Mag-log inKinabukasan, nagmamadali akong pumasok sa hotel. Dalawang cup ng kape ang hawak ko — isa para sa sarili ko at isa para kay Lara, ang best friend kong receptionist sa lobby. Pagdating ko sa security desk, ngumiti siya nang malapad.
“Uy, late ka ah. Hangover?” biro niya. “Hindi,” sagot ko, iniabot ang kape. “Just… bad dreams.” Pag-ikot ko para dumiretso sa staff entrance, narinig ko ang mahina niyang sigaw. “Isla, teka! Naiwan mo 'to, oh.” Paglingon ko ay hawak niya na ang puting sobre. Kumunot ang noo ko. “Where’d you get that?” “Nahulog galing sa bag mo.” Binaligtad niya at hinugot ang picture. Nang makita ang larawan ng natutulog kong sarili, nanlaki ang mata niya. “Oh my god, Isla! Sino'ng kumuha nito?” Mabilis ko itong kinuha sa kamay niya at isinuksok pabalik sa sobre. “It’s nothing.” “Nothing? Girl, that’s straight-up creepy!” “I said, it’s fine,” madiin kong sagot. Ayaw kong lumaki ang issue. At mas lalong ayaw kong magkaroon ng dahilan si Sebastian para sabihing, I told you so. Pinilit kong magpaka-normal buong araw, kahit na ramdam ko ang bigat ng sobre sa loob ng bag ko. Itinutok ko na lang ang sarili sa trabaho at effective naman dahil kahit sandali ay nawaksi sa isipin ko ang bagay na 'yon. Pagdating naman ng hapon, paglabas ko ng building ay ramdam ko ang samyo ng malamig na hangin. Ngunit may kumakapit na takot sa batok ko — 'yong parang alam mong may nakamasid sa’yo. Pumasok ako sa subway entrance, pero paglingon ko, nandoon siya. Yung lalaking nag-abot ng sobre kahapon. Nakasunod siya sa distansya, parang hindi nagmamadali pero hindi rin nawawala sa paningin. Pinabilis ko ang lakad ko, bumalik sa street level. Doon ko nakita ang black SUV na biglang humarang sa sidewalk. Kaagad naman akong napaatras nang makita kong bumukas ang pinto at dalawang lalaking naka-itim ang bumaba. “Miss Navarro,” malamig ang tono ng isa. “Come with us.” At bago ko pa maisipang sumigaw ay may isa pang sasakyan na huminto sa kabilang lane — isang sleek, dark sedan. Bumukas ang pintuan at lumabas si Sebastian, naka-three-piece suit na parang wala lang. Pero ang mata niya… matalim. “She’s with me,” aniya sa mga lalaking nakaharang sa akin. “Private matter,” sagot ng isa, pero hindi umalis. Lumapit si Sebastian, dahan-dahan pero mabigat ang presensya. “If you don’t move in the next five seconds, this becomes a public matter. Complete with police department, legal action, and your faces on every news outlet by morning.” Saglit na binalot ng katahimikan ang buong paligid. Tinitigan siya ng mga lalaki, pagkatapos ay sumakay pabalik sa SUV at umalis na parang walang nangyari. Humarap siya sa akin. “Get in the car, Isla.” “Sebastian, I—” “Now.” Sa tono niyang 'yon ay alam kong walang puwang para tumanggi. Wala na nga akong nagawa kundi ang sumakay, at bago pa ako makapagsalita, pinaandar na niya ang sasakyan. Hindi ko maiwasang mapapikit nang maamoy ko ang loob, amoy leather at faint cologne na parang signature scent niya. Tahimik lang siya habang nagmamaneho, pero ramdam ko ang tensyon sa pagitan namin. “Care to explain,” basag niya sa katahimikan, “why some men just tried to take you?” Huminga ako nang malalim. “I think… it’s connected to the photo.” “What photo?” Huminga muna ako nang malalim bago inilabas ang sobre mula sa bag ko at kunin sa loob no'n ang picture saka iniabot sa kaniya. Kunot-noo niya naman 'yong binalingan bago kunin sa akin gamit ang kaniyang kanang kamay habang ang kaliwa ay nakahawak sa steering wheel. Nang makita niya ang larawan ay kagyat na umigting ang panga niya. “This was taken inside your apartment?” “Yes. I live alone. I didn’t give anyone a key.” Napatingin siya sa akin, seryoso. “You should’ve told me yesterday.” “I didn’t want to give you the satisfaction of saying ‘I told you so.’” Isang gilid ng labi niya ang tumaas. “Too late for that. I did tell you so.” “Wow. Great bedside manner for someone supposedly concerned about my safety.” Huminto ang sasakyan sa harap ng isang high-rise building. Hindi ito hotel. Hindi ito opisina. “Where are we?” tanong ko. “My place,” sagot niya, bumaba at binuksan ang pinto sa side ko. “You’re staying here until I say otherwise.” Hindi ko alam kung paano niya ako napapayag na sumunod sa kaniya, pero nadatnan ko na lang ang sarili kong naglalakad kasama siya papasok sa isang private elevator na diretso sa penthouse. Pagbukas ng pinto, bumungad ang isang modern, glass-and-steel na espasyo na parang cover ng architectural magazine. “You can’t just… abduct me into your condo, Sebas— I mean, Mr. Hale,” reklamo ko. “This isn’t an abduction. This is protection,” sagot niya, iniiwas ang coat. “Unless you prefer being dragged into an SUV by strangers again.” Napasimangot ako pero hindi nakasagot. “Guest room’s on the left,” dagdag niya. “Security’s tight here. No one gets in without me knowing.” Umupo siya sa sofa, hawak pa rin ang picture. “Tomorrow, you’ll tell me everything. Every detail, every suspicion, every name. Tonight, you rest.” “And if I refuse?” Tumaas ang kilay niya. “Then I’ll have to watch you 24/7 myself.” Nagsalubong ang tingin namin. Hindi ko alam kung pananakot ‘yon o pang-aakit. Pero bago pa ako makasagot ay tumunog ang phone niya. Kinuha niya naman ito at sagot agad. “This is Hale,” malamig niyang sabi. Saglit siyang nakinig, at may bahagyang pagbabago sa ekspresyon niya — parang nagulat pero pinipigilan. Pagbaba ng tawag, tumingin siya sa akin. “They know where you work. And now…” huminto siya sandali, “they know where you live.”Unti-unting kinakain ng apoy ang buong safehouse habang tumatakbo kami sa madilim na kakahuyan. Ang hangin ay amoy pulbura at sinunog na metal. Ramdam ko ang bawat tibok ng puso ko sa lalamunan habang hinahabol namin ang hininga. Si Marcus ay hawak pa rin ang kaniyang tablet habang si Sebastian ay nakataas ang baril, maingat sa bawat hakbang.“Sebastian, saan tayo pupunta?” hingal kong tanong.“May lumang bunker sa ilalim ng ridge,” mabilis niyang sagot. “Doon tayo makakapag-reconnect sa network nang hindi nila mate-trace.”Habang patuloy kami sa pagtakbo, biglang sumabog ang lupa ilang metro sa unahan namin—isang drone missile ang tumama dahilan para mapasigaw ako.“Go! Go!” sigaw ni Sebastian, hinila ako palayo.Nang makarating kami sa isang lumang gusali na halos gumuho na, mabilis niyang sinipa ang pinto. Amoy kalawang at alikabok ang loob. May mga sirang terminal sa paligid at mga lumang cable na parang ugat ng isang matagal nang patay na makina.“Marcus, activate the jammer,” ut
Tahimik ang naging biyahe namin pabalik. Tanging ang makina lang ng sinasakyan naming van ang maririnig, habang sa labas ay unti-unti nang sumisikat ang liwanag ng umaga. Ramdam ko pa rin ang lagkit ng natuyong pawis sa balat ko, at ang bigat ng bawat paghinga.Pasimple akong bumaling kay Sebastian. Tahimik lamang siyang nakasandal habang nakatanaw sa labas nh bintana. Si Marcus naman ay walang tigil ang pagtingin sa screen ng kanyang tablet, binabasa ang laman ng mga flash drive na nailigtas namin.“Any luck?” tanong ko, halos pabulong.Umiling si Marcus. “Encrypted lahat. Pero may isa akong nabuksan—isang video feed, 'yon nga lang, corrupted. Ang title file…” tumigil siya sandali bago tumingin kay Sebastian, “…‘Project: Seraph – Phase Two Initiation.’”Muling napatingin si Sebastian sa bintana. “Phase Two…” bulong niya. “So hindi pa tapos ang proyekto.”Habang tumatakbo ang van sa madamong kalsada, bigla kong napansin ang kakaibang tunog mula sa radyo—isang mahina at paulit-ulit na
Hindi na ako nagdalawang-isip. Kinuha ko ang isa sa mga red levers sa dingding, niyakap nang mahigpit at hinila nang buong lakas. Napakapit na lamang ako sa dingding nang bigla na lamang akong nakaramdam ng pagyanig ng lupa.“Marcus, charges!” utos ni Sebastian. Nag-ikot si Marcus, mabilis na kinabit ang maliit na explosive charges sa panel na kumokontrol sa life support ng tangke.Habang gumagawa kami, may dalawang sundalong naka-bugle ang sumulpot mula sa lilim—mga mercenary na nagbabantay sa proyekto. Nagkatinginan kami sandali. Pagkatapos ay hindi na ako nag-isip at isa-isang pinaputukan ang mga kalaban.“Go!” sigaw ni Marcus, at pinindot ko ang detonator. Isang malakas na dagundong ang sumunod. Nawala ang isang bahagi ng kisame at lumagablab ang apoy.Habang tumitindi ang apoy, may kumilos sa isa sa mga boltahe. Ang Seraph-01 ay nagising nang bahagya. Mabilis ang kilos ng humanoid sa loob ng tangke. May kumutitap na ilaw sa mga mata nito, at para siyang umihip ng malamig na hangi
Tila ba huminto ang gabi. Sa labas ng bunker, malamig ang hangin at ang amoy ng abo ay nananatili sa bawat paghinga ko. Pero sa loob, si Marcus ay abala pa rin. Mabilis ang galaw ng mga daliri niya sa keyboard habang sinusubukang buksan pa ang mga encrypted file.Ako naman, hindi mapakali. Hawak ko pa rin ‘yung papel na iniwan ni Sebastian kaninang umaga. “Stay inside,” sabi niya. Pero paano kung sa labas siya nangangailangan ng tulong ngayon?“Marcus,” mahinang sabi ko. “Anong ibig sabihin ng Seraph Protocol?”Hindi siya agad sumagot. Nakatuon pa rin siya sa screen. Sa bawat segundo, lumalalim ang kunot ng noo niya.Pagkatapos ng ilang minuto, tumigil siya. “It’s worse than I thought.”Lumapit ako, tiningnan ang monitor. May mga dokumentong naka-display—mga laboratory records, DNA charts, surveillance photos. At sa gitna ng mga file, ang isang larawan ni Sebastian na naka-profile shot, may mga wire na nakakabit sa ulo at braso niya.“What the hell is that?” halos hindi ako makahinga.
Mabigat ang hangin nang magising ako. Masyadong tahimik na tipong anumang oras ay may mangyayari na naman.Paglingon ko sa kabilang gilid ng kama, wala na si Sebastian.“Seb?” mahinang tawag ko, sabay bangon ngunit walang sumagot.May naiwan siyang jacket sa upuan, at sa ibabaw nito ay isang piraso ng papel. Pamilyar ang sulat-kamay kaya sigurado akong sa kaniya galing 'yon.“Went out to check the perimeter. Stay inside. Don’t follow me.”Napakapit ako sa papel. Ilang saglit lang, naramdaman ko na agad ‘yong pamilyar na kaba sa dibdib. Hindi dahil takot ako, kundi dahil alam kong kapag sinabi niyang don’t follow me, may tinatago siyang mas malalim.Lumabas ako ng kuwarto. Si Marcus ay gising na rin, hawak ang tablet niya at mukhang may pinapanood.“Morning,” sabi niya, hindi man lang tumingin.“Nasaan si Sebastian?” tanong ko.“Went out an hour ago. May kailangan daw siyang ayusin sa east wing kung saan nagmula ang apoy.”Tumigil ako. “Marcus… may nakita ka bang kakaiba kagabi bago ta
Mag-a-alas singko na ng umaga nang tuluyang tumigil ang usok sa paligid. Ang hangin, amoy abo at pulbura. Ang lupa, basa ng hamog at dugo. Tahimik ang buong paligid, tanging huni ng mga ibon at hampas ng hangin sa nasirang bintana lang ang maririnig.Nasa veranda kami ni Sebastian, parehong pagod, parehong walang tulog. Si Marcus ay abala sa pag-aayos ng mga baril at mga sirang device. Ako naman, nakasandal sa poste, hawak ang isang tasa ng kape na ibinigay ni Seb.“First time ko yatang uminom ng kape pagkatapos ng barilan,” mahina kong biro, pilit tinatawanan ang tensiyon.Ngumiti siya, bakas ang pagod sa mukha. “First time ko rin yatang makakita ng babae na hindi natakot sa gitna ng pagsabog.”“Hindi naman sa hindi ako natakot,” sagot ko, sabay hinga nang malalim. “Ayoko lang na mawala ka sa focus dahil lang kailangan mo akong alalayan.”Sandali siyang natahimik. Tumingin siya sa paligid, sa mga sinunog na halaman, sa mga bakas ng bala sa dingding. “This was supposed to be our quiet







