trap Between Lies

    Hindi ko na maalala kung gaano katagal na ba akong nakatulala sa hawak kong flash drive. Para akong nahulog sa isang maze na walang exit — bawat daan may tanong, bawat sulok may banta.Dalawa na. Dalawang ebidensya. Dalawang kuwento. Pero alin ang totoo?Napasapo ako sa noo at mariing napapikit. Kung anuman ang nasa loob ng flash drive na ‘to, sigurado akong hindi magugustuhan ni Sebastian na hawak ko 'to. Pero paano kung ito lang ang paraan para malaman ko kung sino talaga siya? Kung anong klase ng tao ba talaga siya?Napalundag na lamang ako nang biglang tumunog ang cellphone ko. Dali-dali ko naman itong nilapitan at saka tiningnan ang caller ID. Ngunit nagtaka ako nang makitang hindi ito naka-register sa contacts ko. Nagdadalawang-isip pa nga ako kung sasagutin ko ba 'yon o hindi. Hindi ko naman kasi talaga ugaling sumagot lalo na't hindi ko kilala ang caller. Nakatitig lang ako sa screen ng cellphone ko hanggang sa mamatay ang tawag. Ngunit ilang sandali pa lang ay muli na naman i

  • THE TYCOON'S REBEL   The Public Lie

    Kinabukasan, halos mabingi ako sa ingay ng cellphone ko. Notifications. Messengers. Emails.Pero ang pinaka-masakit sa mata? Ang headline:#HaleAffair Takes Over Social Media: The Billionaire and the Mystery WomanMay mga blurred drone shots, may mga kuha na parang mula sa balcony ng penthouse, at lahat pare-pareho ang caption: “Hale’s new love interest?”Hindi ko alam kung maiinis ba ako o matatawa. Sa totoo lang, hindi ko nga siya gusto — tapos ngayon, buong mundo akala kami na?Bago ko pa maiproseso ang lahat ng mga 'yon ay isang staff ang pumasok sa workroom. “Miss Navarro, the CEO wants you in the boardroom. Now.”Napalunok ako. Ito na ba ‘yon? 'Yong meeting na matatanggal ako?Pagbukas ko ng pinto ng boardroom, puro matatandang lalaki at babae ang nakaupo. Nakaupo sa head chair si Sebastian, parang walang nangyari, nakasuot ng perfect dark suit na para bang galing sa isang magazine cover.“Mr. Hale,” wika ng isa sa shareholders, “care to explain why your name and this… employee’

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status