Ang mga naganap sa nakalipas na kabanata...
Hindi inaasahan ni DJ na magkita sila ni Gemma
Nakipagkita si Gemma kay Dianne
Sa ipagpatuloy....
"Mukhang nauuhaw ka, Dianne? Naubos mo kasi kaagad ang buko shake mo, gusto mo bang iorder kita ulit?" Tanong ni Gemma na alintana ang nararamdaman ni Dianne.
"Wag na, salamat na lang. Pwede bang sabihin mo na kung ano ang tungkol kay DJ?" Ani Dianne.
Huminga ng malalim si Gemma. Umiba ang reaksyon ng mukha nito na tila naaawa sa kanya.
"Sorry sa sasabihin ko, Dianne" Anito. "DJ is like a leech, na kakapitan ka nya at hindi titigilan hanggang sa masira. Tulad ng linta na sipsipin ang dugo mo hanggang sa maubos saka ka iiwanan..." ani Gemma saka hinawakan ang kamay niyang nakapatong sa mesa..."Sinasabi ko to sayo dahil para sakin isa kang tunay na kapatid ko' 'ani Gemma, "Isa ako sa biktima ni DJ, Dianne...sinira niya ang buhay ko. As in sirang-sira saka ako iniwan..." nanlulumo ang mga mat
''...At doon nagtatapos ang kwento nina Dianne at DJ'' pagtatapos ng kwento ni Dianne sa kanyang mga anak na kambal na sina Annilou at Dina, sa bunsong anak na si Dexter.''Yon na yon? Yon lang ang ending, mommy?'' Tanong ni Annilou.''Parang bitin po, mom...maganda ang simula pero parang bitin naman yata ang ending ng kwento nila.'' Saad naman ni Dina at napakamot pa ng leeg."Anong nangyari kay Gemma, na kontrabida? Kung ako ang Author ng kwento hahatulan talaga siya ng Silya Elektrika o di kaya ay Bitay!" Pahayag ni Dexter."Mommy, alam mo po, parang totoong kwento ng love story nyo ni Dad ang kwento kasi naroon din ang mga bestfriends mo na sina Tita Athena at Tito Kier sina Tita Dansel at Tita Amy at naroon din si Tita Gemma, kaso kontrabida nga lang sya sa kwento." Singit ni Annilou. "Di ba bago ko inumpisahan ang kwento ko sa inyo, sinabi ko na nakalimutan ko ang totoong pangalan ng mga karakter. Kaya binigyan ko na lamang ng pangalan ng mga taong malalapit sa atin." Sagot ni D
Nang marinig ni DJ ang pangalan ni Dianne na sinambit ni Dansel at kasama ang asawa sa ospital ay di na nag-atubiling malama kung saan ito. Sinabi ni Dansel kung saan na ospital sila. Pagkatapos nun ay bigla ng naputol ang usapan nila. Dali-daling sumakay si DJ sa kotse at agad ba pinaandar, Nagtaka na lamang sina Athena, Kier at Amy nang makita ang kotse ni DJ na umalis. Ilang saglit lang ay nag-ring ang cellphore ni Athena, agad na sinagot ang tawag nang makita ang pangalan ni Dansel sa screen ng cellphone.''Friend, napatawag ka? Kamusta dyan? Nadakip ba ang mga kidnappers?'' Tanong ni Athena nang masagot ang tawag ng kaibigan, malungkot ang tinig nito at halatang umiiyak. Nahalata ni Dansel ang kalungkutan sa bose ng kaibigan, hindi rin lingid na umiiyak ito.''Friend, anong nangyari sa boses mo? Umiiyak ka ba? Ano ba ang nangyari bakit ka umiiyak?'' Puna ni Dansel sa kaibigan.''Friend, huwag ka sanang mabibigla sa sasabihin ko...''humihikbi ng pahayag ni Athena.''Ano ba yon? B
Ang huling naganap sa nakalipas na kabanata...Laking gulat ni Dansel nang makita niya si Gemma na nakaposas ang mga kamay kasama ni SPO4 William Espina.Sa pagpapatuloy...Isinakay sa isang enforcer police car sina Gemma at mga kasamahan nitong nahuli. Si Dansel naman, kasama si William na sumakay sa Grand Starex Patrol car kung saan ipinosas rito si Dansel. Ngunit sa pagkakataon na yon ay pinakawalan na ito ng lalaki. Kasalukuyan na nagmamaneho si William, habang si Dansel ay nakaupo katabi nito sa front seat. Palabas na sila sa gate ng lumang gusali at balak na puntahan ang mga kasamahan ni Dansel at puntahan na rin ang sumabog na sasakyan upang malaman na rin ang sitwasyon at kondisyon ni DJ.''Sir, kung hindi mo sana ako kanina ipinosas dito sa loob ng sasakyan na to, sana nakaganti ako sa walang hiyang Gemma na yon! Sana nasampal ko yon ng ilang beses sa demonyita na yon!'' Gigil na gigil sa galit na sabi ni Dansel kay William. ''Mabuti na lang pala, Maam, tama ang naging desis
Ang naganap sa nakalipas na kabanata... Malungkot sina DJ, Kier at mga kaibigan ni Dianne na sina Athena at Amy sa pagkawala ni Dianne at parang ayaw pa maniwala na patay na ang babae. Naroon na rin ang rescue team, habang malungkot na tinitingnan ni DJ ang mga ginagawa ng mga itong patayin ang apoy dahil sa pagsabog...lumapit ang leader ng rescue team sa kinaroroonan nina DJ at mga kaibigan. Sa pagpapatuloy... Nang lumapit ang leader ng rescue team sa kanila at nang may ipakita ito na Isang bagay ay lalong naging masalimuot ang lungkot na nararamdaman nila...parang sa isang iglap lang ay merong naglaho na napakahalang tao sa buhay nila. "Ayon po sa imbestigasyon, nakita pong dalawang tao ang nakasakay sa kotse na sumabog. Pero hindi na ho, maidentify dahil Talagang sunog ang buong katawan at lutay lutay." wika ng rescue team leader. Saka ipinakita sa kanila ang sunog na picture frame, ngunit buo pa ang mga nakasulat na mga pangalan nina Dianne at mga matalik na kaibigan. "Pero
Ang huling naganap sa nakalipas na kabanata.... Naroroon na si DJ sa lugar na sinabi sa kanya ng tumawag na kidnapper, one hour before 7am. Sa pagpapatuloy... Hinintay ni DJ ang tawag ng kidnapper, gaya ng sabi ng kidnapper, tumawag nga ito before mag 7am. Sinabi nito na sakto pagpatak ng 7am ay darating sa lugar kung saan siya naroroon, Nasa lugar na medyo mataas na bahagi si DJ na malayo sa mga pamamahay. Isang lumang gusali lamang ang nakita niya sa di kalayuan, mga 100 or 150 meters away mula sa kinaroroonan niya. Nakita niya mula sa malayo, ang Isang sasakyan at mga tao na naroroon subalit hindi niya maaninag ng maayos ang mukha ng mga ito. Dahilan upang kunin nya ang dalang teleskopyo, buti nalang naisipan nyang dalhin iyon. Nang gamitin niya ang hawak na telescopyo, nakita niya si Dianne na nakatali ang mga kamay. May kasama itong lalaki, subalit hanggang sa labas lang ito ng sasakyan, si Dianne lamang ang pumasok ng kotse. Nasabi niya sa isipan na baka iyon ang kidnap
Ang huling naganap sa nakalipas na kabanata... Nang tinanong ni Dianne si Gemma kung totoong sinadya ni Gemma ang pagpalaglag sa binubuntis nito at hindi si DJ ang nagpumilit rito ay inamin ni Gemma. Sa pagpapatuloy.... "Alam mo ba na parang isa akong tanga na nagsusumamong magmamakaawa sa kanya para lang mahalin ako. Pero hindi ko alam kung bakit ang hirap para sa kanya na tanggapin ako sa puso niya...." patuloy na pahayag ni Gemma na kahit kalmado na ang boses nitosa mga sandaling iyon ay ramdam ni Dianne ang hinagpis at hinanakit ng damdamin nito. "Gemma, naiintindihan kita...kung ano ang nararamdaman mo, pero seguro merong lalaki na nakalaan para mahalin ka..." wika ni Dianne. "Shut up! Wa!ang ibang lalaki na nakatadhana sa akin kundi si DJ lang!" Sigaw ni Gemma kay Dianne na biglang umalburuto sa galit nang marinig ang sinabi ni Dianne. Ang ikinagagalit ko, alam mo ba, stupid girl, ang malal na natutunan na mahalin ni DJ ang isang pangit na katulad mo! Hindi ko alam kung an