‘’Okey naman kami, salamat nga pala ha?’’ Sabi ni Gemma, kasalukuyan silang nasa National Bookstore para maghanap ng Happy Mother’s Day Letter para ibigay sa ina nito. Nagpatulong si Gemma sa kanya dahil bukas ay mother’s day na. Gusto raw nito bigyan ang ina, pumili na lang din siya ng ibibigay sa kanyang ina. Gusto niya rin na bigyan ang kanyang ina. Dahil gusto niyang maging masaya ito sa araw ng mga ina, ipapadala niya na lang sa Bacolod sa kanilang bahay. Bilhan niya na lang din ng gift, balak niyang bilhan ng kwentas na regalo sa ina, pure gold. Saka magpapadala siya ng pera para makahanda sa bahay nila at saka cake. Tatawagan niya mamaya ang bunsong kapatid niya na ito ang bahalang mag-asikaso, sasabihin niya sa kapatid na sorpresahin ang ina, ang bunsong kapatid niya ang kokontakin dahil alam niyang ito na lamang na kapatid niya ang naiwan sa kanilang bahay, mahilig kasi ang nanay niya sa dramatic effect at mga sorpresa. Alam niyang nagsibalikan na sa kani-kanilang trabaho ang
Umiiyak si Donya Consuelo nang tumawag kay DJ. Pauwi na nang mga sandaling iyon si DJ galing sa kanyang trabaho nang tumawag ang kanyang ina, umiiyak ito. Nasa nilang mag-asawa ang mga magulang niya, naroroon ang ama at ina sa kanilang bahay upang pigilan si Dianne dahil nag-empake na ang kanyang asawa, aalis na raw ito. Huminga siya ng malalim habang nagmsamaneho, binilisan niya ang pagpapatakbo ng sasakyan baka hindi niya maabutan ang kanyang minamahal na asawa. Nang malapit na siya sa gate ng kanilang bahay ay wala siyang tigil sa pananalangin na sanahindi matutuloy ang pag-alis ng asawa niya.Nang makapasok na si DJ sa gate ay agad niyang hininto ang sasakyan sa harap ng bahay nila at tumatakbong tumungo sa kanilang kwarto. Nakita niya ang kanyang ina na umiiyak, naroroon din ang kanyang ama.‘’Jiha. Pakiusap wag ka nang umalis,’’ narinig niyang sabi ng kanyang ina.Nang makalapit siya sa asawa ay agad siyang lumuhod. ‘’Kung anuman ang problema pag-usapan natin, babe. Please…gagaw
Mga hugot lines,nakaka-in love, nakakasakit at nakakakilig na mga senaryo sa kwento:''Wala na yatang pag-asa na magbabago ang hitsura ko.Sabi nga nila wala daw forever. Pero ako, naniniwala talaga ako na may forever.Na forever na akong ganito. __Forever ugly.''-----Ang pag ibig ay parang mangga yan. Kapag pinitas mo na di pa nahihinog, maasim..parang love, kung pinilit lamang, masasaktan ka lang. Pero pag pinitas mo sa tamang panahon...sa tamang oras...at nasa tamang hinog nito masarap ang lasa, masarap itamasa. Parang pag ibig din, masayang umibig kapag kasama mo ang taong tunay na iniibig mo na walang kumukuntra kahit si tadhana...dahil siya mismo ang naghatid ng tamang panahon para sa inyong dalawa.''-----Nagtaka siya nang biglang may nagbago. Tila biglang huminto ang mundo. Bakit ganun? Anong nangyayari?Yong feeling mo na tanging pintig lang ng puso mo ang naririnig mo. Umalingawngaw ito, na tila nabibingi ka sa pintig ng puso mo. Aniya sa sarili. Hindi parin siya makapaniwal
''Wala na yatang pag-asa na magbabago ang hitsura ko.Sabi nga nila wala daw forever. Pero ako, naniniwala talaga ako na may forever.Na forever na akong ganito. __. Forever ugly.'' ----- Huh! Ako? Yes! Ako nga! Sino pa nga ba? Nagtataka ka seguro kung bakit? Kung bakit palagi akong mukhang baliw na kinakausap ang sarili ko sa harap ng salamin. Sinusuri ang sarili araw-araw kung meron ba nagbago? Kung meron ba may nag-improve? Araw-araw naman ako naliligo. Nagsasabon, nagsashampoo at naglo-lotion. lahat tungkol sa pampaganda, sinubukan ko na. Pero... Wala na yatang pag-asa na magbabago ang hitsura ko. Sabi nga nila wala daw forever. Pero ako, naniniwala talaga ako na may forever. Na forever na akong ganito. __. Forever ugly. Ooops! Pasensya, nakalimutan ko pala magpakilala. By the way, ako nga pala si Dianne Annilou Hernandez. Ooh hah! Ganda ng pangalan ko no? Artistahin! Palagi nga napagkamalan na maganda ako, sa pangalan lang pero kung makita ako in person ay masas
ALAALA NG KAHAPON Pasko iyon, may dumating na mga pasalubong galing sa mga Titos at Titas niya mula sa Maynila, excited silang magkakapatid ng mga sandaling iyon, baka-sakali meron din silang regalo. ‘’Anong ginagawa niyo rito?’’ Tanong ng tiyahin nila na panganay sa magkakapatid ng kanilang ina. ‘’Wag na kayong umasa na meron kayo,’’anang kanyang tiyahin. Nakakalungkot man isipin, pero yon ang narinig mula sa tiyahin... ‘’Wala po, nanonood lang po,’’ sagot niya. Siya na ang sumagot sa tanong ng tyahin dahil siya rin naman ang panganay. Ang sabi ng tyahin nila na wala silang pasalubong. Maya-maya lumapit ang isa pa nilang tyahin na bunsong kapatid ng kanyang ina. ‘’Heto,oh, kunin nyo sa inyo ang pasalubong na yan!’’ Sabi ng bunsong tyahin nila na tila labag sa kalooban ang pagbigay at mukhang nang-iinsulto ang boses nito. Masayang kinuha iyon ni Dianne. Masaya siya dahil kahit papaano ay meron silang pasalubong at bagong regalo mula sa mga kamag-anak nila sa Maynila, kahit papa
@YLda's Mountpeak View "Wow! it so amazing!" Napahanga na sabi ni Amy habang nakatayo sila sa tuktok ng bukirin na yon. Sobrang ganda nga ng tanawin doon. Matatanaw ang buong kalaparan ng dagat. Kaharap ng kinaroroonan nila, makikita ang dalawang magkabilaan na bundok na akala mo'y babae at lalaking higante na mahimbing na natutulog. Amoy na amoy pa ang preskong simoy ng hangin na parang animo'y dala dala ng hanging amihan. There's a presence of fog around the mount's peak. Aside from them, marami din mga nagdadarayo sa lugar na yon. Meron mga foreigners at bakasyonista na pumupunta don galling sa iba’t ibang lugar. Meron kasi ito mga cottages sa paligid at private rooms naman sa mini hotel kung sino gustong magstay doon ng ilang araw. Kumpleto din ito sa pagkain, both liquors, wine and soft drinks. DIANNE’s POV 'Habang abala ako sa kakatamasa ng magandang tanawin sa tinatayuan ko. Napadako ang paningin ko sa bandang kaliwa at sa di kalayuan napatitig ako sa isang lalaki na nak
Nasabi ni Athena nasa kanya ang Diary ni Dianne at nasabi rin nito na magkita sila kinabukasan para maibigay nito ang Diary ni Dianne. ATHENA's POV Hindi siya mapalagay dahil naglalaro sa isip niya ang Diary ni Dianne. "Ano kaya ang mga nakasulat doon?" Tanong ng kanyang isip. Kanina pa siya balisa sa pagkahiga sa kanyang kama na parang tinutulak siya ng kanyang kuryusidad. Maya-maya pa ay hindi niya natigilan ang kanyang sarili. Tumayo siya mula sa kanyang pagkahiga at lumapit sa kanyang bag. Nang mabuksan ang kanyang bag kinuha niya ang pink personalized notebook at binuksan iyon. Hindi naman siya nahirapan sa pagbukas dahil hindi naka-locked iyon. Feeling niya ay excited siyang basahin ang mga nakasulat dito. Dahil sa sugo ng kuryusidad niya ay nabuksan niya na ito at nabasa. Napatigil siya nang malaman mula sa Diary na iyon ang tunay na feeling ni Dianne kay Kier, nililihim lang pala ito ni Dianne. Pa’no na? Pero hindi siya papayag na malayo kay Kier, talagang nahulog na ang
Nagngingitngit ang damdamin niya habang papunta sa isang mini store sa harap lang ng building na tinatrabahuan niya. Hindi parin makuha sa isipan niya ang nangyari. Naiinis siya sa nangyari! Bakit ba sa dinami-dami ng nandoon sa conference room siya ang nakita nito? Sinadya ba nito na ipahiya siya?! Huminga siya ng malalim. "Ikain ko na lang ito baka sakaling makalimutan ko ang nangyari" aniya sa kanyang sarili. Lunch time at isa pa nagugutom na rin siya. Ilang saglit lang nang makapwesto siya sa mesa na gilid lang ng glass wall at nakaumpisa na rin na kumain. Nakita niya si Kier na bumaba ng kotse. Kasunod nito na bumaba ang isang magandang babae. Maingat pa ni Kier na inalalayan ang babae. Ang babae na bukod sa maganda ito ay sexy ito sa suot na black bodycon dress at mala-model ang postura nito. "Girlfriend niya kaya iyon?" Natanong niya sa kanyang sarili. Maya-maya pa ay nakita niya si DJ na nakangiting sinalubong ang dalawa at pumasok na sila sa loob ng building. "Hello, Dia