Share

CHAPTER SIX.

Ayaw man niyang pagbuksan ang lalaki pero wala siyang choice dahil hindi din naman aandar ang kotse niya, para sana maka alis na siya.

Agad sumalubong sa kaniya ang nakakunot noo ng binata, hindi niya mabasa ang emosyong nakapaloob rito. Marahil nagtataka ito kong bakit hindi pa siya nakaka alis eh, kanina pa siya lumabas ng restaurant.

"Are you okay?" What's the problem?, sunod-sunod na tanong nito.

"Is it your car?" Tanong nito ng hindi pa rin siya nagsasalita.

She just nodded her head, bilang tugon sa tanong ng lalaki. Without even looking at him.

"You can go with me, I'll drop you home." he offered her.

"Nah, it's okay, magta taxi na lang ako." Ayaw niyang mang abala rito at baka magkaroon pa siya ng utang na loob sa lalaki. Kahit pa gustong gusto na niyang umuwe.

"Can't you see now, how heavy the rain is? At bihira na may dumadaang taxi dahil sa lakas ng ulan." Ani Vince, na bakas sa boses ang pagka irita sa kaniya. Well, wala siyang paki hindi naman niya inutusan ang lalaki na lapitan siya rito, ito ang kusang lumapit.

"Ayoko lang may mangyaring masama sayo rito, lalo pa at gabi na at sira pa ang sasakyan mo, muli itong nagsalita. If you don't want to take a ride with my car, then fine!. Wait here 'till morning, dahil for sure hindi ka makakasakay ng taxi sa lagay na'to ngayon." Anito na tila ba siguradong sigurado sa mga binitawang salita. Matapos ay agad itong tumalikod at umalis sa harapan niya.

So, kaya lang pala ito nagmama gandang loob na ihatid siya pauwe ay dahil ayaw nitong makonsensya oras na may mangyari ngang 'di maganda sa kaniya. Napaisip-isip niya na wala naman sigurong masama kong sumabay na lang siya rito para maka uwe na rin siya, dahil giniginaw na rin siya lalo pa at nabasa siya konti ng ulan kanina n'on tumakbo siya papuntang sasakyan niya. Sinubukan niyang tawagin ang lalaki dahil hindi pa naman ito nakakalayo sa kaniya.

"Vince!, sandali! Sigaw niya sa lalaki na nakatalikod at patuloy na naglalakad palayo sa kaniya. Sa tangkad ba naman nito at mahahaba ang biyas eh, talagang mabilis itong maglakad.

Malalim na napabuntong hininga na lamang si Coleen. Aminado siyang narinig nito ang pagtawag niya sa pangalan nito. Pero hindi manlang siya nilingon ng binata. Marahil nagbago na agad ang isip nito at binawi ang offer na ihatid siya pauwe ng bahay nila. Sinisi tuloy niya ang sarili kong bakit nag inarte pa siya kanina.

Hindi siya sumagot kaya naman, nanatili muna siya sa loob ng sasakyan ng ilang sandali. Kong gumana lang sana itong kotse niya makakapag charge pa sana siya ng celphone. Siguradong nag aalala na ang mommy at daddy niya sa kaniya ngayon, hindi pa naman niya ugaling hindi tumawag sa mga ito lalo na kapag gagabihin siya sa pag uwe. Plano niyang bumalik sa loob ng restaurant at maki usap sa guard sa labas kong pwede siyang makigamit ng phone nito. Magbabayad na lamang siya.

Ang plano niyang makitawag sana ay di na natuloy dahil may nakita siyang dumaang taxi. Kaya naman naisipan na lamang niyang mag abang baka may dumaan ulit. Buti na lang sa katabi ng restaurant ay mayroong maliit na remittance center na nasa gilid lang talaga ng kalsada. Pwede siyang maki silong dito habang nag aabang ng masasakyan.

She hurriedly pick up her bag at isinukbit sa balikat niya. Kinuha niya rin ang hoodie jacket niya na palagi niyang dala pero iniiwan palagi sa loob ng sasakyan. "How can she be so stupid, ni payong wala siyang dala, di sana may magagamit siya gaya ngayon."

"Tsk, next time Coleen huwag kang tatanga tanga kasi," sigaw ng paki alamera niyang utak.

Lakad, takbo ang ginawa niya hanggang makarating sa katabing remittance center. Sakto namang may paparating na taxi kaya agad niya itong pinara. Subalit nilagpasan lamang siya. Mayroon ulit na paparating kaya muli niya itong pinara, ngunit gaya ng nauna hindi pa rin siya hinintuan man lang ng mga ito. What do they think of her? walang pera at walang pambayad. Hindi naman siya mukhang pulubi para hindi pasakayin ng mga ito. Himutok ni Coleen sa sarili. Kahit ganun hindi pa rin siya tumigil sa pag aabang nagbabaka sakali na makasakay siya.

Mayroon nga huminto na sasakyan sa tapat niya subalit hindi taxi kundi isang magarang sasakyan na kilalang kilala niya kong sino nag magmamay ari. Walang iba kundi ang lalaking nag alok kanina na ihatid siya pauwe, pero dahil nag inarte pa siya kaya siya iniwan.

"And what is he doing here again? Akala ko ba umuwe na tong moron na to," kausap niya sa sarili.

"Hey! Get in! Sigaw nito mula sa loob na hindi niya namalayang nakababa na pala ang bintana ng sasakyan nito." Hindi na siya tumanggi pa agad siyang lumapit rito para sumakay, tinungo niya ang backseat pero narinig niya itong nagsalita.

"I'm not your driver Ms.Sanchez, so you better sit here infront beside me." Seryosong saad ni Vince.

"Coleen rolled her eyes, bago binuksan ang pintuan katabi ng driver seat."

Inayos muna niya ang sarili bago ikinabit ang seatbelt.

"Are you okay now?" Narinig niyang tanong ng lalaki.

"Yes," sagot niya, ng hindi tumitingin rito.

Dahan dahan lang ang pagpapatakbo ni Vince ng sasakyan. Gusto niya sanang sabihan ito na bilisan ng konti pero nag alalangan siya. Marahil nag iingat lang ito sa pagmamaneho lalo na at umuulan.

"Oo nga naman Coleen, baka mamaya madisgrasya pa kayo kapag binilisan niyan, gusto mo bang mamatay ng hindi nakakatikim ng luto ng Diyos?" Heto nanaman ang mahadera niyang utak nakikisali na naman. Nag init tuloy ang pisngi niya lalo na at katabi niya ang lalaki.

Naalala niya ang mommy niya, alam niyang nag alala na ito kaya naman tumingin siya sa gawi ng binata.

"Uhmm, Vince, pwede bang makihiram ng celphone mo? Tatawagan ko lang ang mommy ko baka kasi nag alala na siya lalo na at gabi na hindi pa ako nakakauwe," lowbat kasi ang phone ko dagdag pa niya.

Hindi naman ito umimik pero maya-maya inabot nito sa kaniya ang celphone nitong nasa dashboard ng sasakyan.

Inabot niya iyon at agad na nagdial sa numero ng ina. Dalawang ring lang ang narinig niya sumagot agad ito.

"Hello mom, si Coleen po to," pagpapakilala niya sa ina dahil kahit kilala nito ang boses niya ay magtataka ito bakit ibang number ang gamit niya.

"Hello anak, nasaan ka? Kanina pa ako tawag ng tawag sa number mo pero nakapatay ang celphone mo. Ayos ka lang ba? Pauwe ka na ba? Sunod-sunod na tanong ng mommy niya bakas sa boses nito ang matinding pag alala sa kaniya.

"Ayos lang ho ako mom pauwe na rin po ako, kaya lang naman ako natagalan kasi ayaw mag start ng kotse ko kaya iniwan ko na lang. Pero pauwe na ho ako, aniya para hindi na mag alala pa ang ina."

"Sandali, anak sinong kasama mo? Nag taxi ka ba?"

Napakagat labi siya, pano niya sasabihin sa ina na kasama niya ang mokong na 'to. Nahihiya siya, dahil panigurado uulanin nanaman siya ng tukso nito.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status