Napalaki ang mga mata ni Dansel nang makalapit na sila sa gitna. Kahit si Dianne ay parang hindi rin makapaniwala, this is the second time na gawin iyon, akala niya wala itong effort na gagawin pero sobra sobra pa pala sa inaakala niya. Oo, si DJ iyon! Hindi lang todo, kundi extra effort. Nakita niyang nasa likod ni DJ sina Kier, Don Virgilio at Donya Consuelo at ang tatlong mga ito ay may hawak na bulaklak. Pare-parehong red roses ang hawak ng tatlo. Samantalang si DJ naman ay may hawak na mikropono, ilang saglit aynarinig niya ang pag umpisa ng musika. Everyday I Love You ng na kanta ng Boyzone. Narinig niyang nag-umpisang kumanta si DJ. I don't know, but I believe,That some things are meant to be,And that you'll make a better me,Everyday I love you.I never thought that dreams came trueBut you showed me that they do,You know that I learn somethng new,Everyday I love you.'Cos I believe that destiny,Is out of our control,And you'll never live until you love,With all your
Hindi napigilan ni Gemma ang inis at galit na nararamdaman ng makita ang video ni DJ at Dianne na napanood niya. Makita niyang kumanta si DJ na nilalambing si Dianne. Kaya nahagis niya ang hawak na cell phone. Oo, inis na inis siya dahil na rin sa inggit kay Dianne. Nagseselos siya dahil malambing si DJ kay Dianne. Oo, inaamin niya gusto niya si DJ. Matagal na niyang gusto simula pa ng high school sila. Magkababata silang apat; nina Kier, DJ, sila ng kambal niyang si Gerlie. Since maliliit pa lamang sila ay sabay-sabay silang lumaki doon sa Germany. Lihim na niyang crush si DJ dahil bukod sa gwapo ito at mayaman ay napaka-talented pa dahil magaling itong kumanta at sumayaw. Sa katunayan nga eh, sa tuwing magprakticed ito ng sayaw o kanta noon ay kinikilig sya habang na nonood sa lalaki. Ngunit noong college na sila ay lihim siyang nasaktan nang malaman niyang dalawa na sina DJ at Gerlie. Lumayas siya sa kanilang bahay dahil malaki ang hinanakit niya sa kanyang mga magulang. Sabi nila
‘’Alam ko na friend kung ano ang gagawin natin para maging okay na ulit ang friendship nating apat,’’ sabi ni Dansel sa kanya habang nakangiti. Tulad niya ay mukhang desperado na rin ito, lahat na lang ay gagawin para manumbalik ang friendsip nila.Miss na ,miss niya na ang dating sila, na miss na niyang kasama si Athena, si Amy at na miss niya ng magkasama silang apat lalo na sa mga friendship dates nila.‘’pano kaya kung gayahin natin ang ginawa ni DJ? Ang pagsuyo niya sayo, susuyuin din natin sina Athena at Amy’’ pukaw ni Dansel sa katahimikan ni Dianne, okupado kasi ang isip niya sa mga ala-alang magkasama pa silang apat.‘’Effective kaya yan?’’ tanong ni Dianne.Nakita niyang umiba ang ekspresyon ng mukha ni Dansel.‘’Seguro, naging effective sayo ang ginawa ni DJ di ba?’’ Wika ni Dansel na hindi maikakaila ang pagkadesperado nito sa mukha.‘’Pupunta tayo sa kanilang bahay at magdala tayo ng karaoke at microphone, kung hindi tayo papasukin sa bahay nila. E, di sa labas na lang tay
Nang makita ni Athena na papalapit sa kanya si Gemma aymabilis niyang pinahiran ang luha sa pisngi at inayos ang mukha. Para hindi nito mahalata na umiyak siya.‘’Athena. Pwede mo bang kausapin ang mga kaibigan mo sa labas?’’ tanong ni Gemma sa kanya ng makalapit ito.‘’Baka kasi makaisturbo sa mga kapit-bahay dahil maingay, nakakahiya sa mga kapit bahay nyo,’’ dagdag pa ni Gemma.Naisip ni Athena na tama nga si Gemma, nasa labas pa naman ng gate nila sina Dianne at Dansel.Simula na maging magkaibigan sila ni Gemma ay halos araw araw itong nasa bahay nila.Inutusan niya ang katulong na pagsabihan ang guard na pahintuin sina Dianne at Dansel. Kaya naman ginawa rin ng katulong ang sinabi ni Athena.Napahinto sina Dianne at Dansel nang sabihan sila ng guard, malungkot at nagngingitngit ang damdamin ni Dansel habang inaayos ang mga gamit na ginamit nila sa kanilamg pagpapatugtog.‘’Hindi ko talaga maintindihan kung bakit ganoon na ang turing sa atin ni Athena, parang wala tayong pinagsa
Hinintay ni Dianne si DJ na umuwi, naligo muna siya dahil feeling niya ay mainit at malagkit ang katawan. Paglabas niya ng banyo ay nakarating na ang asawa.‘Nandito ka na pala, ang aga mo yata, babe?’’ Tanong ni Dianne kay DJ.‘’Oo, sinadya ko talagang umuwi ng maaga at isa pa wala naman ako masyadong gawin sa trabaho. Na-miss lang din kita, babe,’’ wika ni DJ at humalik sa pisngi ng asawa, nakasanayan na nitong humalik sa asawa sa tuwing uuwi ito simula nang ikinasal sila ni Dianne.‘Hmmm…bango ng asawa ko, halatang bagong ligo,’’ sabi ni DJ ng makalapit kay Dianne at maamoy nito.‘’Mainit kasi kaya naligo nalang ako at feeling ko kasi ang lagkit ng aking katawan, kaya nagcold shower ako. ‘’ Sabi ni Dianne.Ilang saglit ay tumunog ang cell phone ni Dianne. Text message iyon mula kay Gemma.‘’Umuwi na ako dito sa bahay ng mga magulang ko. Thank you nga pala sa adviced mo kanina sa akin,’’ binasa iyon ni Dianne na narinig din ni DJ.‘’Magkasama pala kayo ni Gemma,’’ wika ni DJA na umi
‘’Okey naman kami, salamat nga pala ha?’’ Sabi ni Gemma, kasalukuyan silang nasa National Bookstore para maghanap ng Happy Mother’s Day Letter para ibigay sa ina nito. Nagpatulong si Gemma sa kanya dahil bukas ay mother’s day na. Gusto raw nito bigyan ang ina, pumili na lang din siya ng ibibigay sa kanyang ina. Gusto niya rin na bigyan ang kanyang ina. Dahil gusto niyang maging masaya ito sa araw ng mga ina, ipapadala niya na lang sa Bacolod sa kanilang bahay. Bilhan niya na lang din ng gift, balak niyang bilhan ng kwentas na regalo sa ina, pure gold. Saka magpapadala siya ng pera para makahanda sa bahay nila at saka cake. Tatawagan niya mamaya ang bunsong kapatid niya na ito ang bahalang mag-asikaso, sasabihin niya sa kapatid na sorpresahin ang ina, ang bunsong kapatid niya ang kokontakin dahil alam niyang ito na lamang na kapatid niya ang naiwan sa kanilang bahay, mahilig kasi ang nanay niya sa dramatic effect at mga sorpresa. Alam niyang nagsibalikan na sa kani-kanilang trabaho ang
Umiiyak si Donya Consuelo nang tumawag kay DJ. Pauwi na nang mga sandaling iyon si DJ galing sa kanyang trabaho nang tumawag ang kanyang ina, umiiyak ito. Nasa nilang mag-asawa ang mga magulang niya, naroroon ang ama at ina sa kanilang bahay upang pigilan si Dianne dahil nag-empake na ang kanyang asawa, aalis na raw ito. Huminga siya ng malalim habang nagmsamaneho, binilisan niya ang pagpapatakbo ng sasakyan baka hindi niya maabutan ang kanyang minamahal na asawa. Nang malapit na siya sa gate ng kanilang bahay ay wala siyang tigil sa pananalangin na sanahindi matutuloy ang pag-alis ng asawa niya.Nang makapasok na si DJ sa gate ay agad niyang hininto ang sasakyan sa harap ng bahay nila at tumatakbong tumungo sa kanilang kwarto. Nakita niya ang kanyang ina na umiiyak, naroroon din ang kanyang ama.‘’Jiha. Pakiusap wag ka nang umalis,’’ narinig niyang sabi ng kanyang ina.Nang makalapit siya sa asawa ay agad siyang lumuhod. ‘’Kung anuman ang problema pag-usapan natin, babe. Please…gagaw
Lumapit si Athena kay Dianne laking gulat ni Dianne nang bigla itong yumakap sa kanya."Sorry, sa inasal ko, I really miss you na friend" wika nito.Napayakap na rin siya sa kaibigan,sa totoo lang na miss niya na rin ito. Hindi inaasahan ni Dianne nang yumakap si Athena sa kanya, matagal na niyang hinihintay ang pagkakataon na iyon. Na muling manumbalik ang magandang pagkakataon ng pagkakaibigan nila. Hindi nya napigilang mapaluha habang nakayakap sa kaibigan.FEW HOURS AGO...Athena's POV Hindi niya napigilan na tumulo ang mga luhang namumuo sa kanyang mga mata habang binabasa ang birthday letter ni Dianne kasama ang regalo ng kaibigan nang kaarawan niya.To the most beautiful friend of mine, Happy Birthday!Hopefully, bigyan mo ng pagkakataon at basahin ang sulat ko. Na miss na kita, friend...na miss ko na ang kaibigan kong si Athena, na miss ko na ang bonding natin. Ang makasama ang makulit at jologs kong mga kaibigan. Salamat pala nang dahil sayo nakilala ko rin sina
"Anak, talaga bang ayaw mo ng magkaayos kayo ni DJ?" Tanong ni Aling Marilyn kay Dianne habang nasa kusina sila, kasalukuyan na nagluluto si Dianne ng almusal nila. Naroon din si Arriane dahil nagpatulong si Dianne sa bunsong kapatid. Isang linggo na ang nakalipas simula nang lumabas si Dianne sa ospital. Huminga ng malalim fsi Dianne, " Sa totoo lang nay, masama ang loob ko sa kanya dahil hindi man lang siya sumipot ng manganak ako." Sagot ni Dianne saka tumalikod para itago ang mga mata niyang di mapigilang napatulo ang mga luha nang magsalita siya. Oo, inaamin niyang gusto niyang lumayo at ilayo kay DJ ang mga anak pero hindi niya maikakaila sa sarili na umaasa siyang gagawa ng paraan si DJ para sundan siya. 'Pero, wala! Walang DJ na dumating at walang DJ na nag effort!' hinaing at inis na sabi niya sa kanyang isipan. *Nagkakamali ka, anak. Mahal ka talaga ni DJ" ani Aling Marilyn. " Tama si inay, Ate. Pumunta si Kuya DJ sa ospital nang manganak ka, Ate" singit ni Arriane na n
Ang huling naganap sa nakalipas na kabanata...Galit si DJ na nilapitan si Gemma nang makita niya ito at sinumbatan.Sa Pagpapatuloy..."Tinatanong mo ako kung bakit si Dianne ang pinili ko? At wag mong sabihin na wala sa kalingkingan mo sa hitsura mo, dahil kung pagbabasehan sa ugali. Kahit sa kuko man lang ni Dianne ay wala ka!" Sagot ni DJ."DJ, ano ba ang dapat kung gawin para mahalin at tanggapin mo?" madamdaming pahayag ni Gemma."Mahalin at tanggapin? Kung dati ay hindi kita natutunan na mahalin, ngayon pa kaya? At kahit kailan ay hindi kita matatanggap sa buhay ko dahil you're the worst person I have ever knew! Pinagsisihan ko nga kung bakit nakilala pa kita. Ng dahil sayo nasira ang buhay ko, sinira mo kami ni Dianne! At pakiusap lang, layuan mo na dahil ayoko ng makita ang makapal mong mukha!" Galit na pahayag ni DJ at galit na tinulak si Gemma nang bitawan ang braso nito, saka tumalikod si DJ at iniwan si Gemma.Nang umalis na si DJ ay napakagat ng labi si Gemma, napapikit
Ang huling naganap sa nakalipas na kabanata...Pinagtanggol si Dianne ni Aya sa mga nangbubully sa kanya.Sa Pagpapatuloy..."Eh, ano naman ngayon ang pakialam mo, bakla ka?" Inis na sabi ni Liselle."Syempre lang may pakialam ako dahil hindi na tama ang ginagawa nyo! At nakakabwesit pa kaya kayo dahil ang ingay nyo, kung makatawa kayo wagas. Hindi nyo manlang iniisip ang ibang tao dito sa loob ng classroom" ani Aya na inis ang pagkasabi."Alam mo, bakla, mas mabuti pang wag ka nalang sumali dahil hindi mo kilala ang mga kinakalaban mo...at hindi mo alam kung ano ang maaring mangyayari sayo!" si Amella naman ang nagsalita."Bakit, ano ang gagawin nyo? Hindi ako natatakot sa inyo. Baka hindi nyo alam na black belter ako at nag aaral din ng karate...baka hindi nyo pa naranasan masipa at masapak." Matapang na sabi ni Aya, biglang natahimik ang grupo ni Liselle at medyo napaatras si Amella."Baka sakaling gusto niyo na maranasan kung hindi nyo pa titigilan si Dianne" patuloy pa ni Aya.Si
Ang huling naganap sa nakalipas na kabanata...Nakita ni DJ ang mga pictures ni Dianne na may kasamang lalaki na ibinigay ng katulong sa kanya mula sa mailman.Sa Pagpapatuloy...Kasalukuyan na nasa palengke si Aling Marilyn nang tumawag si DJ sa kanya kaya kasalukuyan niya itong hinihintay doon dahil pupunta doon si DJ para makausap siya, nasa Bacolod raw ito at kararating lamang. 4pm na ang oras nun.Ilang saglit lang ay nakita niya ito sa di kalayuan na paparating kaya tumayo siya mula sa kanyang inuupuan at sinalubong ito. Nang makalapit siya kay DJ ay nagmano ito sa kanya. Agad silang tumungo sa batchoy resto dahil Ilang hakbang lang naman ang layo at para makapag usap sila ng maayos."Kamusta na nga pala si Dianne, nay?" Tanong ni DJ nang makaupo na sila at matapos na makapag order."Sa ngayon, anak medyo hindi pa okay" sagot ni Aling Marilyn na malungkot ang mukha. Ikiniwento din kasi sa kanya ni Dianne ang nangyari pati kay Gemma at Ulga, saka ang tinatago na katauhan ni DJ per
Huling naganap...Bitbit ni Dianne ang kanyang maleta habang palabas ng bahay, buo na ang kanyang desisyon na umalis at iwan si DJ.Sa Pagpapatuloy...Kahit na mahirap man gawin at isiping iiwan niya ang asawa ay kailangan niyang gawin iyon...hindi para sa kanyang sarili kundi para sa kapakanan ng kanyang mga anak na binubuntis. Ganun pala kapag ina ka, kailangan mong magsakripisyo, at hindi mo na iniisip ang sarili mong nararamdaman...ang nasasaktan mong puso dahil lahat ay gagawin mo para lamang sa kabutihan ng mga anak mo. Iyon ang nawika niya sa kanyang isipan. Nang dumaan siya sa sala nakita niya ang dalawang katulong na nagtataka. Hindi siya kumibo dumiretso lamang siya sa paglalakad.Pagdating niya sa labas ng mayor na pintuan nakasalubong niya si Mang Victor, ang kanyang personal driver."Saan po kayo pupunta, Maam Dianne? Gabi na po ito" nagtataka na tanong ni Mang Victor."Aalis na po ako dito sa bahay, Mang Victor" sagot niya."Po?"Kumunot ang noo nito at biglang lumungkot
Huling naganap sa nakalipas na kabanata...Nang makita ni Gemma na nagpaalam si DJ na magcr ay nagcr din sya para sundan si DJLaking tuwa niya nang naroroon na sa lobby ng cr, walang ibang tao roon. Hindi niya alam kung may mga tao sa loob ng cr ng mga lalaki, basta ang alam niya nang pumunta siya sa cr ng mga babae, walang tao doon. Muli siyang tumungo sa lobby at hinintay doon si DJ. Sa isip niya na gagawin ang lahat para masira si DJ at Dianne. Laking gulat ni DJ nang makita si Gemma, at lalo pa siyang nagulat nang lumakad ito palapit sa kanya ng diretso at hinalikan siya sa labi. Sa pagpapatuloy...Hindi inaasahan iyon ni DJ kaya sa pagkabigla ay huli ng maawat ang babae.Ilang minuto ang nakalipas...Hindi mapakali si Dianne, nasa isip na baka magkurus ang landas ni Gemma at DJ, baka kung anupa ang maaring gawin ng asawa niya kay Gemma kaya tumayo siya mula sa inuupuan at nagpaalam na pupunta ng cr. Nakisabay si Dansel sa kanya dahil ihing ihi na raw ito, kaya magkasabay sil
Huling naganap sa nakalipas na kabanata... Napabulalas sa gulat ang ina ni Dianne na si Aling Marilyn nang makita ang mukha ni DJ,napasign of the coss pa ito halos nagkapantal pantal ati ang leeg ng lalaki, nakauwi na sila sa bahay ng ga magulang ni Dianne at kakarating lamang. Sa Pagpapatuloy.... Ipinaliwanag ni Dianne sa kanyang ina kung ano ang nangyari, nang kausapin sya nitong mag isa sa kusina, wala doon ang kanyang ama dahil naroon ito sa bakery shop na binigay niyang negosyo noon para sa kanyang mga magulang. "Hindi ko alam kung ano ang ginagawa mo sa asawa mo, parang pinaparurusahan mo kasi siya, nang dumating kayo dito una niyang ginawa na pinagawa mo ay nagtinda xa sa palengke ng dinaing na babgus na tinitinda ni Melchor, kinabukasan nun pinasama mo naman sa pangingisda sa laot tapos nang pumunta kato kay tyong Alberto mo pinaakyat mo naman si DJ sa puno ng mangga na maraming malalakinh pulang langgam"wika ng kanyang ina. "Hindi naman po, dala lang seguro ng b
Huling naganap sa nakalipas na kabanata... Kinakanta ni DJ ang 'Everything I Do, I Do It For You' habang iniisip na gusto lamang ipadama sa kanyang asawa ang tunay niyang nararamdaman at nais nya rin ipabatid sa maraming tao kung gaano niya ito kamahal. Sa Pagpapatuloy... Pagkatapos na kumanta ang lahat ng mga contestants ay tumayo silang lahat sa stage na magkahawak ng kay, tatawagin a at hihirangin ang nanalo g third, second, first prize at grand champion ng singing contest. Ang third prize ay makakatanggap ng five thousand, second ten thousand, first twenty thousand at ang hihirangin na grand champion ay makakatanggap ng thirty thousand at trophy. Habang nakatayo si DJ sa stage kasama ang ibang mga contestants, nasa isip nya na hindi na sya umaasa na manalo sa singing contest na iyon. Ang mahalaga lamang sa kanya ay mapahiwatig sa kanyang asawa ang kanyang nararamdaman at nais ipabatid at ipahayag sa harap ng maraming tao na ipinagmamalaki niyang makilala ito at sabihin na mahal
Huling naganap sa nakalipas na kabanata...Pumayag na sumali si DJ sa singing contest.Sa Pagpapatuloy...Habang kumakanta si DJ sa gitna ng entablado at hawak ang gitara na hiniram kay Mark, hindi mapipigilan ni Dianne ang sarili na mapangiti. Lalo na nang marinig niya ang kinakanta ng asawa ay 'Everything I Do, I Do It For You' ni Bryan Adams. Naalala niya palagi niyang pinapakanta si Mark ng kantang iyon at habang pinapakinggan ang kantang iyon noon. She's drowned in imagination nay lalaking magmamahal sa kanya, whoever she is..at kaya siyang tanggapin anupaman ang hitsura niya...tapos ay gagawin nito ang lahat para sa kanya. Napabuntong hininga siya, ewan ba niya kung...itutuloy pa kaya niya ang kanyang binabalak na gawin at ipapagawa sa asawa? Napapikit siya' Hayan ka naman! Isipin mo ang kabutihan at kapakanan ng mga anak mo! Wag kang magpalinlang at magpadala sa iyong emosyon!' Galit na sigaw ng kanyang kumukontra na isipan niya. Nag aalala rin siya sa maaring mangyayari kay D