Share

THE UNFAITHFUL WIFE
THE UNFAITHFUL WIFE
Penulis: MissThick

CHAPTER 1

Penulis: MissThick
last update Terakhir Diperbarui: 2024-04-30 09:32:48

UNFAITHFULLY YOURS

Chapter 1

Kung ano ang dahilan at bakit ako hindi na naniniwala na may lalaking kayang magmahal ng isang babae lang? Kung bakit nagawa kong lokohin ang aking asawa? Ito ang kuwento ko.

Ang kuwento ko ay hindi tungkol sa aking pamilya, ang kuwento kong ito ay tungkol sa aking asawa at aking pangangabit. Opo. Naging marupok ako. Malungkot na kung malungkot ang walang masabing pamilya ngunit sanay na ako. Sinanay ko ang sarili kong mag-isa. Naging independent ako sa lahat ng bagay kaya naman hindi mababanaag sa akin ang kalungkutan. Pero hindi naman ako bato. Sa tuwing nakakakita ako ng kumpletong pamilya at masayang kumakain at namamasyal, napapaisip din ako. Paano kaya ang buhay na may nasasandalan sa tuwing tinitira ako ng walang patumanggang kalungkutan? Ano nga bang pakiramdam nang may nag-aasikasong ina pagpasok sa trabaho sa umaga at may ama na may magtatanong sa gabi kung kumusta ang buong araw sa trabaho. Ano kaya ang pakiramdam ng may kapatid na mang-iinis o manghihiram sa gamit? Kapatid na nakakalaro. Hanggang pangarap na lang yung sabay-sabay na kakain habang nagtatawanan, nagkukuwentuhan at nagkabibiruan. Ngunit alam kong hanggang pangarap na lang iyon. Hindi na babalik si Mama, Papa at Lola para iparamdaman pa iyon sa akin. Ang tanging ipinagpapasalamat ko na lamang ay nag-iwan sila sa akin ng mga ari-ariang nagagamit ko para mabuhay ng marangya. Sa kabila ng kawalan nila physically, inihanda naman nila ang kinabukasan ko financially.

Noong nagsasama pa sina Mama at Papa, ang pambabae ni Papa ang lagi nilang pinag-aawayan. Nakikita ko si Papa na laging may kalantaring iba. Naawa ako kay Mama noon. Laging umiiyak, laging natutulala. Nang una, nainis ako kay Papa ngunit nang lumaon mas nainis na ako kay Mama. Kasi hinahayaan niyang gawin iyon ni Papa sa kanya. Bakit kaya hindi siya lumaban? Bakit hindi siya sumabay? Mahina si Mama. Hindi niya sinasabayan si Papa. Sana ipinaramdam niya kay Papa na kaya rin niyang sumabay. Na kaya niyang ipamukha na pantay lang silang may kakayanang magluko. Iyon ang hinihintay ko kay Mama no’n. Sana lumaban siya. Sana ipinakita niya rin kay Papa na hindi siya basta-basta palalamang.

Dahil doon, hindi ako nagtiwala sa relasyon. Lahat ‘yan naglolokohan. Lahat naggagamitan. Masaya sa una pero kapag lumaon, problema na. Kung sex lang din naman pala bakit kailangan pang magseryosohan na mauuwi lang naman sa sakitan? Kaya nga naging snob ako at supada sa mga lalaki. Hindi ako nagpaligaw noong High school at College. Mailap ako sa mga lalaki. Hindi ako paloloko sa kanila. Hindi ako gagaya kay Mama at lalong hindi ako mag-aasawa ng kagaya ni Papa. Nakatulong ang pagiging istrikto ni Lola sa akin para mapalayo sa mga lalaki.

Ngunit may kung ano akong kakaibang nararamdaman lalo na kapag nakakakita ako ng hubad na katawan ng mga lalaki. May kung init ako sa katawan na hindi ko kayang pigilan. Nagsasarili ako sa tuwing nararamdaman ko iyon. Hindi lang isang beses sa isang araw. Paulit-ulit sa tuwing may pagkakataon. May kung ano akong fantasy na siyang nagpapa-excite sa aking nararamdaman. Ngunit sinasarili ko lang ang lahat dahil ayaw kong masaktan. Ayaw kong lokohin ng lalaki. Ayaw kong magkakatotoo ang mga sinasabi ni Lola sa akin tungkol sa maagang pakikipagrelasyon.

Kung kailan malapit na ang gradution ko, saka naman nagkasakit si Lola na siya niyang ikinamatay. Iniwan na ako ng lahat na mag-isa sa aming bahay sa Makati. Hindi man kami masabing sobrang yaman pero alam kong mas nakakaangat kami sa iba. Dahil sa tulong ni Lola  ay nakapag-aral ako at nakatapos. Noong graduation ko, sobrang naramdaman na ako na lang pala talaga. Wala akong kasamang nagmartsa papuntang entablado. Walang akong pinaghahandugan ng aking diploma, walang kasamang nagpakita ng kasiyahan sa nakamit kong tagumpay. Walang pumapalakpak sa akin. Noon ko naramdaman na parang ulilang lubos na talaga ako kahit pa may Mama pa naman sana ako ngunit dahil may asawa na rin siyang iba sa Cebu, hindi na niya ako naasikaso pa. Umiyak ako no’n dahil wala pala talaga akong masabing pamilya. Akala ko kasi okey na ako. Akala ko, kaya ko na. Iba pa rin pala talaga ng may masabing pamilya. Mag-isa lang ako. Walang karamay sa problema at wala din kasamang magdiwang sa ligaya. Natagpuan ko na lang na kinakausap ko ang puntod nina Lola at Papa. Andaya-daya nilang iniwalan na akong mag-isa at di man lang sila gumawa ng kapatid ko na sana magiging kasangga ko sa buhay. Wala kasi silang inatupag kundi ang magselos, mag-away at magsumbatan. Namatay si Papa sa pamamaril na sinasabi nila ay tunay na asawa ng kinabit niya. Hindi nahuli ang pumatay. Nalungkot si Mama sa pagkawala ni Papa at umuwi ng Cebu. Doon niya muling nakita ang boyfriend niya nang college pa siya. Naging sila at bumuo ng pamilya at ako ay naiwan lang sa pangangalaga ni Lola. Ganoon ako kawalang kuwenta kay Mama. Hindi ko alam kug pagmamahal ang kanyang ginawa o katangahan. Hindi niya ako inisip na maiwang mag-isa. Hindi niya ako pinahalagahan kagaya ng pagpapahalaga niya kay Papa. Ganoon pa man, inialay ko sa kanila ang aking diploma at nangako ako sa puntod nila Lola at Papa kahit mag-isa na lang ako sa buhay, lalaban ako. Aayusin ko at balang araw, may tao ring magmamahal sa akin at ituturing kong kasangga. May masasabi rin akong sariling pamilya. Kung iniwan ako nina Papa, Mama at Lola, ang mamahalin kong tao ay hindi ako iiwan hanggang sa huli kong hininga.

Bukod sa nangyari sa mga magulang ko, wala naman na akong mga nakaraang hindi maganda sa buhay ko lalo pa't dalawa lang namin kami ni lola sa buhay at ibinigay din naman ni lola ang lahat para hindi ko maramdaman ang kakulangan ko. Naging mas spoiled pa nga ako kay lola kaysa sa aking mga magulang. Sa lalaki lang istrikto si Lola. Ayaw niyang makipagkaibigan o may kasama akong lalaki. Iyon ang pinakaayaw niya sa lahat at dahil nga ayaw ko rin naman sa lalaki dahil sa nakita kong ginawa ni Papa, naging mas tahimik ang buhay ko. Lahat ng kailangan ko o kahit mga bagay na gusto ko lang, ibinigay iyon ni lola kaya naman nang nawala siya sa akin, parang naging mas doble ang sakit no’n kaysa nang nawala si Papa at iniwan naman ako ni Mama. Kasi siguro, si lola na lang ang huling meron ako, kinuha pa ng Diyos sa akin ng maaga.

Kinausap naman ako ng kapatid ni Papa kung gusto kong sumama sa kanya sa Canada ngunit tumanggi ako. Hindi kasi kami close dahil noong namatay lang si lola kami nagkita. Isa pa sanay na ako sa Pilipinas at ilang buwan na lang magtatapos na din naman ako sa aking kurso. Hindi naman din siya nagpilit pa. Iyon na yung una at huli naming pag-uusap. Yung kapatid naman ni Mama sa Samar, hindi din siya close dahil na din sa nakita ko lang din siya noong pumanaw si Mama. Hindi na ako kinontak pa mula noon. Hindi man lang din ako naalalang kumustahin.

Dahil sa ramdam kong kakulangan ng pagmamahal ng pamilya at dahil solo na din naman ako sa buhay, naging desperado akong makahanap ng makakasama. Desperadong gawin ang mga pantasya ko sa sex. Ano kayang pakiramdam kung palayain ko ang fantasy ko na iyon kasama ng isang laaki. Kaya siguro naging sunud-sunod ang mga sakit na pinagdaanan ko dahil sa pagmamadaling magkaroon ng masabing partner sa buhay.

Hanggang sa nang nagtapos ako ng college at alam kong handa na din naman akong magmahal, kaya relasyon na ang tinutukan ko. Nasanay din naman ako sa saglit na mga landian. Yung kayo ngayon dahil nagkakayayaan sa gimik at bukas makalawa, magbe-break na o wala nang paramdaman. Ngunit kung kailan ako nagdesisyong makipagrelasyon saka naman ako paulit-ulit na nabibigo. Nagpakapositibo kasi ako. Maaring ang nagyari kina Mama at Papa ay hindi mangyari sa akin. Na iba ang kapalaran nila sa akin. Na kailangan ko pa rin namang sumubok at magtiwala lalo na’t mag-isa na lang ako sa buhay. Ngunit ang pagsubok kong iyon ay tanging pagluha lang aking dinanas. 

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • THE UNFAITHFUL WIFE   FINAL CHAPTER

    FINAL AND LAST CHAPTER*PAGTATAPOS NG LIHIM*Daniel’s Point of View Nang sinabi niyang wala siyang makita ay alam ko na. Nalalapit na ang muli naming pagkakalayto ngunit ngayon, ito yung paglalayong hindi naming kayang pigilan. Paglalayong wala kaming magawa kahit pa ayaw pa naming dalawa. Paglalayong itinakda ng nasa taas at sino kaming nilalang lang ang may kay kakayanang kumontra? Hanggang sa, "Bhie, bakit ka humintong kumanta?" tanong niya sa akin. Tuluyan na akong nanlumo. Pero kahit pa batid kong hindi siya nakaririnig pa ay nilakasan ko pa rin ang pagkanta ng forevermore ngunit hindi pa rin niya marinig. Napakarami na niyang sinasabi at lahat naman ay sinasagot ko. Alam kong pagkatapos na bawian siya ng kaniyang paningin ay ang kaniyang pandinig. Nagsisigaw na ako. Humahagulgol na parang hindi ko na alam kung paano kontrolin ang aking sarilinbg emosyon. Sa lakas ng iyak ko ay nagsipasukan na ang aking mga kaibigan sa aming kuwarto. Hinahaplos nila an

  • THE UNFAITHFUL WIFE   CHAPTER 52

    CHAPTER 52CINDY'S POINT OF VIEW "Salamat sa lahat lahat baby." Mahina kong wika sa kanya. "Huwag baby. Huwag kang magpasalamat. Responsibilidad kong alagaan ang taong mahal ko. Masaya akong ginagawa ito sa'yo. Asawa kita. Kasama ito sa sinumpaan nating dalawa." Sapaglipas ng mga araw, patuloy ang aking paghina. May mga sandaling nakikita ko si Daniel na nakaupo sa falls na malayo ang tanaw ng kanyang mga mata. Hanggang sa yuyuko na labg siya bigla at gumagalaw ang kanyang mga balikat. Alam kong humagulgol siya pagkaraan niyang punatahan ako sa aking kuwarto. Hindi siya umiiyak sa harap ko ngunit kapag siya na lang mag-isa. Doon na niya inilalabas abng pinipigilan niyang lungkot. Kung may magagawa lang sana ako. Kung sana kaya kong gamutin ang aking sarili. Kung sana sa akin ibigay ng Diyos ang himala ng paggaling.Naging madali ang pagbagsak ng aking katawan dahil sa kumplikasyong ng Hepa C at AIDS ko. Lalo pang nagpahina sa akin ang hirap kong lunukin an

  • THE UNFAITHFUL WIFE   CHAPTER 51

    CHAPTER 51CINDY'S POINT OF VIEW Nang nakahanda na ang aking mga gamit ay nagpaalam na ako sa organisasyong pinagsilbihan ko ng ilang taon. Gusto ko din kasing ibuhos na ang natitira kong panahon kay Daniel. Alam kong naiintindihan nila ang pasya ko. Masaya sila para sa akin. Tanging kaligayahan ko lang daw ang kanilang hinahangad. "Masaya akong makitang magkasama na kayong muli. Sa kabila ng inyong mga napagdadaanan ay mas pinili ninyong ipaglaban ang inyong pagmamahalan. Pinahanga ninyo kami." Malu-luhang sambit ni Janine. Namumula ang kaniyang mga mata. "Pasyalan ka namin sa tuwing may pagkakataon kaming dalawa. Masayang masaya akong makitang magiging okey ka na sa piling ni Daniel. Ito ang matagal ko ng gustong mangyari, ang magkasama kayong muli sa huling panahon na ilalagi mo pa." pilit ang ngiti ni Ken. Alam kong nananaig pa din sa kaniya ang lungkot dahil siguro iniisip niyang hindi na rin ako magtatagal pa. Nagsimula kam

  • THE UNFAITHFUL WIFE   CHAPTER 50

    CHAPTER 40*HULING PAGPAPAHIRAP NG LIHIM*CINDY'S POINT OF VIEWAkala ko sapat na ang aking naipon at pera na gagastusin ko hanggang sa ibalik ko na sa Diyos ang hiram kong buhay ngunit hindi pala talaga laging nagkakatotoo ang akala. Naubos ang aking ipon. Ibinenta ko na ang aming lumang bahay dahil wala na ako halos pantustos sa aking mga gastusin at perang pinagtutulong ko rin sa mga iba pang may karamdamang kagaya ko. Napakarami ko kasing gustong tulungan at hindi maaring sarili ko lang ang iisipin ko. Mahal ang mga gamot. Hindi ko gustong iasa kay Ken at Janine ang aking mga gamot kahit pa pinipilit nila akong tulungan. Nilibre na ni Dok Kashmine at Dok Bryan ang kanilang doctor's fee sa akin dahil naging kaibigan ko na rin sila ngunit nakakaramdam ako ng hiya sa tuwing nagpapakonsulta ako sa kanila o ang sapilitan kong pagpapa-admit sa hospital tuwing inaatake ako ng aking sakit. Naging bukas ang condo ko na patirahin ang mga kagaya kong may sakit na walang pamilyang kumakalinga

  • THE UNFAITHFUL WIFE   CHAPTER 49

    CHAPTER 49DANIEL’s Point of ViewNgumiti si Kashmine sa akin. Alam kong kapag ganoon ang ngiti at tingin niya sa akin ay may importante siyang sasabihin. “Ano ‘yon, sabihin mo ngayon lalo na’t masaya ako. Wala kang maling sasabihin kapag nasa good mood ako.” “Sige na nga. Ganito kasi ‘yon… ang hirap e. Lalo na, nakapangako ako sa kanya kaso, kaibigan rin naman kita kaya hindi ko alam…” “Tama na nga yang pasakalye, nasimulan mo na rin lang naman tapusin mo na kasi ang hirap nag may iniisip pa ako. Ano nga ‘yon?” “May, aaminin sana ako?” “Aaminin? Tungkol saan?” “Kay Cindy?” “Sandali ah, anong alam mo kay Cindy?” "Daniel, si Cindy ang bumuo sa iyong pamilya.”“Ano? Paanong…” naguluhan na ako. “Buong akala ko si Janine ang bumuo sa amin. Ano bang totoo?”“Humingi siya ng impormasyon sa kaibigan mong si Janine.”“Okey, ibig sabihin, naglihim si Janine.”Tumango si Kashmine. “S

  • THE UNFAITHFUL WIFE   CHAPTER 48

    Chapter 48CINDY’s Point of View“Sige. Ikutin ninyo. Sigurado akong magugustuhan ninyo ang lugar.”“Oo nga, ang ganda. Para talaga siyang paraiso. Yung falls ba na ‘yan, totoo?” tanong ni Ken. Halatang masaya siya sa nakikita niya.“Oo totoo ‘yan. Dinevelop na lang.”“Grabe. May ganito palang pasyalan dito hindi ka nagsabi.”“May mga rooms din na pwedeng rentahan.”“Sige ha, mag-usap muna kayo at iikutin muna namin ito.” Si Janine.“Oo at mag-uusap din tayo mamaya.” May pagbabanta ang mga mata ni Daniel ngunit nakangiti ang kanyang bibig. "Kumusta na?" tanong ko sa kanya. Pilit ang aking ngiti. “Maupo tayo ro’n.” itinuro niya ang bench na nakaharap sa falls. Tumango ako. “Wala ka yatang kasama?” biro niya nang nakaupo na kami. “Wala e.” “Wala pa o wala na uli.” “Wala pa rin.” “Ang hina naman. Akala ko ba nagkatuluyan kayo nong huli.” “Sino?” “Sa

  • THE UNFAITHFUL WIFE   CHAPTER 47

    CHAPTER 47CINDY’s Point of ViewAkala ko, magiging normal lang ang buhay ko pagkatapos akong iwan ni Daniel. Akalal ko magpapatuloy lamang ang buhay sa akin lalo pa’t magaling na rin naman ako sa aking sakit na naghahanap ng tawag ng laman. Magtatrabaho, bibisitahin ang mga kaibigan ni Daniel na mga kaibigan ko na rin na sina Janine at Ken, magpahinga at maghintay sa muling pagbabalik niya. Ngunit nang tumagal ay naramdaman ko kung gaano kahirap maghintay lalo pa't wala nang kasiguraduhan pang babalikan ka ng taong tuluyan nang iniwan ka. Iyon bang tanging paniniwala mo na lang ang siyang hinuhugutan mo ng lakas. Tanging nakaraan at pag-asang ikaw lang ang maari niyang mahalin at babalikan ang siyang nagpapagulong ng iyong araw. Ang masaklap ay kung walang text, walang chat, walang tawag...walang kahit ano na galing sa taong minamahal mo. Ngunit sa kagaya kong umaasa pa, ipinagpapatuloy ko na lang paggawa ng alam kong ikasisiya niya. Nagbabakasakaling kapag malaman niyang nagbago n

  • THE UNFAITHFUL WIFE   CHAPTER 46

    CHAPTER 46DANIEL’s Point of ViewHabang pinagmamasdan ko siya ay naalala ko ang araw na tumawag si Mandy. Kaunting rewind muna tayo bago ang birthday party ni James. Ito ang buong pangyayari. Tumunog ang telepono namin. Ako ang sumagot. "Hello!" “Oh Hello, bakit dito sa landline ka tumawag?” “"Kuya! Kuya!" Kumunot ang noo ko. Halata kasi sa boses ni Vicky ang kakaibang excitement.“Kuya ka ng kuya. Bakit ba?”“Kuya grabe. Sobrag saya ko.”“Bakit nga? Ikaw alam mong may pasok ako sa munisipyo. Sabihin mo na kung bakit. Saka bakit sa landline?”“Walang nasagot sa cellphone ni Kuya James. Ikaw din di ka nasagot sa cellphone mo. Kaya nagbakasakali akong tawagan na lang ang landline.” “Naiwan ko sa kwarto e. Oh dalian mo, ano bang sasabihin mo. Kuya grabe eto na talaga to!” "Ang OA mo na.”“Nandiyan ba si Kuya James?”“Kuya James mo nasa kuwarto niya, Pangatlong araw na ngayon nagkukulong kasi daw tumawag ang kaibiga

  • THE UNFAITHFUL WIFE   CHAPTER 45

    CHAPTER 45DANIEL’s Point of View “Madilim ang bahay namin ni Cathy nang dumating ako. Kinabahan ako dahil wala pati mga batang naghahagikgikan at tumatakbo na sumalubong sa akin. Dumiretso ako sa lagayan ng aming mga damit at parang umikot ang mundo ko ng tanging sulat na lamang ang naabutan ko doon.” “Naaalala mo pa ba ang laman ng sulat?” “Oo, naaalala ko pa. Sabi niya sa akin, hindi lang daw sa pag-aabroad umaasenso ang buhay. Kilala raw niya ako. Alam niyang hindi ako makatatagal na walang babae. Ilang beses na raw niya akong ipinaglaban noong mga college pa kami at ngayong tuluyan akong lalayo sa kanya, wala na raw siyang panghahawakan sa maari kong gawin doon. Pero Kuya alam ng Diyos lapitin ako ng babae dahil sa hitsura ko pero ni minsan hindi ako naging babaero. Iyon kasi ang nasa isip niya lag isa akin. Malay daw ba niya kung may kalolokohan akong iba sa Qatar. Marami na raw siyang nakitang nasirang pamilya dahil sa pag-aabroad at ay

Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status