Share

CHAPTER 8

Dalawang oras ang nakalipas, sa wakas ay nakarating na si Kendall sa shooting. Sinalubong siya ng kanyang personal assistant na si Magie at kanyang manager na si Madison.

"What took you so long?" sambit ni Madison.

"Pasensya na po kayo, Ma'am! Medyo trapik lang po kasi talaga ng-"

"My ghad! Gasgas na 'yan palusot mo iha... galit na galit sayo si Direk Mat, tapos sinabayan pa ng tatay mo... marami tayong kailangang ishoot for today, a!"

Dumeretso sila sa dressing room kung saan inayusan ni Magie si Kendall. Inihanda naman ni Madison ang script ni Kendall at patuloy pa rin nitong sinesermonan ang kanyang alaga.

"Pati ako nadadamay sa pinag-gagawa mo Kendall, dati hindi ka naman ganyan! Lumalaki na yata ang ulo mo porket ikaw na ang pinakahighest paid actress!"

Hindi man makalingon si Kendall dahil nagreretouch siya, sumagot naman ito at itinanggi na nagiging mayabang na siya. "Pasenya na po kayo, Ma'am! Sadyang nakaka pressure lang po kasi talaga and hindi naman po nangangahulugan na nagbabago ang ugali ko!"

"Oh siya, tama na ang drama, kindly memorize your scripts para naman hindi ka tatanga tanga at lutang mamaya kapag batuhan na ng mga lines. Mabibigat ang mga eksena mo ngayon kasi magsasagutan kayo ng tatay mo at aksidente mo siyang maitutulak sa swimming pool, and then dadating ang nanay mo at kakaladkarin ka palabas ng bahay!"

"Opo, Ma'am Madison!"

"Dapat isang take lang lahat ng scene para hindi lalong mag-init ang ulo ni Direk," bigla namang ngumiti si Madison. "And also, mayroon tayong tatllong mga product endorsements ang naghihintay sayo, kahit nga 5 million ang bayad eh pumayag sila dahil nakita nila ang hatak mo sa mga tao sa mga brands na inendorse mo last month. And hoping tayo na may magrerenew ng kontrata ang mga endorsement mo!"

Bigla namang dumating ang tatay ni Kendall bitbit ang ilang mga products galing sa mga sponsors. "Nandito na lahat ng mga bigay ng sponsors!"

Lumingon si Kendall at nagulat siya ng makita ang kanyang ama na inilapag ang dala. "Nak, mabuti naman at nakarating ka sa shooting, ang buong akala ko eh male-late na naman... nakakahiya naman kay Ma'am Madison at sa buong cast ng teleserye ninyo!"

"Well, medyo late naman talaga si Kendall, pero babawi siya sa mga scenes kasi maning mani sa kanya ang 1 take per scene!" nakangiting sabi ni Madison.

"Talaga? Mabuti naman kung ganun!"

Nang tapos nang maayusan si Kendall ay agad itong lumabas. Mura naman ang inabot niya kay Direk Mat na napakamot na lang sa ulo sa pagkadismaya. "Hay nako, anong petsa na..."

"Sorry direk, last na to pramis!"

"Alam mo na ba kung ano ang gagawin mo?"

"Opo direk, kasi magsasagutan kami ng tatay ko at aksidente ko siyang maitutulak sa swimming pool, and then dadating ang nanay ko at kakaladkarin ka palabas ng bahay!"

"Excellent!"

Naghanda na ang mga camera man at nagsimula nang umakting si Kendall, nasa labas sila ng kanyang ama at nagkaroon ng matinding sagutan.

"Pa, hindi niyo po ba naiisip na anak niyo ako? Bakit niyo po ako pinapahirapan ng ganito?"

"Ako ang nagpalaki sayo, hindi mo ba naisip ang lahat ng sakripisyo namin nang nanay mo para gumanda ang buhay mo? Hindi ka muna puwedeng mag boyfriend, tulungan mo muna kami ng nanay mo!"

Dahil sa sobrang nakaka relate sa eksena, naging makatotohanan ang pag arte ni Kendall kaya kahit hindi naman required, umiyak ito ng todo.

"Bakit niyo po ba ako pinapahirapan ng ganito, pa? Halos buong buhay ko wala na akong ibang ginawa kung hindi pagsilbihan kayo! Hindi po ba puwedeng maging masaya naman ako para sa sarili ko? Pagod na pagod na po ako, ang hirap na pasan ko kayong lahat sa balikat ko! May pangarap din po akong mag pamilya at hindi naman po siguro masama kung tuparin ko ang pangarap ko para sa sarili ko!"

"Anak, hindi ka ba naaawa sa amin ng nanay mo? Masyado na kaming matanda para maghanap buhay! Ikaw lang ang may matinong trabaho sa atin, nanghihingi na lang kami ng kaunting panahon anak!"

Tumakbo si Kendall papunta sa labas ngunit hinawakan siya ng kanyang ama sa balikat upang ito ay pigilan.

"Anak, please! Huwag kang umalis..."

Tinulak ni Kendall ang kanyang ama sa swimming pool at sinigawan niya ito. "Wala kang kasing sakim, demonyo ka! Pati ba naman sarili kong kaligayahan papakialaman mo pa, dapat sayo mamatay ka na..." tuluyan nang pumatak ang luha sa mga mata ni Kendall. Dumating naman ang kanyang ina dahil sa lakas ng kanyang pag-sigaw.

"Ano ang nangyayari bakit ka sumisigaw?" tanong ng kanyang ina, lumingon ito sa swimming pool at nakitang nalulunod ang kanyang asawa. Sinabunutan niya si Kendall at kinaladkad papalabas ng gate. "Kung ayaw mo na sa amin, lumayas ka na at wag na wag ka nang babalik dito!"

Nagpalakpakan ang lahat dahil sa eksena lalo na ang kanilang director na halos mapayakap kay Kendall sapagkat sobrang perfect ng kanyang emotion para sa eksena.

"Grabe, parang true to life ang eksena mo, Kendall... parang feeling ko tuloy sobrang true to life ang eksena natin kanina... for sure na sobrang tatangkilikin na naman ng mga manonood ang palabas mo and sobra kang magte-trend!" nakangiting sabi ni Direk Mat.

Sumabat naman si Ahron na naglakad papalapit sa kanilang dalawa. "Hindi naman po siguro direk, malayong malayo po ang ugali ko sa character ni Roderick, sadyang napakalawak lang talaga ng kaalaman ni Kendall at napakahusay niya kaya nabibigyan niya ng buhay ang character na ginagampanan niya!" inakbayan ni Ahron si Kendall. "Nakakatiyak po ako na hahakot na naman ng parangal ang anak ko and syempre mas lalong dadami ang projects niya!"

Tumingin si Direk Mat kay Kendall. "Oh kita mo na Kendall, sobrang supportive ng tatay mo sayo kaya dapat ituloy tuloy mo ang ganyang performance!"

"Ikaw pa na Direk, eh isang sigaw mo lang seryoso na kaagad lahat ng staff natin dito eh!" sambit ni Kendall.

"Ganun talaga, as a Direk salo ko lahat ng pressure sa work kaya one problem after another ang nireresolba ko... anyway, let us go to the other scene, dadating ang boyfriend mong si Miguel dala ang kotse niya ang magtatanan kayong dalawa, marami ang mga maritess sa paligid ang magchichismisan pero hindi mo sila papansinin!"

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status