Share

THE UNHAPPY STAR
THE UNHAPPY STAR
Author: Sinichikudo26

CHAPTER 1

Naging mas mahirap pa sa daga ang pamilya ni Kendall simula nang mamatay ang ina nito dahil sa sakit sa puso. Kaya namulat silang ama nila ang naging ilaw at haligi ng kanilang tahanan. Naging matatag si Ahron para sa kanyang mga anak at lalo itong nagdoble kayod para lamang maitawid lang sa gutom ang kanyang dalawang musmos na mga anak.

Hindi uso sa kanya ang pahinga kaya hanggat may raket na puwedeng pasukan, hindi siya nagdadalawang na sumubok kahit na hindi niya ito gamay. Sinusubok man ng panahon pero alam niya sa kanyang sarili na wala siyang ibang pagpipilian kung hindi ang lumaban sa buhay lalo na't siya lang ang bukod tanging bumubuhay sa kanyang mga anak. 

Lumipat sila sa Poblacion kung saan gawa sa mga kahoy at pinagtapi tagping yero ang mga dikit dikit na bahay. Sa lugar na ito ay nakilala ni Kendall si Scott na limang taon ang agwat sa kanya. Masaya silang naglaro ng patintero sa labas at naging matalik na magkaibigan matapos nilang maglaro.

"Maraming salamat, Scott! Ang bilis mo kasing tumakbo kaya tayo ang nanalo!" Nakangiting sabi ni Kendall sa kanyang kalaro habang nakaupo silang dalawa sa labas ng bahay ni Scott.

"Maraming salamat kung gayon, masaya talaga ako na mayroon na akong kapitbahay na kagaya mo!" Sambit ng binata na abot langit ang saya sa bago niyang kalaro.

"Walang anuman, ikinagagalak ko rin na ikaw ay aking nakilala!" Sabi ni Kendall.

"Ako rin, Kendall! Basta ang pangako ko sa'yo. Ipagtatanggol kita sa lahat ng mga taong mang aaway sayo, ano man ang mangyari!" Pangako ni Scott.

Inilapit ni Kendall ang kanyang cute na hinliliit kay Scott. "Pinky swear?"

Hindi naman nagdalawang isip si Scott at nakipag pinky swear ito kay Kendall bilang paninindigan sa pangako nito sa kanyang sinabi sa bago niyang kaibigan.

Isang araw, habang nagbabasa ng dyaryo si Ahron, nakita niya na mayroong pa audition para sa mga batang walong taong gulang hanggang sampo sa Celebrity Star Agency na isa sa mga naging tulay ng maraming artista.

Nakipagsapalaran siya at dinala si Kendall para mag audition dahil alam niyang sisikat ang anak sa taglay nitong ganda at karisma. Bagamat aminadong hindi siya kagalingan sa pag-aayos ng babae, naglaan pa rin siya ng panahon para pagandahin ng husto ang hitsura ni Kendall para manalo sa kompetisyon.

Malayo man ang lugar at kulang ang pamasahe, hindi ito naging hadlang para kay Ahron para hindi pumunta sa lugar. Determinado siyang maiaahon ni Kendall ang kanilang pamilya kung sila ay magtitiyaga.

Naka kandong si Kendall sa kanyang ama at nag-uusap silang dalawa habang sila ay nasa biyahe. Ipinagmamalaki ni Ahron na ipinangalan niya ang kanyang anak sa isang sikat na modelo sa ibang bansa.

"Kendall, alam mo bang ipinangalan ka namin sa isang sikat na modelo sa america?"

"Talaga po ita'y?" Nakangiting sabi ng bata na nagulat sa sinabi ng kanyang ama.

Itinatanim ni Ahron sa utak ng anak nito ang kahalagahan premyo at at materyal na mga bagay sapagkat ito raw ang pinakamahalaga sa mundo.

"Oo naman! Siya ang isa sa mga pinakamagandang babae sa mundo at siyempre isa siya sa mga pinakamayaman! Kaya kailangan mong manalo para marami na tayong pera at mabili natin lahat ng gusto nating materyal na bagay kasi 'yan ang mahalagang parte ng buhay natin!"

"Mahalaga ang pera kasi may pambili tayo ng manika at barbie doll?"

"Oo naman anak! Kaya kailangang manalo ka sa competition, at kapag nangyari 'yan kakain tayo sa masayang bubuyog!"

"Talaga," tumingin si Kendall sa mga mata ng kanyang ama at nangako ito, "pramis ko po na maipapanalo ko ang competition na ito!"

Maluha luhang niyakap ni Ahron ang kanyang panganay na anak. "Maraming salamat, Kendall! Sana ay matulungan mo akong maiahon ang pamilya natin sa hirap!"

Ilang oras ang nakalipas, nakarating na sila sa Celebrity Star Agency. Marami ang mga nakapilang mga magulang na dala ang kanilang mga anak, na kagaya nila Ahron, umaasang mabigyan ng oportunidad sa showbiz ang kanilang mga anak.

"Papa, may pila po ba ng relief goods dito?" Tanong ni Kendall sa kanyang ama.

"Hindi anak, walang pila sa relief goods pero pila iyan ng mga lalahok para sa audition kaya dapat galingan mo para ikaw ang mapili at hindi sila!"

Nakipila na sila at nag tiyagang maghintay ng mahigit dalawang oras bago maisalang si Kendall sa stage kung saan mayroong apat na mga huradong mahigpit silang pinagpipilian.

"Hello, Kendall! Ang ganda naman ng name mo, iha!" Pagpupuri ng matandang lalaking judge na may nametag na Herbert.

"Maraming salamat po!" Nakangiting sabi ni Kendall.

"Saan mo nakuha ang pangalan mo?" Tanong ng babaeng judge na may name tag na Coleen.

"Ang sabi po sa akin ni Papa, ipinangalan daw po niya ako sa isang sikat na modelong babae sa ibang bansa!" Mabilis na sagot ni Kendall.

"Wow, so si Kendall Jenner pala ang tinutukoy ng papa mo! She is pretty like you and for sure akong maging siya ay proud kapag nakilala ka niya sa personal!" Nakangiting sabi ni Judge Coleen.

"Iha, you are so young! 10 years old ka na, right?" Tanong ni Richard na isang sikat na aktor sa bansang Medieval.

"Yes po sir Richard. Idol na idol ko po kayo!" Nakangiting sabi ni Kendall.

"Salamat naman iha! Paghusayan ang pag perform para kapag nanalo ka, may chance kang maging artista on top of your prize!" Sambit ni Richard.

"What is your talent?" Tanong naman ng bading na judge na ang nakalagay sa nametag ay Cyrus.

"Sasayaw po ako or mag a-acting po, mamili po kayo!" Sagot ni Kendall.

"Hahahaha!" Halakhak ng mga tao sa loob ng venue dahil sa sagot ni Kendall.

"Sige iha, ikaw ang bahala!" Sambit ni Cyrus.

Sumayaw na lang si Kendall pero sa kasawiang palad, hindi siya ang nanalo sa competition. Gayunpaman, hindi sumuko si Ahron kaya nag practice sila ng kanyang anak na umarte at sumayaw. Nang makita niya ang malaking improvement ni Kendall, nag try ulit itong mag audition sa bawat agency na makita niya sa dyaryo. Sa kasawiang palad, walang naipanalo si Kendall na kahit isang competition sa kanyang mga sinalihan. Sinukuan na ni Ahron ang pangarap niya para kay Kendall kaya ipinagpatuloy na lamang nito ang kanyang pag-aaral.

Dumating naman ang bagong oportunidad sa buhay ni Kendall.

Habang papauwi si Kendall kasama si Scott galing sa school, nakita siya ni Madison na isang Talent Manager sa All-star agency. Lumapit ito kay Kendall at nagpakilala.

"Hello cute little girl! You are so adorable!" Bungad na pagbati ni Madison.

"Sino po kayo?" Tanong ni Scott sa matandang babae.

Tanong ang isinagot ng matandang babae kay Scott. "Magkapatid ba kayong dalawa?"

"Hindi po," sagot ni Kendall.

"Ako nga pala si Madison at isa akong Talent Manager sa All-star agency!" Nakangiting sabi ni Madison. Yumuko ito at tumingin kay Kendall. "You are such a pretty girl, I am so sure na mapapasikat ka namin iha!"

"Ano pong pasikat?" Tanong ni Scott na naguguluhan sa mga nangyayari.

Lumingon ni Madison kay Scott at ipinaliwanag nito sa batang musmos ang ibig niyang sabihin. "I mean, gusto ko siyang kuhain bilang isang child actress. Kung pamilyar kayo sa mga batang nakikita ninyo sa telebisyon, ganoon ang magiging work mo iha and matutulungan mo na ang parents mo at your young age!"

"Maraming beses na po kasi kami nag audition ni papa at sinukuan na po namin ang pagsali sa mga auditions," malungkot na sabi ni Kendall.

Tumingin si Madison ulit kay Kendall at tinanong ito. "Ano ang name mo iha?"

"Ako po si Kendall!"

"What a beautiful name. Hindi mo na kailangan ng alias, saan pala ang bahay ninyong dalawa para maihatid ko kayo? Gusto ko lang kausapin ang nanay mo, Kendal!"

"Wala na po akong nanay, si papa lang po ang nag aalaga sa akin!" Malungkot na sabi ni Kendall.

"I am sorry to hear that, maaari ko bang makausap ang tatay mo Kendall?" Tanong ni Madison.

"Sure po samahan niyo na po kami ni Scott!" Pag-aaya ni Kendall.

"Sumabay na lang kayo sa akin kasi sasakay tayo sa kotse!" Sabi ni Madison na excited makilala ang tatay ni Kendall.

Nagtatatalon sa tuwa sina Kendall at Scott sa kanilang narinig at sumama sila kaagad kay Madison at itinuro ang tamang direksyon papunta sa kanilang magkatabing bahay. Tanghaling tapat nang makarating sila sa tapat ng bahay ni Kendall. Kumatok si Kendall at agad siyang pinagbuksan ng pinto.

Nagulat si Ahron ng makitang may kasamang matandang babae si Kendall at may nakaparadang itim na sasakyan sa likod nila. "Sino po kayo?" Tanong niya sa babae.

Nagmano si Kendall at siya ang sumagot sa tanong ng kanyang ama. "Papa, gusto niya raw po akong kuhaing artista!"

"Sige anak, magbihis ka na sa loob at pumasok ka muna sa kwarto mo!" Pag-uutos ni Ahron sa kanyang anak.

Pumasok na sa loob ng bahay si Kendall at nag-usap ulit sila Madison at Ahron.

Iniabot ni Madison ang kanyang kanang kamay kay Ahron para makipag handshake at agad naman itong tinanggap ni Ahron. "I am Madison Lee from All-star agency and I am here para personal kayong kausapin dahil gusto kong kuhain ang anak ninyo bilang artista sa aking agency!"

Biglang umaliwalas ang mukha ni Ahron at inimbitahan niya si Madison sa tahanan nito. "Pasok po kayo Madam Madison!"

"Salamat!" Nakangiting sabi ni Madison.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status