Share

CHAPTER 2

Clarissa

Napabalikwas na nagising si Clarissa. Masakit ang ulo nya.. Naiiyak sa nangyari sa kanya, Dahang dahang tumayo,pinulot ang mga nakakalat nyang damit saka nagbihis. Tinitigan muna ang lalaking naka una sa pagka babae nya saka dali daling umalis bago pa magising ang lalaki..

Hindi na ako virgin! Huhhuh...ang tanga tanga ko talaga.. ang masakit ay hindi pa nya kilala ang lalaki.

Naalala pa nyang nagmamaka-awa sa lalaki na angkinin cya kagabi.. parang gusto nyang iuntong ang ulo nya sa pader.

Nanlulumong umuwi cya sa bahay nila. tulala cyang pumasok sa bahay nila.Naabutan nyang nagkakape na ang nanay at tatay nya.

“Inumaga ka na anak… ang enjoy ba kayo ng mga friends mo?”

ENJOY?? Eh muntik na cyang ma rape kagabi!..

Hindi nya masabi sa nanay at tatay nya ang nangyari sa kanya. Baka kastiguhin sya nga magulang nya..

Di nga sya na rape pero nawala din ang pina kaiingatan pagkababae nya! Binigay nya ng kusa sa lalaking hindi nya kilala! Wala din pinagka iba…

Naiiyak cya sa nangyayari sa kanyang kamalasan.. Sana hindi nya na makita ang lalaking yun. Nakakahiya! Sana hindi nalang sya bumalik sa Pilipinas!

She has been druged last night!

Anong klaseng drugs ba ang nilagay ng lalaki sa inumin nya.. bakit naging horny cya.. huhuhuh.. nakakahiya! Siya pa ang nagpupumilit sa lalaki!

Nag ring ang cellphone nya. si Patrick yun. Bakla ito pero hindi lantad. Sa kanila lng ito nag laladlad. Pag my ibang tao ay lalaking lalaki ito. Sayang nga at pogi ito. Madaming nagkakagusto sana dito kaya lng ay hindi daw talo.

“Huy babaita san ka kagabi? Bakit di ka na nagpakita samin?”

Naiiyak cya, di nya alam kung ikukwento nya ang nagyari sa kanya..

“B-baks! Sigaw nya, un ang tawagan nilang magkakaibigan… short for bakla.

“Di nako Virgiiin! Huhuhuh”

“Huh? What happened?” nag aalalang tanong ni Patrick.

Ikinuwento nya ng detalyado ang nangyari kagabi.

“Sa kabilang bar na pununtahan ko pinainum ako ng pills ng isang lalaki, buti nalang tinulungan ng poging lalaki, ang problema sa kanya ko ibinunton ang pagkahayok ko sa laman kagabi. Huhuh”

“Anu ba ang pina inum sau?”

“Ewan! basta parang naging manyak nalang ako kagabi..”

“Hindi nako virgin baaaaks!huhuuh”

Pogi ba naman ang Good Samaritan?”

“O-oo…” maikling sagot nya.

“Yun nalang isisipin mo baks.. at least yummy ang naka una sayu hahaha.”

“Kesa naman dun ka mapunta sa lalaking manyak na ang drug sayo. Malamang baka sa kangkungan ka na pinulot ngayon”.. dagdag ni Patrick

Biglang sya natakot sa thought na muntik nga cyang ma-rape kagabi, what if hindi cya tinulungan ni Mr. Good Samaritan?

“Dapat nga magpasalamat ka pa ky Mr. Good Samaritan eh.”

“Shut Up baks, hindi ka nakakatulong!”

“Hahaha.. look on the brighter side nalang baks...25 years old ka na dapat matagal ng basag yang petchay mo. Ano plano jan, buruhin?”

“Kung ako lang babae malamang gamit na gamit na ang petchay ko hahaha.”

“Bwisit ka talaga!”

Narining nyang kumatok ang nanay nya, "Clarissa bumaba ka na at kakain na…"

“Ok nay!”

Nag paalam na cya ky Patrick at lumabas ng kwarto.

Simpleng lng ang pamumuhay nila. Katiwala ang nanay at tatay nya sa hacienda ng mga Villaruel . Kung hindi dahil ky Don Miguel Villaruel ay baka hindi cya makapag aral ng nursing at hindi punta sa New York.

Pina uwi cya ni Don Miguel dahil kailangan daw sya nito, may sakit daw at gusto ng matanda ay sya ang mag aalaga dito.

Wala naman problema sa kanya iyon, mahal na mahal nya din kasi ang matanda, para na nya itong sariling lolo. Kaya alaalagan nya ito hanggang sa abot ng kanyang makakaya.

Malaki ang utang na loob nya ky Don Miguel, hindi nya kayang pabayaan ito. Cya ang mag aalaga dito…makabawi man lng sa tulong na binigay nito sa pamilya nya.

“Anak pagkatapos mong kumain jan bisitahin mo si Don Miguel, hinintay ka na nun..

Miss nya na din ng matanda. Pupuntahan nya agad ito.

Pagkatapos mag almusal ay inayos nya ang mga pasalubong para sa Don na galing New York. Nag ayos na cya at pumunta na sa mansyon.

Balo na ang don, ito nalang nakatira sa mansion. kasama ang mga katulong sa bahay, nag iisa lng ang anak nito, sa manila na nakatira kasama ang nag iisang anak din nitong lalaki. Hindi pa nya nakikita ang apo nito dahil sa UK daw ito nag aral.

Matikas pa naman ang Don, hindi pa ito balido, kitang kita sa hitsura nito na pogi ito ng kabataan nya.

Ang don ang may ari ng pinaka malapad na bahagi ng manggahan sa buong San Sebastian. Ang nanay at tatay nya ang pinagkakatiwalaan nitong pamahalaan ang manggahan ng don.

“Aling Klaring kamusta po?” bati nya sa matandang mayordoma ng nakarating na cya ng mansion.

"Ikaw pala Clarisa…dumating ka na pala galing America?.”

“Kita mo nga naman, lalo kang gumanda bata ka!" masayang sabi ng katulong sa bahay.

5”11 ng height nya, maputi cya kahit sa hacienda cya lumaki. Namana nya ang pagka mestisa nya sa lolo nya na my dugong kastila, mukhang anak mayaman nga daw sya. Mestiza pero chinita cya kaya sinong mag aakala na anak lng cya ng katiwala sa hacienda.

“Ikaw ba ay may kasintahan na?”

“Wala pa po yan sa isip ko Aling Klaring!”

“Buti ka pa at mabait na bata.”

“Kamusta na po pala si Zenie?” Anak ito ni Aling Klaring na kababata nya.

“Haaay naku Clarisa, sakit sa ulo! Laging ginagabi sa pag uwi, pa iba iba ng boyfriend!”

“Di na ako magugulat isang araw pag maagang mabuntis ang batang yun!” Masama ang loob ng matandang nag kukwento sa kanya.

Matagal na din ito naninilbihan sa manyon, ang asawa at anak nitong dalaga ay dito na din ang ta-trabaho sa mansion.

Classmate sila dati ni Zenie, pinag aaral din ito ni Don Miguel pero mahina ang utak nito at puro lakwatsa. Si Zenie na mismo ang umayaw sa pag aaral kaya nanghinayanang si Aling Klaring sa oputunidad na binigay ni Don Miguel dito.

Kaya tuloy parang naiinggit si Zenie sa kanya dahil lagi ng nalang daw sila pinagkukumparang dalawa. Pabida daw cya lagi at s****p.

Ayaw nya lang naman mawala ang tiwala ni Don Miguel sa kanya kaya pinagbubutihan nya. Bahay- swekalahan lng cya dati. Kung wala naman cyang pasok ay pumupunta sya sa mansion para makipag kwentuhan ky Don Miguel at pinag sisilbihan ito, yun kasi ang gusto ng don na pag hindi daw cya busy ay puntahan nya ito sa mansion para maaliw naman ang matanda.

Hindi cya pala barkada kahit pa lagi cyang niyaya ni zenie. Boring daw ang life nya. itinuon nya ang oras sa mansion pag wala cya pasok sa school. . Parang si don Miguel na tuloy naging barkada nya.

“Nasaan po si Don Miguel?”

“Nasa library iha, inaasahan ni Don Miguel ang pag bisita mo ngayon, hala puntahan mo na.”

“Ito nga po pala pasalubong ko sayo.”

Tuwang tuwang ang matanda sa pasalubong nyang bulaklaking bestida.. nakangiti ang mga mata nito. parang batang nakatanggap ng bagong laruan.

“Salamat Clarissa, ngayon lng ako nagkaroon ng ganito kagandang bestidang mamahalin, isusuot ko ito pag simba ko sa linggo, siguradong maiinggit sa akin ang mga kumare ko” Nakangitng sabi nito.

“Welcome po Aling Klaring, puntahan ko po muna si Don Miguel”.

Pagkatapos mag paalam ay nag tungo na sya sa library kung nasaan ang Don.

Pumasok cya sa library, andun ang matanda nag babasa..

“Don Miguel!!” Sigaw nya..tumakbo sya dito sa niyakap ang matanda.

“Clarissa, buti naman at andito ka na! Miss na miss na kita iha!”

“Ano ang nangyari sayo?..may nararamdaman ka ba? Sabi ni nanay may sakit ka daw?”

Sinipat sipat ni Clarissa si Don Miguel.

Natatawa ang Don sa ginawa ni clarissa sa kanya.

"Stop it iha, nakikiliti ako."

“San ba masakit sayo? Akin na tingnan ko.”

“Ahhm”

Napatigil siya sa pag yakap sa matanda ng my gumawa ng ingay sa likod nila. My kasama pala ang don sa library. Akala nya ang nag iisa ito.

Na excite cya masyado Makita ang Don at hindi nya na napansing may tao pa pala doon bukod sa kanilang dalawa.

Nilingon ni Clarissa ang nag salita sa likod. Nagulat sya kung sino ito…

Ang lalaking nauna sa pagka babae nya! Si Mr. Good Samaritan!

Ano ang ginnagawa nito dito?

“Hello there… Again” sabi ni Reed.

Nakasandal ito sa lamesa. naka tingin sa kanilang dalawa ni Don Miguel.

“Magkakilala naba kayo apo?” Tanong ni Don Miguel sa lalaki?

“APO?”

Ito ba ang apo ni Don Miguel? Pag napaglaruan ka naman talaga ng tadhana oh!

“No, lolo.. I did not formally introduced myself to her.. bigla kasi ako nilayasan” Sagot ni reed.

“What did you say apo?”

“Nothing lolo”

Naka yuko lng si Clarissa, sana hindi sya namukhaan ng lalaki, pero imposible yun. Titig na titig ito sa kanya

“Is she your girlfriend lolo?, ang galing mo pumili ng girlfriend lolo. She's gorgeous!”

Tanong ni Reed sa matanda. Para kasing OA ang babae sa pag alala sa lolo nya. Baka piniperahan lng nito ang lolo nya.. nag tiim bagang syang naka tingin sa babae, nakayuko lng itong parang nahihiya.

Akala siguro di cya maalala nito… paanong hindi maalala eh hindi na nga ito naalis sa isip nya simula nung may nangyari sa kanila kagabi.

At ang malala pa umalis ito ng hindi nya alam kung taga saan ito o ang pangalan nito.

Ang malakas na tawa ng lolo nya ang nagpabalik huwisyo sa kanya..

“No apo, she is not my girlfriend… cya si Clarisa, anak cya ng katiwala natin sa manggahan, kakadating nya lng galing New York, nurse sya doon.”

“Since andito na din kayong dalawa, gusto kong malaman nyo na kayo ang gusto kong ipakasal pag dating ng panahon.”

“Siya ang gusto kong mapangasawa mo apo.”

Natahimik silang dalawa ni Clarisa, napatingin sila bigla sa matanda..

“What did you say lolo?”

“You heard me apo, don’t let me repeat what I said..”

“Ahmm Don Miguel..”

“Call me Lolo Miguel, Clarisa.” Sabat ni Don Miguel

“Ahmm Lolo Miguel.. akala ko pina uwi mo ako dahil my sakit ka?..”

“Wala akong sakit Clarisa… sinabi ko lng yun para umuwi ka. Alam ko namang hindi mo ako matitis”

“Gusto ko na kasing mag asawa na itong apo ko dahil wala na itong ginawa kundi mambabae…matanda na ako. Gusto ko pang makita at makalaro ang mga apo ko..”

Apo agad? sa isip ni Clarisa..

Naka tingin lng si Reed sa kanya as if sumasang ayon sa gustong mangyari ng lolo nito. Wala man lang itong sinasabi para salungatin ang lolo nya.

“Pero lolo bakit ako? Madami naman palang babae ang apo nyo eh.. saka sabi mo babaero cya di ba? Matiis mo bang ipakasal ako sa isang babaero? Hindi ka ba naaawa sa akin lolo?”

“Hahahah.. Clarisa dear mabait yang apo ko. Pilyo lng…saka hindi ka na lugi jan, tingnan mo naman kung gaano kapogi yan, mana ata sa lolo yan hahaha..di ba sabi ko naman sau dati na ipapaksal kita sa apo ko?”

“O-oo lolo pero hindi ko naman akalain na totohanin mo yung sinabi mo. Joke joke joke lang natin yun eh..” naiiyak na si clarissa,

Di nya akalain na pagtapak nya sa pilipinas ay puro kamalasan ang mangyayari sa kanya. Muntik na nga sya ma rape ngayon naman ay magkaka asawa pa ata cya ng wala sa oras.

“Lolo stop teasing Clarisa, naiiyak na cya eh”. Sabi ni Reed.

"Pero I'm not joking, gusto ko kayong magpakasal sa lalong madaling panahon. After all pareho na kayong nasa tamang edad... 25 ka na Clarisa ang 28 ka naman Reed. Mahabang paliwanag ng matanda.

Oh cya iwan ko muna kayong dalawa dito. Magpapa handa lng ako ng makakain natin. Mag usap muna kayo jan, ipapatawag ko nalang kayo mamaya.

Lumabas na ang matanda..

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status