Share

CHAPTER FIVE.

Inis na inis si Coleen dahil naipit siya ngayon sa napakahabang traffic. Dagdag pa na nakikita niyang nagsisi uwian na ang mga estudyante at ilang mga empleyado kaya ganon na lang ang dulot ng traffic.Tumingin siya sa labas at tumingala dahil sa biglang pagdilim ng kalangitan. Mukhang aabutan pa ata siya ng ulan, kong hindi lang kasi siya naipit sa traffic edi sana kanina pa siya nakarating sa pakay niya. Sumasakit na ang ulo niya marahil dala ng stress at dagdag pa na hindi siya nakakain ng lunch kanina sa kakamadali na matapos ang trabaho niya, at puntahan ang taong gusto niyang makausap.

Ilang minuto pa ang itinagal niya sa kalsada bago niya narating ang kompayang pagmamay ari nito. Napakali ng building na to at napaka ganda ng disenyo. Malayo pa lang makikita mo na ang pangalang nakaukit dito. "SANTILLAN EMPIRE." Talagang hindi basta-basta ang pamilyang kinabibilangan ng lalaki, pero hindi yon ang ipinunta niya dito wala siyang paki alam kahit pa ito ang may-ari ng buong mundo. Mayaman din naman sila at hindi pahuhuli.

Pababa na siya ng kotse niya para sana magtanong sa guard ng makita niyang lumabas ang lalaki sa main entrance. Wala ng mga empleyadong lumalabas, siguro nakauwe na ang lahat, kaya naman mabilis siyang bumaba ng sasakyan at agad na nilapatan ang binata.

"Can we talk?" aniya dahilan para tumingin sa direksyon niya si Vince. Walang emosyon siya nitong tiningnan.

"Shit!" bakit ba anlakas ng kabog ng dibdib niya kahit sa simpleng titig lang nito. Napaka seryoso ng mukha, pero napaka gwapo ng dating.

 "About what?" malamig ang boses na tanong nito.

Taas noo naman niyang sinalubong ang titig nito kahit pa kumakalabog ang dibdib niya sa hindi malamang dahilan.

"About us, can we talk about us?" aniya sabay baling sa ibang direskyon ang mga mata, pakiwari niya hindi niya kayang titigan ang magagandang mga mata nito. Ilang segundo na pero hindi pa rin sumasagot ang lalaki, kaya naman muli sana siyang magsasalita para masabi na niya ang dapat sabihin ng makauwe na dahil sumasakit na ng ulo niya. Bubuka na sana ng bibig niya ng unahan siya nito.

This is not the right place to talk. "You have your car right?" So follow me. Maawtoridad nitong utos.

Napaawang ang labi ni Coleen at walang nagawa ng biglang sumakay sa sasakyan nito si Vince. Andito na siya kaya lubos lubusin na niya kahit pa sobrang inis na niya, sarap pagmumurahin itong lalaking to, pasalamat siya nagpipigil pa ako. Himutok niya sa sarili.

Wla siyang nagawa kundi sundan ang sasakyan na minamaneho nito. Hanggang sa makarating sila sa isang sikat na restaurant. Nang bumaba ang lalaki para pumasok sa loob ay agad siyang sumunod dito. Kong hindi lang niya kaialangang kausapin ito, never siyang magsunod sunuran na impaktong ligaw na'to.

"Impakto pero,gwapo," sigaw ng pakialamera niyang utak.

Pagpasok pa lang ng lalaki ay pansin niya kaagad ang ilang mga customer na kumakain na napapatigil sa pagnguya ng makita ang binata. Sa tangkad at sobrang gwapo ba naman nito talagang lahat mapapatingin.

"Talaga ba Coleen, kasama ka?" banat ulit ng mahadera niyang isip.

Kausap ng lalaki ang babaeng empleyado ng restaurant malamang ito ang manager, dahil sa name plate na nasa damit nito. Hindi naman halatang nagpapacute pa ito sa lalakiSamantalang ang lalaki naman ay pormal lang na nakikipag usap dito. Wala sa sariling napa ismid siya.

"This way, Sir," anang babae. Parang hindi siya nakikita nito na kasama ni Vince,dahil sa lalaki lang ito naka pokus ang atensyon. Napatikhim siya kaya naman napalingon sa kaniya si Vince. Akala niya nakalimutan na nitong nasa likod lamang siya. Naiinis na talaga siya, pwede naman kasing nag usap na lang sila kanina doon pero dinala pa talaga siya dito.

"Saan kaba naiinis Cole, sa mga babaeng halos lumuwa na ang mata kakatitig sa kasama mo or sa sarili mong hindi mo maintindihan?" anang isip niya.

"C'mon, aya nito sa kanya at nilahad pa ang kamay na sinasabing mauna na siya."

Mabilis siyang umupo, ganun din ito paharap sa kaniya.

Hindi na siya nagpaligoy ligoy pa kaagad niya itong kinausap ng tungkol sa kanilang dalawa.

"Akala ko ba, katulad din kita na ayaw makasal sa isa't-isa, bakit kagabi iba ang sinabi mo at pumayag kapa talaga sa gusto ng mga parents natin," wika niya.

Uminit naman kaagad ang pisngi niya ng maalala ang sinabi ng mommy niya na gusto na nitong magka apo. Napahilot tuloy siya sa sintido niyang kanina pa sumasakit.

Tama ka, ayokong makasal sayo lalo na at hindi ko naman mahal. "Pero mas mahal ko ang kompanyang pinaghirapan ko na maaring mawala sa akin." Sagot nito kapagkuwan.

"What do you mean?" Kunot noong tanong niya.

"Aalisan ako ni dad ng mana pati na ang kompanyang halos buong buhay ko doon ko ibinuhos, kaya mas gugustuhin ko pang makasal na lang sayo kahit labag sa kalooban ko kaysa mawalan ako ng mana, dahil yon ang hindi ko kaya," direkta nitong turan.

So balewala lang ang pagpunta niya dito para kumbinsihin ito na pareho silang magsabi sa mga parents nila na pareho silang aayaw. Pano pa niya iyon gagawin kong itong kumag na to takot mawalan ng mana at mas gugustuhing makasal na lang sa kaniya kaysa maghirap.

Let's make a deal, and direct to the point. Kahit kasal na tayo, still I want to live the way I want, at walang pakialamanan sa isa't isa. I won't mind you and you don't mind me. We can file an annulment once my dad transfer the company under my name. 

"How's that sound?"

"Bawal din tayo magtabi matulog, no kiss and no touch, and no sex." Aniya sa binata.

Deal, nilahad nito ang kamay sa kaniya na agad naman niyang tinanggap at agad ding binawi ng maramdaman ang tila kuryente sa kamay nilang magkahawak.

"Deal," pagpayag niya. Sabay tayo mula sa pagkakaupo. "I have to go." Teka bakit pa ba siya nagpapa alam sa kumag na to na uuwe na.

Akmang tatalikod na siya ng muli itong magsalita. I've order foods, won't you join me?" anito sa kaniya.

"No, thanks, but i want to go home now." 

Hindi na niya hinintay pa na sumagot ang lalaki,dahil basta na lamang siyang tumalikod ulit at may pagmamadali ang bawat kilos. Bago pa tumog ang tiyan niya,at mapahiya sa damuhong to.

Ngunit ganun na lamang ang pagkadismaya niya ang malakas na buhos ng ulan ang sumalubong sa kaniya sa labas ng restaurant. Wala siyang choice kundi takbuhin na lang papunta sa kotse niya. Bahala na kahit mabasa siya ng ulan total pauwe naman na siya. Maliligo na lang siya pagdating sa bahay nila.

Hindi na siya nag abala pa na punasan ang mukhang nabasa ng ulan. Agad niyang pina andar ang kotse, subalit naka ilang start na siya ay ayaw pa rin nitong umandar. Muli niyang sinubukan ulit ngunit ayaw pa rin umandar. Lingid sa kaalaman niya na kanina pa siya pinagmamasdan ng dalawang pares ng mata.

Kinuha niya ang celphone para tawagan sana ang mekaniko nila pero lahat yata ng kamalasan ngayong araw ay sinalo na niya, ng makitang lowbat ang celphone niya. Napabuga na lamang ng hangin sa Coleen dahil sa kamalasan niya ngayong araw.

Maya-maya pa'y may kumakatok sa bintana ng driver seat ng kotse niya. Nakita niya sa labas si Vince nakapayong ito habang patuloy na kumakatok. 

At ano naman kaya ang kailangan nito?

   

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status