Home / Romance / THE TYCOON'S REBEL / Ashes Don't Lie

Share

Ashes Don't Lie

Author: RosenPen
last update Last Updated: 2025-10-13 23:28:31

Mabigat ang hangin nang magising ako. Masyadong tahimik na tipong anumang oras ay may mangyayari na naman.

Paglingon ko sa kabilang gilid ng kama, wala na si Sebastian.

“Seb?” mahinang tawag ko, sabay bangon ngunit walang sumagot.

May naiwan siyang jacket sa upuan, at sa ibabaw nito ay isang piraso ng papel. Pamilyar ang sulat-kamay kaya sigurado akong sa kaniya galing 'yon.

“Went out to check the perimeter. Stay inside. Don’t follow me.”

Napakapit ako sa papel. Ilang saglit lang, naramdaman ko na agad ‘yong pamilyar na kaba sa dibdib. Hindi dahil takot ako, kundi dahil alam kong kapag sinabi niyang don’t follow me, may tinatago siyang mas malalim.

Lumabas ako ng kuwarto. Si Marcus ay gising na rin, hawak ang tablet niya at mukhang may pinapanood.

“Morning,” sabi niya, hindi man lang tumingin.

“Nasaan si Sebastian?” tanong ko.

“Went out an hour ago. May kailangan daw siyang ayusin sa east wing kung saan nagmula ang apoy.”

Tumigil ako. “Marcus… may nakita ka bang kakaiba kagabi bago ta
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • THE TYCOON'S REBEL   The Awakening Code

    Unti-unting kinakain ng apoy ang buong safehouse habang tumatakbo kami sa madilim na kakahuyan. Ang hangin ay amoy pulbura at sinunog na metal. Ramdam ko ang bawat tibok ng puso ko sa lalamunan habang hinahabol namin ang hininga. Si Marcus ay hawak pa rin ang kaniyang tablet habang si Sebastian ay nakataas ang baril, maingat sa bawat hakbang.“Sebastian, saan tayo pupunta?” hingal kong tanong.“May lumang bunker sa ilalim ng ridge,” mabilis niyang sagot. “Doon tayo makakapag-reconnect sa network nang hindi nila mate-trace.”Habang patuloy kami sa pagtakbo, biglang sumabog ang lupa ilang metro sa unahan namin—isang drone missile ang tumama dahilan para mapasigaw ako.“Go! Go!” sigaw ni Sebastian, hinila ako palayo.Nang makarating kami sa isang lumang gusali na halos gumuho na, mabilis niyang sinipa ang pinto. Amoy kalawang at alikabok ang loob. May mga sirang terminal sa paligid at mga lumang cable na parang ugat ng isang matagal nang patay na makina.“Marcus, activate the jammer,” ut

  • THE TYCOON'S REBEL   The Phantom Signal

    Tahimik ang naging biyahe namin pabalik. Tanging ang makina lang ng sinasakyan naming van ang maririnig, habang sa labas ay unti-unti nang sumisikat ang liwanag ng umaga. Ramdam ko pa rin ang lagkit ng natuyong pawis sa balat ko, at ang bigat ng bawat paghinga.Pasimple akong bumaling kay Sebastian. Tahimik lamang siyang nakasandal habang nakatanaw sa labas nh bintana. Si Marcus naman ay walang tigil ang pagtingin sa screen ng kanyang tablet, binabasa ang laman ng mga flash drive na nailigtas namin.“Any luck?” tanong ko, halos pabulong.Umiling si Marcus. “Encrypted lahat. Pero may isa akong nabuksan—isang video feed, 'yon nga lang, corrupted. Ang title file…” tumigil siya sandali bago tumingin kay Sebastian, “…‘Project: Seraph – Phase Two Initiation.’”Muling napatingin si Sebastian sa bintana. “Phase Two…” bulong niya. “So hindi pa tapos ang proyekto.”Habang tumatakbo ang van sa madamong kalsada, bigla kong napansin ang kakaibang tunog mula sa radyo—isang mahina at paulit-ulit na

  • THE TYCOON'S REBEL   The Seraph Protocol (Part 2)

    Hindi na ako nagdalawang-isip. Kinuha ko ang isa sa mga red levers sa dingding, niyakap nang mahigpit at hinila nang buong lakas. Napakapit na lamang ako sa dingding nang bigla na lamang akong nakaramdam ng pagyanig ng lupa.“Marcus, charges!” utos ni Sebastian. Nag-ikot si Marcus, mabilis na kinabit ang maliit na explosive charges sa panel na kumokontrol sa life support ng tangke.Habang gumagawa kami, may dalawang sundalong naka-bugle ang sumulpot mula sa lilim—mga mercenary na nagbabantay sa proyekto. Nagkatinginan kami sandali. Pagkatapos ay hindi na ako nag-isip at isa-isang pinaputukan ang mga kalaban.“Go!” sigaw ni Marcus, at pinindot ko ang detonator. Isang malakas na dagundong ang sumunod. Nawala ang isang bahagi ng kisame at lumagablab ang apoy.Habang tumitindi ang apoy, may kumilos sa isa sa mga boltahe. Ang Seraph-01 ay nagising nang bahagya. Mabilis ang kilos ng humanoid sa loob ng tangke. May kumutitap na ilaw sa mga mata nito, at para siyang umihip ng malamig na hangi

  • THE TYCOON'S REBEL   The Seraph Protocol

    Tila ba huminto ang gabi. Sa labas ng bunker, malamig ang hangin at ang amoy ng abo ay nananatili sa bawat paghinga ko. Pero sa loob, si Marcus ay abala pa rin. Mabilis ang galaw ng mga daliri niya sa keyboard habang sinusubukang buksan pa ang mga encrypted file.Ako naman, hindi mapakali. Hawak ko pa rin ‘yung papel na iniwan ni Sebastian kaninang umaga. “Stay inside,” sabi niya. Pero paano kung sa labas siya nangangailangan ng tulong ngayon?“Marcus,” mahinang sabi ko. “Anong ibig sabihin ng Seraph Protocol?”Hindi siya agad sumagot. Nakatuon pa rin siya sa screen. Sa bawat segundo, lumalalim ang kunot ng noo niya.Pagkatapos ng ilang minuto, tumigil siya. “It’s worse than I thought.”Lumapit ako, tiningnan ang monitor. May mga dokumentong naka-display—mga laboratory records, DNA charts, surveillance photos. At sa gitna ng mga file, ang isang larawan ni Sebastian na naka-profile shot, may mga wire na nakakabit sa ulo at braso niya.“What the hell is that?” halos hindi ako makahinga.

  • THE TYCOON'S REBEL   Ashes Don't Lie

    Mabigat ang hangin nang magising ako. Masyadong tahimik na tipong anumang oras ay may mangyayari na naman.Paglingon ko sa kabilang gilid ng kama, wala na si Sebastian.“Seb?” mahinang tawag ko, sabay bangon ngunit walang sumagot.May naiwan siyang jacket sa upuan, at sa ibabaw nito ay isang piraso ng papel. Pamilyar ang sulat-kamay kaya sigurado akong sa kaniya galing 'yon.“Went out to check the perimeter. Stay inside. Don’t follow me.”Napakapit ako sa papel. Ilang saglit lang, naramdaman ko na agad ‘yong pamilyar na kaba sa dibdib. Hindi dahil takot ako, kundi dahil alam kong kapag sinabi niyang don’t follow me, may tinatago siyang mas malalim.Lumabas ako ng kuwarto. Si Marcus ay gising na rin, hawak ang tablet niya at mukhang may pinapanood.“Morning,” sabi niya, hindi man lang tumingin.“Nasaan si Sebastian?” tanong ko.“Went out an hour ago. May kailangan daw siyang ayusin sa east wing kung saan nagmula ang apoy.”Tumigil ako. “Marcus… may nakita ka bang kakaiba kagabi bago ta

  • THE TYCOON'S REBEL   After the Chaos

    Mag-a-alas singko na ng umaga nang tuluyang tumigil ang usok sa paligid. Ang hangin, amoy abo at pulbura. Ang lupa, basa ng hamog at dugo. Tahimik ang buong paligid, tanging huni ng mga ibon at hampas ng hangin sa nasirang bintana lang ang maririnig.Nasa veranda kami ni Sebastian, parehong pagod, parehong walang tulog. Si Marcus ay abala sa pag-aayos ng mga baril at mga sirang device. Ako naman, nakasandal sa poste, hawak ang isang tasa ng kape na ibinigay ni Seb.“First time ko yatang uminom ng kape pagkatapos ng barilan,” mahina kong biro, pilit tinatawanan ang tensiyon.Ngumiti siya, bakas ang pagod sa mukha. “First time ko rin yatang makakita ng babae na hindi natakot sa gitna ng pagsabog.”“Hindi naman sa hindi ako natakot,” sagot ko, sabay hinga nang malalim. “Ayoko lang na mawala ka sa focus dahil lang kailangan mo akong alalayan.”Sandali siyang natahimik. Tumingin siya sa paligid, sa mga sinunog na halaman, sa mga bakas ng bala sa dingding. “This was supposed to be our quiet

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status