Ang huling naganap sa nakalipas na kabanata... Nang tinanong ni Dianne si Gemma kung totoong sinadya ni Gemma ang pagpalaglag sa binubuntis nito at hindi si DJ ang nagpumilit rito ay inamin ni Gemma. Sa pagpapatuloy.... "Alam mo ba na parang isa akong tanga na nagsusumamong magmamakaawa sa kanya para lang mahalin ako. Pero hindi ko alam kung bakit ang hirap para sa kanya na tanggapin ako sa puso niya...." patuloy na pahayag ni Gemma na kahit kalmado na ang boses nitosa mga sandaling iyon ay ramdam ni Dianne ang hinagpis at hinanakit ng damdamin nito. "Gemma, naiintindihan kita...kung ano ang nararamdaman mo, pero seguro merong lalaki na nakalaan para mahalin ka..." wika ni Dianne. "Shut up! Wa!ang ibang lalaki na nakatadhana sa akin kundi si DJ lang!" Sigaw ni Gemma kay Dianne na biglang umalburuto sa galit nang marinig ang sinabi ni Dianne. Ang ikinagagalit ko, alam mo ba, stupid girl, ang malal na natutunan na mahalin ni DJ ang isang pangit na katulad mo! Hindi ko alam kung an
Ang huling naganap sa nakalipas na kabanata...Labis na nasaktan si Dianne sa mga salitang narinig mula kay Gemma, hindi niya kasi sukat akalain ang malalim na panghuhusga nito sa kanya sa kabila ng ipinakita na kabaitan nito sa kanya noon.Sa pagpapatuloy....Habang mapait na ninanamnam ng may paghihinakit na damdamin ni Dianne ang mga salitang sinabi at tinawag sa kanya ni Gemma ay naalala nya ang naikwento sa kanya ni Ulga tungkol kay Gemma, tungkol iyon sa sadyang pagpapalaglag ni Gemma nang sanggol sa sinapupunan nang aksidenteng magbunga ang nangyari rito at kay DJ. Bukod kasi sa sinabi sa kanya ni Ulga nang malasing si DJ na sina Gemma at Ulga ang may pakana kaya nagkaroon ng picture sina Ulga at DJ na magkatabi na walang damit, ay ikinuwento rin ni Ulga sa kanya ang tungkol sa pagpalaglg ni Gemma. Noong una ay parang ayaw pa niyang maniwala dahil ibang kwento ang sinabi sa kanya ni Gemma.Pinaniwala siya ni Gemma na masamang tao ang asawa nya."Simula nang makasama ko si Maam G
Ang huling naganap sa nakalipas na kabanata...Habang kabado at nag alala ang mga kaibigan ni Dianne na sina Athena, Amy at Dansel. Naroroon rin si Kier, lahat sila ay nasa bahay nina DJ at Dianne, tumawag ang kumidnap kay Dianne sa kay DJ at sinabi sa lalaki na puntahan si Dianne sa binigay nitong address. Bago nito tinapos ang tawag binalaan pa si DJ na ag magsumbong sa mga pulis at wag sabihin sa kahit sino ang tungkol sa naging usapan nila. Sa pagpapatuloy...Malapad ang pagkangiti ni Gemma nang ibaba mula sa pagtawag kay DJ, napangiti sya dahil epektibo ang ginawa nya. Hindi halata o kilala ang kanyang boses sa nainstalled na application sa kanyang cellphone para maiba ang kanyang boses, naging boses lalaki.Lumapit sya sa isang tauhan na lalaki at kinuha mula roon ang baril nito, lalong lumapad ang pagkangiti ni Gemma saka kumilos at diretso na naglakad sa silid kung saan naroroon si Dianne.---"Alam mo, Dianne talagang mahal ka ng asawa mo. Noong gabi na nilapitan at nakaus
Ang huling naganap sa nakalipas na kabanata...Nakita ni Dianne na napaluha si Ulga matapos na makausap ang ina nito sa cellphone. Nalaman ni Ulga mula sa ina na may tumor sa utak ang kapatid nito kaya ganun na lamang ang pagkabahala. Alam ni Dianne na kahit hindi nagsasabi si Ulga sa kanya meron itong dinadala na mabigat na suliranin. Sinubukan ni Dianne na kausapin si Ulga tungkol doon.Sa pagpapatuloy..."Ganyan ka ba talaga kahit na nagawan ka na ng masama ng ibang tao, iniisip mo parin ang sitwasyon nila? Hindi ka ba marunong magalit?" Nanatiling matigas ang tinig ni Ulga."Ang totoo, Ulga, personally hindi ako galit sayo...doon ako nagagalit sa bagay na ginawa mo. Oo, alam kung nagawa mo ito dahil malaki ang maitutulong sa kung anuman na problema na pinapasan mo. Hindi ko lang maintindihan na tutulong ka sa pamilya mo para sa kabutihan nila pero ang pagtulong mo ay galing sa masama na pamamaraan"pahayag ni Dianne.Pakiramdam i Ulga ay tinusok ang puso niya ng napakatalim na bagay
Ang huling naganap sa nakalipas na kabanata... Nakidnap si Dianne at laking gulat niya nang malaman na si Gemma ang pasimuno niyon. Sa pagpapatuloy... "Wag kang mag alala ang magbabantay sayo ang taong kilalang kilala mo rin." Wika ni Gemma at napangiti 1pa bago tinawag ang taong tinutukoy nito. "Lumapit ka na rito, Ulga" tawag ni Gemma kay Ulga na siya naman na lumapit ang babae sa kinaroroonan nila. Nang makita ni Dianne si Ulga ay hindi na niya ikinagulat iyon, dahil minsan na niyang nakita na magkausap sina Gemma at Ulga. "Seguro naman hindi ka ganun katanga para magulat pa na makita rito si Ulga, di ba nasabi mo sa akin dati na nakita mo kaming magkausap?" Patuloy ni Gemma nang makalapit sa kanila si Ulga. --- "Akala ko, totoo ang lahat ng sinabi mo sa akin nang nagkita tayo at nag usap" wika ni Dianne kay Ulga, sya na lamang doon at si Ulga dahil nakaalis na si Gemma. Ang ibang tauhan naman na binayaran ni Gemma ay nakabantay sa labas ng silid kung saan ay naroroon si Di
Ang huling naganap sa nakalipas na kabanata... Pumunta sina Athena, Dansel at Amy sa massage and spa service ni Dianne para magpa whole day spa, nang matapos ang mga kaibigan ay hinatid nya ang mga kaibigan. Pasakay na ang tatlo sa kotse ni Athena nang laking gulat nila at nabigla. Sa pagpapatuloy... Nabigla at nagulat sina Athena, Dansel at Amy nang makita nila ang mga armad0ng lalaki na lumapit kay Dianne, napasigaw pa siAmy. Ngunit parang ang bilis ng pangyayari, kinuha si Dianne at ipinas0k sa itim na van. Hindi rin sila makakakilos dahil ang ibang kasamahan na armadong lalaki ay nakakatutok sa kanila ang hawak na baril. Napaiyak na lamang si Athena nang mawala sa kanilang paningin ang itim na van, samu't saring damdamin ang naramdaman dahil sa takot, kaba at pag aalala sa maaari na mangyari sa kaibigan dahil tinangay ito ng mga armadong lalaki. --- Nawalan na ng malay si Dianne pagkatapos na tinakpan ng panyo ang kanyang ilong nang maipasok sya sa van. Tuluyan na syang nawal