LOGIN"OH, bakit? Gustong makita ni Ethan ang triplets. Anong masama doon?" Napatigil si Anastacia at tumingin kay Ethan. "Wala nga po, Mommy. Pero, bakit kailangan niyang makita ang mga anak ko? Labas ang triplets sa usapan naming dalawa..." nababahalang sabi niya. Nilapitan ni Victoria ang anak at hinawakan ito sa kamay. "Anak, huminahon ka nga. Kung ano-ano ang iniisip mo. Gusto lang makita ni Ethan ang triplets," sabi niya at tumingin sa binata. "Di ba, Ethan?" Marahang tumango si Ethan. "Opo. Iyon lang po ang pakay ko sa triplets. Kung papayagan niyo po ako na makausap sila, iyon na lang din po ang hihingiin ko sa inyo." "Kita mo na, Anastacia? Among problema doon?" Nakangiting sabi ni Victoria sa anak. Umiling si Anastacia. "Wala po." Saglit siyang tumingin kay Ethan. Hindi pa rin niya lubos na maintindihan kung bakit biglang interesado itong makausap ang mga anak niya. Pero dahil naroon ang kaniyang mga magulang, ayaw na niyang palakihin pa ang usapan. "Pero sandali lang po,
KINABUKASAN, nagulat si Anastacia sa mga bisitang bumungad sa kanya. Nakaupo si Ethan Monteverde sa sofa nila, katabi ang assistant nitong si Mark at parang mga kaibigan ng dating amo. "Anastacia, may mga bisita ka pala..." tila may kakaibang kislap ng mata si Victoria at napabaling sa kanyang anak saka muling tumingin sa mga binata. Apat na mga good looking guy. Ang aga-aga nilang pumarito sa kanilang bahay. Ang nasa isip ni Victoria, ano kaya ang sadya ng mga binatang ito sa kaniyang anak na si Anastacia? "Good morning po, Tita Victoria..." magalang na bati ni Ethan na tumayo pa. Napangiti si Victoria habang si Anastacia ay napaikot ang eyeballs. "Maupo ka, hijo. Ipaghahanda ko kayo ng maiinom..." sabi niya at napatingin sa anak. "Anastacia, estimahin mong maigi ang mga bisita mo..." "Mom..." Lumapit si Victoria sa anak at bumulong. "Bisita sila kaya maging mabait ka. Kalimutan mo muna ang nangyari sa inyo ni Ethan." Pagkasabi niyon ni Victoria ay umalis na siya para pumunta
NAGISING si Ethan na masakit na masakit ang kanyang ulo. Napabangon siya sa kama na hawak ang kanyang sintido. Pero nagulat siya at napaatras sa bumungad sa kanya. "Good morning, son. It's already ten o'clock in the morning..." bati ni Veronica at nag-alis ng kanyang sunglasses. Nakaupo siya, nasa tabi niya, ang asawang si Lorenzo at sa kabila naman si Evelyn, ang kambal ni Ethan. "What happened? Why do all of you are inside my room? Paani kayo nakapasok?" Nagtatakang mga tanong niya. "Bro, mayroon ka bang sasabihin sa amin?" Nakataas ang kilay na tanong ni Evelyn. Umagang-umaga ay inistorbo siya ng ina at pinapauwi siya sa mansyon. May malaking sorpresa raw ang kambal niya sa kanila. Masunurin siya kaya andito siya ngayon. "Huh? Ano naman iyon?" mga tanong ni Ethan. "Ethan, how could you hide something from us?" Pagalit na tanong ni Lorenzo sa anak. Napaamqng si Ethan sa naging reaksyon ng ama. "What are you talking about, Dad?" "Don't act like you don't know what I'm talki
"YES!" Mabilis na sagot ni Veronica na ngumiti ng malaki. Umupo si Lorenzo sa sofa na tila kailangan muna niyang iproseso ang sinabi ng asawa. "Kailan pa nagkaroon ng anak si Ethan natin? Bakit hindi niya dinadala rito sa mansyon?" Sunod-sunod na tanong ni Lorenzo. Medyo tumaas ang boses niya. "Walang Monteverde na bastardo. Hindi maaaring may Monteverde na anak sa labas," madiing sabi pa ni Lorenzo. Napangiti nang bahagya si Veronica. "Ano ba 'yang sinasabi mo, Lorenzo. Hindi sila bastardo. May ama sila, ang ating anak na si Ethan," pagtatama ni Veronica. Natigilan si Lorenzo. Naguguluhan siya sa sinasabi nito. "Bakit hindi natin nalaman ang tungkol sa anak ni Ethan? Napaka-iresponsable niyamg ama. Pinabayaan niya ang anak niya nang ganoon," galit na ang tomo niya. "Anak sila ni Anastacia. Hindi ko pa alam ang buong kuwento, Lorenzo. Pero ang mahalaga alam na natin na may anak pala talaga si Ethan natin kay Anastacia." Lalong nanlaki ang mga mata ni Lorenzo. "Anastacia?" "
LAYLAY ang ulo ni Ethan na umuwi sa mansyon. Akay-akay siya nina Luca at Mark.Nagulat si Veronica na makita ang anak na lasing na lasing. Hindi na ito makalakad, tanggal ang ilang butones ng polo niya. Hindi na nga niyang makilala na anak niya."What happened to my son?" Nag-aalalang tanong ni Veronica. "May problema ba siya?" Dagdag na tanong niya.Napatingin ang dalawang binata sa ginang."He's drunk," sagot ni Luca."Drunk?" Napalapit si Veronica kay Ethan. "Bakit naman siya nagpakalasing nang ganito?""Nag-celebrate po," sagot ni Mark."Celebrate what?"Napatingin sina Luca at Mark sa isa't isa. Pareho silang nagdalawang-isip kung sila ba ang magsasabi o si Ethan mismo."Mom..." mahinang sambit ni Ethan.Agad siyang nilapitan ni Veronica."Anak, anong nangyari sa iyo?"Ngumiti si Ethan habang nakapikit ang mga mata."I have kids, Mom."Natigilan si Veronica."What?""I have three kids."Nanlaki ang mga mata ng ginang."Three?"Tumango si Ethan at halos bumagsak sa balikat ni Luca
MALAYO pa lang, iba na ang ngiti ni Ethan habang papalapit sa kanyang mga kaibigan. Nirentahan na ang buong bar para i-celebrate ni Ethan ang araw na ito bilang isang ganap na ama. Nahuli man pero deserve niyang maging masaya ngayong alam niyang may mga anak na pala siya. "Ethan! Congratulations!" Sabay na bati nina Luca at Damien, saka inabot ang isang bote ng beer sa kaibigan. Kinuha iyon ni Ethan at tinungga. Wala siyang itinira, kahit patak. "Grabe ka naman. Dahan-dahan!" natatawang sabi ni Luca. "I've waited five years to know that I have kids. Let me celebrate," sagot ni Ethan habang pinupunasan ang labi. Napailing si Damien. "So, confirmed na talaga?" Tumango si Ethan. May kinuha si Ethan sa bulsa ng coat niya. Nai-print niya ang DNA results na nakuha niya mula sa laboratory. "They're my sons. And my daughter." Malawak na napangiti sina Luca at Damien. "Finally," sabi ni Luca. "May sarili ka nang pamilya." Napatingin si Ethan sa kaibigan. Hindi niya napigilang ngum







